Chapter 22

2737 Words
Rocky Point Of View Nagising ako sa malakas na tawanan sa ibaba marahil ay nananaginip lang ako kaya naman nagtalukbong pa ako ng kumot at ipinagpatuloy ang pagtulog ko. Wala pang isang minuto ay mayroon malakas na kalabog ang nagmumula sa pinto ng kuwarto, mabilis naman akong bumangon at binuksan iyon. "What the hell." Wika ko habang nakabusangot pa at gulo gulo ang aking buhok. Tinignan naman ako mula ulo hanggang paa ng kaibigan ko saka ito napatawa ng malakas. "Rocky it's already time, hindi ka pa bihis? Ang sabi mo maaga ang biyahe natin dahil malayo ang El Grande Island Resort nasa ibaba na kaming lahat at ikaw na lang ang wala." Pumasok pa ito sa kuwarto ko at umupo sa aking kama, sumunod naman ako habang napapakamot ng aking ulo. "So? What are you waiting for dali na magbihis ka na." Dugtong pa nito saka tumayo sa kama at itinulak ako papasok sa banyo. Nawala sa isip ko ang tungkol dito, excited pa man din ako at ako pa mismo ang palaging nagpapaalala sakanila na huwag silang male-late. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili paglabas ko ng banyo ay wala na roon si Farrah marahil ay bumaba na ito dahil naiinip na rin ito sa akin. Bumababa ako ng hagdan habang dala dala ang maleta ko, alam kong tatlong araw lang kami roon ngunit mas maganda na iyon marami akong dalang damit at kung ano ano pang abubot. Napalingon naman sila sa aking nang pababa ako ng hagdan habang dala ang maleta ko. Muntik pang maibuga ni kuya ang iniinum nitong kape nang tuluyan na akong makababa at palapit sakanila. "Where are you going? Akala ko ba tatlong araw lang kayo roon, sa dami ng dala mo Keitlyn mukhang aabutin ka ng isang buwan roon." Saka ito napatawa ng malakas gayun din ang mga staff ko, napalingon naman ako sakanila saka lamang sila huminto. "Kuya naman, kung tutuusin kulangp pa nga ang mga ito." "Halika na muna kayo't mag-almusal dito, mahirap ang magbyahe ng walang laman ang tiyan huwag ninyong gayahin itong si Rocky na papasok sa trabaho na hindi man lang kumakain mabuti na lang at nandito na si Caleb." Napahinto lamang si manang na pagsasalita nang tingnan ko ito. Nagsitayuan naman sila saka nagpunta sa hapag-kainan at nagsimula ng kumain. "Ang laki ng bahay ninyo boss Rocky sa tagal ko ng nagtatrabaho sa inyo ngayon pa lang ako nakapunta rito." Lumingon naman ako kay Larraine at nginitian ito. "Wala ba kayong SPG boss Rocky hindi ba't bilyonaryo kayo." Dugtong pa nito saka naman ito siniko ni Denise, napalingon si kuya Ronald dito at ngumiti. "Pinaalis niya lahat ng SPG dito." Sagot naman ni kuya habang napapailing. "Pinaalis ko sila dahil ayaw ko ng may alipores na lagi na lang nakabuntot sa likod ko." Sabat ko naman. Nang matapos kaming kumain ay dumeretso na kami sa labas ng bahay habang bitbit ni kevin ang maleta ko at isinakay iyon sa kotse ko. Kotse ko, kotse ni Wilson at ang company service lang ang dala namin. Sumakay na sina Larraine, Denise, Martin at Kevin samantalang ako naman at si Caleb ay sumakay sa kotse ko. Nang biglang kinatok ni Wilson ang bintana ng kotse at ibinaba ko naman iyon. "Sa kotse ka na sumakay palit kayo ni Tonet para makapag-usap naman sila." "Please Rocky?" Napataas naman ang kilay ko kay Tonet ngunit ibinaba ko rin iyon. Hindi na ako lumingon pa kay Caleb dahil alam ko naman na gusto rin nitong kasama si Tonet. Mabilis akong bumababa sa sarili kong kotse saka ko iyon malakas na isinarado. "OK no problem." Sagot ko naman at nagtungo na sa kotse ni Wilson kung saan naroon din si Farrah na nakasakay, tumabi ako sakanya sa likuran ng kotse ni Wilson. Pumasok si Wilson at ngiting aso ko naman itong nginitian. Nagsimula na ang biyahe namin patungong norte sa El Grande Island Resort. Makalipas ang limang oras na biyahe at pag-upo sa kotse ng napakatagal ay wakas nakarating na rin kami sa Resort. Pagbaba namin ng sasakyan ay kaagad kaming sinalubong ng mga staff at nagbigay ng buko juice pang welcome sa mga dumarating roon, kinuha ko naman iyon saka dumeretso sa front desk kung saan naroon ang mga resort receptionist mabilis naman nila akong inasikaso dahil nakapagpabook na rin naman ako sakanila. Ibinigay nila ang apat na susi para sa aming magiging kuwarto. "Didn't I reserve five rooms?" Tinignan ko ang mga susi sa desk saka ko sila tinignan muli. "Sorry Ms. Valdez but only four rooms are listed here and there are no more rooms available.“ sabi ng isang receptionist. "What did you say?" Inalis ko ang sunglasses ko habang hinawakan naman ni Farrah ang braso ko at mapalingon sa mga staff ko. "Halla kararating palang natin mainit na ang ulo ni boss Rocky." Bulong ni Denise kay Larraine ngunit narinig ko naman iyon, nabaling pa ang tingin ko kina Caleb at Wilson na mariin din na nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim saka muling bumaling ng tingin sa mga receptionist na naroon. "Alright if there's no room available, well that's OK no problem." Sinuot ko ang sunglasses ko at kinuha ang susi sa desk. Humarap ako sakanila na nakangiti at ngumiti rin ang mga ito. "Akala ko makikita ko na naman ang boss Rocky dati." Saka naman tumawa ang mga staff ko. "Share na lang kami sa room ni Farrah, kayo na ang bahala kung sino ang gusto ninyo makasama sa kuwarto." Iniabot ko sakanila ang tatlong susi. Kinuha naman ni Larraine ang isa, ganoon din si Wilson at Tonet. "Share na lang kami ng kuwarto ni Caleb." Napalaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Tonet. "What?" Mabilis na sabi ko at tumingin naman sa akin si Caleb ng nakakaloko. "Pasensiya na Tonet pero sa kuwarto na lang ako ng mga staff ni Rocky." Sagot naman ni Caleb. Nagsipuntahan na kami sa aming mga kuwarto na nuo'y magkakalapit lang din naman. Ipinasok ni Kevin ang gamit ko saka lumabas din pagkatapos, humiga ako sa malaking kama habang nakadapa. "Kilalang kilala ka nga ng mga staff mo pagnagtaas ka na ng boses Rocky." Wika ni Farrah habang inaayos ang mga damit nito. "Pasalamat sila at nagtimpi lang ako ayaw kong magalit dahil gusto mag-enjoy lang sila." Tumihaya naman ako at nakatingin sa kisame. "Pero nag-selos ka?" Lumingon ako at kumunot ang nuo rito. "Kanino naman ako magseselos Farrah?" "Kay Caleb, hindi ba't gusto ni Tonet na magkasama sila sa kuwarto? Di sana pala si Tonet nalang ang sinamahan mo sa kuwarto at dapat hindi ka na lumipat ng sasakyan kanina para makasama mo si Tonet sa kotse mo." Umupo naman ako dahil sa sinabi nito. Ano bang sinasabi ni Farrah? "Bakit ko naman gugustuhin ko naman makasama si Tonet?“ Humarap ito sa akin habang nakahalukipkip pa. "Hindi ba sinabi mo na type mo si Tonet at gusto mo siya?" Napaisip naman ako dahil sa sinabi ni Farrah hindi ko matandaan na mayroon akong sinabi na ganoon hindi nalang ako umimik at muling humiga. Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil mukhang napaidlip ako, nagulat ako ng humarap ako sa likuran ko at nakita si Farrah na nakabikini at mayroon lamang itong tapis. "Buti naman at gising ka na lunch na po, magbihis ka na at kakain na tayo." Tumayo naman ako at nagpunta sa banyo, nakasuot lamang ako ng White shirt at maong short saka naka rubber shoes. "Ano ba iyang suot mo Rocky, madami akong dalang swimsuit." Nginisian ko naman ito at lumabas ng kuwarto. "Paano ka magsiswimming niyan kung ganyan ang suot mo?" Dugtong pa nito. Nagtungo kami sa buffet service point at naroon na rin ang aming mga kasama na nakasuot na rin ng kanilang mga swimwear. Napatingin naman ako sa sarili ko, mukha ba akong kj? Umupo ako roon katabi si Wilson habang sa kabila ko naman ay si Caleb. Tahimik lang ako sa pagkain habang sila naman ay kanya kanya sa kwentuhan. Napalingon naman ako kay Wilson at nakatingin ito sa malaking hinaharap ni Tonet kumunot pa ang nuo ko at napalingon kay Caleb ngunit ganoon din ito. Mga lalaki nga naman mahilig sa mga cocomelon. Binilisan kong kumain at pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad sa gilid ng tabing dagat sinuot ko ang sunglass ko at umupo sa ilalim ng puno ng buko. "Ang tahimik mo, ayos ka lang ba?" Umupo rin ito sa tabi at iniabot sa akin ang isang juice. "Thanks." Maikling sagot ko naman at muling pinagmasdan ang alon sa dagat. "Uminum ka na ba ng gamot mo?" Umiling naman ako saka nito ako kinurot sa aking tagiliran. "Rocky naman sabi ko sa iyo huwag mo kakalimutan inumin ang mga gamot mo." Sakto naman ang pagtunog ng telepono ko sa aking bulsa at kaagad ko iyon kinuha. "Hi dad!" Bati ko sa video call namin ni dad. "Hello sweetheart, ang sabi ng kuya mo nagbakasyon ka raw?" Tumango naman ako at ipinakita si Farrah na kasama ko saka naman ito kinawayan ni Farrah. "Yes dad, how's tito Rodolfo dad?" Nakita ko naman na nasa likuran nito iyon at nakahiga sa hospital bed. "He's OK na maybe nextweek pwede na siyang umuwi." Ngumiti naman ako nang makita ko si mom. "Dad sino iyong katabi ni tito Rodolfo private nurse ba niya?" Umiling naman si dad at tinawag ito. "This is your tita Catherine, your tito Rodolfo's long time girlfriend." Malaki ang ngiti ni dad samantalang ang babae naman ay binati ako. "You look familiar tita Catherine, do we met before?" Umiling naman ito. "Hindi iha ngayon palang nakita, sige tinatawag na ako ng tito mo, nice to meet you Keitlyn." Ngumiti naman ako saka tumango. "Sige na sweetheart aasikasuhin ko pa ang mga papeles ng tito mo, ingat ka diyan." Ibinaba ko ang aking telepono habang malalim ang aking iniisip, Catherine parang narinig ko na ang pangalan na iyon at parang pamilyar ito sa akin. "OK ka lang Rocky?" Napahawak ako sa aking bibig at naalala ko ang tungkol sa babae na ipinakilala sa akin ni dad. Hindi maari na siya ang ina ni Caleb, paanong naging long time girlfriend ni tito Rodolfo si tita Catherine? "Rocky?" Hinawakan pa ako sa mukha ni Farrah at nakatulala lang ako habang iniisip iyon. "Rocky, may masakit ba? Sumusumpong ba ang puso mo?" Umiling naman ako saka nagsidatingan na ang mga staff ko na handa ng lumangoy sa dagat. "Boss Rocky, Tara na." Yaya ni Larrine na nuo'y nakasuot rin ng bikini katulad ni Denise, tumango lang ako at ngumiti rito. "Boss, Tara na." Tumango rin ako kay Martin na mayroon pang hawak na surfing board. Sunod naman na dumating sina Caleb, Wilson, at Tonet na handa na rin maligo sa dagat. Umupo sila sa upuan na mayroon payong, napalingon ako kay Tonet na nagpapalagay pa ng sunblock kay Caleb. Sumama lang ba ito para makipaglandian? “Teka Rocky ang sama mo naman makatingin?" Tinignan ni Farrah kung saan direksyon ako nakatingin. "Rocky parang nakakahalata na ako sa iyo a, may gusto ka ba talaga kay Tonet o kay Caleb? Umamin ka nga." kumunot ang nuo ko saka lumingon sa iba. "I get it, hindi si Tonet ang type mo kung hindi si Larraine." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito at napatawa rin ito. "Si Caleb no?" At napatango naman ako habang nakangiti, hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Inalis ko ang ngiti sa aking mga labi saka humarap sa kaibigan ko na seryoso ang mukha samantalang ito naman ay napatakip sakanyang bibig. "Oh my gosh, sabi ko na nga ba. Thank you lord totoong babae ang kaibigan ko." Napahawak ako sa aking nuo habang umiiling hindi ko alam bakit ako napatango sa tanong ni Farrah. "So kailan pa?" "Anong kailan pa?" "Kailan ka nagsimulang magkagusto sakanya?" "Hindi ko alam Farrah OK? Bigla na lang." "Kinikilig ako." Pinitik ko ang nuo at ibinaling sakanila ang tingin ko. Kahit na anong pilit nilang yayain ako maligo ay tinatanggihan ko ang mga ito dahil makita ko lang silang masaya ay masaya na rin ako, may mga pagkakataon pang mayroon lumapit na mga babae sa akin sa resort upang magpakilala ngunit kaagad na nilalapitan iyon ni Farrah at pinapaalis ang mga ito, kung iisipin ko lang talaga ay baka may gusto na rin sa akin ang kaibigan ko. Lumapit ang mga staff ko sa aking na basang basa at nagrequest na uminum ang mga ito mamayang gabi, pumayag ako upang makapag enjoy naman sila. Lumipat naman ako ng upuan at tumabi sa upuan ni Tonet para mas lalo ko pang maenjoy ang dagat. "Tara Caleb turuan mo akong magswimming." Mukhang nagkamali ata ako sa paglipat ng upuan dahil sumasakit lang ang tenga ko sa kalandian ni Tonet. "Sige walang problema." Lumingon naman ako kay Caleb at nginisian ito ngunit hindi nito ako pinansin sa halip ay inalalayan pa nito si Tonet papunta sa dagat. "Halika ka na Rocky magswimming na rin tayo." Aya naman ni Wilson. "Mag-jet ski tayo gusto mo?" "Sure." Tinanggal ko ang rubber shoes ko saka nagpunta sa mga jet ski na nakapwesto lang roon at kahit na sino ay pwedeng gumamit. Sinuot sa akin ni Wilson ang life vest na hawak nito saka sumakay sa isang jet ski. "Let's go." Umiling naman ako. "Gagamit ako ng sarili ko." Tumango naman ito saka inumpisahan ang pagpapatakbo at gnoon din ako. Napansin ko pang napalingon sa amin ang mga staff ko gayun din sina Farrah, Tonet at Caleb na abala sa pagtatampisaw sa dagat, narinig ko pa ang pagsigaw ni Larraine na sana raw isakay ko ito. Naglibot kami ni Wilson sa iba't ibang isla na kapaligid sa dagat kung mayroon lang kaming dalang camera ay panay ang kuha namin. Bumalik na kami ngunit wala na sila roon. "Ang galing mo pala Rocky, ano bukas ulit?" "Sure." Sagot ko naman saka kami sabay na bumalik sa aming silid. Pumasok ako roon at inihagis ko ang dala kong rubber shoes sa kama. "Saan kayo nagpunta ni Wilson? Hindi mo man lang ako sinakay sa jet ski." Habang nag-a ayos ito ng kanyang sarili sa harapan ng salamin. "Kung saan saang isla kami nakarating, ang sakit nga ng paa ko hindi ko alam na madami palang nga bato roon." Nang biglang mayroon kumatok sa pinto. Pumasok naman ang mga staff ko at nanggulo sa loob ng aming kuwarto ni Farrah. "Anong ginagawa ninyo rito?" "Boss remind lang namin iyong request namin na uminum tayo after ng dinner." Lumingon naman sa akin si Farrah. "No!" She mouthed at binalik ko naman ang tingin ko sa mga staff ko. "Yeah sure, minsan lang naman ito." Nagsigawan sila palabas ng aming kuwarto. "What? Pumayag ka? OK, sila pwede uminum pero ikaw Rocky hindi, nagmemaintenance ka Rocky paano ka gagaling niyan kung pasaway ka." Pinanliitan nito ako ng mata saka tumalikod, ang suwerte ng magiging nobyo ni Farrah dahil napaka malalahanin nito. Natapos na ang aming hapunan at dumeretso na kami sa resto bar ng resort, binayaran ko iyon ng buo kaya exclusive lang iyon para sa amin nang sa gayun ay makapagsaya sila ng kami kami lang at walang iba. "Boss Rocky ang laki nito bakit walang katao katao maliban sa mga waiter?" Umupo naman si Larraine at binuksan ang Tequila sa mesa. "Exclusive ang lugar na ito dahil binayaran ko ito ng buo." Lumingon naman sila sa akin na parang hindi sila makapaniwala. "What Rocky? Gumastos ka ng malaki para lang dito, oh my gosh sabi ko na kasi sa iyo dapat magpahinga nalang tayo sa kuwarto." Maktol naman ni Farrah "Binayaran ko na kaya wala ka ng magagawa, mag-enjoy ka na lang din." Umupo ito sa tabi ko at pinandilatan ako. Nagsimula kaming mag-saya, uminum at kumanta. Hindi ko alam na singer din pala ang mga staff ko, napansin ko naman si Tonet at Caleb na mayroon sariling mundo habang si Wilson naman ay nagpunta sa harapan at nagrequest ng kanta. Tumahimik ang lahat ng magsimula ng kumanta si Wilson kahit ako ay napalingon rin habang ito ay nasa harapan at nakatingin sa akin. "??Ayan na ako ay nalulula hindi ko mapigilan sakanya akoy lubos na humahanga, sa suot niya ikaw magdududa???." "Rocky ahem, para sa iyo ata ang kanta ni Wilson lalo na sa iyo siya nakatingin." Pinisil ni Farrah ang mukha ko. "??Siya'y magandang babae na lalake pumorma, Siya'y magandang babae na lalake pumorma??."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD