Hawak ko ang kwintas na bigay ni Caleb habang nakaharap sa salamin, ngayon ko lang kasi napansin na letra pala ang disenyo nito. Letter R malamang ay pangalan ko ito, tumayo na ako nang biglang mayroon kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Alas siete palang naman, malamang ay si manang ito upang tawagin ako para mag-almusal. Binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali. "Good morning manang." Bati ko rito. "Good morning Rocky, pinapatawag ka ng daddy mo sa opisina niya." Tumango ako. "Sige susunod na ako." Tipid ang ngiti ko saka isinarado ang pinto. Alam ko na kung tungkol saan ito, inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kuwarto. Nakita ko pa sina mom, kuya Ronald at Caleb sa may sala na nagkukwentuhan ngunit wala roon si Julia malamang ay nasa San Luis pa ito. Tipid ang ngiti ko na

