Chapter 4

4176 Words
Aika's POV Habol hininga ako ng muling nagmulat ang mga mata ko sa dating lugar na pinagtayuan namin ni Clock noong unang nagtime travel kami pabalik sa oras ng aksidente ng tatay ko. "Focus and be brave....Isipin mo na kailangan may kailangan kang gawin dito para maitama mo ang kasalukuyan at hinaharap na panahon mo." turan ni Clock sa akin at pag angat ng tingin ko sa mga mata nya ay puno ito ng assurance at hindi ko mawari bakit parang napanatag ang loob ko dahil doon.Napabuga ako ng hininga ko dahil kahit papaano ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. "Future can't change if you are not brave enough to risk things in present time." turan nya na gumising sa isip ko. Tama sya kung wala akong gagawin ay araw araw pa din akong magsisisi! Napalunok ako ng matanaw ko na paparating na yung sasakyan ni Daddy at naroroon na yung usok sa may windshield nito na parang gustong kumawala. At natanaw namin si Death at yung tagasundo na nasa kabilang kalsada na wari bang tulad namin ay nag aantay na sa susunod na mangyayare. Nangpapalapit na ito ay pumunta na sa gitna ng kalsada si Death. At yung mga sumunod na nangyari ay nilakasan ko yung loob ko at nilabanan ko yung emosyon ko na magpaapekto sa nasasaksihan kong sitwasyon. The next thing happened, Malakas na pagsalpok at malakas na busina ng sasakyan yung umalingawngaw na sa paligid.  Pagkalaho ni Death ay humakbang si Clock sa gitna ng kalsada at tinawag nya ko bago nya pinakabisado sa akin yung bawat ditalye ng aksidente. Kahit yung buong paligid at kung kakayanin ko ay pati yung mga tao sa paligid nito. Sobrang paghihirap ng nararamdaman ko sa totoo lang pero nilalabanan kong wag lumapit para tulungan si Dad dahil magkakamali na naman ako at masasaktan na naman si Clock ng literal. Nagkakagulo ang mga tao sa paligid ng sirang sasakyan at ni isa wala man lang tumulong sa kanya. Sobrang nasasaktan ako sa eksenang ito at wala akong magawa. Mayamaya parang huminto yung paligid at parang hinila kami kung saan namalayan ko na lang nasa parking lot ng kumpanya na kami ni Clock. "Akala ko mapagkakatiwalaan ka!" sigaw ni Dad sa babaeng kaharap nya na naiiyak at sobra ang hingal na para bang hinabol nya ang tatay ko hanggang dito sa parking lot. "S-Sir wait....L-Let me explain everything...hindi ko po ginusto lahat...Bigla na lang po nangyare." umiiyak na paliwanag nung babae. Kilala ko sya. Pero naguguluhan ako sa naririnig ko at sa sitwasyon na bakit sila magkausap ngayon? Ewan parang nadudurog ako sa sitwasyon na nakikita ko kahit hindi ko alam yung pinag uusapan nila. "Really? Alam ba ito ng anak ko?" nanggigil na tanong ni Daddy sa kanya. Pero maliliit na hikbi lang yung sagot nya. "Alam ba ni Aika ang lahat ng 'to!??" sigaw ni Dad na kinaigtad ko at pati nung babae. Clock float in the air at sobrang focus ng mga mata nya sa nasasaksihan nya. Ano yung lahat na yun na kung alam ko? May nililihim sya sakin? Bestfriend ko sya! Sunud sunod na iling yung itinugon nito. Ouchh! May nililihim sya! Mayamaya ay huminto yung paligid kasabay ng pagkulog ng langit. Napatingala si Clock na wari bang tahimik na nakikinig at ilang saglit ay napatingin sya sakin bago muling inilapag ang mga paa nya sa sahig. "Ipapakita nya daw sayo lahat ng pira-pirasong ditalye bago maaksidente ang tatay mo at alalahanin mong lahat mula sa sulok ng isip mo  ang mga ito para kapag ibinigay na nya yung oras na pwede na tayong kumilos para mabago natin ang lahat sa panahon na ito at ililigtas natin ang Daddy mo para makasama mo sya sa present time." paliwanag nya at napatango ako. Napatingin ako kay Dad at sa kausap nito na nakahinto. She have a secret! "Who is she?" tanong ni Clock sa akin. Napalunok ako at hindi ako pwedeng magsinungaling sa kanya. "Her name is Beatrice.....my bestfriend." sabi ko. Napataas ang kilay nya sakin. "What are they talking about?" usisa ni Clock. "I didn't know..... nagtataka din ako bakit magkausap sila. Pero parang may hint na ko....Umamin kase itong si Bea sakin dati regarding sa feelings nya toward sakin..." nahihiyang amin ko dahil nag iba na yung pagkakataas ng kilay ni Clock at parang ang talas na ng pagkakatitig nya sakin. A-Anong problema ba nya? Biglang lumutang sa ere si Clock at nagtungo sa kinatatayuan ni Bea. "Hindi sya maganda. Hindi kayo bagay." deklara nya na sya naman na  kintaas ng kilay ko. "Modelo po sya Clock. Paanong hindi sya maganda?" usisa ko naman. Hindi ba nya alam yung meaning ng bestfriend? Maka hindi bagay agad akala mo may relasyon higit pa sa kaibigan ang isip ng Clock na 'to! "Ang tabang ng taste mo." saad nya bago bumalik sa tabi ko. "Clock huh! Masamang manlait!" pagtatanggol ko sa bestfriend ko. "Iba ang panlalait sa nagsasabi ng totoo. Hindi masamang magsabi ng totoo." reasoned out pa nya. Ang talino sobra! Parang abogado laging may pambara! "She's still your friend?" tanong nya na para bang bored na bored sya. "Oo naman! Nasa abroad lang sya dahil doon sya nagtatrabaho ngayon. Pauwi nga sya next month."  sabi ko at napangisi sya. "Okay." yun lang yung tugon nya. Alam ko may gagawina kalokohan itong babae na to! Babantayan ko syang maiigi! Sa muling Pagtakbo ng oras ay sumakay na si Daddy sa sasakyan. Ito yung bago sya maaksidente. Wala akong magawa kundi tingnan yung likod ng sasakyan ni Dad papalayo mula sa kinalalagyan ko. Muling pumihit yung oras. Si Daddy na nakatayo sa harap ng isang pintuan na nakabukas kaunti. Waring may pinapakinggan sya mula dito.May narinig kaming nagtatalo at yung mga  boses ay nagmumula doon sa silid na lihim na pinagmamasdan at pinapakinggan ni Daddy. Nasa bandang likuran nya kami ni Clock ng sabay pa kaming napatingin sa pagkuyom ng mga palad nya at halata ang galit nya dahil nanginginig ito. "Hindi tayo makapasok sa loob. Mukhang hindi pa ito ang oras na nilaan sa atin para makita yung nangyayare sa loob  ng silid na yun." sabi ni Clock at napatango na lang ako kahit ibig ko din malaman kung sinu sino yung nagtatalo sa loob nun. Biglang pumihit ulit yung oras at kasunod noon ay sa loob ng opisina ko at magkaharap kami ni Daddy. Biglang nanikip ang dibdib ko dahil ito yung araw na nag away kami at ito din yung araw na naaksidente sya. Habang pinapanuod ko yung diskusyon namin ni Daddy ay hindi ko mapigilan na mapaluha. Sana pala nakinig ako sa kanya. Sana pala sinunod ko yung guts ko na yinakap ko sya ng mga oras na 'to para magkaayos kami. Sana pala pinahinahon ko yung loob ko para hindi nagsabay yung galit ko. Sana nagkaayos pa kami at hindi nangyare iyon. The moment Dad left me in my office that was the time I lost my heart and it tearing apart. Hindi na nga nabuo simula ng oras na yun. Yung pagtataas ng boses ko ng mga oras na iyon kay Dad ang pinagsisihan ko habang buhay. Dapat pala inalam ko muna ang lahat. Dapat hindi isang parte ng puso at isip ko ang pinakinggan ko ng mga panahon na yun. Ang laki kong tanga! "Just tell me kung kaya mo pa Aika." turan ni Clock. Humarap ako sa kanya bago ngumiti para malaman nyang okay lang ako. Kaya ko pa. Hindi sapat yung sakit na 'to sa binigay kong sama ng loob kay Daddy. Sobrang kulang nito! Ang sumunod ay halos ikadurog ng puso ko dahil yung oras na pinakita sa akin ay si Daddy na nakasakay sa loob ng elevator na pababa mula sa Ground Floor habang tahimik na dumadaloy yung mga luha sa mga mata nya habang taas baba yung adam's apple nya. Nakagat ko yung ilalim na labi ko kasabay ng pagdaloy ng luha ko sa sakit at panghihinayang ng umalog na yung magkabilang balikat ni Dad sa pag iyak. Ang sama kong anak! Napakasama ko! Walang kapatawaran 'to! "Bumalik ka Dad please..." piping dasal ko sa hangin. Sana bumalik sya sa opisina nya o magpunta sana sya sa opisina ni Kuya Mako. Halos nanlumo ako ng magbukas yung pintuan ng elevator na yun. Bago pa man din ako makaisip na sundan ko sya ay biglang  pumihit yung oras pero hindi katulad ng mga kanina ay mas malakas yung pwersa nito at pinihit ako ni Clock paharap sa kanya bago tinakpan yung mga mata ko. Pagkahintong pagkahinto ng pwersa na iyon ay napatakbo ako sa isang sulok at halos masuka ako. Yung pakiramdam ko ay parang first time akong nakasakay sa isang bagong sasakyan na nakakahilo ang amoy at grabe yung panlalata ko sa hilo. Pagharap ko ay may isang bottle water na alok sa akin si Clock. Nang kunin ko sa kanya iyon ay napalinga sya sa buong paligid ng roof deck. "S-Salamat." sabi ko at napatango lang sya sa akin. Hinawakan nya ko sa pulsuhan ko at sa isang iglap ay namalayan ko na lang ay nasa loob na kami ng kwarto ko. "Magpahinga ka muna Aika. Sa sobrang hyper na nararamdaman mo habang bumabalik tayo ng oras ng Daddy mo eh ayan tuloy hindi mo nararamdaman yung epekto ng oras sa katawan mo. After two days magtatravel tayo ulit dahil hindi tayo nakagawa ng mali kaya magpalakas ka." sabi nya at nahiga ako sa kama ko. Nagpasalamat ako kay Clock sa tulong nya. "Sleep now Soul!" saad nya bago naglaho sa liwanag. Clock's POV Napaupo ako sa bubong ng bahay nila. Mayamaya ay lumabas din sa liwanag sina Death at Zam.  "Napakasalbahe talaga ng Lucius na yan!" angal ni Zam na kinatawa ko. Sila kase yung hiningan ko ng tulong sa pagbabantay ng babalikan naming lokasyon ni Aika. Mahirap na baka may gawin syang kabalbalan at paulit ulit kaming maiis- stuck up sa panahon na yun at hindi na kami makakalabas. "Wow! Nakatapos din sya ng isang session nyo Clock!" parang amaze na amaze si Death sa nangyare kahit ako. Si Josefa kase dati nung sila ni Light ay nakailang beses sa unang pagsusulit nila bago naperfect. Samantalang si Aika halos bumigay na yung katawan nya wag lang syang magkamali sa pangalawang pagsubok nya sa pagbalik sa panahon. "Kahit ako napabilib din nya. Halos hindi na nga nya maramdaman yung panginginig ng katawan nya sa pabaliktad na time travel nya sa sitwasyon na yun." saad ko. "Sabihan mo sya. Baka mamaya nyan makayanan nga ng katawan nya pero ang estado ng isip nya baka bumigay." nag aalalang paalala ni Zam. Napabuntong hininga ako. "Yun nga din yung iniisip ko...halos mabaliw nga ako ng sinagot nya yung tanong ko kung okay ba sya at ngumiti sya sakin ng buong lakas bago tumango.... Sobrang desperada talaga nyang itama yung pagkakamali nya dati." sabi ko. "Human nature! They always like that. They don't cherish what they have in present time at sobrang sisi kapag narealize na nila sa future yung hindi nila iningatan noong panahon na nasa kanila pa." sabi ni Death. Totoo yung sinabi ni Death na yun. Lagi kong nasasaksihan iyon sa tuwing nagbabantay ako ng oras nila. Napatingin sa akin si Zam ng ilatag ko yung trabaho ko. At pinagmasdan ko yung ginagawa ng tatlong katu- katulong ko sa pagbabantay at pagbibigay ng oras sa lahat. "Hindi ka na sa gilid ng bangin nagtatrabaho?" takang tanong nya sakin. Napatawa si Death. "Asa ka Zam! Lagi na yan dito sa bubong ng bahay ni Aika." sabi ni Death na nakasimangot at nauna ng umalis. "Hoy! Clock huh! Ilusyon lang yang binato sayo ni Claritas wag kang ano!" pagalit nya at pinitik nya ko sa noo ko bago sya umalis na kagaya ni Death ay naglaho sa pamamagitan ng liwanag. Napabuntong hinga ako dahil sa mga kalokohan ng mga kapatid ko. Pababa na ang araw sa kanluran ng inihinto ko na ang trabaho ko para silipin si Aika. Ang lalim ng tulog nya ng madatnan ko sya sa ibabaw ng kama nya. Naupo ako sa kabilang bahagi ng kama nya at sumandal ako bago nagbasa ng libro na hindi ko pa natatapos basahin noong nakaraan. Nakakailang pahina na ako ng napahinto ako dahil naghikab sya at nag inat. Lihim akong napangiti dahil maganda pa din kahit gulo gulo ang buhok nya. Napaigtad pa sya pabangon ng kama nya ng makita ako. "Kanina ka pa?" tanong nya sakin. "Kakadating dating lang... kamusta pakiramdam mo?" tanong ko at umupo na sya sa kama nya. "Parang feeling ko isang linggo ako ng panggabi sa trabaho na walang tulog kaya medyo shaky pa din yung feeling ko."saad nya. "Sa susunod wag mong sagarin yung katawan mo sa pagta- time travell natin dapat pakiramdaman mo ito kase kapag hindi mo kinaya ay pareho tayong matatrap sa sitwasyo na binalikan natin." paliwanag ko at nalungkot sya bago tumango. Binaba ko sa maliit na lamesa sa gilid ng kama nya yung librong binabasa ko at pinagmasdan sya. Sobra syang nasasaktan sa lahat ng nakita nya kanina. Wala naman akong magawa kase nature ng tao itong emosyon na ito. Saka choices naman nya kung paano nya mapapasaya ang sarili nya na walang tulong at opinyon ng iba. Aika's POV Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko o ano pero wala heto na eh. Saka gabi na ngayon ko pang naisipan na kaladkarin si Clock kung saan. Tahimik si Clock na nakayuko habang nakatingin sa may bandang paanan nya. Lihim akong napapangiti dahil ang cute nyang tingnan ngayon habang inosenteng nakatingin sya sa may bandang paanan nya dahil pinasuot ko sa kanya yung binili kong high top white sneaker. Napakamot sya ng gilid na kilay nya bago nag angat ng tingin sa akin. "Do I wear it properly?" she asked me. Napangiti ako at napatango. Nakakapagtaka nga marunong silang magdamit pero hindi sila nagsasapin sa may paa. Nagpatianod na lang sya sakin ng hilahin ko sya patungo sa kotse ko. Pagtapat namin sa may passenger's seat sa harap ay napatingin sya sakin. "Bawal magic." saad ko at binuksan ko yung pintuan ng kotse ko sa harap at sinenyasan ko syang sumakay. Napabuntong hininga muna sya bago tumalima. Pagkasara ko ng pintuan ay napangiti ako. Madalang kase sya magpatalo sa akin. Pagpasok ko sa may driver's seat ay napatingin ako sa kanya.Para syang boss na nakaupo ngayon sa tabi ko habang nakadekwatro at nakahalukipkip ang mga braso. Napailing ako at dadakwang sana sa kanya para kabitan sya ng seatbelt ng pigilan nya ko gamit ang hintuturo nyang nakadiin na sa noo ko. Natigilan ako habang salubong ang mga kilay kong nakatingin sa kanya. Problema nito? "Anong gagawin mo?" and promise! She look so horrified! Ano bang sa akala nyang gagawin ko? Ang arte nya huh! "Kakabitan ka ng seatbelt! Ano ba Clock?" Saad ko dahil sobrang pagpi - Feeling na nya 'to! Natigilan sya bago sumandal ng maayos at mabilis kong kinabit yung seatbelt sa kanya. Habang bumibyahe kami ay tahimik nyang pinapanuod yung nadadaanan namin. She was so damn amaze sa mga iba't ibang ilaw na ng mga establishments na nadadaanan namin. "Kapag tinitingnan ko ang ilaw ng syudad na 'to mula sa itaas ay parang inaantok ako at walang buhay. Iba pala kapag nandito ka sa mismong pinagmamasdan mo." saad nya. "Hindi ka naggagala dito?" tanong ko dahil di ba nga they can do whatever they want. "Hindi. Hindi ko kase gustong maglagalag dito. Gusto ko lang panuorin ito mula sa itaas ng bangin." sabi nya at napatango ako. Pagkadating namin sa may paboritong park ko nung nabubuhay si Daddy ay nagpatulong ako kay Clock sa pagbubuhat ng gamit. Siniko ko sya na magpanggap na mahina sa harap ng ibang taong nakapaligid sa amin na tulad namin ay magka-camping din. Ang daming gustong tumulong sa amin na karamihan ay mga lalake. Pero tumatanggi ako. Nakakaasiwa kapag nasa paligid ko sila baka dahilan sa gamuntikan na kong marape ng ex boyfriend ko at ng bestfriend ko kaya parang nag iba yung trust ko sa mga kagaya nila. Natigilan ako na parang nakahinto na sila tulad ng mga maniquin sa mall. Sobrang nakakabingi talaga ang katahimikan ng paligid kapag nakahinto ang oras nito. "Matagal tagal pa ang mga gugulin nila sa mundo sa larangan ng panloloko ng mga kababaihan." saad ni Clock at yung mga mata nya na dati ay kulay ube ngayon naman ay kulay ginto na habang nandoon pa din sa mga mata nya yung iba't ibang klase ng maliliit na numero na gumagalaw sa mga iris nya. "Mahilig ka pala sa manloloko?" seryosong tanong nya kaya nagsalubong ang mga kilay ko sa kanya. Pakaano ng babaeng 'to! "Sinong may normal na pag iisip ang gugustuhin ang isang manloloko?" tanong ko sa kanya bago ako sumandal sa kotse ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Naningkit ang mga mata nyang nakatingin sa akin bago ngumisi. "Ikaw pa lang." saad nya bago binitbit yung mga gamit namin at parang nagka idea na sya dahil pinagmamasdan yung mga tent sa paligid namin. "Clock!!!" sigaw ko sa inis sa kanya. So ang tingin nya sa akin ay abnormal. Hindi kase sya marunong magjoke! Mayamaya ay lumabas sa kung saan ni Zam. "Ayoko ng makulit." sabi sa kanya ni Clock na kinairap nung isa at lumapit doon sa grupo ng mga lalake at may ginagawa sya sa mga noo nito na hindi ko maintindihan. "Hindi na kayo iintindihin nga mga 'to at nitong mga nakapaligid sa inyo. Alis na ko. Bye Aika!" saad nya at hindi pa ko nakakapagsalita ay nawala na ito na parang bula sa may liwanag kasabay ng pagbabalik ng ikot ng oras. Hindi ko alam yung mga sumunod na pangyayare basta nabuo na ni Clock yung tent namin. Bitbit ko yung lahat ng set up ko pang stargazing. Tahimik si Clock na pinapanuod ako habang inaayos ko ito. Para syang bata na nakaupo sa damuhan dito sa tabi ko. "Anong gamit nyan?" tanong nya sa akin kaya napalingon ako saglit sa kanya bago ko muling inayos itong telescope ko. "Device ito para makita mo ng malapitan ang mga bituin at yung buwan." paliwanag ko sa kanya. "You really love stones..." deklara nya kaya napatawa ako. "Parang ganun na nga." sabi ko kasabay na natapos ko yung set up ko sa mga gamit ko. Nabalitaan ko kase sa tv na ngayong gabi ay magkakaroon ng meteor shower at ibig kong makita ito.  "Anong pakiramdam na maging isang mortal?" tanong nya. "Normal lang. Normal na makaramdam ka ng saya, lungkot, galit, gutom, hilo, antok o pagkabagot. Pero napaka unusual na ma-in love ka ng wagas." sabi ko at napangisi sya. "Wagas? Love is just illusion just like time. Tinatanim lang ito ng kapatid kong si Caritas sa bawat tao." sabi nya. "Pero hindi ito tutubo at yayabong kung sa maling tao." sabi ko at ngayon sya naman ang natigilan. "Love is not just about romance Soul..." sabi nya. "And love is not all about illusion. Walang pinipiling oras ang pagmamahal gaya ng lungkot, saya o takot sa isang damdamin ng tao Clock....Kapag sinabi mong ilusyon ang pagmamahal parang sinabi mo na ilusyon lang din ang maykapal. Sya ang buo ng mga kagaya mo hindi ba para makatulong ng langit sa pagbabalanse ng lahat?" tanong ko at pareho kaming natigilan sa isang tawa ng babae. "Tama sya Clock." sabi nito na kinasimangot ni Clock. "What are you doing here Claritas?" matabang na tanong ni Clock. Kapatid yata ito ni Clock. Ang ganda nya din para din syang dyosa. "May trabaho ako dito." sabi ni Claritas at naupo sa pagitan namin ni Clock. May tinuro syang isang lalake sa di kalayuan sa kinalalagyan namin bago may tinuro sa kabilang bahagi ng tent nito na isang babae. "Parehong hindi naniniwala sa konsepto ng pagmamahal. Yung lalake akala nya na kayang bilhin ng pera ng mundo ang pagmamahal ng isang babae. At yung isa naman ay naniniwala na ang pwedeng makuha o mawala agad ang pagmamahal ng isang lalake kapag naibigay nya ang panglaman na kamunduhan ng mga lalake. Sobrang babaw ng mga pananaw nila kaya sila yung trabaho ko dito dahil baka mabalutan ng kasamaan ang isip at puso nila kapag hindi sila naniwala dito." paliwanag ni Caritas. Mayamaya ay lumitas sa liwanag yung cute na kerobin na nakita ko sa kwarto ko nung nakaraan na kausap ni Clock. May dala itong bolang usok na halos hindi na nya mahawakan maigi at walang alinlangan na binato nya ito sa lalake at muling nagbuo ng ganung bola ng usok yung munting kerobin at ng makatapos sya ay binato nya naman ito sa babae. "You can go now Eros...thank you." sigaw ni Caritas at parang batang sundalo itong sumaludo sa gawi namin bago naglaho. Aww! Ang cute! "You will learn so many things Clock...don't be on rush my dear sister..." saad nito at naglaho sa isang iglap. "Yeah! Thank you!" walang ganang saad ni Clock. "Makukulit ang mga kapatid mo..." sabi ko at napangisi sya. "Medyo." sagot nya at parang natigilan sya at napatingin sa paligid kaya gaya nya ay napalinga din ako. "Pinahinto mo?" tanong ko at umiling sya bago napatayo at dahil sa sagot nya ay kinabahan ako dahil nakita ko na naman yung parang lubid na nakakonekta sa palad ko at sa hintuturo ni Clock. Pagtingin ko sa kanya ay nag iba na ang mga mata nya at medyo nakalutang na naman sya sa lupa ng ilang pulgada. Pag angat ko ng tingin ko sa pinagmamasdan ni Clock ay napatulala ako sa nilalang na tinitingnan nya. Isang lalake na nababalutan paikot ng kulay gintong buhangin at parang may umiikot sa paligid nya na mga Roman numerals na gawa sa buhangin. Paglapag ng mga paa nito sa damuhan sa harap namin ay magkahaling tulad ang mga mata nila ni Clock. "Uhr!" tawag nito sa katabi ko at bakas sa mga mata nito na mabait ito. Napatingin ito sa akin partikular sa parang lubid na nagdudugtong sa amin ni Clock at ng mag angat ang mga mata nya sa akin ay napangiti sya sakin bilang pagbati pero alangan akong ngumiti pabalik. "Zaman." saad ni Clock na lumapag na din ang mga paa nya sa lupa. "Mukhang natatakot sya sa itsura ko." natatawang sabi nito bago nya pinaglaho lahat ng buhangin na umiikot sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Clock. "Nasa lugar kase na nasasakupan mo ang taong sakop ko na nakalagpas sa haligi ng oras ng kasalukuyan at hinaharap. Dalawang araw ang nagawa nyang pagtawid." paliwanag nito. May nakapagtime travel na tao! At nandito sya. "Humura sa mga pakielameros." natatawang saad ni Clock. Mayamaya ay parang may hinugot si Clock sa liwanag sa harap nya. Kulay gintong sibat na may parang buhangin na hugis orasan sa pinakadulo at yung mga tattoo ni Clock ay gumagalaw na padugtong doon sa bagay na hawak nya. "Makakapagtrabaho ka habang hawak mo sya?" aliw na tanong ni Zaman kay Clock. "Makikiusyoso o mananahimik para matulungan? sagot." Seryosong tanong ni Clock. Napatawa ito bago nailing. "Pwedeng maiwan muna sya sakin saglit Uhr. Wag masyadong mahigpit." nakakalokong saad ni Zaman. Uhr? Yun ang tunay na pangalan ni Clock? Nagkatitigan silang dalawa. Umangat sa ere si Clock pero hindi pa din napuputol ang lubid na nadudugtong sa amin. "Itikom mo ang bibig mo Zaman habang wala ako.Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ni Clock. At sumaludo lang sa kanya si Zaman bago naupo sa tabi ko pero malaki ang distansya namin. Naglaho si Clock at hindi na visible yung lubid pero nakikita ko pa din ito sa palad ko. Pumipito pito sa hangin si Zaman at ginagawa nya din yung ginagawa ni Clock. Parang nagbabantay din sya ng mga oras ng mga tao at lahat ng bagay na gawa ng Dyos. "Timekeeper ka din?" tanong ko at napalingon sya sakin bago napatango. "Hawak ko ang kanlurang bahagi ng mundo at may mga gaya din nina Death, Zam,Claritas at yung iba sa kinalalagyan ko." nakangiting kwento nya. Mayamaya ay may humagis sa harap namin at grabe ang pagkakasadsad nito sa damuhan hanggang sa huminto ito sa may paanan ni Zaman. Nakatindig si Clock malapit dito at bored nyang tiningnan si Zaman. "Layas na." napakawalang galang talaga nitong si Clock! Napatawa si Zaman at napalingon sa amin. "Possesive ma- in love ni Clock." sabi nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko at pag awang ng mga labi ko. At bago pa man makapagsalita si Clock na shock din ay mabilis naglaho si Zaman kasama ang isang lalake. At parang kulog na dumagundong sa paligid yung sigaw ni Clock kaya napangiwi ako sa pagkabingi! Habang naghihintay kami ng meteor shower ay tahimik na nakasimangot si Clock. "Wag kang magpi- feeling sa sinabi ni Zaman. Hindi ka maganda." saad ni Clock na kinataas ng kilay ko. "Okay na sa wag magfeeling pero Clock sobrang panlalait na sa mukha ko yung bandang huli! Hindi ko kinukuha yung opinion mo kung maganda ako sa paningin mo noh!" buwisit na oras na 'to! "Tsk!" Gandang ganda din sa sarili nya itong si Clock! Di na ngilabot! "Wag mo kong kausapin mamaya nyan malagpasan ko na naman yung hinihintay ko." masungit kong sabi. Kailangan ko ito para matauhan itong alarm clock na 'to na kailangan nya ding pag isipan itong mga pinagsasabi nya sakin! "Sobrang panic? Wala ka talagang tiwala sakin noh? Kaya kong Pihitin ulit pabalik lahat para sayo para makita mong lahat ng ibig mo at wala kang ma-miss na kahit na anong event na gusto mo kapag kasama mo ko." seryosong sabi nya na kinahito ko at syang sabay na parang pagtigil ng ikot ng mundo ko dahil sa sinabi nya. Wala akong marinig kundi ang nagwawalang t***k at kaba ng puso at dibdib ko. Bakit nagdodoble meaning sa akin ang lahat ng binibitawan nyang salita? Masama ito Aika! Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya dahil kakayanin ng konsensya ko na maglalaho sya kapag naging pabaya ako pagdating sa puso ko! ....................... Lesbian love story po ito. Salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD