Rocky Point Of View
Nagpasiya muna akong magleave sa trabaho ng isang lingo at dahil doon ay hindi natuloy sina dad at mom papunta ng Australia.
Alas diyes na ng umaga nang magising ako at dumeretso sa kusina naabutan ko roon sina manang, mang Kanor at Caleb na nagaalmusal.
"Gising ka na pala Rocky, sandali ipaghahanda kita ng almusal mo maupo ka na roon sa dinning table at hintayin mo ako." Tumayo si manang at kumuha ng kubiyertos saka naghanda ng kakainin ko.
"Hindi po ako gutom manang." Naglakad ako patungo sa ref at binuksan ko iyon saka kumuha ng tubig at isinalin ko iyon sa baso.
"Umupo ka rito Rocky, kumain ka." Narinig ko ang boses ni Caleb kaya naman napalingon ako sakanya ngunit patuloy pa rin ito sa kanyang pagkain.
Hindi ko iyon pinansin at ininum ang tubig na isinalin ko.
"Ikaw na bahala dito Kanor dahil mamamalengke pa ako, oh siya maiwan ko na kayo." Humarap naman ako at nakita kong nagmamadaling umalis si manang.
"Caleb ikaw na ang magligpit dito nakalimutan ko palang mayroon ipinapagawa si sir Rodrigo." Tumayo rin si mang Kanor at lumabas din ng kusina. Napakunot naman ang nuo dahil sa ipinapakita ng mga ito.
Tumayo naman si Caleb at hinawakan ang braso ko.
"Umupo ka rito at kumain ka." Nanatili akong nakatayo at nakatitig lang dito.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi ako gutom." Mariing din nito akong tinignan at humakbang pa palapit sa akin.
"Baka nakakalimutan mo Rocky na nanalo ako sa race natin at dahil nanalo ako susundin mo lahat ng gusto ko at ipapagawa ko sa iyo katulad ng usapan natin." Naalala ko nga ang tungkol doon, hindi ko akalain na tuloy pa rin pala kahit ganito na ang nangyari sa akin.
Kumuha ito ng plato at nilagyan ng kanin, itlog, hotdog at ham na nasa mesa saka nito inabot ang kubiyertos sa akin. Nagsalin din ito ng gatas at ipinatong sa harapan ko saka siya muling umupo sakanyang upuan.
"Bakit ang dami naman? Alam mo bang diet ako?" Binawasan ko ang kanin sa aking plato saka ko naman binalik ang hotdog at itlog sa lagayan ngunit ibinalik lang nito muli sa aking pinggan.
"Mayroon ka pang diet diet na nalalaman eh ang payat payat mo nga ubusin mo iyan." Wala akong nagawa kung hindi umpisahang kainin lahat ng nasa plato ko, napalingon ako dito saka ito napapatawa.
"Masamang magsayang ng pagkain." Dugtong pa nito atnagsimula itong magbalat ng mga prutas na naroon.
Pagkatapos kong kumain ay halos hindi na ako makatayo sa sobrang dami ng aking kinain.
Tatayo na sana ako nang ilagay nito sa harapan ko ang mga prutas na kanya nitong binalatan.
"Huwag mong sabihin na kakainin ko lahat ng ito? Busog na busog na ako Caleb wala ng space ang mga iyan sa tiyan ko." Ngumiti lang ito at kinuha ang mga pinagkain sa mesa saka nito iyon sinimulan hugasan.
"Pagkatapos mong kainin lahat iyan samahan mo ako." Humarap ito sa akin saka ito kumindat.
"Seriously Caleb? Kakainin ko lahat ng ito? At saan naman tayo pupunta?" Hindi ito sumagot bagkus ay nagkibit balikat ito.
Natapos kong kainin lahat ng prutas na binalatan ni Caleb, umakyat ako sa aking kuwarto at nagpalit ng damit dahil aalis daw kami katulad ng sabi nito.
Bumaba ako at dumeretso sa garahe, nakita ko naman na naroon na sa loob ng kotse si Caleb kaya naman pumasok na rin ako sa loob, lumingon ito sa akin at tinitigan ako.
"Why?“ Nakipagtitigan din ako dito habang sinusuot ang sunglasses ko.
"Buksan mo ang gate." Ngumuso ito at tinuro ang gate.
"What?"
"Sabi ko buksan mo ang gate." Napangisi ako dito at napahalukipkip.
"Akala ko susundin mo ang lahat ng gusto ko? Bakit parang hindi ka naman ata sumusunod sa pinagka sunduan natin?" Dugtong pa nito, sabagay may punto nga ito natalo ako sa race kaya marapat lang na ibigay ko sakanya ang premyo at iyon ay ang pag sunod ko sa gusto nito.
"Fine!" Binuksan ko ang pinto ng kotse saka ko ito binagsak pasarado at nagtungo ako sa gate, binuksan ko iyon at sinenyadan ko ito na lumabas na dahil sigurado ako na ako rin naman ang magsasara do nito.
Nanatili akong tahimik sa loob ng kotse habang papunta kami kung saan dahil wala naman itong binabanggit kung saan kami papunta.
"Kailan ang Check up mo? Masakit pa rin ba?" Hindi ako lumingon dito ngunit sinagot ko naman ito.
"Nextweek, OK naman na hindi na rin masakit sinabi ko kay Dr. Froilan na bigyan ako ng magandang klase ng gamot para mapabilis ang recovery ko at makapag motor ako kaagad."
"Hindi naman kasi mangyayari ito kung hindi dahil sa iyo." Dugtong ko pa na siya naman nitong mabilis na iprineno ang kotse halos mauntog pa ang ulo ko sa harapan kung hindi lang ako nakaseatbelt.
"What the hell are you doing?" Humarap ako dito at inalis ang eyeglasses ko.
"Anong sabi mo? Sinisisi mo ba ako kung bakit nangyari sa iyo iyan? Alam mo naman kasing nakikipag race ka nakuha mo pang makipagtitigan sa akin." Saka nito muling pinaandar ang kotse.
"Kung hindi mo ako kinindatan hindi mawawala ang focus ko sa race." Napatawa naman ito dahil sa sinabi ko.
"Anong tinatawa tawa mo diyan? Saan ba kasi tayo pupunta kanina pa tayo bumabyahe." Dugtong ko pa at sinuot muli ang sunglasses ko.
Nakarating kami sa isang pamilyar na bahay pero hindi ko matandaan kung saan ko ba ito nakita na tila ba nakapunta na ako dito dati pa. Bumaba ako sa kotse gayun din si Caleb at lumabas ang isang ginang na kaagad naman sinalubong ni Caleb, nagyakapan pa ang mga ito samantalang ako ay nanatiling nakatayo sa aking pwesto.
Ngumiti sa akin ang ginang at nginitian ko rin ito. Ito ba ang nanay ni Caleb? Napakunot nuo ako dahil ang sabi ni Mrs. Reyes ay nasa Australia ito.
"Siya ba ang anak ni Don Rodrigo? Akala ko ba babae ang magiging amo mo anak?" Napangiwi naman ako dahil sa sinabi nito at napatingin ako sa aking damit ano bang mali sa suot ko? Bukod sa mayroon arm supporter ang braso ko ay naka rubber shoes, black pants, t-shirt at leather jacket lang naman ako.
"Auntie Hasmin babae po ang amo ko si Rocky, Malabo na po talaga ang mga mata ninyo at kailangan na ninyong palitan ang inyong salamin." Sagot naman ni Caleb at lumapit naman ito sa akin.
"Aba'y pasensiya ka na iha malabo na nga siguro ang mata ko at hindi na kita nakilala dahil ang alam ko si Ronald at si Keitlyn lang ang anak ni Don Rodrigo mayroon pala." Hinawakan nito ang mukha ko at tipid naman ang ngiti ko.
"Kamukhang kamukha mo si Keitlyn, ang batang iyon maliit pa noong huling namasyal dito." Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ng ginang, mukhang nasa 65 palang ito pero sa tingin ko mayroon na itong alzheimer's disease.
Lumapit naman ako dito at Niyakap ko ito naman mahigpit, hindi ko man ito matandaan ngunit alam kong naging parti ito ng buhay ko dahil magaan ang loob ko dito.
"Ako po si Keitlyn auntie Hasmin." Wika ko at ngumiti ito ng malaki.
"Aba'y halika ka nga dito anak, ang sabi mo sa akin Rocky ang pangalan niya siya pala si Keitlyn iyon alaga ko dati dito sa mansion." Kinurot nito ang tagiliran ni Caleb at ito'y napangiwi kaya naman napatawa ako dahil sa itsura nito.
Dinala kami ni Auntie Hasmin sa likod bahay kung saan mayroon mga upuan at mesa na gawa sa kawayan, lumabas naman ang isang babae at mayroon itong dala dalang meryenda ibinaba nito iyon sa may mesa at ngumiti pa sa akin.
"Nabanggit sa akin ni Auntie Hasmin ang tungkol sa mansion, ang ibig sabihin ba ito ang mansion namin at siya ang caretaker dito?" Napalingon naman sa akin si Caleb at tumango ito.
"Mansion ninyo ito Rocky pero parang hindi mo alam." Napailing naman ako at kinuha ang kakanin sa mesa.
"Hindi ko alam ang tungkol dito sa mansion na ito, hindi ko nga rin matandaan kung nakapunta na ba ako dito malamang bata palang siguro ako noon kaya hindi ko matandaan." Nagkibit balikat ako saka sinimulan kainin ang kakanin na hawak ko.
"Wait siya pa rin ba ang care taker dito?" Dugtong ko pa.
"Pinapatigil na siya ng mga anak niya na magbantay dito sa mansion pero mapilit eh ang sabi niya dito na raw siya mamamatay kaya ayan si Cindy ang pinsan ko siya ang kasama niya dito." Habang tinuturo nito ang babae.
Magtatanong pa sana ako nang biglang tumunog ang telepono nito.
"Hello Tonet, ah oo nga hindi natuloy ang date natin may importante kasi akong pinuntahan, sige bukas nalang." Ibinaba nito ang kanyang telepono at nagsimula itong magtext, sa bawat tunog ng telepono nito ay siya naman ngiti nito.
Naiirita ako dahil sa nakikita ko kaya nagpasiya akong pumasok sa loob ng bahay, halos lahat ng mga gamit dito ay nakatakip ng puti gusto ko pa sana umakyat sa ikalawang palapag ngunit natatakot naman ako. Nang biglang sumulpot sa likuran ko si Cindy, at napahawak pa ako sa aking dibdib.
"Pasensiya na po, nagulat ko po ba kayo?" Umiling naman ako kahit na ang totoo'y muntik na akong himatayin dahil dito.
"Hindi naman, pwede mo ba akong samahan sa itaas natatakot kasi akong umakyat mag-isa alam mo na baka mayroon multo o asawang sa itaas." Napatawa naman ito dahil sa sinabi ko na halos mangiyak ngiyak pa ito.
"Wala naman pong multo o asawang dito sa bahay ninyo dahil araw araw po kaming nandirito ni nanay." Ngumiti naman ako saka kami nagsimulang umakyat sa itaas.
Napakalinis nga at wala kang makikitang alikabok halatang halata nga na alaga talaga ang bahay na ito.
"Napano po ang braso ninyo? Tanong nito habang papasok kami sa isang silid doon.
"Naaksidente ako sa motor, Cindy pwede bang magtanong?“ Umupo kami sa kama na naroon sa silid.
"Nasaan ang magulang ni Caleb?“ Nakita kong nagulat ito dahil sa sinabi ko napalingon pa ito sakanyang likuran bago magsalita.
"Atin atin lang po ito ah huwag po ninyong sasabihin kay kuya Caleb na may binanggit ako sa inyo." Ngumiti ako sakanya at nakipag pinky promise.
"Matagal na pong patay ang papa ni kuya Caleb kapatid po iyon ni mama, at ang mama naman po niya nasa Australia po. Namatay po si tito dahil sa konsumisyon sa mama ni kuya Caleb dahil po nanlalaki ito." Nagulat naman ako dahil sa narinig ko.
"Kaya nga po tinanggap ni kuya Caleb ang trabaho na ibinigay ni Don Rodrigo dahil po nagiipon ito papuntang Australia para hanapin ang mama niya." Dugtong pa nito at napalunok naman ako dahil sa sinabi nito, halos walang lumabas na salita na mula sa aking bibig. At iniba na nito ang aming usapan.
Bumaba kami ni Cindy sa ibaba na halos lumuha na sa kakatawa dahil sa mga kwento nito, napansin ko naman na nakaupo pa rin roon si Caleb habang hawak pa rin ang telepono nito.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Lumingon ito sa akin at ibinalik muli ang kanyang tingin sa kanyang telepono.
"Mamaya na kayo umuwi ni kuya Caleb mam, samahan na po muna ninyo kami sa maliit namin taniman para may maiuwi kayo at may maidala po sa charity foundation." Hindi na ako nagulat doon dahil nabanggit na rin iyon ni Mrs. Reyes kaya naman tumango na lang ako.
Dinala niya ako dito tapos hindi rin niya ako kakausapin? Ano na naman bang trip nito? Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa upuan roon nangangawit na ang puwitan kong nakaupo sa upuan na yari sa kawayan.
Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng telepono ko sa aking bulsa kaya mabilis ko itong kinuha.
"Hello Farrah." Bati ko dito sa kabilang linya.
"Rocky I heard what happened to you? Are you OK? Pupuntahan kita diyan, anong sabi ng doctor? Kailangan bang operahan ka?" Tanong ni Farrah ng pasigaw, nailayo ko pa ng bahagya ang aking telepono sa aking tenga dahil sa lakas ang bunganga ni nito.
"Farrah stop it, calm down baka maghisterical ka na niyan. I'm fine don't worry, and huwag ka na magpunta sa bahay alam kong busy ka at stress sa business mo kaya huwag ka ng magalala OK?" Napalingon naman sa akin si Caleb ngunit hindi ko ito tinignan.
Ibinaba na ni Farrah ang kanyang telepono dahil may dumating itong mga kliyente. Sumunod naman na tumawag si Wilson, alam kong nai marites na ito ni Farrah kaya naman inaasahan ko na ito habang hindi naman maalis ni Caleb ang tingin nito sa akin habang kausap ko si Wilson sa kabilang linya.
"Hello Wilson, I'm fine don't worry." Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa kotse, pumasok ako roon at iniunat ko ang aking mga paa.
"Are you sure? I'll see you after work, OK?" Ibinaba ko ang telepono ko at ipinatong sa harapan ng kotse, napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Caleb at nakatingin rin ito sa akin.
Isinuot ko ang sunglasses ko at sumandal sa upuan.