Chapter 3

3981 Words
Clock's POV Inihinto ko ang buong oras ng paligid dahil ayokong madamay ang oras ng bawat nilalang ni Dad sa pag uusap namin ni Lucius ngayon sa may hardin ng bahay nina Aika. Pinakita ko sa kanya ang totoong anyo ng isang oras sa harap nya. At mula sa kanang kamay ko ay pinalabas ko ang aking sibat na may malaking nagniningas na kulay gintong orasan bago ang pinaka talim nito. Ang mga  sinaunang numero na kulay na ginto na gamit sa langit ay umiikot sa buong paligid ko. Lahat ng iyon ay umahon sa mga simbolong nasa katawan ko. Napalinga ako sa paligid dahil nandito na ang mga kasamahan nya. Gusto nila ng party? Napangiti ako ng matanaw ko si Death na nakatungtong sa may ibabaw ng poste habang nasa paligid nya yung mga taga sundo nya. Pumaikot yung taga sundo ni Death sa paligid ng bahay nina Aika. Sobrang init ng mga mata ng tropahan ni Lucian sa tahanan nina Aika na binalutan ko ng proteksyon para hindi sila makalapit. "Anong sadya nyo dito?" turan ko gamit ang totoong toni ng boses ko na tulad ng isang kulog sa langit. Sa bawat paghakbang nya sa damuhan ay nagliliyab ang yinapakan ng sapatos nya. Nakangisi sya sakin kasabay ng pagpilig ng ulo nya ay kasabay noon ang pagbabago ng anyo nya. Ang mga dating anghel ng langit na naghangad ng sobrang kapangyarihan at kapamahalaan sa luklukan. "Ibig ko ang nilalang na nasa loob ng tahanan na iyan Uhr!" saad nya na para bang galing sa ilalim ng lupa ang tono ng boses nya. Dahil doon ay nag iba din ng anyo si Death. "Anong kalapastanganan na tawagin mo ako sa pangalan ko ng walang pahintulot?"Tanong ko kasabay ng paglutang ng mga paa ko sa lupa. "Malakas ka Uhr. Hindi mo kailangan na mas mababa ka pa sa mga anghel nya..." at doon ko sya pinutol. "Labas ka na sa desisyon kong manatili sa tabi nya Lucius...Hindi sukatan ang lakas sa ibig mong mahalin at sa desisyon mong manatili sa tabi ng iyong Ama. Hindi ko hanggad ang kapangyarihan Lucius ng higit pa sa iniatang nya...." sagot ko na kinasama ng timpla ng mukha nya. Hangal! "Hindi ka Anghel Uhr! Kaya kitang tapusin tulad ng lahat, ang oras ay may hantungan din!" bulyaw nya kasabay ng paglutang din nya sa ere at pagligabgab ng mga braso nya sa apoy. Inihanda ko ang sarili ko at dalawang kamay ang ginamit ko sa paghawak ng armas na hawak ko at ginawa kong sangkap ng mga palad ko. "Hindi man ako isang anghel Lucius pero sangkap din ako ng lahat ng binuo sa mundong ito sa kapangyarihan ng langit. Sa ayaw at gusto mo? Sangkap mo din ako...May kakayahan akong ihatid ka sa hantungan mo ng mas mabilis na paraan. Ako ang oras!" deklara ko kasabay ng pagpapalabas ko ng simbolo ng oras ni Lucius sa noo nya at hinila ko iyon upang tumakbo na mabilis. Kaya kong manipulahin ang bawat oras ng mga nasa paligid ko at alam ni Lucius iyon pero mas ninanais nyang guluhin ako at si Aika. Hindi ako papayag na masaktan sya dahil sa akin. Pinagkaloob sya sakin ng langit para matupad ang hiling ko kaya gagawin ko ang lahat para mailigtas sya sa tuwina. Banaag ko ang paghihirap sa mga mata ni Lucius habang dumadaloy ang masaganang likido sa buong mukha nya habang patuloy ako sa pagmamanipula ng sarili nyang oras. Ang oras ay sangkap din ng kalamnan ng lahat at dito nakabatay ang lakas at kapaguran ng bawat isang hibla ng bawat katawan. Bumagsak sya mula sa mababang pagkakalutang nya sa ere. Matutunaw sya dahil hinihila ko naman pabalik ang oras nya. Mayamaya ay kumulog ng ubod ng lakas na syang kinahinto ko dahil pagsuway na sa ginagawa ko ang binaba ng langit kaya tumigil ako. Lumapat ng magaan sa damuhan ang mga paa ko at tahimik akong nakatingin kay Lucius na natatawa at hindi makabangon. Si Death ay pumalakpak na para bang sobrang proud nya sa ginawa ko. Naglaho sya kasama ng mga tagasundo nya. "Lalabanan mo din ang langit Uhr ng dahil sa nilalang na yan!"  natatawang saad nya bago naglaho. Napabuntong hininga ako dahil doon. Bakit ko lalabanan ang tatay ko? "Wawakasan mo talaga sya..." napalingon ako sa nagsalita. Si Zam. "Hindi...bawal." turan ko at nagbago ako ng anyo. Iniabot nya sakin yung jacket ko bago kami naglaho sa liwanag at nagtungo sa silid ni Aika. "Pwedeng pakilipat sa kailaliman ng memorya nya yung nangyare  sa Taiwan?" tanong ko at tumango sya. "Yung parte ng kay Lucian lang yung pwede kong galawin." turan nya na kinapayag ko dahil mababalutan sya ng takot sa tuwing magtatravel kami pabalik ng panahon. "Panay panay ang buntong hininga mo?" natatawang pang aasar nya habang nakadikit sa noo ni Aika yung hintuturo nya. "Nakakakonsensya na nasasaktan sya dahil sa akin." sabi ko at naupo ako sa paanan ni Aika. "Ang masaktan ay natural na emosyon ng bawat isa na nilalang ng Dios. Hindi maiiwasan at hindi maipapasandali." pangaral nya. "Hindi naman sa sukdulan na ikamamatay nya.." simangot na muryot ko. Mayamaya ay nasa harapan ko na sya. "Bawal ma-in love!" paalala nya bago lumutang sa ere at nag indian seat. "Alam ko! Responsibilidad ko na yung kaligtasan nya." saad ko. "Balanse lang ng oras ang trabaho mo sa ilalim ng langit Clock at hindi sa iisang tao lang iikot ang babantayan mo ng oras...Ang oras nya kahit sya pa eh pinagbigyan ng tatay natin eh hindi ibig sabihin noon ay iba na ang time line nya sa ibang nilalang...hindi Clock. Masisira mo ang balangkas ng oras ng lahat kapag palagi mong sinasagip ang oras nya." turan ni Zam. Tama sya. Dapat hindi ko pakielaman yung sariling oras ni Aika pero ewan ba! Hindi ko mapigilang hindi ito itama at iligtas sya. May part sa sulok ng isip ko na ayoko syang masaktan at dapat ko syang ingatan. "Wag matigas ang ulo Clock huh? Alalahanin mo hindi lahat ay maari." turan nya bago naglaho sa kawalan. Aika's POV Ang sakit ng ulo ko ng magising ako. Nagulat pa ako ng makita ko si Clock sa may paanan ko na panay kumpas ng daliri nya sa ere.  Mayamaya ay may lumitaw sa kislap ng liwanag. Babae na mayroong maraming tattoo ng mga numero sa kanang braso  nito. Yung pananamit nila ay parang sa mga normal na tao yun nga lang parang mga modelo. Nahindik ako ng kumumpas ito sa ere na parang sa simbolo at lumabas doon ang isang orasang buhangin habang ang paligid nito ay napakaraming nakapaligid na akala mo ay monitor ng tv kung saan iba't ibang tao ang nandoon at sa mga noo nila ay parang sinaunang numero na nagbabago. "Lahat ito ay papunta na kay Death at Zam....nga pala nanggugulo si Lucius sa balanse." turan nito. "Wala naman sya magagawa na...Maraming salamat Hora." saad ni Clock habang patuloy pa din sya sa pagtingin ng mga lumalabas na napakaraming numero na iba iba ang balangkas. Tumango yung kausap ni Clock at napatingin sa gawi ko bago ngumiti na kinagulat ko. Her right eye turned into a magnificent blue na tulad ng kay Clock ay may numero ito sa iris nito bago naglaho sa kislap ng liwanag. Natauhan ako dahil sa pagkakatitig sa akin ni Clock na nakatayo na pala sa paanan ng kama ko. "How's your feeling?" tanong nya. "I-I'm fine...nahilo lang ako ng kaunti.." sagot ko at napatawa sya ng mahina. "Nahilo? Pass out na tawag dun Soul!" natatawang saad nya na kinasimangot ko. "What happened?" tanong ko dahil wala na kong maalala. "Nahimatay ka sa empatso.." pang aasar nya bago sumampa sa kama ko. Ghad! wala akong maalala. "Tinatamad ako na ewan..." sagot ko at yinakap yung unan ko. Para syang batang nanunuod sa akin habang naka indian seat sa ibabaw ng kama ko at pinabangon nya ko. Halos mahimatay ako ng hawakan ng magaan ang pulsuhan ko. "Let's go stargazing!" turan nya bago kami parang hinila ng liwanag at namalayan ko na lang eh nasa bubong na kami ng bahay namin. Mayamaya ay may lumabas na naman mula sa kislap ng liwanag. "Eros!" singhal ni Clock sa cute na....Arghhh! maliit na anghel! Bakit nya pinapagalitan ang ganitong kacute na nilalang. Halos nakawin na nya ang puso ko ng lumabi yung nilalang na iyon kay Clock. Para syang limang taong gulang na bata! "Bawal dalawin? Sungit mo Clock! may sasabihin pa naman ako! Hmmmp! Bahala ka!" parang batang turan nya bago muling naglaho. "Great! Caritas..." bulong nya bago muling nagbuntong hininga bago tumingin sa akin. Sinenyasan nya kong maupo sa may yero ng bahay namin. Naupo din sya sa tabi ko at tumingala sa kalangitan kaya ginaya ko sya. Sobrang daming stars ngayong gabi. Parang ang lapit lang nila kapag matagal mong tinitigan. Mayamaya ay may tinuro syang mga formation ng mga bituin at sinabi nya sa akin kung anong constellation iyon. Ang dami kong natutunan sa kanya. Mayamaya ay may dumaan na shooting star. "Kainis ang bilis! Hindi ako nakawish!" mahinang turan ko na kinalingon ni Clock sa akin. "Bato lang yun Aika..." saad nya na kinasimangot ko. "Alam ko! Feeling know it all! Paniniwala sa amin na kapag humiling ka sa dumaan na shooting star ay matutupad yung hiling mo. Kj Clock? Kailangan all facts?" inis na saad ko.  Ipagsamapalan ba sa mukha ko na bato lang yun eh alam ko naman! "Ganun ba yun?" tanong pa nya kaya inirapan ko sya. "Balik!" anas nya at ipinangsenyas nya sa ere yung hintuturo nya. Kasabay noon ang kinalaki ng mata ko dahil parang slow motion na dumadaan sa kalangitan yung bulalakaw. "Take your time to make a wish now..."saad nya at nahiga sa tabi ko habang nasa batok nya yung mga palad nya na nagmistulang unan nya. Ang bagal mga bes! Baka kahit mga wish ng mga kapitbahay ko ay maisabay ko na dahil sobrang bagal talaga ng galaw ng bulalakaw sa langit! Humiling ako sa isip ko na sana maitama kong lahat ng iyon at hindi ko na gagawin lahat ng iyon para hindi nawala si Daddy sa amin. At sana matupad na din yung hiling ni Clock. Pagmulat ko ng mga mata ko. Jusme! nasa ere pa din! "Nakawish ka na?" tanong nya at tumango ako bago nya muling pinatakbo ng akma yung buong paligid. Nakakangilo ang pagiging inosente ni Clock. "Anong hiniling mo?" tanong nya at heto na naman yung tunay na anyo ng mga mata nya. Ang galing!  Naggagalawan ang mga sinaunang numero sa iris ng mga mata nya. Yinakap ko yung nakabaluktot kong dalawang tuhod bago napatingin sa paligid ko. "Baka hindi matupad kapag pinag sabi ko."mahinang turan ko. "Huh? Matutupad yun basta susundin natin yung Dios. Magtutulungan tayo kaya Wag kang nagpapaniwala sa bato..." saad nya sakin na kinatawa ko dahil hindi na sya nakarecover sa bulalakaw. Napaisip ako kung sasabihin ko ba? Mayamaya naramdaman ko na lang na ibinalot nya sa akun yung  jacket nya. Her scent, smells like spring breeze. Gosh? Ano itong estrangherong emosyon na bumabalot sa puso at sistema ko! Parang natutuyuan ako ng lalamunan na parang kinukuryente ang buong sistema ko. "Tell me? I'll do everything to make it happen..." saad nya habang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako dahil nahihiya ako na kinilig sa sinabi nya.  ei! Bawal to! Naman! "H-hiniling ko na sana matupad yung mga pangarap natin Clock..." papahinang saad ko dahil sa hiya. Parang kahit sya natigilan at inanalyze ko yung sinabi ko sa kanya na kinapula ng pisngi ko ng makaramdam ako ng init  dahil parang doble meaning sa akin. "I-I mean matupad sana yung magkaibang hiling natin ng sabay." turan ko. Napalunok sya bago nahihiyang tumango sa sinabi ko sa kanya. Ang gaga ko kase bakit nakakatanga magconstruct ng mga salita sa harap nya. Nakakatanga. Clock's POV Nasa ere kami ngayon ni Death at pinagmamasdan si Aika na papasok sa trabaho nya. "You have a crush on her.." deklara ni Death na kinalingon ko. "Shut up!" angil ko na kinatawa nya. "Maganda sya?" tanong nya. Napatitig ako kay Death. At napatango na syang kinatawa nya. "Si Caritas! Nakakainis ibinato nya sakin yung bagay na bawal sa atin!" saad ko at muling napatingin kay Aika na nagmamaneho na ng sasakyan nya papasok sa work. Pakiramdam ko kase gumagana na ito sa sistema ko. "Labanan mong maigi yan Clock. Isipin mo na pagsubok lang yan at hindi totoo ang emosyon na bumabalot sayo dahil bigay lang iyan sayo.Hindi ka makakauwi kapag nagpatalo ka sa emosyon na binigay sayo ni Cari." turan ni Death na kinatango ko pero deep inside ay lintik! Feeling ko ang hirap. "I'm going back to work..." turan nya bago naglaho sa tabi ko. Sinundan ko yung sinasakyan ni Aika mula dito sa itaas. Mayaman sila. Sinalubong kase sya ng makababa sya ng sinasakyan nya. Nakakapagtaka dahil nasa kanya na pala ang lahat pero hindi sya masaya. Baka dahil sa tatay nya. Bumaba ako at pinahinto ko yung oras ng buong paligid bago ko hinanda ang sarili ko bago humarap sa mga mortal. Nang pumitik ako sa ere ay nagsibalikan sa paggalaw  ang buong paligid. Halos nanlaki yung mga mata ni Aika ng makita nya ko at mabilis na lumapit sa akin. Parang natigilan din yung mga kasama nya dahil mga natigalgal na nakatingin sa akin. "A-Anong ginagawa mo dito?" natatarantang tanong nya. Muli kong pinahinto yung paligid pero maliban sa kanya. "Nakikita nila ko ng normal na kagaya nyo...So relax Soul....Sobrang curious lang ako kung anong ginagawa nyo sa ganitong lugar?" tanong ko habang ginagala ko yung mata ko sa buong paligid. Napangiti sya at kasabay ng paglilinya ng mga mata nya. Maganda talaga ang nilalang na 'to. Destructive! "We do paper works here para sa mga branches namin. Si Kuya Mako ang namamahala ng production sa mga planta namin tapos si Mommy ang biss namin." paliwanag nya at napatango ako bago ko binalik muli sa pagkilos ang paligid. Hinila nya ko papasok sa isang silid na wala man lang ni anong bintana. Puro salamin. "Go back to your work guys...I can manage myself..thank you." saad nya sa mga nakabuntot sa kanya kaya hindi ito tuluyang nakapasok sa parang box na lugar at nagsarado ng kusa ang pintuan nito. "Elevator ang tawag dito. Tumutulong ito sa tao na makapanhik sa mataas na palapag ng saglit na oras lang." paliwanag nya na kinatango ko. Wow! Ang dami nilang kagamitan na kung anu ano. Sa totoo lang ngayon lang ako nakisalamuha sa mga tao na ganito katagal. Dati kase ay kadalasan nasa kwarto lang ni Josefa kami nanggugulo at nakikipag kwentuhan. Naramdaman ko na gumalaw yung buong silid at hindi ko mawari kung saang direksyon ang galaw nito. Pagkabukas ng bagay na iyon ay muli akong hinila palabas ni Aika at pumasok naman sa isang silid. Napabuntong hininga ako. "Ang daming pintuan..." reklamo ko at naupo ako sa bakanteng upuan. Napatawa sya. "Marunong mapagod?" nakataas na kilay na tanong nya. Nasabi ko naman sa kanya na wala kaming ganon. Naupo sya sa upuan nya at may hinawakan syang parang hugis rectangle na hugs at dinutdot nya ang hintuturo nya doon. Napatayo ako dahil sa sobrang kuryosidad ko ay tiningnan ko iyon. "Tablet." turo nya sa bagay na gamit nya. "Numbers? Anong meron?" takang tanong ko at parang aliw na aliw syang nakatingin sa akin. "That's our income for this month... Dito nakasalalay yung pinapasweldo namin sa mga nagtatrabaho sa amin." paliwanag nya. Napatango tango ako at muling bumalik sa kinauupuan ko. "Himala hindi ka busy." saad nya at kumuha ako ng babasahin sa table nya. Mas aware ako sa mga ganitong gamit ng mga mortal kaysa sa mga ginagamit nya. "Someone is doing that for me...may tinuturuan na ko na papalit sa iiwanan kong trabaho." sagot ko habang nagsisimula ng magbasa. At dito ako natututo ng kung anu ano sa pamumuhay nila. "You love reading?" tanong nya at binaba nya yung tablet nya. "Yep! Way back 1934 may nakilala ako na isang babae na nagturo sa akin na magbasa ng alpabeto ng mortal. It makes me a little sad nung tumanda sya at hinatid ni Death yung kaluluwa nya sa house ng Taurus. Sya din yung nagbigay ng mga palayaw namin. Clock, Death, Caritas, Zambia and so on sya lahat ang nagbigay sa amin ng pangalan na yan." saad ko na kintahimik nya at pakikinig ng mabuti. That was hard that time na makita kong nauubos ang oras ng kaibigan ko at kung paanong pigil ni Death ang emosyon nya ng kunin nya yung bagay na bumubuhay kay Josefa at kung paano Itinapon ni Zambia sa kawalan lahat ng alaala nito. "Ibig sabihin ay nagpapakita talaga kayo sa mga tao..." saad nya at binaba ko sa kandungan ko yung binabasa ko. "Depende...kapag may babalik lang sa amin. That time ay si Light yung bumalik sa tabi ni Dad at tinulungan lang nya si Josefa na makakita ang nanay nya na bulag."sagot ko at marahil naintindihan na nya na lahat ay may pagsubok bago matupad yung hiling nila. Hindi basta basta na pinagkakaloob dahil sobra din ang paghihirap ni Sepang noon para sa kanila ni Light. Kaya alam ko na mahihirapan din kami ni Aika. "Hindi kakayanin ng pang unawang panglupa mo ang mga bagay na panlangit hangga't hindi ka pumapanaw... hindi mo maiintindihan..." saad ko. Mayamaya ay may kumatok sa may pintuan bago ito nagbukas. "Goodmorning Ma'am. A-ano..." hindi natuloy ang sasabihin nito ng mapadako ang mga mata nya sakin. Napalingon ako kay Aika na natatawa sa itsura nung pumasok. Tumikhim si Aika na syang kinalingon nito sa kanya. "M-Ma'am magstart na po yung meeting within 15minutes..." sabi nito. "Thanks Jess...susunod na ko." nakangiting sabi ni Aika. Pasimple pa ang tingin nito sa akin bago lumabas muli nung pintuan. "Ganda 'te?" natatawang tanong sa akin ni Aika na kinataka ko kaya tinaasan ko sya ng kilay. Mayamaya ay napaisip sya at napapatingin sa akin. "Nasubukan mo na ba na mamuhay na kagaya ng sa amin? No magic, no traveling using speed of light and no levetating in the air?" tanong nya at umiling ako. Para kaseng ang hirap na maging kagaya nila dahil nakakapagod maglakad. "Just one week if you don't mind..." parang hamon nya. "Hinahamon mo ba ako?" napangising tanong ko. "Hindi mo kaya...tamad kang maglakad Clock." sabi nya bago napasandig sa kinauupuan nya na parang tuwang tuwa yung mga mata nya na nakatingin sa akin. I really hate her eyes. Sobrang ganda kase magreflect ng saya nya doon unlike noong nakita ko sya sa kagubatan at may nagtatangka sa buhay nya. "What if I can? Anong kapalit?" balik kong hamon sa kanya. "I'll teach you how to use gadgets. Marami kang mababasa dito na mga latest trends sa buong mundo. Lahat nandito." sabi nya na nakakuha ng atensyon ko. Maraming mababasa sa bagay na yun. May rules kami na bawal kaming mangahas ng mga bagay sa mundo na sariling interest namin at gagamitan namin ng kapangyarihan. Pero heto kase offer na ng taong ito. Marahil wala naman kapangyarihan na involve at offer naman nya kaya siguro walang violation akong masasagasaan. "Deal!"  sagot ko. Aika's POV Iniwanan ko muna si Clock sa loob ng opisina ko dahil may meeting akong dadaluhan. At nakakainis wala akong maintindihan dahil ang isip ko ay lumilipad sa babaeng nasa loob ng office ko. Ano kayang pinaggagawa nya doon. Nangunot ang noo ko ng biglang tumigil yung paligid at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng buong conference. "Who are they?" biglang may nagsalita sa gilid ko na kinaigtad ko sa gulat. "Naman Clock!" singhal ko at nakatingin lang sya sakin na parang anong problema ko. Lumutang na naman sya ere at nagtungo sa ibabaw ng malaking table sa gitna at isa isa nyang tiningnan lahat ng kameeting ko. Napakamot ako ng gilid ng kilay ko. Sobrang curious nya talaga sa paligid nya. "Who is she? And her? and him? And this guy?" turo nya sa lahat na kinatawa ko kaya napalingon sya sakin. "Mga kasosyo namin nila sa negosyo. Mga kaibigan sila ng mga magulang namin." napalingon ako sa may salamin at tinuro ko sa kanya yung station ng HR department namin. "Magugustuhan mo sila....The girl who sitting in the back...Sya yung manager namin at yung team nya ang mga naghahanap ng magiging empleyado namin. Yung isa naman yung kateam nya na nakared, sya yung nag aayos ng mga papeles ng mga employees namin and the other one sya ang timekeeper namin." nakangiting turan ko na kinalaki nya ng mga mata nya. "Really???? Kaya nyang kontrolin yung oras?" tanong nya na sobrang mangha at umangat din sya sa ere at lumapit doon sa salamin na dingding at parang tuwang tuwa sya sa mga HR staff ko. "Nope. Binabantayan lang nya yung oras ng mga empleyado namin na pumapasok at lumiliban sa trabaho at mga nale-late." paliwanag ko at napasimangot sya kaya napatawa ako. "Mas magaling pa din ako." muryot nya Napatingin ako sa mga paa nya. Wala syang sapin sa paa. Hindi ata uso sa kanila. At wala man lang nakapansin sa kanya na mga empleyado namin na wala syang sapatos at lahat sila nakatingin sa mukha ni Clock. Ang ganda kase nya promise parang sa mga portrait! Mayamaya ay may pinalabas sya sa mga palad nya at nanlaki ang mga mata ko na parang mga nakafast forward yung scenario na mga labas - masok na mga empleyado sa may entrance ng kumpanya. Mayamaya ay tinigil na nya at niyaya nya kong lumabas ng conference room at kaharap na namin yung buong office staff. "The guy that wearing maroon polo. He have total late of 134minutes in this past two weeks...that one She have total of 5 hours late and 2 days absents. Sya naman Halos dito na tumira sa kumpanya nyo. The other one...gumagawa na sya ng sulat na ibig na nyang magresign. I saw it na tiningnan nya bago pumasok dito. The other one kapit na kapit lagi sa isang minuto para maging on time sa pagpasok....." at natatawa ako dahil lahat ng empleyado sa floor na ito na nasabi nya yung konsumo ng mga oras nila sa pagpasok sa trabaho. "Konti na lang Clock i-ha- hire na kita bilang katulong ni Kit sa time keeping." natatawang saad ko at napaharap sya sakin habang nakangisi. Para talaga syang part ng isang magandang painting na nagkakatotoo. Nakakainis maganda talaga sya. "Let's talk about it next time...finish your work, babalik na ko sa opisina mo." sabi nya at muli nya kong pinapasok sa loob ng conference. Pagkalaho nya sa liwanag ay syang pagbalik ng paggalaw ng oras ng paligid. Simula ng araw na iyon ay kahit walang kapalit ay tinuruan ko si Clock sa mga bagay bagay na mayroon kaming mga mortal. At ewan ba namalayan ko na lang yung sarili ko na nasa isang bookstore ako ibinibili ko ng mga libro na sa tingin ko ay magugustuhan ni Clock. Kahit sina Mommy sobrang nagtataka bakit napakadaming libro na sa loob ng kwarto ko to the point na niregaluhan na ko ni kuya ko ng bookshelf para lang umayos tingnan yung buong space ko at akala nya nahilig ako sa pagbabasa kaya napapadalas yung pagbili nya ng libro para dapat sa akin. Nasa roof deck kami ngayon ng kumpanya at ngayon yung araw na magta- time travel kami ni Clock. Kinakabahan na naman ako dahil baka mangyare na naman ulit yung nangyare last week at masaktan ko na naman si Clock. At sobra ang kaba ko dahil makikita ko na naman yung sitwasyon ni Daddy. "Relax...." turan nya kaya napaangat yung mga mata ko sa kanya. Clock is taller than me. Yung itim , mahaba at maganda nyang buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin. Pwede syang kuhanan ng litrato sa mga oras na ito at gawing billboard sa EDSA kase alam mo yun. Iba talaga yung ganda ng nilalang na ito sa harap ko. She's beyond perfection. Halos mapugto ang hininga ko ng ngumiti sya sakin kasabay ng pagragasa ng pintig ng puso ko at may parang elektrisidad na gumapang sa buong sistema ko. "No matter what happened don't be afraid...." turan nya na lalong kinawalwal ng buong katawan at ulirat ko sa kilig? "I'll be here for you and I will keep you safe all the time." turan nya at sa mga mata nya ay nagre- reflect doon yung assurance at sincerity. Tapos feeling ko kapag ganito sya tumingin sa akin ay parang ako lang yung pinakamagandang nilalang sa mga mata nya! "Promise." dugtong pa nya. At doon feeling ko lahat ng cheesy line na napanuod ko sa mga action at romantic movie ay natakluban ni Clock lahat! Jusko! Hindi po maaari ito na mahulog ako sa kanya dahil may kasunduan kami! Hindi ko sya pwedeng mahalin! ................... Note: Lesbian Love story po ito. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD