Aika's POV
Yung gabi na nagcamping kami ni Clock para mapanuod yung meteor shower ang huling pagkikita namin dahil pareho na kaming natahimik at hindi ko na sya hinayaan na gumamit ng kung ano para pabagalin yung oras ng mga bulalakaw sa langit. Ano kayang nangyare sa babaeng yun? Bigla kaseng lumalim yung iniisip nya. Ngayon pa naman yung pagbabalik namin sa nakaraan.
Mayamaya ay may nag appear sa harap ko. Si Claritas na tuwang tuwang humiga sa kama ko.
"Ito yung pinakapaborito kong gamit nyong mga mortal." saad nya. Ang gandang nilalang din ng isang 'to.
Napatingin sya sakin bago ngumiti. Parang sya yung pinakamabait talaga sa mga kapatid ni Clock. Never kase syang nagmaldita o ano sa akin.
"Mamaya daw kayo magta- time travel ni Clock. May inaasikaso lang sya." nakangiting saad nya at napatango ako.
Napatingin sya sa akin bago ngumiti.
"Can you keep a secret?" tanong nya na kinagulat ko kase hindi kami close para sabihan nya ng secret nya.
Napangiti sya ng makita ata nya yung alangan sa mukha ko.
Mayamaya ay pumitik sya sa ere kasabay noon ay parang may namuong liwanag na parang dome sa paligid namin ni Claritas na bumangon at naupo sa ibabaw ng kama ko.
"Wala ng makakarinig." sabi nya na natatawa habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko at mayamaya ay napatingin sa akin.
"I know you can keep a secret." saad nya kaya napabuntong hininga ako bago tumango.
"Sa aming lahat...Ako lang ang nakakaalala ng pinagmulan ko, Hindi alam ng mga kapatid ko ito dahil regalo ito ni Daddy sa akin para dito. Sa sitwasyon ni Clock ngayon. Isa kase sa pinakamalaking factor kase si Clock sa balanse ng mga tao sa parte ng mundo na ito." kwento nya.
Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kaba habang kinukutuban ako na may mabigat na kapalit lahat ng chance na binibigay sa akin ng maykapal.
"We have another sisters named Faith and Destiny. Sila talaga yung inatasan ni Dad na magbibigay sa inyo ng pagsubok. Sinasabi ko sayo ngayon ito para mapaghandaan mo at hindi mapahamak si Clock. Ayoko syang maglaho dahil babaunin ko sa loob ko iyon hanggang sa dulo Aika....anuman ang mangyare gusto ko labanan mo ang bagay na mamumuo dyan sa puso mo patungkol kay Clock." malungkot nyang saad. Napalunok ako dahil doon. Nakita na siguro nila ang future na mahuhulog ang loob ko kay Clock.
Nababago ang tadhana. Kaya kong baguhin ang sarili kong tadhana.
"P-pangako lalabanan ko." sagot ko na diretso sa mga mata nya. Hindi ko din maaatim na maglalaho si Clock dahil sa akin.
Napangiti sya sakin at bakas sa mga mata nya yung tiwala sa akin.
"Wag mong sasabihin kay Clock ang lahat ng ito....Magkakagulo kaming magkakapatid." sabi nya at muli akong napatango.
Bahala na basta gagawin ko na lang yung magagawa ko.
Mayamaya ay naglaho yung bakod na ginawa ni Caritas at umakto na para bang walang nangyare. Nagkwento sya regarding sa ginagawa nyang trabaho. At tawang tawa sya nung nagtanong ako tungkol kay Cupid. Ayaw nyang sagutin iyon at nagpakwento pa sya sakin about sa greek mythology. Feeling ko alam na nya iyon at tuwang tuwa lang sya na may kausap sya na kagaya ko na mortal.
After kong sumagot sa napakadami nyang tanong ay hinatid nya ko sa rooftop ng company namin gamit ulit yung mahiwagang paraan nila ng transportation.
Pagkarating namin doon ay seryosong mukha ni Clock yung nadatnan ko at sobra ang pagkakatitig nya sa kapatid nya. Nagkukulay ginto na naman yung mata nya. Nagkukulay ganito lang yung mga mata nya kapag galit sya eh. Violet talaga ang kulay ng mga yun kapag kalmado sya. Paglingon ko kay Caritas ay nagbago din ang kulay ng mga mata nito.
Napaigtad ako ng akbayan ako ni Caritas at narinig ko yung mahinang tawa nito.
"Kumalma ka...mabilis kang mapapagod sa pagtatravel nyo kapag natatakot ka sa kanya..." nakangiting turan ni Caritas sa akin kaya wala sa loob ko na napatango ako sa kanya. Mayamaya ay lumitaw si Zam. Napatingin sa akin si Clock at nagkulay ube na ang mga mata nya at sinenyasan nya ko na lumapit sa kanya. Pagkalapit ko kay Clock ay napalingon ako kay Caritas na gumagawa ng liwanag na haligi kasama ni Zam.
Mayamaya ay parang nabingi ako at nanlabo yung paligid. Dome ulit?
"Anong pinag usapan nyo?" usisa ni Clock.
Wala dapat akong sabihin sa kanya at iyan ang pangako ko kay Caritas para hindi sya mapahamak.
"Greek mythology." sagot ko at nagsalubong ang mga kilay nya kaya napangiwi ako. Napaka ano naman nitong nilalang na 'to. Tinaob pa si kuya ko sa pang uusisa eh. Chismosa din!
"Greek mythology? Really? Si Eros ang kinilala ng mga tao regarding sa pagmamahal ! eh secretary lang iyon ni Caritas tapos nakipagkwentuhan sya sayo about that mythology? Funny." hindi talaga sya na convince.
"Big deal Clock?" nakataas ang isang kilay na taong ko pero napairap lang sa ere yung mga mata nya.
"Hindi na nga ako naniniwala doon o kung sa ano dahil napagkikita ko kayo..." muryot ko para tantanan nya ko sa kamalditahan nya.
"Natumbok mo." sabi nya at hinawakan nya yung pulsuhan ko at pinalantad yung palad ko.
"Pikit." utos nya at ginawa ko na lang. Parang nakakasanayan ko na yung pakiramdam na nagtatravel ka pabalik ng panahon. Nawawala na yung lula ko na parang nakasakay ka sa isang elevator na bumubulusok paibaba.
Pagmulat ng mga mata ko ay nagulat ako dahil nasa may loob kami ng company at medyo kinabahan ako sa eksena na nadatnan namin.
"Ex boyfriend mo." nakangising saad ni Clock kaya inirapan ko ulit sya. Napaka talaga ng babae na 'to!
"Really?" nang uuyam na tanong ni Jerome kay Bea.
"No wait! Jerome hindi mo naiintindihan..." natatarantang pinipigilan nya si Jerome na lumabas ng office nito.
"Ano ang hindi ko naiintindihan huh Beatrice!!??!" sigaw ni Jerome na kinaigtad ni Bea at maging ako.
"Hindi naiintindihan? Bea pinagkatiwalaan kita maging ni Aika! Ipaliwanag mo sa akin yung hindi ko maintindihan sa parteng may gusto ka sa girlfriend ko?" nang uuyam na tanong ni Jerome kay Bea na natahimik at napabitaw sa pagkakahawak sa braso ni Jerome.
Napabuga ng hininga si Bea bago nag angat ng paningin kay Jerome at nagulat ako ng nag iba ang emosyon sa mga mata nya at nakangisi sya kay Jerome.
"I want to save Aika from you....Ano ba yang galit na yan Jerome? Galit ba yan dahil mahal ko yung girlfriend mo o galit ba yan dahil hindi ako pumayag sa gusto mo?" nang aasar na tanong ni Bea na kinaalarma ng sistema ko dahil mukhang may nililihim sila sa akin. Parang nagmute yung paligid dahil hindi ko na naririnig yung pagtatalo nila at sobra kabog ng dibdib ko dahil biglang sulpot ni Daddy sa eksena at nagwawala syang kinuhelyuhan si Jerome habang pinipigilan sya ni Bea.
"C-Clock!! Bakit wala akong marinig? Bakit ganito?" naiiyak na natatarantang tanong ko dahil mukhang ito yung dahilan ng aksidente ni Daddy dahil napalingon ako sa kalendaryo sa table ni Jerome.
"We are not allowed..." malungkot na sagot ni Clock.
Pigil ko ang sarili ko na lumapit sa kanila dahil natatakot ako na magkamali dahil babalik ulit kami sa umpisa at masasaktan ng literal si Clock.
Mayamaya ay pumihit ulit yung oras. Yung oras na yung sasakyan na lang ni Daddy yung nasa tabing daan kung saan sya sumalpok at may papalayong ambulansya.
Natarantang napalinga si Clock.
"Kabisaduhin mo ang bawat ditalye ng eksenang ito Aika. Mga tao, gamit o kahit mismong itong sitwasyon na ito." utos ni Clock habang nagpapakawala sya ng mga numero at parang gintong buhangin sa palad nya na sumasabog sa puong paligid. Luminga ako sa paligid. Mga sasakyan, mga taong nasa paligid na naglalakad, nakahinto at umiisyoso sa aksidente at yung iba walang pakialam.
"May mali dito Aika kaya pumihit tayo sa oras na ito. Wala na dito ang Daddy mo.... dapat ang mga babalikan lang natin ay kung nasan ang Daddy mo...." saad ni Clock at kaya lalo akong natense.
Anong mali sa sitwasyon na ito? Anong nangyare after ng aksidente dito? Mayamaya ay huminto yung paligid. Lumapag ang mga paa ni Clock at naglakad sa paligid ng sasakyan kaya napasunod ako.
Napatingin din ako sa loob ng sasakyan at walang kahina hinala sa loob nito o kahit na ano. Si Clock napalinga sa mga tao sa paligid. Mayamaya ay hinawakan ako ni Clock sa palad ko.
"Pabalik na tayo. Hanggang dito lang daw muna tayo at sa susunod ay pwede ka ng magtama ng mga bagay na nangyare dito sa nakaraan. Malalaman din natin ang lahat Aika. Dahan dahan lang." sabi ni Clock at napatango ako bago pumikit dahil nanghihina na ko sa isipin na may kinalaman sina Jerome at Bea sa aksidente ni Daddy kaya inatake ito habang nagmamaneho pauwi sa amin.
Nanginig ang mga tuhod ko at halos mahigit ko yung hininga ko ng makabalik kami ni Clock sa may rooftop. Namalayan ko na lang nasa harap ko na sina Caritas at Clock na sobrang nag aalala sa itsura ko.
Napayukod ako ng may naramdaman ako na mainit na likido ang pumatak sa braso ko.
D-dugo?
Napahawak ako sa ilong ko. H-hala! dito galing.
Napatingin ako kay Clock na bakas ang pag aalala sa mga mata nya at hindi ko na marinig yung sinasabi nya.
"C-Clock..." tawag ko bago ako nawalan ng malay.
Clock's POV
Sa braso ko sya nabuwal pagkatapos nyang banggitin yung pangalan ko at nawalan ng malay.
Nakatingin sa amin si Caritas pero mas nag aalala syang nakatingin kay Aika. Binuhat ko ito at walang sabi sabing umuwi kami sa kwarto nya gamit ang mabilis na liwanag.
Hindi ko maintindihan sa sarili ko bakit ko inaaway sa tingin si Caritas. Kapatid ko sya!? Jusko Clock hindi ka nag iisip. Tahimik akong nakatingin sa mukha ng walang malay na si Aika. Hindi ko sya magawang maibaba sa ibabaw ng kama nya. Hindi ko maintindihan din kung bakit mas ibig ko na buhat ko na lang sya sa mga bisig ko hanggang sa magkamalay sya.
"Hindi ko alam bakit lagi mo kong tinatakot..." anas ko sa babaeng buhat ko. Hindi ko alam bakit sya lang yung nagagandahan ko sa ginawa ni Dad.
Napabuga ako ng hangin bago ko sya nilapag ng maayos sa ibabaw ng kama nya bago pa man ako makaisip ng bagay na mali sa mga labi nya.
Masama ito!
Binantayan ko sya habang natutulog sya at ewan bakit ngayon ako nakaramdam ng hiya na maupo sa tabi nya o sumampa sa ibabaw ng kama nya tulad ng ginagawa ko noong mga nakaraan. Napatunayan ko kase sa sarili ko kanina na sya lang yung kahinaan ko. Hindi ko sya pwedeng pabayaan.
Hindi ko alam kung ano itong bagay na namumuo sa sistema ko kapag patungkol sa kanya. At yung bagay na 'to nahahati ang loob ko. Ayoko na gusto ko.
"Uhr! Ilusyon lang ang lahat ng 'to! wag kang mahibang sa bagay na hindi totoo!" mahinang pagalit ko sa sarili ko. Napaangat ako sa ere ng gumalaw yung seradura ng pintuan na indikasyon na may papasok sa loob ng kwarto nya kaya gumawa ako ng harang na liwanag para hindi ako makita ng mga mortal na paparating.
Pumasok yung nanay nya at nahigit ang hininga ko dahil sa nakasunod na pumasok. Sa susunod na buwan pa ang dating nya! Bakit napaaga? Hindi ko namalayan ito.
"Naku tulog pala sya Bea....Ai----" gigisingin sana sya ng nanay nya ng pigilan sya nung Bea na nakangiti.
"Tita wag na po...ako na pong bahala po dito..." nakangiting sabi nito.
"O sya...tatawagin ko na lang kayo kapag ready na yung miryenda na ginagawa ko huh...It's good to see you again..." sabi ng nanay ni Aika habang nakangiti sa basta!
Pagkalabas ng pintuan ng nanay ni Aika ay naalarma ako sa paraan ng pagkakatitig nito sa walang malay na si Aika.
Tsk!
Maling galaw malilintikan sa akin 'to. Napahalukipkip ako at nag indian seat sa ere.
Napataas ang kilay ko ng maupo ito sa tabi ni Aika at bakas sa mga mata nya yung pagmamahal nya sa babaeng nakahiga sa ibabaw ng kamang iyon. Lumitaw yung liwanag na kadena na nag uugnay sa akin at kay Aika.
"Nandito na ko...hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit...Gagawin ko ang lahat para sayo para mahalin mo lang ako pabalik Aika..." anas nito habang hinahawi yung ilang hibla ng buhok na nagkukubli sa mukha ni Aika.
"Nasa akin ang oras nya..." mahinang anas ko. Mayamaya para akong malalagutan ng ulirat ng yumukod ito papalapit sa mukha ni Aika. Dadampi iyon sa mga labi nya!!!!
Maagap kong pinahinto yung oras nya at ng buong paligid ngunit hindi yung kay Aika. Napatungtongtong ang mga paa ko sa sahig at naiinis ako sa bilis ng paraan ng babae na 'to na makaisa ng halik sa walang malay at walang laban na si Aika.
Dinampot ko sya mula sa kuhelyo ng damit nya sa may bandang batok at iniangat para mailayo kay Aika at iniupo sa isang sulok na may upuan.
Napasabunot ako ng buhok ko at sobrang frustration na nararamdaman ko at napatingin ako kay Aika. Naman!
"Bilis mo huh!" anas ko at baling dito sa kaibigan ni Aika. Tsk! hindi naman sya maganda talagang hindi lang talaga masama ang dila ni Aika sa pagpuri sa paligid nya. Inisip ko si Zam at pinapunta sya dito.
"I'm much more faster!" tsk! kung makikilala lang nya ko hilakbot sya!
Mayamaya ay dumating si Zam.
Nakataas ang kilay sa akin at nakatingin doon sa bagong nilalang sa harap nya.
Tinaasan ko sya ng kilay indikasyon na gawin na nya.
Nilagay nya yung hintuturo nya sa noo nito.
"Ano bang ilalagay ko sa sulok ng isip nya?" tanong nya sakin.
"Yung part na gusto nya na makahalik kay Aika." sabi ko at napangisi sya bago sinunod yung ibig ko.
"Sa pisngi lang pala sya hahalik... advance ka masyado Clock..." pang aasar ni Zam.
Napaikot sa ere yung mga mata ko.
Tsk! Kahit ba eh!
"Ako ang oras di ba?" sarkastikong saad ko at kinatawa nya.
"Bawal magkagusto huh? Alalahanin mo ang rules." sabi nya. Hindi ako makakalimutin talagang nakakainis lang yung bagay na nilagay ni Caritas sa sistema ko!
"Malalabanan ko 'to... wag ka ding advance." sabi ko at napailing lang sya bago nawala sa harap ko.
Pumitik ako sa ere at bumalik ulit sa pag galaw yung paligid. Gusto kong matawa na parang nagulat pa sya dahil ang layo na nya sa kama ni Aika. Nagtungo ako sa bubong ng bahay nila at tahimik na pinagmasdan yung bagay na nagkokonekta sa amin ni Aika.
Recently naririnig ko na sya kahit ilang metro na ang layo namin sa isa't isa.
Haist! Ang sama!
Masama ang lagay ko!
"Clock..." narinig kong anas nya na kinangiti ko. Ano ka ngayon! Ako ang unang hinahanap pagmulat ng mga mata nya.
"B-Bea?" parang natakot sya ng marealize nya siguro kung sino yung nasa loob ng kwarto nya.
Biglang natahimik yung paligid. Si Aika lang kase yung naririnig ko at hindi yung iba.
Nag uusap sila pero parang may konting takot at pagkailang yung tinig ni Aika. Mukhang hindi sya komportable.
"W-Wait lang Bea... Tumatawag kase yung yinaya ko ng dinner sa labas...uhm... Hello! Clock? Asan ka na ba? sabi mo dadaanan mo ko dito before 6pm? Puntahan mo na ko dito... malayo pa pupuntahan natin." rinig kong saad nya na parang pasigaw. Feeling ko alam na nya na tambayan ko na itong bubong nila.
Napangiti ako.
"Snap!" sigaw ko at sabay pitik sa ere para muling huminto ang oras ng paligid.
Nagulat pa sya ng lumitaw ako sa tabi nitong hindi maganda.
Napaupo sya sa gilid ng kama nya at parang nanghihinang nakatingin sa akin. Maganda pa din kahit namumutla. Tsk! Feeling ko ginagamitan nya ko ng salamangka kaya ganito sya kaganda sa paningin ko. Nakakainis! Hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa bagay na tinanim ng kapatid ko sa sistema ko!
Napatingin sya sa paanan ko.
Bakit kaya? suot ko naman yung sapin sa paa na bigay nya.
"Good! Sa may garden dun ka pumwesto pupuntahan kita doon..." utos nya at ewan ayoko naman na pinapangunahan sa ibig ko pero heto mabilis pa sa kidlat ay nasa garden na nila ko! At pinagalaw ko na yung oras ng buong paligid.
Mayamaya nga ay humahangos syang naglalakad at patakbo papunta sa gawi ko. Napasimangot ako ng patago ng makita kong nakasunod sa kanya yung lintang nilalang.
Yung sumunod na pangyayare hindi ko na namalayan!
T-Teka?
A-Ako yung oras di ba?
Pero bakit pakiramdam ko napahinto ako at bumagal yung paggalaw ng paligid ko sa perspective ko ng pasugod syang yumakap sakin? H-Heartbeat! Gosh! nararamdaman ko yung t***k ng puso nya!
Parang nawala ako sa sarili ko ng bumitaw sya sakin at may matamis na ngiti syang pinupukol sakin.
"Ang tagal mo! sabi ko naman sayo na agahan mo di ba?" nagtatampong saad nya habang nakanguso. Haist! Sumesenyas yung mga mata nya sakin na sakyan ko lang itong pakulo nya. Hala! hindi talaga makarecover yung sistema ko dahil sa yakap nya!
"D-Dumaan kase sina Zam kanina... nakipag usap lang ako regarding sa trabaho. Pasensya na...Tara san mo gustong pumunta?" tanong ko.
"Anywhere... basta kasama kita." saad nito na kinahinto ko na naman. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napabaling ako sa taong nakamasid pala sa amin mula pa kanina.
Bakas sa mga mata nya yung sakit habang tahimik syang nanunuod sa amin.
Napatikhim ako at parang doon natauhan si Aika regarding sa nilalang na nasa likod nya banda. Napalingon sya dun at alangan na napangiti. Naasiwa siguro sya dahil laman itong Bea ng lahat ng pagbabalik namin sa nakaraan.
"A---- Nga pala Clock... si Beatrice bestfriend ko... Uhm.. Bea si Clock...." hindi nya mawari kung ano ba yung idudugtong nya.
"Her time." dugtong ko na kinatingin sa akin ni Bea. Tsk! literal na oras nya! gusto ko sanang idugtong pero baka mag mukha lang akong baliw mahirap na. Parang nanabang yung tingin sakin ng Bea kaya pasimple akong napaismid.
"I'm Bea... manliligaw nya." diretsang pakilala nito sakin na kinahina ni Aika dahil pasimple itong napahawak sa braso ko.
"Love fade away without time... time is more important. I'm more important." ngising saad ko na kinahinto nya ulit.
Sa akala ba nya hindi ko sya kayang patulan. Hindi sya uubra sa akin.
..............