Chapter 12

2227 Words
Rocky Point Of View Hindi ko namamalayan na napaidlip pala ako kung hindi ko pa naramdaman ang bigat sa aking paa dahil sa pagkakangalay. Iminulat ko ng bahagya ang aking mga mata at sumilip sa paligid, napalingon ako sa aking tabi dahil nakarinig ako ng mahinang paghilik at napamulagat ako dahil nakatulog pala ako sa balikat ni Caleb, dahan dahan kong iniangat ang aking ulo para hindi ito magising, nagtataka nga ako kung bakit nandirito na sa tabi ko itong tao na ito. Napatitig ako sakanyang mukha, napakatangos ng ilong nito ang mahahabang pilik mata nito ang nagpapaganda sa kanyang mga mata, napadako ako sakanyang labi na manipis lang ngunit ang pula pula ng mga ito. Nang bigla itong napamulat at napatingin sa akin, sa sobrang gulat ko ay hindi ko kaagad naialis ang mukha ko sa pagkakatitig dito. "Anong ginagawa mo?" Itunulak nito ang nuo ko, hindi ako makasagot dahil wala akong maisip na isasagot dito. Napalunok na lang ako ng aking laway habang inaayos ang pagkakaupo ko. "Pinagmamasdan mo ba ang mukha ko?" Dugtong pa nito. "Hindi no, ang kapal naman ng mukha mo. Napatingin lang ako sa mukha mo may masama ba? Teka nga hindi pa ba tayo aalis naiinip na ako dito." Kinuha ko ang telepono kung saan ko ito ipinatong at nakita kong ala una na. "Nakalimutan ko uminum ng gamot." Napahawak ako sa aking nuo at tumingin dito. "Ayan na pala sila." Tumingin ako sa harapan ko habang naglalakad papunta sa amin sina auntie Hasmin at Cindy. "Hindi ba't nabanggit sa iyo ni Cindy na pupunta tayo sa maiilit naming taniman." Dugtong pa nito saka naman sumakay ang dalawa sa loob ng kotse. Nakarating kami sa isang bukirin na hindi naman ganoon kalayo sa mansion. May dalawang bahay na mayroon malawak na bakuran at iba't ibang bulaklak na nakapaligid. Bumaba sila sa kotse habang ako ay nanatili naman sa loob, bumalik naman si Caleb at kinatok ang binta at ibinaba ko naman iyon. "Hindi ka ba bababa? Kailangan ko pa bang buksan ang pinto ng kotse?" Padabog akong bumababa ng kotse habang nakakunot ang nuo ko rito na siya naman nitong ikinatawa, hindi pa man kami nakakarating sa bahay na naroon ay lumabas ang tatlong mga bata na sa tingin ko ay edad bente, desisiete at trese ang yumakap ng mahigpit kay Caleb at tinawag nila itong kuya. Napahinto naman ako sa paglalakad ko habang pinagmamasdan ang mga ito, lumingon naman si Caleb at sinenyasan nito ako na lumapit sakanila kaya hindi naman akong nagdalawang isip na lumapit din dito at dumeretso kami sa likod bahay kung saan naroon ang mga iba't ibang klase ng gulay na nakatanim. Mayroon na rin ilan na napitas at nakalagay sa mga tiklis. "Kayo po pala ang anak ni Don Rodrigo mam." Wika ng isa sa mga kapatid ni Caleb na sumalubong sakanya kanina at ngumiti naman ako. "Oo, ako nga pala si Rocky at ikaw anong pangalan mo? Kapatid ka ba ni Caleb?" Tumango naman ito. "Opo, ako po si Crissa, ayon naman po si Christopher at ang bunso si Chelsea." Habang tinuro nito ang kanyang mga kapatid na namimitas din ng gulay. "Ano pong nangyari sa braso ninyo?" Dugtong pa nito habang nakatingin sa arm supporter ko. "Naaksidente ako sa motor." Napansin kong nakatitig pa rin ito sa mukha ko, hindi ko alam kung nagagandahan o nagugwapuhan ba ito sa akin. "kayo nga po, iyong sikat na nagmomotor kaya po pala pamilyar ang mukha ninyo sa akin sandali lang po ah kukuha ako ng ballpen at magpapaautograph po ako sa inyo." Tumakbo ito sa loob ng bahay at pagka balik nito ay mayroon itong dala dalang isang papel. Napangiti naman ako habang binibigay nito sa akin ang hawak nito. "Kunin mo ang cellphone mo at magpapicture tayo para may remembrance ka." Nalungkot ito bigla dahil sa sinabi ko. "Mayroon po akong cellphone kaya lang po luma at sira sira na, hindi po ako mabilhan ni kuya dahil nagiipon po siya." Napalingon naman ako kay Caleb na noo'y namimitas din ng gulay. "Oh huwag ka ng malungkot, OK sige ganito na lang bibilhin kita ng bagong cellphone at ipapadala ko sa kuya mo pero sa isang kundisyon mag-aral na mabuti hah, OK?" Ngumiti ito ng malaki at kaagad ako nitong Niyakap. "Talaga po mam?“ "Rocky na lang, ate Rocky." Sa sobrang saya nito ay halos maluha luha pa ito. "Crissa, bakit nagiipon ang kuya Caleb mo?" Lumapit naman ito sa akin at ibinulong sa tenga ko. "Pupunta po sa ibang bansa ang kuya sa susunod na buwan na." Nakangiti ito samantalang hindi naman ako makapaniwala na aalis din pala ito. Kaya ba isang buwan lang ang ibinigay nito sa aking na pagsunod sakanya? Kain na! Sigaw ni Cindy habang inilalapag nito ang mga kanin at ulam sa mesa, nagsipuntahan naman ang ilang mga taga pitas ng gulay kabilang na rin ang dalawa pang kapatid ni Caleb at si Auntie Hasmin. Tumayo naman ako upang bigyan ng daan ang mga ito, tumunog ang telepono kaya naman nagpunta muna ako sa kotse. "Hello Denise?" Hindi ko ito marinig kaya naman pumasok ako sa loob ng kotse. "Hello Boss Rocky, kumusta na kayo? Nag-aalala kaming lahat dito, nabanggit kasi ni kevin ang nangyari sainyo." Napangisi ako dahil sa sinabi nito, tinawagan ko na kasi si Kevin na wala itong babanggitin sa mga staff ang tungkol sa nangyari sa akin dahil paniguradong mag-aalala ang mga ito. "Don't worry about me, tell them I'm still alive, kicking and ready to race again." At ianagaw naman nito ni Larraine. "Boss Rocky!" Sigaw nito sa kabilang linya. "kailangan ka ba babalik dito mis na mis ka na namin." Dugtong pa nito. "Bukas, pero hindi para bisitahin kayo kung hindi para icheck kung maayos ba ang trabaho ninyo." Narinig ko pa na ibinalita na ni Larraine ang pagpunta ko sa shop bukas dahil sa lakas ng boses nito. "Talaga boss Rocky sige hihintayin ka namin, kahit pagalitan at sigawan mo pa kami." Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Larraine at sakto naman ang pag bukas ng pinto ng kotse na hindi ko namamalayan na kanina pa pala ako tinitignan ni Caleb habang wala itong suot pang itaas. "Si Wilson na naman ba iyon?“ Napangisi ako habang nakatingin rito. "So what?“ Tumayo ito ng diretso saka pumameywang. "Bumaba ka na riyan o baka gusto mong buhatin pa kita." Ngumisi naman ako saka bumaba ng kotse, ano bang akala niya baldado ba ako para magpapabuhat pa ako sakanya? Umupo kami sa upuan roon na inereserba sa amin ni Crissa ayaw ko sana itong katabi dahil naiilang ako sakanya lalo na't wala itong suot na damit habang tumutulo pa ang pawis sa dibdib nito. Katulad ng ginawa nito kaninang umaga ay nilagyan din nito ang plato ko ng madaming kanin. "Busog pa ako Caleb." Mahinang wika ko. "Bawal ng ibalik ang kanin pagnasandok na magagalit si Auntie Hasmin." Ngumiti ito saka itinaas pababa nito ang kanyang kilay. "Kumakain ka ba ng gulay?“ Dugtong pa nito tumingin naman ako sa mesa at halos lutong gulay lang naman ang nakahain sa mesa na iba iba lang ang pagkakaluto. "Keitlyn iha, tikman mo ito labong na may saluyot masarap ito." Tinignan ko naman iyon ngunit parang ang dulas naman ng pagkakaluto niyon. "Ate Rocky heto baka gusto mo? Bulanglang ang tawag dito sa amin." Nakita ko naman ang pinaghalo halong gulay na iginisa sa alamang. Napalingon ako sa tambak na kanin sa plato ko at hindi maisip kung paano ko iyon uubusin kasabay ng mga lutong gulay na ngayon ko pa lang nakita. Hinawakan naman ni Caleb ang balikat ko at mapalingon dito. "Sandali bibilhin kita ng ulam." Bulong nito patayo na sana ito nang mabilis kong hawakan ang kamay niya napahinto ito at kaagad ko naman inaalis ang pagkakahawak dito. "OK na ito, don't worry." Mahina kong sabi. Kinuha ko sa mesa ang sitaw na mayroon toyo, tinikman ko iyon at lasa itong Adobo. "Adobong sitaw iyan ate Rocky." Habang ngumingiti sa akin si Crissa. Hindi ko namamalayan na nakakalahati ko na pala ang kanin sa aking plato, tumayo na ang iba dahil tapos na silang kumain at natira na lang kmi ni Crissa, Auntie Hasmin at Caleb. "Subukan mo din ito ate, saluyot iyan na may labong." Inabot nito sa akin ni Crissa iyon. Kinuha ko naman iyon at tinitignan, nalanghap ko ang mabangong amoy na iyon kaya naman tinikman ko at tama nga sila dahil masarap iyon kaya naman naglagay din ako sa aking plato at sinimulan ng kumain ulit. "Ano ba itong saluyot Crissa?" "Hindi ko alam ang ingles niyan ate Rocky pero iyan labong iyong batang kawayan iyan." Napahinto ako sa aking pagkain at tinitigan ito. "Kawayan ito? You mean itong upuan at mesa natin ito iyon?" Nakita ko ang tawanan ng magkapatid. "Ang yaman yaman mo kasi ate Rocky kaya hindi ka sanay sa mga ulam na iyan." At muli itong napatawa gayun din si Caleb. Isinakay na nila sa kotse ang mga gulay na dadalhin namin sa charity foundation, lumapit naman ang mga kapatid ni Caleb at niyakap nila ito. "Sige na lumakad na kayo at baka maabutan pa kayo ng dilim lalo na't dadalhin pa ninyo sa charity foundation ang mga gulay." Habang sumesenyas si Auntie Hasmin. "Sumabay na po kayo sa amin pabalik ng mansion." Suwestiyon ko naman. "Hindi na Keitlyn, sasakay nalang kami ng traysikel ni Cindy para hindi na namin kayo maistorbo at baka magabihin kayo." Tanggi naman ni Auntie Hasmin. "Ate Rocky babalik ka po ah, iyong promise po ninyo." Lumapit naman ako kay Crissa at kinurot ang pisngi nito. "Yes of course, tutuparin ko ang pangako ko." Sumakay na kami ng kotse ni Caleb habang silang naman ay kumakaway sa amin. Nakarating kami ni Caleb sa charity foundation kung saan pareho kaming nagbibigay ng donasyon rito. Bumaba ito ng kotse at binuksan ang Gate saka ito muling sumakay ulit. "Rocky nakita na kita minsan dito, ano palang ginagawa mo dito?“ Napalingon naman ako kay Caleb at ngumiti. "3 years na akong nagdodonate sakanila simula ng itayo ko ang Ride Auto Bike, at lahat ng premyo sa pagre race ko sakanila rin dumederetso." Nakita ko sa mukha nito ang pagka gulat ngunit hindi nito iyon pinahalata sa akin. "Ah akala ko ipinagyayabang mo lang ang motor mo dito." Tumingin ito sa akin at bahagyang napatawa. Inihinto nito ang kotse saka kami parehong bumababa, nagulat pa si Mrs. Reyes nang makita kaming magkasamang dalawa. Ibinaba ni Caleb ang mga tiklis na mayroon lamang gulay at dineretso na sa loob. "Mrs. Reyes kung pwede po sana huwag po ninyong babanggitin kay Caleb na nagtanong ako sa inyo about sa family background niya." Tumango naman ito kaagad. "Walang problema Rocky." Ngumiti naman ako at pumasok na kami pareho sa loob samantalang naiwan naman si Caleb sa labas habang binibitbit nito ang mga tiklis. "Napano pala ang braso mo Rocky?“ "Naaksidente po ako Mrs. Reyes pero huwag po kayong mag-aalala dahil maayos na po ako ngayon." Tumango tango naman ito. "Mabuti naman kung ganoon, sa susunod magingat ka sa pagmomotor mo." Dumating naman si Caleb at umupo sa tabi ko. "Sandali maiwan ko na muna kayo at gagawa ako ng tsaa." Umalis si Mrs. Reyes habang naiwan naman kami ni Caleb roon. "Gaano ka na katagal nagsussupply ng mga gulay dito?" Tumingin naman ito sakin. "Matagal na, wala pa noon si bunso si Chelsea. Teka sandali anong promise ang sinasabi ni Crissa kanina?" Ibinaba ko ang tingin ko at napangiti ako. "Wala, sa amin na lang ni Crissa iyon." Kumunot naman ang nuo nito nang mapalingon ako. "Huwag kang nangangako sa mga kapatid ko kung wala ka rin lang balak tuparin ang mga iyon, ayaw kong umasa sila sa mga pangako." Tila ba mayroon laman ang bawat salitang binibigkas ni Caleb. "Tutuparin ko ang promise ko sakanila, kagaya ng pagtupad ko sa kasunduan natin." Kumunut naman ang nuo ko rito. Tumitig ito sa akin saka nito inilagay ang kanyang kamay sa nuo ko at inunat nito iyon. "Mas maganda ka paghindi palaging nakakunot ang nuo mo." Tinapik ko naman ang kamay nito na nakalagay sa nuo ko. "Oh ayan na naman, nakakunot naman ang nuo mo." Dugtong nito habang napapatawa. Sakto naman ang pagdating ni Mrs. Reyes na mayroon dala dalang tsaa saka nito ibaba sa mesa at mariing na nakingiti sa amin ni Caleb. "Alam ninyo bagay na bagay kayong dalawa kung hindi ko nga alam na amo mo si Rocky Caleb pagkakamalan ko kayong magkasintahan." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Mrs. Reyes n tila na namumula na ang pisngi ko. "Hay naku Mrs. Reyes hindi ko naman type itong si Rocky hindi siya iyon babae na magugustuhan ko at isa pa paano ninyo nalaman na amo ko siya." Nawala naman ang ngiti ko sa aking mga labi dahil sa narinig ko, hindi dahil sa tanong nito kung hindi dahil sa sinabi nitong hindi nito tipo ang babae na katulad ko. "Nabanggit ko kay Mrs. Reyes kanina." Maikling sagot ko at hindi na muling nagsalita dahil sa nawalan na ako ng gana sa pakikipagkwentuhan sakanilang dalawa. Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi ko rin ito iniimik sa tuwing kakausapin nito ako ay Tatang at umiiling na lang ako hindi ko alam kung bakit pero nainis ako sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD