Rocky Point Of View
I'm nervous with every step I take down the stairs, this is the day where I'm going to race with Caleb and I don't even know if he knows how to drive a motorbike.
I feel guilty about this deal and I want to stop it but how? Someone will lose their job just because of me.
Pagbaba ko ng kusina ay naririnig kong nagkukwentuhan si manang at si mang kanor.
"Ano bang nangyari kay Caleb at nakaempake na ito, sinisante ba ito ni Rocky?" Napakagat ako sa aking labi dahil sa narinig ko.
"Aba'y hindi ko alam wala naman nababanggit si sir Rodrigo." Napayuko ako at hinawakan ang nuo ko.
Lumabas ako ng bahay at nakita kong nakatayo si Caleb sa harapan ng kotse, alam kong hinihintay nito ako katulad ng usapan namin. Napalunok muna ako ng aking laway bago humakbang at sa bawat hakbang ko ay siya naman bilis nang t***k ng puso ko.
"Let's go." Maikling wika ko habang papasok ng kotse.
"Akala ko ba gagamitin mo ang motor mo papasok ng V. E. M? " Napalingon naman ako dahil nakalimutan ko ang tungkol dito.
"Sa Shop tayo dideretso, nakalimutan mo na ba na mamimili ka ng motor na gagamitin mo sa race natin mamaya." Napatawa naman ito, at sumakay na rin sa loob ng kotse.
"Talagang tuloy na tuloy na ah, hindi ka ba aatras?“ Nakangiti pa ito habang pinapaandar ang sasakyan. Ano bang sinasabi niya?
"Bakit naman ako aatras? Hindi ba dapat ikaw ang umatras?" Hindi na ito muling nagsalita pa. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang nasa isip ng taong ito, hindi ako sanay na ganito araw araw ang mangyayari sa tuwing kasama ko ito.
"Good morning Boss Rocky." Ngumiti ako kay Larraine habang pababa ng kotse.
"Tell Kevin to give caleb a good class motorbike." Nagmadali naman si Larraine na pumasok sa loob upang tawagin si Kevin.
Bumaba rin si Caleb sa kotse at mariing itong nakatitig sa akin na tila ba mayroon itong gustong sabihin, inaalis ko ang tingin dito at pumasok sa loob ng opisina ko.
"Good morning Boss Rocky, nasa office na ninyo ang mga files ng bagong model ng mga motor." Tumango naman ako kay Denise at dumeretso na sa loob.
Sumilip ako sa bintana at nakita kong nag-uusap na sina Caleb at Kevin. Napaupo ako sa upuan at gulong gulo kung itutuloy ko ba talaga o hindi.
Pumasok sa loob ng opisina ko si Kevin habang nasa likod nito si Caleb. Napatayo naman ako dahil dito.
"Boss nakapili na si Caleb, anong susunod pang gagawin?"
"Bakit ang bilis naman ata?" Napakunot ang nuo ko habang si Kevin naman ay nagkibit balikat lamang.
"Pare pareho lang naman ang motor at isa pa matatalo din naman ako." Napatingin naman sa akin si Kevin na tila ba nagtataka sa kung anong sinasabi ni Caleb.
"Alright, sasamahan ka ni kevin para makapagpractice ka at magamay mo ang motor na napili mo." Napangisi ito sa akin at lumabas ng opisina ko kaya naman sinundan ko ito.
"Caleb sandali lang." Diretso pa rin ito sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parkingan, sumunod naman sa amin ang mga staff ko na naguguluhan din sa nangyayari.
"Caleb, sandali nga." Huminto ito at humarap sa akin.
"What else do you want? I've already given you all the favors, I'm just doing this to end our deal." Dugtong ko pa.
"OK, tawagan mo na lang ako kung susunduin na kita." Umalis ito at hindi ko alam kung saan ito pupunta samantalang ay nanatiling nakatayo sa lugar ko at hindi maintindihan ang takbo ng isip ng taong ito.
Nagpasiya akong umuwi muna ng bahay dahil masama ang pakiramdam ko hindi dahil maysakit ako kung hindi dahil sa masama ang loob ko sa sarili ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung ba nasasaktan ako dahil sa deal na ito.
Napalingon ako sa aking telepono nang mag-ring ito.
"Hello Kevin.“Wika ko rito habang papaupo ako sa kama.
"Nandito na si Caleb Boss, pinasuot ko na rin siya ng protective gear pero ayaw niya." Napalingon naman ako sa aking relo at alas sais na ng hapon.
Bumaba ako at nagpunta sa garage sinuot ko ang helmet ko at sinimulan paandarin ang motor. Nagtungo ako kung saan kami magre race ni Caleb.
Nakita kong nakasakay na rin si Caleb sa motor at ang tanging suot lamang nito ay ng helmet na nakikitang kong gamit ni kevin.
Lumapit sa akin si Kevin at sinabi na ayaw talaga nitong magsuot ng protective gear, tumango na lang ako dahil ayaw ko ng makipagdiskusiyunan dito at gusto ko lang na matapos na ito.
Pumwesto ako sa gilid ni Caleb kung saan magsisimula ang race, napalingon pa ako rito ngunit hindi man lang ito tumingin sa akin bagkus ay nakafocus lang ito.
Best of three lang ang usapan, at 450meters lang track kaya mabilis lang ito dahil hindi ko alam kung kayanin ba ni Caleb ang 45minutes.
Ilang beses akong napalingon kay Caleb pero wala akong nakuhang tingin dito kaya naman sumeniyas na ako kay Kevin na simulan na nito.
Itinaas ni Kevin ang flag at mabilis kong pinaandar ang motor na gamit ko nakita ko pa sa aking side mirror na malayo ang pagitan namin ni Caleb, kaya naman sa unang laps ay ako ang nagwagi.
Sa pangalawang laps naman ay nanalo si Caleb at nakita ko ang saya sakanyang mukha.
"Last na ito kaya galingan mo, kung ayaw mong sundin ang lahat ng gusto ko." Napangisi pa ito habang nakatingin sa akin, hindi ba niya alam na pinagbigyan ko lang siya.
"Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan kung ayaw mong mawala ng trabaho." Narinig ko ang mahinang pagtawa nito na tila ba siguradong sigurado na siya ang mananalo.
Pinatakbo ko nang matulin ang motor nang itinaas ni kevin ang bandera, tiwala ako sa sarili ko na ako ang mananalo sa karerang ito.
Nang biglang maabutan ako ni Caleb at mapalingon dito, nakita ko ang mga mata nito na nakatitig sa akin at akoy kanya nitong kinindatan kaya naman pagkatingin ko sa aking harapan ay ibang direksyon na ang napuntahan ko kaya mabilis ko itong kinabig at mawalan ng balanse kaya naman natumba ang motor kasama ako na bumagsak sa semento.
Nakita ko pang huminto si Caleb ngunit tumuloy pa rin ito. Saka lang nito ako binalikan nang masiguro nito na siya na ang nauna at manalo sa race na ito.
Inilahad nito ang kanyang kamay ngunit hindi ko iyon kinuha sakto naman ang dating ni kevin.
"Boss, Boss OK lang ba kayo, buti na lang talaga at suot ninyo ang protective gear ninyo kung hindi napuruhan na kayo." Itinayo ako ni Kevin, saka nito sunod na itinayo ang motor ko na nakatumba rin.
Hinawakan ko ang braso ko at nakita kong tumutulo ang dugo rito, itinaas ko ito ngunit napangiwi lang ako sa sakit. Nasira pala ang elbow pads na suot ko at nabutas ang jacket na suot suot ko.
Lumapit naman sa akin si Caleb at tinanggal ang helmet na suot ko pati na ang chest protector at ang leather jacket ko kaya mas lalo lang tumulo ang dugo sa siko ko, nakita ko naman sa mga mata nito ang pag-aalala sa akin.
"Halika kana dadalhin na kita sa hospital." Hindi naman na ako tumanggi dahil pinagpapawisan na ako sa sakit.
Kinuha ni kevin ang kotse saka kami sumakay ni Caleb. Naiwan na si Kevin dahil kailangan pa niyang dalhin sa shop ang mga motor na gamit namin.
"Ayos ka lang?“ Tanong nito at tumango naman ako, napalingon ako sa labas ng bintana dahil napapangiwi na ako sa sakit at ayaw kong ipakita rito, gusto ko na lang makarating kaagad sa hospital.
Puro dugo na rin ang damit ko kahit na ang pants na suot ko.
Napapansin kong palinga linga sa akin si Caleb ngunit tiniis kong huwag tignan ito.
Naluluha na ang mata ko at halos tumulo na ang sipon ko dahil sa sakit kaya naman napapasinghut na ako.
"Rocky, ayos ka lang ba malapit naman na tayo." Hindi ako umimik at pinikit pikit ko naman ang mga mata ko para pigilan ang luha kong huwag tumulo.
Nang makarating kami sa hospital ay kaagad kong binuksan ang pinto ng kotse at pumasok sa loob hindi ko na hinintay si Caleb na pagbuksan pa ako. Inassist naman nila ako agad sa hospital at umupo sa emergency room.
"Sir pakialalayan naman po ang girlfriend ninyo na maupo sa wheelchair at magpunta po sa xray room." Wika ng isang nurse at nagtinginan naman kami ni Caleb na nuo'y nasa likuran ko pala.
"Hindi ko siya boyfriend." Sagot ko naman sa nurse.
Nang masuri na ako ng doctor ay binigyan nito ako ng mga gamot at nilagyan ng bandage at arm supporter ang siko ko.
Habang nasa sasakyan kami ni Caleb ay nagiisip ako kung ano ang ipapaliwag ko kila mom at dad dahil siguardo ako magtatanong sila pagnakita ako.
Hindi nga ako nagkamali pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay ay kaagad akong sinalubong ni mom.
"What happened to you Keitlyn." Inalalayan ako ni mom na maupo.
"Why is there so much blood on your clothes, what happened?" Tanong naman ni dad.
"I had an accident but don't worry because I'm fine mom dad." Narinig ko ang malakas na mura ni dad, inaasahan ko na mangyayari ito.
"Kasalanan ko po mam sir, kung hindi ko hinayaan si mam Rocky na mag motor hindi sana siya madidisgrasya." Napalingon naman ako at naroon si Caleb sa harapan ng pinto.
"What? I trust you Caleb, I told you to watch over my daughter." Lalapit na sana si dad dito ngunit pinigilan ko ito.
"Dad, huwag ninyong sisihin si Caleb kasalan ko kung bakit ito nangyari dahil nagpumulit ako, please dad I want to rest now, please." Tumayo ako habang inalalayan ni mom patungo sa kuwarto ko.
Iniwan ako ni mom sa kuwarto at kumuha ng first aid kit dahil may mga galus din pala ako sa mga kamay.
Napakunot nuo ako habang tinitignan ang arm supporter na nakakabit sa siko ko. Paano na ang pagmomotor ko ngayon kung ganito ako? Hindi na ako makakapunta sa charity foundation at hindi na ako makakapagrace nito. Napasuntok na lang ako sa aking kama habang iniisip ang nangyari at sakto naman ang pag pasok ni mom sa loob.
"Are you sure you're OK Keitlyn? Do you want to consult another doctor?" Umupo ito sa tabi ko at kinuha ang kamay ko.
"Yes mom I'm OK don't worry, napilayan lang naman ako and the doctor said that I would be able to recover quickly because of the medications he had prescribed." Tumango lang ito at napatitig sa akin.
"Kaya nagaalala sa iyo ang dad mo ng sobra dahil dito, dahil ayaw niyang mangyari sa iyo ito kaya ayaw niyang gumamit ka ng motor anak." Ibinaba ko ang tingin at inalis ang kamay na hawak ni mom.
"It was just an accident mom, don't worry next time I'll be careful."
Lumabas na ng kuwarto ko si mom, alam kong nagaalala lang sila sa akin at isa na naman itong dahilan para pinigilin ako ni dad sa pagmomotor.