Chapter 17

2458 Words
Rocky Point Of View I hurried down the stairs and went to the garage, I put the helmet on my head then got on my motor. "Ang aga mo naman Rocky hindi ba't alas otso pa ang pasok mo sa V. E. M? Tsaka hindi mo ba gagamitin ang kotse mo ngayon?" Lumingon ako kay mang Kanor na nuo'y pinupunasan ang kotse ni dad. "May pupuntahan ako mang Kanor, puwede bang pakibukas ang gate." Tumango naman ito at nagtungo sa gate saka nito binuksan. Bumusina pa ako saka lumabas nang makasalubong ko ang kotse ni Farrah, binuksan nito ang bintana ng kanyang kotse. "Hi Rocky ang aga mo naman papasok sa trabaho ngayon." Bumaba pa ito ng kotse saka iniabot ang hawak nitong sobre. "Nagmamadali kasi ako Farrah may lakad ako, ano ba ito?" Kinuha ko iyon saka palingon lingon sa aking likuran. Ayaw kong makita si Caleb ngayong araw lalo na't hindi naging maganda ang usapan namin kagabi at sinabi ko rin dito na hihiwan ko silang dalawa ni Tonet dahil sa sobrang kasweetan nila hindi ko nga alam kung bakit ba kasi lumabas pa iyon sa bibig ko. Ayaw kong isipin niya na nagseselos ako sakanila ni Tonet at bakit naman ako magseselos? "Rocky ano bang problema?" Lumingon din ito sa likuran ko saka nito nakita si Caleb. "Infairness ang gwapo ng driver mo Rocky, hindi ka ba niya ihahatid sa trabaho mo." Dugtong pa nito saka ngumunguso sa likuran ko, napalingon naman ako muli rito . "Kailangan ko ng umalis Farrah I'm sorry nagmamadali talaga ako." Tila ba nakakita ako ng multo nang makita ko si Caleb na nakatingin din sa amin ni Farrah. "Ano bang nangyayari sa iyo Rocky kung makita mo ang driver mo para ka na rin nakakita ng multo ah." Hinawakan nito ang manibela na tila ba ayaw pa nito akong paalisin. "Ano ba Farrah lumayo ka na aalis na ako, nandiyan na si Caleb."Nagsimula na itong maglakad patungo sa amin ni Farrah kaya naman no choice na ako kung hindi pasakayin si Farrah sa motor ko, hinila ko pa ang kamay nito. "Dali na Farrah sakay na." Dugtong ko pa sa sobra naman taranta ni Farrah ay napasakay na rin ito kahit na nakabestida lang ito. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko sa aking motor ay nakalimutan ko pa lang mayroon akong sakay, napansin ko lang nang katukin nito ang suot kong helmet. "Rocky dahan dahan lang naman, ayaw ko pang mamatay gusto ko pang mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya." Sigaw nito sa likuran ko saka ko naman binagalan ang pagpapatakbo. Huminto kami sa isang Park at saka naman ito mabilis na bumaba. "What the hell Rocky, halos mamatay ako sa bilis ng pagdadrive mo. Rocky hindi ka nakikipagkarerahan at wala kang kalaban sa daan para bilisan mo ng husto." Tinanggal ko ang helmet sa ulo ko saka ko ito ipinatong sa motor, napatingin ako rito habang bahagyang napapangiti dahil sa itsura ngayon ng kaibigan kong daig pa nito ang nakipagsabutan sa gulo ng buhok. "Anong nginingiti ngiti mo Rocky? Ang sabi mo nagmamadali ka tapos dito ka lang pala sa Park pupunta?" Dugtong nito at pinanliitan nito ako ng kanyang mata. "I'm sorry Farrah hindi sana kita maiisama kung hinayaan mo na akong makaalis kanina." Lumapit pa ito sa akin at napahalukipkip ito. "So kalasanan ko pa? Teka nga Rocky magsabi ka nga totoo, nagka ganyan ka lang nang makita mo ang driver mo kanina. Ano bang nangyayari sa inyo?“ Nagpataas pababa ang kilay nito at ngumiti ng nakakaloko tila ba may ibig sabihin ang mga salita nito. Napalunok pa ako ng bahagya at umiwas sa tingin nito, alam kong hindi nito ako titigilan hangga't wala itong nakukuhang sagot sa akin kaya naman kailangan kong mag-isip ng magandang dahilan. "Nag-away na naman ba kayo? May LQ ba? May deal na naman ba?“ Naglakad ako at umupo sa bench na naroon sa park, itinaas ko ang paa ko at ipinatong sa kabilang binti habang nakatitig dito na palapit na rin sa akin. "Hey, sa style mo Rocky parang mayroon something sa inyo ng driver mo. Kilala ng kilala pag ganyan ka, nag-isip ka ng alibi mo." Paano nito nalaman ang nasa isip ko? Kaibigan ko nga talaga ito, napasapo na lang ako sa aking ulo nang makaupo ito sa tabi ko. "Nag-kiss kayo no? Oh my gosh may nangyari sainyong dalawa? Lovemaking?“ Napatakip pa ito sakanyang bibig habang binabanggit ang mga salitang lumalabas sa bibig nito kaya naman tinapik ko ang balikat nito at nginisian ko ito. "Baliw, kailangan bang ipakalandakan mo pa at anong lovemaking ang sinabi mo and you think I'm that kind of person?" Tinapik kong muli ang balikat nito pero sa pagkakataong ito ay mas malakas na. "Ouch! Ano ba sabihin mo na kasi Rocky." Sa sobrang kulit nito ay kinwento ko na ang lahat ng nangyari halos hindi pa ito makapaniwala sakanyang naririnig na tila ba nakikinig ito sa isang radio teleserye dahil sa sobrang seryoso nito sa pakikinig. Pagkatapos kong magkwento ay napatawa ito ng malakas na halos makuha luha pa. "Seriously Rocky? Gusto mong gawin sakanilang dalawa ni Tonet iyon? If I were in Caleb’s position, I would also think you were jealous." Sabay ang malakas na pagtawa nito. "But the question is nagseselos ka nga ba talaga?" Tumayo ito saka humarap sa akin. "Of course not and why should I be jealous? (nginisian ko ito saka tumayo rin at tinatapan ito) hindi ako nagseselos dahil kay Tonet, nagseselos ako dahil kay Caleb, happy?" Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi mapangiwi at hinihintay na masatisfy ito sa sagot ko, bahala na kung ano ang iispan niya basta gusto ko lang matapos ang usapan na ito. "Oh my Goodness, type mo pala si Tonet kaya pala ganoon ka makatingin sakanila ni Caleb noong last race mo." Tumango tango ito saka umupo, napatawa naman ako ng bahagya dahil naniwala ito sa palusot ko. "So akala ko style mo lang ang lahat, the way you wear, the way you act, mga hobbies mo iyon pala you also like women." Mahina nitong tugon at pigil naman ako sa pagtawa. "Baka naman Rocky type mo rin ako kaya palagi mo ako tinatawagan?" Dugto nito saka ko naman pinitik ang nuo nito. "What did you say? Even if you are the only woman in the world, hindi kita papatulan Farrah remember that." Tumayo ako saka sumakay ng motor. "Come on, ipapasyal kita." Padabog naman itong naglakad papunta sa akin, isinuot ko sakanya ang helmet saka ito patagilid na sumakay sa motor. Dinala ko ito sa charity foundation kung saan ako nagbibigay ng donasyon. Sinalubong naman ako kaagad ng mga bata at ni Mrs. Reyes. "Rocky kumusta na? Mukhang magaling na ang braso mo." Ngumiti naman ito sa akin at mapalingon kay Farrah. "Kaibigan ko pala Mrs. Reyes si Farrah." Lumapit naman si Farrah at kinamayan ito. Pumasok kami sa loob at nakipagkwentuhan dito samantalang niyaya naman ako ng mga bata sa loob na makipaglaro. "Ate Rocky nasaan si kuya Caleb? Bakit hindi mo siya kasama ngayon, hindi ba mag-asawa kayo?“ Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway dahil sa sinabi ni justine( isang bata sa foundation.) "Hindi kami mag-asawa ni kuya Caleb ninyo magkaibigan lang kami, sino ba nagsabi na mag-asawa kami?“ Umupo kami sa sahig ng mga bata habang nilalabas ang mga laruan sa kahon. "Si kuya Caleb po, noong minsan na pumasyal siya dito may kasama siyang babae tinanung ni Rica( isang bata rin sa foundation) kung asawa iyon ni kuya Caleb ang sagot ni kuya Caleb ikaw daw po ang asawa niya." Napatawa naman ako dahil sa sinabi ni justine pero hindi ako kinikilig ha at sinong babae ang kasama niya? Si Tonet na naman ba? "Nagbibiro lang ang kuya Caleb ninyo, hindi kami mag-asawa magkaibigan kami, OK?" Sa lagay ng itsura ni Justin ay mukhang dismayado ito dahil sa sinabi ko ngunit iyon ang totoo at ayaw kong magsinungalinng sa mga bata. Lumabas ako at iniwan ang mga bata, sakto naman ang pagtunog ng telepono ko. Lumihistro ang numerong hindi nakasave sa telepono, ilang beses kong hindi ito sinagot pero patuloy pa rin ang pagtawag nito. "Hello who is this?“ Nakakunot ang nuo kong nakatingin sa kinaroroonan nina Farrah. "Saan ka nagpunta? Bakit nagmamadali kang umalis kanina?" Napahinto ako dahil sa boses narinig ko, si Caleb ang nasa kabilang linya. "May lakad kasi ako makikipagkita ako sa mga kaibigan ko, may kailangan ka ba?" Lumingon naman si Farrah sa akin na tila ba nagtatanong kung sino ang kausap ko kaya naman umiling ako. "Pupuntahan kita, saan ba banda iyan? Nasa flat track ka ba? Sa San Luis? Sa foundation?“ Ngumisi ako dahil alam na alam nito kung saan ako nagpupunta. "Hindi Caleb wala ako sa mga iyan, sige na tinatawag na nila ako." Binaba ko ang telepono ko saka binalik sa aking bulsa. Nang muli itong tumunog kaya mabilis ko itong sinagot. "Ano ba Caleb huwag muna akong puntahan, wala ako sa foundation, wala ako sa San Luis, wala ako.." Napahinto ako sa pagsasalita ko nang marinig ko ang britonong boses ni Wilson. "Rocky it's me Wilson." Binaba ko ang telepono sa aking tenga at tinignan ko pang mabuti kung Wilson nga ba talaga ang kausap ko, napasapok pa ako sa nuo ko dahil si Wilson nga ito. "Wilson, I'm really sorry akala ko si Caleb na naman kasi ang kausap ko, napatawag ka Wilson." Napangiwi ako habang napapakamot sa aking ulo. "Si Caleb na naman? What do you mean? Ginugulo ka ba ng driver mo Rocky? Nasaan ka ba bakit hindi ka pumasok ngayon?“ Pumasok ako sa opisina ni Mrs. Reyes at umupo sa tabi ni Farrah. "Sige na Wilson, magkita na lang tayo sa office bukas." Binaba ko ang telepono na hindi man lang hinintay ang sagot nito habang nagtitinginan naman kami ni Farrah. Pagkatapos namin ni Farrah sa foundation ay dumeretso naman kami sa amusement arcade para maglibang hindi naman talaga para iwasan si Caleb kung hindi para maglibang din pa minsan minsan pero sa tingin ko hindi naman naniniwala dito ang kaibigan kong abalang abala sa paglalaro ng air hockey tables. "Sa susunod Rocky kung gusto mong lumabas tayo sabihan mo ako agad para naman hindi ganito ang outfit ko." Itinaas ko ang kamay ko saka ibinaba ang mallet na hawak ko. "Ayaw ko na suko na ako, ibang laro naman." Hinila ko ang kamay nito saka nagpunta sa pinball machines. "Hay ayaw ko na Rocky ang sakit na ng paa ko tignan mo puro na paltos ang mga paa ko, umuwi na tayo please." Umupo ito roon na para bang batang nakabusangot, kung mayroon man makakita sa amin ay iisipin pa nilang mayroon kaming LQ nito. "Alright let's go." Kumapit pa ito sa braso ko saka kami naglakad palabas ng amusement arcade at sumakay na sa motor. Nang makarating kami sa bahay ay bumaba na rin ito. "Thank you sa time Farrah." Ngumiti naman ito at hinalikan ang pisngi ko. "Ako nga dapat ang magthank you sa iyo Rocky kasi sulit ang pagsakay ko sa motor mo kahit na muntikan na akong mamatay dahil sa pagsakay sa motor ng the Queen of MotoRacing at kahit na nakadress lang akong naglalaro ng air hockey." Inabot nito ang helmet na galing sa ulo nito habang napapatawa pa. "Thank you so much Rocky, sulit talaga ang hindi ko pag pasok sa trabaho ngayon." Dugtong nito at tuloy pa rin ang malaking ngiti nito. "Sige na Farrah sumakay kana sa kotse mo, pupunta pa kasi ako ng San Luis." Sinuot ko naman ang helmet na hawak ko. "Sa San Luis? Hindi ba ang layo nu'n, nakakaulan pa baka abutan ka ng ulan sa daan, well anyway it's up to you kung gusto mong magpakabasa sa ulan hindi na kita pipigilan at baka maisama mo na naman ako sa trip mo." Ngumiti ito sabay kindat saka pumasok na sa loob ng kotse nito at umalis na rin. Tumingin naman ako sa langit at mukha ngang nakakaulan, mukhang hindi ako matutuloy ngayon sa San Luis. Pinaandar ko ang motor saka pumasok na sa loob dahil sakto naman na bukas ang gate. Bumaba ako sa garahe at tinanggal ang suot kong helmet habang pasipol pasipol pa mukhang wala naman dito si Caleb dahil wala rin ang kotse ko. Pangiti ngiti akong papasok sa bahay habang tinatanggal ang leather jacket ko at Inihagis ko pa iyon sa sala saka ako umupo at pinatong ang mga paa ko sa lamesita. "Manang! Manang, padala naman po ng juice dito sa sala." Sigaw ko habang nag lalagay ng headset sa magkabilang tenga ko at sinsabayan ang kanta na nagmumula rito. "Thanks manang." Sabi ko nang maipatong nito ang juice sa lamesita ngunit napansin ko na nanatiling nakatayo ito sa harapan kaya naman nilingon ko ito saka naman napalaki ang mata ko dahil dito. "Caleb?" Mahinang wika ko naglakad pa ito patungo sa akin at umupo sa tabi ko. "Sa foundation ka pala nagpunta." Inalis ko ang tingin dito ngunit tinanggal nito ang headset na nakakabit sa tenga ko. Anong ginagawa niya dito? Akala ko wala siya rito. "Rocky may problema ba tayo? Kaninang umaga na nakita mo ako parang nakakita ka ng multo?" Kinuha ko ang juice na nakapatong sa mesa at simulan na inumin ito. "Akala ko ba magkaibigan na tayo? Bakit parang umiiwas ka naman sa akin?" Dugtong pa nito ngunit hindi ko alam ang isasagot dito. "Rocky nakikinig ka ba?“ Hinawakan nito ang pisngi ko saka nito hinarap sakanya, tila ba huminto ang mundo ko nang tumititig ito sa mga mata ko kaya naman nagbaba ako ng tingin. "Of course I hear you, napagod lang ako sa lakad namin ni Farrah." At binalik ko muli ang tingin sa juice na hawak ko. "Mukhang napalitan nga lang sa iyo si Farrah na sumama, kung titignan nga kanina parang kinidnap mo siya." Tumawa ito ng bahagya saka lumapit pa ng upo sa akin kaya naman napapalunok ako ng aking laway. "Umiiwas ka ba Rocky?“ Kumunot ang nuo ko ritong humarap. "Hindi nga, bakit naman kita iiwasan Caleb? Anong dahilan? Mayroon ba dapat akong iwasan? Saan na naman ba papunta ito? Tatanungin mo na naman ba ako kung nagseselos? Oo nagseselos nga ako." Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa aking bibig, saan nanggaling ang mga iyon? Ano bang pinagsasabi ko? Tumayo ako saka nagsimulang maglakad patungo ng hagdan ngunit hinila nito ang kamay ko at naglapit ang mukha namin dalawa saka nito hinawakan ang pisngi ko, napatingin ako sa mapupulang labi nito sabay ng paglunok ng aking laway saka ko naman binalik ang pag tingin sa mga mata nito ngunit mariing din itong nakatitig sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD