Rocky Point Of View
I opened the car door and got out of it, I even glanced at him and he was staring at me but I ignored him.
Nagmadali akong naglakad at mabilis na pumasok ng bahay ngunit nasalubong ko si dad sa harapan ng pinto.
"Where are you have been? I called your cellphone but it was unattended.“ Hinalikan ko na sa pisngi si dad at dumeretso sa loob.
"I'm sorry dad, nalowbat ang phone ko." Nang makasalubong ko si Wilson sa sala.
"Hi Rocky."
"Wilson, what are you doing here?" Tanong ko naman saka kami umupo sa upuan.
"Tinawagan kita kanina hindi ba at sinabi ko sa iyo na pupuntahan kita remember?" Mariing itong nakatitig sa akin.
"Yah I'm sorry nakalimutan ko." Umupo naman si dad sa kabilang upuan.
"Saan ka ba nanggaling Rocky? Kanina pa nandito si Wilson hinihintay ka para mag dinner sa labas." Sabat naman ni dad at napalingon naman ako rito.
"Nagpunta po ako sa San Luis sa mansion binisita ko po si Auntie Hasmin." Sagot ko naman.
"I'm sorry dad, Wilson pero pagod ako pwede bang sa susunod na araw na lang?" Lumapit naman si dad sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Anak pag bigyan mo na itong si Wilson."
"It's OK tito Rodrigo, sige Rocky magpahinga kana." Napansin ko naman si Caleb na papasok habang bitbit nito ang mga gulay na ibigay ni Autie Hasmin at nakatingin sa amin.
"Sige Wilson hintayin mo ako at magbibihis lang ako."Nakangiti ako rito at umakyat na sa hagdan.
Wilson and I had dinner at a restaurant and even though I was tired I still tried to smile at him. Kinamusta nito ako at tinanong din kung kailan ako makakabalik sa pagre race ko ulit.
Madalas din naman kaming lumabas ni Wilson pero kung dati ang saya saya ko pag kasama siya dahil mahilig kami pareho sa pagmomotor at sa mga charity works na aming pinagkukwentuhan bakit ngayon hindi ko maintindihan para bang wala akong kainte interest sa mga ito, kahit ilang beses nito akong biruin ay hindi ako napapangiti siguro ay pagod lang talaga ako.
"Thanks for your time Rocky." Ngumiti naman ako.
"Salamat din Wilson." Bumababa ako ng kotse nito na nakatapat sa aming bahay, hindi na ito bumaba pa dahil nagmamadali rin ito.
"I'll call you, good night." Tumango naman ako at pumasok na sa loob.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha, tamad na tamad akong bumangon dahil napagod ako sa maghapon biyahe namin ni Caleb kahapon.
Naalala ko palang nangako ako kay Larraine na pupuntahan ko sila sa shop ngayon kaya naman bumangon na din ako upang magbihis, napaharap ako sa salamin at sinubukan kong tanggalin ang arm supporter sa braso ko hindi na masakit kaya naman inaalis ko na iyon ngunit patuloy pa rin ang pag suot ko ng bandage para hindi ito mapwersa.
Bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina naabutan ko roon si manang na naghuhugas ng pinggan samantalang si mang Kanor naman ay naroon din at nagsasalansan ng mga plato at baso sa lagayan.
"Mukhang may lakad ka Rocky, pero bago ka umalis heto kainin mo iniwan iyan ni Caleb bago ito umalis." Inilabas ni manang ang pagkain na nasa gilid ng kabinet at inilapag nito iyon sa mesa.
"Kumain kana." Dugtong pa nito.
"Saan po nagpunta si Caleb manang." Nagtinginan naman ang dalawa at humarap sa akin.
"May tumawag sakanya ano na ba ang pangalan Kanor nung babae? Toni ba o Sony?“
"Baka Tonet po manang."
"Ah oo Tonet nga, nagmamadali pa ngang umalis itong si Caleb at bihis na bihis pa para bang sabik na sabik makita si Toni."Sabat naman ni mang Kanor.
"Sshh manahimik ka ngang matanda ka at hindi Toni, Tonet." Napangisi naman ako dahil sa narinig ko, tinignan ko ang pagkain na nakahanda at hindi iyon pinansin.
"Pakisabi po sakanya hindi ako gutom, aalis na po ako kayo nalang ang kumain niyan." Tumayo ako sa aking upuan at tumalikod na.
"Sandali Rocky, ihahatid nalang kita mamaya ko pa naman susunduin ang dad mo." Humarap akong muli at umiling dito.
"Hindi na po mang Kanor, nandiyan naman na ang motor ko naihatid na ni kevin dito kahapon." Hindi na nakasagot ang dalawa dahil mabilis na akong naglakad palabas ng kusina.
"Rocky, ihahatid na kita baka mapaglitan kami ng dad mo dahil pinayagan ka namin magmotor." Sumunod pala si mang Kanor sa akin.
"Huwag po kayong mag-aalala mang Kanor akong bahala." Ngumiti ako rito at naiwan itong nag-aalala.
Namiss ko ng sobra ang motor ko, hindi nga ako nagkamali sa pag hire kay Kevin dahil napaka galing nito pagdating sa motor, sumakay ako rito at sinuot ang helmet ko medyo naninibago ang kamay ko ngunit alam kong masasanay din ulit ito.
Boss Rocky! Sigaw ni Larraine nang makita akong pababa ng motor at nagsilabasan naman ang iba pa.
"Boss Rocky bakit nagmomotor na kayo baka naman mapwersa ang braso ninyo." Pag-aalala ni kevin nang tuluyan akong makapasok sa loob.
"Don't worry maayos na ako at malayo ito sa bituka." Umupo ako sa harapan ni Denise at Inilabas nito ang papeles na dapat kong pirmahan.
"Bakit dito ninyo ginagawa iyan boss pwede naman namin dalhin sa opisina ninyo." Tanong naman ni Larraine saka umupo rin sa tabi ko.
"Aalis din kasi ako mamasyal." Tumunog ang telepono ko at kaagad ko naman sinagot iyon.
"Hello Rocky, nanggaling ako sa bahay ninyo ang sabi nandiyan ka raw sa shop mo." Wika ni Farrah sa kabilang linya.
"Yes Farrah nandito nga ako."
"All right pupuntahan kita diyan."Nakita ko naman si Larraine na naiinis ito.
"Boss naalala ko na sinabi mo before na mag-a outing tayo pagfree kana." Sulpot naman ni Martin sa aking likuran.
"Kaya nga boss, ngayon ka na nga lang makakapunta dito sa shop aalis ka rin kaagad, kailan b tayo mag sasama ng matagal boss mis na kita." Humawak sa braso ko si Larraine saka nito isinandal ang kanyang ulo.
"Tumigil ka nga Larraine, napakalandi mo talaga." Suway naman ni Denise at napailing nalang ako.
"Sige next week, pag maayos na ang braso tuloy ang outing natin OK?“ Nakita ko kung gaano naging masaya ang mga staff ko dahi sa sinabi ko.
"Narinig ko iyon ah, pwede bang sumama." Napalingon ako at nakita kong papasok sa loob si Farrah, tumayo naman ako at sinalubong ito.
"Hi Farrah, yah of course." Hinalikan nito ang aking pisngi at pumasok kami sa loob ng opisina ko.
"So What happened to you? Anong nangyari sa The Queen of Moto Racing? Nakipagkarehan ka ba sa sarili mo?“ Umupo ito saka nito ako pinandilatan, natawa naman ako dahil sa sermon nito sa akin.
"Nagpunta ka ba dito para kamustahin ako o para sermonan ako?“ Napahalukipkip naman akong nakaharap dito.
"Both." Maikli ngunit malakas na sabi nito, tumayo ito saka lumapit sa akin.
"Narinig ko na ang chismis kay kevin, magkwento ka naman ng tungkol sa inyo ni Caleb." Dugtong pa nito, nagulat naman ako dahil sa sinabi nito kaya naman napahawak ako sa aking nuo.
Hindi ko akalain na marites pala itong si Kevin, kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ikwento ito kay Farrah.
"Really? Natalo ka sa race ng driver mo at naaksidente ka pa? Amazing ha. Tapos may consequences pa." Napaupo itong muli at hindi makapaniwala dahil sa kinwento ko.
"Who knows baka racer din siya kaya natalo niya ako." Palusot ko naman rito.
"Whatever Rocky, by the way natuloy ba ang date ninyo ni Wilson last night?" Pinanliitan ko naman ito ng mata.
"It's not a date OK? Nagdinner lang kami sa labas, wait how did you know?" Umiiling naman ito saka napapatawa.
"Tell me Farrah, may kinalaman kaba?" Dugtong ko pa ngunit patuloy pa rin ito sa kanyang pagtawa.
My friend is really different, she really just came here to catch up and spread some gossip. I really wonder why she knew Wilson and I had a dinner maybe Wilson mentioned about it. Well, that's not a problem anymore.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng opisina, na pirmahan ko na rin ang mga papeles na naiwanan ko kanina nang dumating si Farrah.
"Boss saan kayo pupunta?" Tanong ni kevin nang isuot ko ang helmet sa aking ulo.
"May importante lang akong pupuntahan, kayo na muna ang bahala diyan." Bumusina ako dito hudyat na ako ay aalis na.
Dumeretso ako sa mall at bumili ng cellphone katulad ng ipinangako ko kay Crissa, binilhan ko na rin si Christopher at si Chelsea para mayroon din silang magamit, naggrossary na rin ako na kaunti lang dahil hindi naman kakasiya sa motor kung bibili ako ng madami.
Dalawang oras ang babiyahehin ko ngunit kung bibilisan ko ay mga isang oras lang ay naroon na ako sa San Luis.
Bumaba ako habang buhat buhat ang mga pinamili ko para sa mga kapatid ni Caleb. Nakita ako ni Chelsea kaya naman kaagad nitong tinawag ang kanya mga kapatid. Lumabas naman si Crissa na mayroon malaking ngiti at kaagad na tumakbo papunta sa akin. Binuhat nito ang ibang pinamili ko habang naglalakad kami papunta sa likod bahay.
"Nagbalik ka ate Rocky."
"Of course, nangako ako sa iyo hindi ba?“ Napangiti ito at niyakap ako ng mahigpit, inilabas ko naman ang mga cellphone na pinamili ko at iniabot sakanila iyon kaya naman tuwang tuwa ang tatlo at sila'y nagpasalamat, sa sobrang excited nina Christopher at Chelsea ay kaagad na nilang binuksan at sinubukan ang cellphone na binili ko.
"Nasaan po pala si kuya Caleb? Bakit po hindi ninyo kasama?" Napakunot naman ang nuo ko, naalala kong sumama pala ito kay Tonet. Saan kay sila nagpunta? Sabihin ko kayang nakipaglandin ang kuya ninyo.
"Ate Rocky OK lng po ba kayo?" Napatingin naman ako sakanila habang sila naman ay titig na titig sa akin.
“Oo naman masaya lang ako kasi masaya kayo sa pinamili ko."Tumango naman ang mga ito.
"Sandali po ate Rocky maghahanda lang po ako ng tanghalian natin."
Naghanda ito ng pananghalian at katulad noon ay puro gulay pa rin ang nasa hapag ngunit lahat ng iyon ay masarap.
"Crissa nabanggit mo sa akin na aalis na ang kuya mo sa susunod na buwan saan naman siya pupunta?" Tumingin muna ito sa paligid bago sumagot.
"Sa Australia po ate Rocky susunduin niya po si mama doon." Sagot naman nito.
"Sa Australia? Nandoon ang lolo at lola ko pati mga kapatid ni dad, ano bang pananglan ng mama mo baka sakali na kilala nila." Alam kong nabanggit na sa akin iyon ni Mrs. Reyes at Cindy ngunit gusto kong makasiguro.
"Catherine Diaz Francisco po ang buong pangalan ng mama ko." Pumasok pa ito sa loob at inilabas ang larawan ng mama nito. Kamukhang kamukha ni Caleb ang mama niya.
"Ah crissa katulad pa din ng pinagusapan natin huwag mong sasabihin sa kuya mo na nagtanong ako sa iyo." Tumango naman ito saka bumalik sa loob upang ibalik ang larawan na inilabas nito. Nakaramdan na naman ako ng paninikip sa aking dibdib, kumuha ako ng tubig sa pitsel na nakapatong sa ibabaw ng mesa at ininum ko agad iyon.
Napayuko pa ako habang hawak hawak ko ang aking dibdib, parang mas matagal ang pagka wala ngayon ng sakit hindi katulad ng mga nakaraan araw.
"Ate Rocky ayos ka lang po ba? Namumutla po kayo." Umupo si Crissa sa tabi ko at tumango naman ako.
"Sandali po kukuha lang ako ng electric fan sa loob." Itinutok nito iyon sa akin at naging mas maayos ang pakiramdam ko at baka pagod lang ito.
Nagpaalaam na ako sa mga bata at dumeretso na sa bahay dahil baka gabihin pa ako sa daan at atakihin na naman ako ng paninikip ng aking dibdib.
Binuksan ko ang gate saka pumasok roon, tinanggal ko ang helmet ko at ipinatong sa motor.
"Saan ka nanggaling?“ Nagulat ako nang biglang sumulpot sa likuran ko si Caleb ngunit hindi ko ito pinansin.
"Nang-iwan ako ng almusal mo bakit hindi mo kinain?" Dugtong pa nito habang sumusunod pa rin sa akin.
"Sandali nga Rocky." Hinawakan nito ang braso ko at hinila nito kaya naman napalingon ako rito.
"Hindi mo ba ako naririnig?“ Kumunot ang nuo nito at matalin din ang tingin nito.
"Pagod ako I'm sorry." Mahinang wika ko at siya naman nitong pagbitaw sa braso ko.
"Namumutla ka Rocky may sakit ka ba? At sino nagsabi sa iyong pwede ka ng gumamit ng magmotor?" Hinawakan nito ang ang magkabilang pisngi ko at tinitigan nito ang aking mukha at umiling naman ako.
"Umalis ka raw sabi ni manang dahil tumawag sa iyo si Tonet magpapasama sana ako sa shop tapos si mang kanor susunduin pa si dad kaya no choice ako ginamit ko na iyong motor ko and look maayos na ang braso ko kaya ko ng mgdrive ulit." Ngumiti naman ako saka nagsimulang maglakad ulit, sumusumpong na naman kasi ang pananakit ang pananakit ng dibdib ko.
"Ah Rocky nagpasama lang kasi si Tonet bumili ng mga gamit sa motor pero bumalik din kaagad ako dito." Lumingon ako rito saka sumeniyas lang ng OK at nagsimulang maglakad ulit, hindi ko na pinakinggan pa ang susunod nitong sasabihin at dumeretso na ako sa aking kuwarto habang dala dala ang isang baso ng tubig na kinuha ko sa kusina.