Naalimpungatan ako dahil sa kalabog na narinig ko, iminulat kong bahagya ang mata ko at nakasakay na ako sa kotse ni Caleb. Lumingon pa ako dito ngunit abala ito sakanyang pagmamaneho kaya naman sumandal ako sa gilid upang ituloy ang pagtulog ko. "Rocky, Rocky narito na tayo." Pakiramdam ko ay kakaidlip ko lang, tumingin ako sa labas ng bintana at nasa may harap na kami ng bahay. Bumaba ako sa kotse habang bitbit ang pares ng sandals na hawak ko. Naglakad ako hanggang sa makarating sa harap ng bahay, lumingon akong muli habang nakatingin din ito sa akin. "Goodnight." Habang iwinawagayway ko ang dalawang kamay ko na hawak pa ang sandals sabay ngiti rito. Nakita ko ang pagtawa nito sa akin kaya naman pumasok na ako loob ng bahay. Umakyat na rin ako kaagad sa kuwarto ko, pagkapasok ko ro

