Rocky Point Of View
This was my happiest night because I really enjoyed watching the Flat Track Racing so much. And I just laughed to myself because I got it wrong, The Olympic Sports Complex I read about earlier was on the other side and I didn't read the Flat Track Stadium in front of where we entered. Kahit kailan talaga ay mas nauuna ang inis at galit ko bago ko marealize na mali din pala ako pa minsan minsan.
Habang tinitignan ko si Caleb ay hindi ko inaakala na ang taong ito na kinaiinisan ko ay ang taong magpapasaya sa akin ngayong gabi.
While people were shouting and having fun inside the stadium, Suddenly the sports commentator spoke and my face appeared on a wide screen inside the stadium and almost everyone stopped of what they were doing.
Hindi ko naman sana iyon mapapansin kung hindi lang ako kinalabit ni Caleb at ituro sa akin ang wide screen, inayos ko pa ang cap ko at bahagyang tinakpan ang aking mukha.
"Don't be shy and please all of us be quiet. Ladies and gentlemen Let us all welcome The Queen of MotoRacing Ms. Rocky." Napatayo ang ilang at napatingin sa akin habang nagpapalakpakan.
Tumayo rin ako at kumaway sakanila saka umupong muli.
"Come on down Ms. Rocky and join us here on stage." Dugtong pa nito. Nagtinginan naman kami ni Caleb at tumango ito saka nito ako inalalayan bumababa at magtungo sa entablado.
I became an instant celebrity but I honestly didn’t want it because it might come out on social media and dad would see it but I could do nothing but to smile, shake hands and take a picture with them.
Sumakay kami ni Caleb sa kotse habang nagtatawanan, napapatingin pa kami sa isa't isa saka ngingiti pareho.
Dinala nito ako sa isang kainan at umorder ito ng mga pagkain na lutong bahay.
"Pasensiya na iyan lang ang pasok sa budget ko." Ngumiti naman ako at umiling.
"No its OK, ano ka ba dapat nga ako ang magtreat sa iyo dahil napasaya mo ako ng sobra ngayon Caleb." Lalagyan na sana nito ang plato ko ng ulam ngunit huminto ito.
"Ang ibig mo bang sabihin ayaw mo ng mga ito?“ Ibinaba nito iyon.
"Hindi no seyempre gustong gusto ko ang mga ito, ang ibig kong sabihin dapat ako na nagtreat sa iyo hindi ka na dapat pang gumastos." Tumawa naman ito saka nilagyan ang plato ko ng kanin at ulam.
"Alam mo ba Caleb na nawala ang stress ko, pagod sa trabaho at kahit ang Inis ko sa iyo nawala dahil dito kaya sorry sa mga kaartehan ko." Dugtong ko pa saka mas tumawa pa ito habang napapailing.
"Naiinis ka sa akin? Ang bait ko nga sa iyo Rocky." Tumawa din ako saka nagsimula ng kumain.
"Basta I'm sorry sa lahat ng kaartehan, kayabangan at pagiging antipatika ko sa iyo and I want us to start all over again." Tumayo ako saka inihad ang kamay ko rito.
"Hi my name is Rochelle Keitlyn Valdez, Rocky for short." Ngumiti naman ito saka tumayo rin.
"Hi Rocky my name is Caleb, Caleb Francisco." Habang nagkakamayan kaming dalawa at malaki ang ngiti sa isa't isa.
Bagong simula ng pagiging magkaibigan namin ni Caleb at mas naganahan ako sa pag pasok sa trabaho dahil sakanya hindi dahil may gusto ako sakanya ha? Huwag ninyo akong pangunahan, kung hindi dahil sa magandang ipinakita nito sa akin na kabaitan dahil mali pala ang iniisip ko sakanya.
Dumeretso kami sa V. E. M dahil sa mayroon akong urgent meeting, katulad pa rin noong isang araw ay sumunod lang si Caleb sa akin at pumasok sa opisina ko saka natulog habang ako naman ay nagpunta sa conference room.
Nagpadeliver ulit ako ng pagkain saka ito ginising.
"Tapos na ba ang meeting ninyo? Parang ang bilis naman ata?“ Habang sabay namin inaayos ang mga pagkain.
"Anong ang bilis? Ang tagal nga nangalay na nga paa kong nakatayo habang nagdidiscuss sa harapan, kung alam ko lang na ganito sana pala teacher na lang kinuha kong kurso." Napatawa naman ito sa sinabi ko.
"Siya nga pala ikaw Caleb anong course ang kinuha mo?" Dugtong ko pa.
"Automotive Engineering." Mabilis nitong sagot saka naman ako napanganga dito.
"Wow so madami ka palang alam sa mga sasakyan? At may knowledge ka rin sa pag-aayos ng mga ito, teka bakit hindi mo inayos ang motor ko noong nakita mong nasiraan ako sa daan?“ Tumawa lang ito dahil sa reaksyon ko.
"Dahil ayaw ko, dahil ang yabang yabang mo, magkano na ba iyong Big bike mo 650,000 pesos?“ Pinanlitan ko naman ito ng mata. Iniinsulto na naman ba ako nito? Iyon naman talaga iyon price ng motorbike ko.
"Biro lang nagmamadali din kasi ako noon pabalik ng San Luis dahil baka hindi na ako makatawid ng daan dahil sa lakas ng ulan." Tumango naman ako dahil dito.
"Rocky this is papers that.." Natigilan si Wilson sa pagsasalita nang makita niya kami ni Caleb na noo'y nakatingin din dito.
"Lunch? Halika ka na Wilson, maupo ka na rito mamaya na iyan ilapag mo muna sa desk ko." Inalapag nga nito iyon saka umupo sa upuan.
"Thanks Rocky, pero hindi na din ako magtatagal may lunch meeting kami ng mga Event Directors na kaibigan ko isasama sana kita pero sa tingin ko mukhang busy ka naman." Tumayo ito saka hinalikan ang pisngi ko, mukhang nagtatampo na rin ito dahil sa madalas na pagtanggi ko rito.
Hindi ko gusto ang pakiramdam na ganito, iyon pakiramdam na nagtatampo sa iyo ang mga kaibigan mo, gustuhin ko man lahat sila pantay pantay ng oras ko pero hindi ko kaya dahil iisa lang naman ang katawan ko.
Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa swivel chair at iniikot ikot ito.
"Hindi ka ba nahihilo niyan Rocky? Ako ang nahihilo sa iyo sa kakaikot mo." Huminto naman ako sa pag-ikot at humarap kay Caleb.
"Hindi naman may iniisip lang kasi ako, by the way Caleb pwede bang mauna ka ng umuwi sa bahay tumawag kasi si Farrah nagpapasama siya sa akin magshopping." Palusot ko naman dito dahil gusto kong makausaap si Wilson.
"Sige walang problema kung si Farrah lang naman ang kasama mo, ano oras ba kita susunduin?" Umiiling naman ako dito.
"Ihahatid niya ako sa bahay pagkatapos." Tumango naman ito saka kinuha nito ang susi sa desk ko.
"Hindi rin pala kita maihahatid dito bukas Rocky, May lakad kami ni Tonet." Nagulat naman ako dahil sa narinig ko, driver ko siya pero bakit ako pa ang mag-aadjust? Well baka sabihin niya ang bitter ko.
"Yeah sure, no problem." Ngumiti naman ako rito ngunit nawala rin ito nang tuluyan itong makalabas ng opisina ko.
Bakit ba palagi na lang tumatawag sakanya si Tonet? Inihagis ko sa desk ko ang ballpen na hawak ko.
Kinuha ko naman ang telepono ko sa drawer saka tinawagan si Wilson at niyaya ko itong kumain sa labas mamayang gabi at kaagad naman itong pumayag.
Sumakay kami sa kotse nito saka nagpunta sa isang Japanese restaurant.
"2 Tonkatsu, 2 Yakitori, 2 Tempura, 1 miso soup and 1 bottle of rice wine please." Ibinalik nito sa waiter ang menu.
"Bakit ang dami mong inorder Wilson alam mo naman diet ako." Tumawa naman ito saka mariing na nakatitig sa akin.
"Thank you Rocky." Maiikling wika nito at itinaas ko naman ang kilay ko.
"Thank you dahil binigyan mo ako ng time ngayon, napakabusy mo na kasi hindi na kita maabot." Dugtong pa nito saka tumawa ng bahagya.
"No Wilson, ako nga dapat ang magthank you sa iyo dahil pumayag ka sa dinner natin ngayon and I just wanna say sorry dahil minsan natatanggihan ko ang mga invitations mo at naiisip ko na baka nagtatampo ka na sa akin." Hinawakan naman nito ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
"Kahit kailan Rocky hindi ko magagawang magtampo sa iyo, magkaibigan tayo hindi ba?“ Ngumiti ito saka naman dumating ang waiter na dala dala aming inorder. Nakita ko ang kislap at ningning sa mga ni wilson at sa tingin ko hindi na nga ito nagtatampo sa akin.
"So Rocky magaling na ba ang braso mo? Pwede ka na bang makipag race ulit?" Tumawa naman naman ako dahil sa sinabi nito.
"OK na ang braso ko at pwede na ulit akong magmotor pero ang makipag race mukhang malabo pa." Tumango tango naman ito saka nito nilagyan ng wine ang wine glass na nasa tabi ko.
"Wilson pwede mo ba akong sunduin bukas sa bahay? Wala kasi si Caleb may lakad sila ni Tonet." Dugtong ko pa saka uminum ng wine.
"Oo naman walang problema Rocky, mukhang nagkakamabutin na talaga si Tonet at ang driver mo, well mas maganda iyon para mas makilala pa nila ang isa't isa hindi ba?" Nagpatuloy ito sakanyang pagkain, nagkakamabutihan na ba talaga sila? Na pataas nalang ang kilay ko habang nag-i-slice ng tonkatsu dish.
It's been a long day tired but happy, Atleast Wilson and I are fine now and that's what's important.
I missed my racing career so much especially when Wilson mentioned about it, every time I look at my race gear I feel like I want to wear them and race with my friends. I just sighed as I held my broken arm pad, I picked it up and brought it down to throw in the trash when dad saw me.
"How's your day Rocky? Nakita kong hinatid ka ni Wilson kanina, is that a dinner date?“ Ngumiti ito saka lumapit sa akin.
"It's not date a dad, kumain lang kami sa labas pero walang ibig sabihin iyon." Umupo kami sa may veranda saka ito muling tumitig sa akin
"Alam mo Rocky ganyan na ganyan kami ng mom mo dati noong nililigawan ko palang siya, palaging kumakain sa labas palaging magkasama and then one day hindi namin namamalayan na mahal na namin ang isa't isa." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni dad, hindi dahil ganun kami ni Wilson kung hindi dahil sa ganda ng love story nila mom at dad.
"Dad hindi niya ako nililigawan magkaibigan lang kami at sa tingin ko type niya ang isa namin kaibigan pero hindi ako." Tumabi ito sa akin saka isinandal nito ang ulo ko sa balikat niya.
"Rocky anak kailangan mo lang buksan ang puso mo para malaman mo kung sino ang nagmamahal sa iyo ng totoo kahit hindi nila sabihin sa iyo na mahal ka nila makikita mo iyon sa kilos nila, tandaan mo iyan Rocky mababago ng pagmamahal ang hindi mo nakasanayang gawin." Nanahimik ako dahil sa sinabi ni dad, bukas naman ang puso ko katulad ng sinabi nito pero hindi ko maramdaman kung sino ang nagmamahal sa akin ng totoo, si Farrah malamang pero hindi ko naman ito gusto at magkaibigan lang kami.
Natatawa na lang ako habang pabalik ng kuwarto, kung ano ano tuloy ang sumasagi sa isip ko dahil sa sinabi ni dad.
Yes I considered myself as a Tomboy, I'm wearing a masculine clothing I preferred to choose rubber shoes and boots than stiletto And most of all I act like a man but I’m still a woman, that’s just my style.
"Argh naguguluhan na talaga ako, ito ang nakasanayan ko at ito ang gusto ko ano bang ibig sabihin ni dad na kung sakali ba na maging kami ni Wilson mababago ba nito ang style ko dahil sa pagmamahal? Magagawa ba nitong pagsuotin ako ng dress, sandal at even make ups? Kung ganoon lang din ay huwag na lang akong magmahal.“ At ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa ibaba tinignan ko ang relo ko at alas kuwarto palang ng umaga. Napakamot pa ako ng ulo ko saka dahan dahan na bumababa ng hagdan, nakita kong gising na sina mom dad at Kuya Ronald nakita ko rin ang maleta sa gilid ng sofa.
"What's going on mom?" Nakita kong may kausap sa telepono si kuya at si dad.
"Na heart attack ang tito Rodolfo mo Rocky, kaya tinatawagan ni Ronald ang tito Deric mo para ihanda ang private plane na sasakyan namin ng dad mo papunta sa Australia." Nagulat ako dahil sa sinabi ni mom, kapatid ni dad si tito Rodolfo at wala itong pamilya kasama lang niya roon ang papa at mama nila ni dad.
"Is he OK mom? Can I come with you to see tito Rodolfo." Umiling naman ito.
"Kami ng bahala ng dad ninyo, asikasuhin ninyo ng maayos ang kompanya habang wala kami, babalitaan ko kayo kaagad pagdating namin sa Australia." Hinalikan ni mom ang pisngi ko saka nito kinuha ang kanyang bag sa sofa samantang bitbit naman ni mang kanor ang kanilang mga maleta.
"Kayo ng bahala sa kompanya Ronald, Rocky." Wika ni dad na nakangiti ito sa amin ngunit ramdam kong sobra ang pag-aalala nito kay tito Rodolfo.