Rocky Point Of View
Tayo upo, tayo upo, lakad dito, lakad doon habang hawak hawak ang telepono ko at naghihintay ng tawag ni mom.
"Keitlyn will please sit down." Napahinto naman ako at mapalingon kay kuya na nuo'y nakahawak sakanyang nuo.
"Umupo ka lang please nahihilo ako sa ginagawa mo." Dugtong pa nito saka naman ako umupo.
"Nasaan na kaya sina mom and dad? Nakasakay na kaya sila sa eroplano? Anong oras kaya sila makakarating sa Australia kuya? Dapat talaga sumama nalang ako." Tumayo ito at nagpunta sa kusina pagbalik nito ay mayroon na itong dalang dalawang tasa at inilagay sa lamesita.
"Oh heto magtsaa ka muna at huwag ka masiyado mag-aalala kay tito Rodolfo, malakas iyon at malalampasan din niya ang pagsubok na iyan kaya Keitlyn kumalma ka lang." Napabuntong hininga ako saka humigup ng tsaa. Nag-aalala ako kay tito Rodolfo dahil mag-isa lang ito sa buhay, ang kwento sa akin ni mom ay iniwan daw ito ng long time girlfriend niya kaya naman simula noon ay hindi na ito nakapagasawa pa.
"Pagkatapos mo riyan Keitlyn, umakyat kana sa kuwarto mo para makapaghinga ka at kailangan mo pang pumasok sa trabaho mamaya."
Sinunod ko naman ito at umakyat na rin sa itaas pagkatapos kong inumin ang tsaa na ibigay nito.
Napakasakit ng ulo ko nang bumangon ako sa kama, hindi naman kasi ako nakatulog pinikit ko lang ang mga mata ko para makapagpahinga. Bumaba ako ng hagdan at ang tahimik ng bahay, naninibago ako dahil wala sina mom at dad na naabutan ko pang nag-a almusal sa tuwing nahuhuli akong pumasok sa trabaho.
Wala pa rin tawag si mom kung ano ng balita kay tito Rodolfo, dumeretso ako sa kusina at naabutan ko roon si manang na naglilinis.
"Gising ka na pala Rocky, halika ka rito at maupo ka ipaghahanda kita ng agahan mo, ang kuya Ronald mo kanina pa umalis." Kumuha ito ng dalawang itlog sa tray saka naglabas ng hotdog at bacon sa ref.
"Siya nga pala Rocky kumusta na ang tito Rodolfo mo?" Dugtong pa nito at umiling naman ako.
"Wala pang balita manang, hindi pa tumatawag si mom. Bakit ang aga naman atang umalis ni kuya ngayon manang?“ Ipinatong nito sa harapan ko ang naluto nitong hotdog, bacon at itlog saka ito nagsandok ng kanin.
"Ang sabi niya marami raw itong aasikasuhin sa opisina. Oh siya, kumain ka na ubusin mo iyan ah dahil mayroon magagalit sa akin pag hindi naubos iyan." Ngumiti ito sa akin saka nito iniabot ang isang baso ng gatas.
"Ang dami manang alam naman ninyong diet ako at sino naman ang magagalit sa inyo?" Napangiwi ako dahil sa tambak na pagkain na nasa harapan ko.
"Basta, masama ang masayang ng pagkain Rocky madami ang nagugutom." Bumalik ito sa paglilinis saka ko naman sinimulan ang pagkain.
Gusto ko pa sanang tanungin kung nasaan si Caleb ngunit alam ko naman ang sagot, alam kong kasama nito si Tonet ngayon at paniguradong masayang masaya silang dalawa.
Tinapos ko ang pagkain ko saka umakyat na sa itaas upang makapagpalit na dahil susunduin pala ako ni Wilson ngayon papasok sa trabaho.
"Mukhang puyat ka? Hindi ka ba nakatulog kagabi? May nangyari ba?“ Lumingon naman ako kay Wilson saka tumango. Ang sama ng pakiramdam ko at ang bigat ng ulo ko gusto ko muna sanang magpahinga ngunit tumawag sa akin si Nicole dahil mayroon daw akong importanteng meeting ngayon.
"Na heart attack si tito Rodolfo kapatid ni dad, maagang umalis sina mom at dad papuntang Australia kaya medyo napuyat ako." Nagulat naman ito dahil sa sinabi ko, alam kong nagsasalita pa ito ngunit hindi ko maintindihan saka ako napapikit.
"Rocky, Rocky!“ Binuksan ko ng bahagya ang mga mata ko at nakita kong nakatitig sa akin si Wilson.
"Nandito na tayo, ayos ka lang ba? Gusto mo bang iuwi na lang kita para makapagpahinga ka sa bahay ninyo?" Umiling naman ako saka inayos ang sarili ko.
"No Wilson I'm fine, napaidlip lang ako." Napangiti ito saka tinanggal ang seat belt na nakasuot sa akin at bumaba na kami pareho sa kotse.
Dumeretso ako sa opisina ko samantalang nagpaiwan naman sa lobby si Wilson, kahit na antok na antok ako ay pinilit kong magtrabaho. Pumasok ako sa banyo upang maghilamos ng mukha, humarap ako sa salamin saka inayos ang suit ko at bumalik na sa aking upuan. Pumasok naman si Nicole na dala dala ang mga papeles na kailangan sa meeting mamaya.
"Miss CEO, here are the sample car designs for your presentation for the meeting later." Tinitigan ko lang ito saka tinaasan ng kilay.
"Pardon?“ Mariing din nito akong tinititigan. Hindi ko alam kung mayroon ba akong dumi sa mukha dahil sa tuwing pumapasok ito sa aking opisina ay lagi na lang itong napapatulala.
"Nicole?“ Saka lang bumalik ang ulirat nito nang taasan ko ang tono ng pananalita ko.
"Yes Miss CEO." Saka naman ito napapangiti at namumula pa ang pisngi.
"It's Rocky, may problema ba Nicole? Sa tuwing pumasok ka dito sa opisina ko palagi ka nalang natutulala." Kinubit ko pa ang ulo ko saka muling tinaasan ng kulay.
"Wala naman Rocky, kamukhang kamukha mo kasi iyong volleyball player na pinapanuod ko sa T. V ganyan na ganyan din kasi siya lalo na iyong style ng pananamit." Nagkibit balikat ako saka umupo sa swivel chair dahil hindi ko naman kilala ang tinutukoy nito.
"Alright sige makakalabas kana." Lumabas na nga ito habang palingon lingon pa sa akin, mukhang nagkamali ata ako sa pagkuha sakanya bilang executive assistant dahil mukhang kursunada pa ata ako nito.
Napapailing nalang ako habang napapatawa, mukhang sumobra ata ang taas ng tingin ko sa sarili ko.
Natapos na ang meeting at inilapag ko ang laptop sa desk ko balak ko na sanang umuwi ngunit nagyaya si Wilson na kumain muna kami sa labas.
Bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa nito si Wilson na mayroon dala dalang isang bouquet ng Red rose.
Lumapit ito sa akin na mayroon malaking ngiti at iniabot ang bulaklak na hawak nito.
"What is this Wilson? Alam mo naman na hindi ako mahilig sa bulaklak, kung nandito lang si Larraine malamang binigay ko na naman sakanya ito, well salamat dito." Ngumiti naman ako saka kinuha ang bulaklak na inabot nito at ipinatong sa desk ko.
"Wala naman Rocky gusto lang kitang bigyan niyan para mabawasan ang stress mo at mabuti na lang talaga dahil wala dito ang staff mo." Napatawa ito saka napakamot sakanyang ulo.
"Let's go?" Dugtong nito at tumango naman ako, hinawakan pa nito ang kamay ko palabas ng aking opisina.
Habang hinihintay namin dumating ni Wilson ang order namin, napalingon naman ako sa entrance ng restaurant at laking gulat ko nang makita si Tonet at Caleb na magkasama. Napalingon din si Wilson at tumayo pa ito upang salubungin sina Tonet.
Niyaya pa nito na makisalo na lang sila sa amin, pipigilan ko sana ito ngunit nakaupo na sila.
"Hi Rocky, It's been a long time since we last met, and I heard what happened to you." Ngumiti naman ako binati rin ito, alam kong nakatitig sa akin si Caleb ngunit hindi ko ito tinitignan.
"Oo nga Tonet matagal tagal na rin iyon at sa susunod pwede na ulit akong makipag race." Ngumiti rin ito saka kumapit sa braso ni Caleb.
Tinawag naman ni Wilson ang waiter saka pinadagdagan ang order namin.
"OK let's eat, Tonet itigil mo muna ang kakakapit kay Mr. Driver at baka langgamin na tayo dito." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito, para kasing tuko kung kumapit eh.
"Wilson don't call him Mr. Driver may pangalan siya OK? Palagi mo na lang siyang tinatawag ng ganyan and that's not funny." Nakita ko ang pagkairita sa mukha ni Tonet samantalang napapangisi naman itong si Wilson. Pero anong ibig sabihin ni Tonet na palagi na lang itong sinasabi ni Wilson? Sa pagkakatanda ko dalawang beses o tatlong beses palang silang nagkikita ni Caleb.
"Fine I'm sorry nagbibiro lang naman ako Tonet, kumain na tayo." Sakto naman ang paglaglag ng hawak kong telepono sa ilalim ng mesa kaya naman kinuha ko ito, pagkayuko ko dito ay nakita kong nakapatong ang kamay nito Tonet sa binti ni Caleb habang hinihimas himas ito kayang naman sa sobrang gulat ko ay kaagad kong pinulot ang telepono ko, pagkatayo ko naman ay saktong naumpog ang ulo ko sa ilalim ng mesa na nakagawa ng ingay halos tumunog pa ang mga kubiyertos na nakapatong sa mesa.
Napangiwi ako habang papatayo at hinahaplos ang ulo ko, samantalang sila naman ay napatingin sa akin.
"Ayos ka lang ba Rocky?" Tumango naman ako saka nito hinawakan ang ulo ko.
"Ayos lang ako Wilson, nahulog kasi iyong cellphone ko." Ngumiti ito at nagpatuloy na sakanyang pagkain, hindi ko maiwasan ang mapalingon sa dalawa pakiramdam ko ang sikip sikip ng lugar namin hindi ako makahinga sa sobrang kasweetan ng nila.
"By the way Rocky, tuloy na tuloy na ba ang outing ninyo ng mga staff mo?“ Napalingon naman ako dito saka pinunasan ang bibig ko.
"Anong ninyo? Hindi ba't kasama ka namin sa outing?" Napakunot nuo naman ako habang sinusubo ang pagkain na nasa kutsara ko.
"Akala ko kasi nagbibiro ka lang." Napangiti naman ito saka naman sumabat sa usapan si Tonet na nuo'y nakatingin sa amin ni Wilson.
"What outing is that? Baka pwede naman kaming sumama ni Caleb." Tumingin pa ito kay Caleb saka nito pinunasan ang bibig nito gamit ang kanyang daliri. Ano ba iyan? Nakaka rated SPG na ah, sa hotel na lang kaya kayo magpunta at hindi dito.
"I'm sorry lovers pero exclusive ang outing na iyon para sa mga staff ni Rocky, right Rocky?" Diniinan ko pa ang paghiwa sa steak na nasa plato habang nakatitig sa dalawa.
"Rocky." Hinawakan ni Wilson ang balikat ko at mapalingon dito, saka lang bumalik ang aking ulirat nang maramdaman ko ang hapdi sa aking daliri at nang tignan ko ito ay dumudugo na pala ang hintuturo ko sa aking kamay.
"Aah sh*t." Napangiwi ako nang tanggalin ko ang kamay ko sa mesa. Mabilis naman kumuha ng tissue si Wilson at inilagay nito sa daliri ko.
"Are you OK Rocky? Parang wala ka sa sarili." Habang inaabot ni Tonet ang band aid na galing sa bag nito. Talagang mawawala ako sa sarili ko kung ganito ang nasa harapan ko.
"Kung saan saan ka kasi nakatingin kaya pati daliri mo hinihiwa mo na at ginawa mo ng steak." Napalingon naman ako kay Caleb dahil sa sinabi nito habang mahina itong napapatawa.
"Ano na Rocky pwede ba kaming sumama ni Caleb?" Hindi ko namamalayan na napatango na pala ako.
"Talaga? Wala ng bawian ah? Kailan ba para makabili ako ng swimsuit ko." Ilang beses pa akong napakurap kurap dahil sa sinabi ni Tonet, ano ibig niyang sabihin? Ano? Pumuyag ba ako? Napahawak na lang ako sa nuo habang umiiling pa.
"Wilson pumayag ba ako?" Bulong ko kay Wilson at humarap naman ito sa akin saka nito hinawakan ang nuo ko.
"Wala ka naman sakit Rocky pero parang wala ka nga sa sarili mo katulad ng sinabi ni Tonet, may problema ba? Tungkol pa rin ba kay tito Rodolfo?" Naalala ko palang hindi ko pa natatawagan si mom para kamustahin si tito.
"Tatawagan ko muna si mom, excuse me." Lumayo ako sakanila at nagtungo sa restroom.
Nakailang tunog palang ay sumagot na kaagad si mom.
"Hello mom, kamusta na si tito? Is he OK?“
"Hello Rocky, maayos na ang tito mo kailangan lang na imonitor ang kanyang Blood pressure at heart rate niya para masigurong maayos ang pagdaloy ng oxygenated blood sa heart muscle ng tito mo, kaya huwag na kayong mag-aalala ng kuya Ronald mo OK? Sige na anak mayroon pa akong aasikasuin, I love you bye." Lumabas ako ng restroom na mayroon ngiti sa aking mga labi dahil maayos na si tito, napansin ko naman na wala na roon sina Caleb at Tonet.
"Nakausap mo na ba si tito Rodrigo?" Tumango naman ako rito saka mapalingon sa pwesto nina Caleb.
"OK na si tito Rodolfo under monitoring na lang siya, nasaan na sila Tonet?“ Tinawag naman nito ang waiter saka hiningi ang bill.
"Ang sabi ni Tonet mayroon pa silang pupuntahan ni Mr. Driver, I mean ni Caleb." Tumango na lang ako saka nito inabot sa waiter ang card nito.
Hindi ko alam kung driver ko nga ba talaga si Caleb, feeling ko kasi nakikitira lang ito sa bahay dahil malaya nitong gawin ang gusto nitong gawin at nagagamit pa nito ang kotse ko kung ano mang oras nito gusto.
Bumaba ako ng kotse ni Wilson ng makatapat na kami sa bahay, hindi na ito pumasok sa loob dahil oras na rin iyon.
"See you tomorrow." Ngumiti ako saka kumaway rito at pinaandar na nito ang kanyang sasakyan.
Napalingon ako sa garahe at naroon na ang kotse na ginamit ni Caleb kanina.
Dumeretso ako sa paglalakad at nagpunta sa kusina upang uminum ng tubig.
"Bakit ngayon ka lang?" Halos lumabas pa sa ilong ko ang tubig na iniinum ko dahil sa gulat ng marinig ko ang boses ni Caleb sa aking likuran.
"Ano bang ginagawa mo? Papatayain mo ba ako sa nerbiyos?" Humarap ako rito at siya naman itong napapatawa sa tabi.
"At bakit kung ngayon lang ako? Bakit mo tinatanong? Sino ka ba?" Pinanliitan ko ito ng mata na mas lalo pa nitong ikinatawa. Ano bang nakakatawa sa mga sinabi ko? Umupo ito roon habang nakatitig sa akin.
"Akala ko ba magkaibigan na tayo? Kaya nagtatanong ako, teka masakit pa ba ang bukol mo? Ano ba kasing tinitignan mo sa ilalim ng mesa kaya nauntog ka?" Napalunok naman ang dahil sa sinabi nito at muli itong napatawa.
"Naninilip ka ba ha Rocky?“ Dugtong pa nito.
"Ang kapal naman ng mukha mo, nagulat lang ako dahil nakita kong hinihimas himas ni Tonet ang binti mo na gustong gusto mo naman hindi ba?" Napataas naman ang kilay nito at bahagyang napangiti sabay ang pag hawak nito sakanyang baba.
"Oo tama ka gustong gusto ko nga ang ginagawa niya, lalo na pagdumidikit ang katawan niya sa katawan ko." Nakakainis lang kung patuloy ko pang pakikinggan ang sasabihin nito kaya naman hindi na ako nagsalita at lumabas na lang ng kusina ngunit hinila nito ang braso ko.
"kaya ba ang sama ng tingin mo sa amin dalawa ni Tonet dahil nagseselos ka." Bigla na lang nagpanting ang tenga ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. May kirot sa aking dibdib na hindi ko mapaliwanag.
"Oo masama talaga ang tingin ko sainyo, sa sobrang sama gusto ko na kayong hiwain dalawa dahil sa ksweetan ninyong nakakasuka." Tinanggal ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko saka ako nagmadali ng umakyat ng hagdan patungo sa aking kuwarto. Tinanggal ko ang suit ko at hinampas iyon sa kama ko. Ako nagseselos? Bakit naman ako magseselos?