Chapter 14

2305 Words
Rocky Point Of View "Good morning Rocky, gusto sana kitang kamustahin tungkol sa dinner date ninyo ni Wilson kaya lang ang sabi ni manang maaga ka raw natulog." Wika ni dad sa akin habang nag-aagahan, umupo naman ako roon at nakisabay din sakanila. "OK naman dad." Maikling wika ko rito. "Alam mo Rocky gusto ko si Wilson para sa iyo halos lahat na nga ata ng katangian ng isang manugang nasa kanya niya."Dugtong pa nito at napalingon naman ako rito. "Dad Wilson and I were just friends and that's it." "Ano ka ba naman Rodrigo napakabata pa ng anak natin." Sabat naman ni mom at ngumiti naman ito sa akin. "Dale tumatanda na tayo at ang gusto ko na lang ay ang magpahinga dito sa bahay kasama ng mga apo natin, ito kasing Ronald napakabagal baka sakaling itong si Rocky ang magbibigay ng unang apo." Saka naman sila nagtawanan. "Dad relax ka lang maipapakilala ko rin siya sainyo." At nagtinginan naman si mom at dad na sabay na napangiti. "Anak Keitlyn namumutla ka may sakit ka ba? Saka bakit tinanggal mo na ang arm supporter mo hindi ba't mas maigi kung nakasuot ka pa rin ng ganun.“ Lumingon naman ako kay mom at ngumiti rito. "Maayos na ako mom." "By the way Rocky and Ronald tuloy na ang pagpunta namin sa Australia ng mom ninyo and I hope na walang magiging problema habang wala kami." Sabay naman kami ni kuya na tumango rito. Sumakay ako ng kotse habang hinhintay si Caleb, nabanggit ko naman na sakanya kagabi na sa V. E. M Building ako papasok ngayon dahil madami na akong nakaligtaan na gawin doon. Naging tahimik lang ang aming biyahe mukhang wala din sa mood ang taong ito dahil hindi rin ito umiimik. Bumaba ako ng kotse at pumasok sa V. E. M Building hindi ko namamalayan na sumusunod pala ito hanggang sa makarating ako sa aking opisina saka ko itong ito napansin ng umupo ako sa aking swivel chair. "Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako dahil naroon na rin itong nakaupo sa upuan. "Ayaw ko naman maghintay sa baba ang init init doon kaya dito na lang ako." Habang ito ay humihilata sa upuan. "Teka huwag kang humilata riyan baka mayroon dumating na bisita." Tumingin naman ito sa akin saka pumakit. "Kakatok naman siguro sila bago pumasok, huwag mo akong istorbohin matutulog lang muna ako." Napabuntong hininga na lang ako dahil dito, ano bang akala niya sa opisina ko motel na pwedeng matulog at maghinga? Tahimik na lang ako sa pag pirma sa mga papeles na naroon sa aking mesa, binuksan ko rin ang laptop sa aking tabi at tambak din ang nagpadala ng mga email sa akin tungkol sa mga investors na gustong magdagdag ng shares sa kompanya. Pasulyap sulyap naman ako kay Caleb habang masarap ang pag tulog nito, iniisip ko tuloy kung hindi ba ito nakatulog kagabi o trip lang talaga niya na dito pa matulog sa opisina. "Come in." Wika ko ng marinig kong may kumatok sa pinto, nakalimutan ko palang natutulog si Caleb sa sofa. "Miss CEO, heto pala iyong mga schedule ninyo sa meeting mamaya." Nang mapalingon naman ito kay Caleb. "Come here Nicole." Lumapit din naman ito kaagad at napalingon muli kay Caleb. "You have a meeting with Mr. Lee at 2pm and 4pm with Mr. Gomez, they will discuss about the new car models that will arrive next week miss CEO." Napakunot naman ang nuo ko dito. "Hindi ba't nakipagmeeting ka na sakanila Nicole? And please call me Rocky lalo na pag tayo lang dalawa." Tumango naman ito saka mulling nagpa tuloy. "Yes miss CEO, I mean Rocky. Nakipagmeeting na ako sakanila pero nag-email ako sainyo na gusto nila na ikaw mismo ang makipag meeting sakanila." Nakita kong palinga linga ito Caleb. "He's my driver Caleb, masama ang pakiramdam niya kaya pinahiga ko na muna diyan, sabihan mo sakanila na makakarating ako." Tumango naman ito saka lumabas ng opisina ko. Tumingin ako sa orasan at mag-aalas dose na ng tanghali ngunit masarap pa rin ang tulog ng mokong na ito. Kaya naman nagpadeliver na lang ako ng aming tanghalian. Inayos ko ng maayos ang mesa at maingat na inilapag ang mga pagkain na aking inorder, hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa para akong tanga kung pwede ko naman ilapag lang ng basta basta para hindi na ako mahirapan pang gisingin ito. Nang masiguro ko na maayos na ang mga pagkain ay yumuko muna ako para titigan ito bago ko ito gisingin. "In fairness kahit na tulog ang tao na ito gwapo pa rin." Kinalabit ko ito sakanyang balikat at nagising din naman ito kaagad. "Bumangon na po kayo riyan mahal na prinsipe at kakain na po." Umupo naman ito at ininat ang kanyang mga braso. "Pasensiya na napasarap ata ang tulog ko." Napataas naman ang kilay ko, anong ata ang sinasabi nito napasarap talaga ang mo. Umupo naman ako sa kabilang upuan at nagsimula ng kumain, kumain na rin naman ito. "Thank you pala Rocky." Wika nito, napakunot naman ang nuo ko. "Thank you saan? Sa pagkain ba? Umorder ako ng pagkain natin dahil gutom na ako, at hindi ito libre dahil may kapalit ito." Napailing naman ako saka kumain ulit. "Hindi naman dito sa pagkain, thank you sa mga binigay mo para sa mga kapatid ko, tumawag si crissa at halos maghapon ka raw roon sa San Luis kahapon bakit hindi mo sinabi kaagad na pupunta ka sa San luis sana na kasama ako at hindi mo na ginamit ang motor mo." Ngumiti naman ako dahil alam na niya na tinupad ko ang pangako ko sa mga kapatid nito. "Kahit hindi ka naman sumama alam ko naman nag-enjoy ka kasama si Tonet hindi ba? Saka maayos na ang braso ko kaya ko na ulit magdrive." Nang biglang may kumatok muli sa pinto, paniqurado akong si Nicole na naman ito para iremind ako sa meeting. "Come in Nicole." Sumubo pa ako ng pagkain na nasa kutsara ko saka naman naglagay ng pagkain si Caleb sa plato. "Tama na Caleb, busog na ako." Ngunit hindi naman nito ako pinakinggan. "Tssk kumain ka pa." "Oh what a surprise! Invite palang sana kitang maglunch sa labas Rocky." Tumayo naman ako at sinalubong ito. "Hi Wilson, madami pa kasi akong ginagawa kaya nagpaorder na lang ako ng food, madami naman ito so come on join us." Umupo naman ito sa kabilang upuan habang ako naman ay nasa kanilang pagitan. "Don't get me wrong ah pero anong ginagawa mo dito Wilson? What I mean is diba nasa Del monte Branch ka kay kuya Ronald." "Nilipat ako dito ni tito Rodrigo para mas maturuan mo ako lalo na ikaw ang boss ko." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito. "Ako nga ang boss mo pero I'm sorry Wilson dahil nagsisimula palang din ako wala akong maituturo sa iyo pwede kang magtanong sa secretary ko." Napatawa rin ito. Napalingon naman ako kay Caleb na tahimik lang na kumakain. "By the way Miss CEO (lumingon ako rito at pinanlitan ko ito ng mata na siya naman nitong ikinatawa) alright Rocky, tumawag si Farrah sa akin at iniimbitahan niya ako na sumama sa inyo sa outing." Napakunot naman ang nuo ko saka ako napahawak dito, outing namin ng mga staff ko iyon ah bakit nagsama pa siya. "Actually Wilson outing talaga namin ng mga staff ko iyon next week dahil nagpromise ako sakanila at narinig naman iyon ni Farrah kaya gusto niya rin sumama and hindi ko alam sinasama ka rin pala niya." Napatawa naman ito at napailing. "I'm so sorry Rocky hindi ko alam na sa staff mo lang pala, si Farrah talaga." Napalingon naman ako kay Caleb at pigil naman ito sakanyang pagtawa samantalang si Wilson naman ay nakatingin rito. "Well, it's OK Wilson if you want to come with us, ang sabi nga nila the more the merrier." Hindi naman ito makapaniwala dahil sa sinabi ko, lumingon pa ito kay Caleb saka ngumisi. "How about you Mr. Driver baka gusto mo rin sumama?“ Napatingin naman rito si Caleb saka pinanliitan ng mata si Wilson samantalang si Wilson naman ay umigting ang panga nito, hindi ko alam kung anong mayroon sa dalawa para maging ganito ang kinikilos nila. "Hindi ako sasama, may sarili akong lakad kasama si Tonet." Tumango naman ito saka kumain muli. "Oh really? That's good to hear, nagkakamabutihan na pala kayo ni Tonet. You know what Mr. Driver masuwerte ka kay Tonet dahil bukod sa sexy ito at mayaman, mabait, matalino at maganda pa." Napangisi naman si Caleb dahil sa narinig nito ngunit hindi na ito sumagot pa. "By the way Rocky, I'd love to invite you to watch the Dirt Bike Race after work if you're free." Napangiti naman ako dahil sa narinig ko ang tagal na kasi noong huling nanuod ako ng Dirt Bike Race at napaka memorable noon dahil nanalo ako sa pustahan namin ni Farrah. "Really Wilson? Of course, I'm always free." Natuwa naman ito sa reaksyon ko. "Nakalimutan mo na ba Rocky na mayroon tayong pupuntahan ngayon? Sorry Wilson ah pero may lakad na kami ni Rocky ngayon, hindi ba Rocky?" Sabat naman ni Caleb na siyang ipinagtaka ko, napalingon ako rito saka napakunot ang nuo at nilakihan naman nito ako ng mata. Ano bang sinasabi niya? "Rocky?" Lumingon ako kay Wilson na tila ba hinihintay ang sagot ko. "Yah, I'm really sorry Wilson I forgot about that may lakad nga pala kami." Napangiwi nalang ako habang tumatango rito, napalingon naman ako kay Caleb at siya naman nitong ikinatawa. Umalis na si Wilson na tahimik lang ito habang ako naman ay nakokonsensiya dahil sa pagtanggi ko rito ngunit gusto ko talagang manuod ng Dirt Bike Race. Natapos na ang lahat ng meetings ko na nakabuntot sa akin si Caleb ngunit hindi ko ito kinakausap dahil sa ginawa nito kanina, hindi nito alam na gustong gusto ko talaga ang panunuod ng race. Bumaba ako ng kotse saka ito isinarado ng malakas kulang nalang ay mabasag ang salamin ng bintana ng kotse, sana nga ay mabasag na lang ito para ang motor ko na lang ang gagamitin ko. "Magbihis ka tapos bumaba ka ulit." Wika ni Caleb habang nasa likuran ko at humarap naman ako dito. "Ano bang akala mo Caleb? Kailangan ba lahat ng sasabihin mo susundin ko? Nasaan na ang freedom ko?" Ngumiti lang ito sa akin na para bang walang naririnig. "Ano bang drama iyan Rocky? Basta magbihis ka tapos bumaba ka ulit dito, diba nga sabi ko may pupuntahan tayo." Padabog akong naglakad papasok ng bahay, Inihagis ko pa lahat ng gamit ko sa kama. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko itong sundin, nandito na ako sa kuwarto ko tiyak naman na hindi na nito ako guguluhin kung hindi ako lalabas at magpapakita sakanya. Kinuha ko ang telepono ko dahil tumunog ito. "Nakabihis ka na ba? Mahuhuli na tayo--Caleb." Paano nito nalaman ang contact number ko? Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil hindi pala ako nakatakas dito, paniguradong maya maya lang ay tatawag na rin ito. At hindi nga ako nagkamali nagsimula ng tumunog ang telepono ko, ilang beses rin itong tumunog kaya naman napilitan na akong magbihis. Bumababa ako ng hagdan at nagtungo sa labas kung saan ko iniwan si Caleb, hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kaya nagsuot lamang ako ng rubber shoes, pants, loose shirt na kulay itim at kulay itim din na sumbrero habang dala dala ko ang aking leather crossbody bag. "So hindi pa ba tayo aalis?" Napalingon naman sa akin si Caleb habang nakatalikod ito sa kotse, sumakay naman ako roon at hindi na hinintay pa ang sagot nito, napangiti pa ito ng makapasok sa kotse. "Ready ka na ba?" Napangisi naman ako rito. "Make sure na matutuwa ako sa pupuntahan natin dahil kung hindi last na ito na pagsunod ko sa gusto mo." Ngumiti lang ito sa akin saka nito pinaandar ang sasakyan. Naala ko ang sinabi sa akin ni Wilson na manonood kami ng Dirt Birt Race ngayon pero hindi natuloy dahil sa mokong na ito. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse at napansin ko na madami rin kotse ang nagpapark sa lugar na ito. Olympic Sports Complex? Dalawang beses ko pang binasa ang katagang iyan. "What are we doing here? Kung manood lang tayo ng football game or baseball game I'm sorry pero hindi ako mahilig diyan." Pinagtaasan ko ito ng kilay, bumaba naman ito ng kotse saka ito umikot at binuksan ang pinto kung saan ako nakaupo. "Hindi mo ba ako narinig?" Hinila nito ang kamay ko pababa ng kotse saka kami naglakad dalawa habang nakikipagsiksikan din sa mga taong naglalakad, iniabot nito ang ticket sa entrance saka kami pumasok. Nagulat ako at hindi inaasahan na nasa isang Flat Track Racing Competition kami ni Caleb halos hindi makagalaw ang mga paa ko nang paakyat kami sa itaas upang mas makita pa ng mabuti ang mga kasali sa competition. Hindi maalis ang ngiti ko habang nakaupo sa upuan at pinagmamasdan ang paligid ko at hindi makapaniwala na narito ako ngayon. Napalingon naman ako kay Caleb na nakatitig din sa akin at nakangiti kaya naman sa sobrang saya ko ay napayakap ako rito ng mahigpit ngunit bumitaw din ako kaagad. "Thank you Caleb." Nakangiti kong wika rito at ngumiti rin ito saka naman nagumpisa na ang laro. Ilang beses pa akong napapatayo dahil sa mga nakakabang stunts na ginagawa ng racer habang napapasigaw pa. "Ayusin mo nga ang pag-upo mo Rocky." Suway naman ni Caleb, lumingon naman ako sa sarili ko habang nakabuka ang makabilang tuhod ko at nakapatong ang mga braso ko dito. Kaya naman sumandal ako saka ipanatong ang bukong bukong(ankle) sa aking binti habang ang dalang braso ko ay nakasabit sa gilid ng upuan napalingon naman ako kay Caleb saka ito napailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD