Aika's POV
Nagkita kami ni Clock sa may park dito sa loob ng subdivision namin. Tahimik syang nakaupo sa isang bench na waring ang layo ng iniisip nya at mukhang hindi sya nakikita ng mga tao sa paligid. At pasimple yung kumpas ng daliri nya sa ere na wari bang may minamanipula sya. Tahimik akong naupo sa tabi nya at sinenyasan nya ko na sandali lang. Nagpalakas ako ng katawan at isipan nitong mga nakaraan para maisagawa na namin itong napag usapan namin.
Mayamaya ay napaharap sya sakin mukhang tapos na sya sa ginagawa nya.
"Let's start now Soul, Tell me first your understanding about time." panimula nya
"Ito ay sukat kung gaano katagal ang isang pangyayari. Ito rin ay isang bagay na kahit kailan ay hindi mo makokontrol at kapag nawala ay hindi na maibabalik pa." sagot ko at napatango sya.
"Well except for me...the solid representation of time...We will back in the year 2014 where your Dad had an accident...." saad nya at hinawakan nya yung kamay ko at nilahad yung palad ko sa harap nya.
"Your fate is written here...this will be our tunnel to go back in time na hindi nadadamay yung balanse ng oras ng ibang tao at oras ng mundo." saad nya. Umangat yung yung kamay nya na may tattoo na mga numero na nakapormang kadena na mainipis.
"This is a little bit dizzy....pumikit ka lang.." saad nya at sinunod ko sya kasabay noon ang pag iiba ng pakiramdam ko na parang nasa loob ako ng ipo-ipo. Yung pintig ng puso ko ay parang naging triple sa bilis ng kabog nito. Gusto kong sumuka dahil parang hinahalukay yung buong kalamnan ko. Feeling ko nakasakay ako sa elevator na pabagsak at hindi ko maramdaman yung sarili kong bigat.
Mga ilang segundo na ganun ay biglang huminto ang paligid.
Nagmulat ako ng mga mata ko at nabungaran ko ang nakangiti at nakatitig sa akin na si Clock at sa taranta at pagkapahiya ko ay binawi ko yung kamay kong hawak nya.
I didn't know? I feel a little bit shy kapag binabatuhan nya ko ng mga ngiti nya. Para kase syang si Jollibee na akala mo araw araw walang problema sobra pagkakangiti eh!
Nasa tabing kalsada na kami. Ito yung dating kanto papasok ng bahay namin at kung saan malapit dito naaksidente yung kotseng sinasakyan ni Daddy.
"I can't control the time here.....nangyare na kase ito at lahat ng gagawin mo dito ay ang Dyos na yung nagdesisyon na payagan ka na baguhin ito. Ikaw na mismo ang babago ng kapalaran mo dito...pero mamaya pa kase dapat mo munang makita yung exactly na nangyare sa kanya bago tayo pumihit pabalik bago sya maaksidente. Wala kang gagawin dito kundi ang manuod at kapag nagkamali ka ay maghihintay ka ng pitong araw bago ulit tayo makatravel dito. Remember, we only have 100 days kaya dapat maperfect mong lahat yung panahon na babalikan natin."explained nya at napatango ako.
Mayamaya ay may nakita akong lalake na nakalutang ang mga paa sa kabilang side ng kalsada at sa tabi nya ang isa pang lalake na may kalawit na dala. Malabo ang mukha nito.
"That's my brother...Death." saad ni Clock kaya napalunok ako.
"Bakit may kagaya nyo?" tanong ko.
"Ewan...Basta nakamulatan na amin ito. We are all under in the supervision of Angels. Ang alam ko ang trabahong hawak ko ay bantayan yung balanse ng oras sa kamukha ng time zone ng Pilipinas. Yung sa ibang parte ng mundo ay wala na kong pakialam. Kaya alam ko madami kaming timekeeper." Sabi nya. Ang galing!
Napatingin kami sa kapatid nya ng maglakad ito sa gitna ng kalsada habang nakalutang yung kasama nya na may kalawit.
Sinundan ko yung tinitingnan nya. H-heto yung sasakyan ni Daddy. Pero may mali! May usok na parang kumakawala sa may windshield ng kotse nya pero hindi tinatangay ng hangin.Masasagasaan nito yung kapatid ni Clock! Parang nanlambot ang tuhod ko at samu't saring emosyon na yung bumalot sa pagkatao ko dahil nagsisibalikan lahat ng ala ala sa isip ko dahil sa scenario na 'to!
Parang nahigit ko yung hininga ko ng tumagos yung kapatid ni Clock sa pagkakasalpok ng kotse ni Daddy sa kanya. At mayamaya ay isang malakas na tunog bg pagsalpok at dire-diretsong busina ng sasakyan yung umalingawngaw sa paligid kasabay ng pagpatak ng luha ko. Nagtatakbo ako papunta sa gawi ni Daddy at hindi ko inintindi si Clock na tinatawag ako sa pangalan ko.
Hindi pwede! Hindi ito pwede... yan yung anas ko sa isip ko. Sobrang sakit na makita ko na ganitong duguan sya.
Nakalapit na sa akin si Clock at may panghihinayang sa mga mata nya dahil sa inasal ko pero wala akong pakialam. Napatingin ako sa gawi ng kapatid nya na may hawak na parang scattered na usok sa kanang kamay nito at biglang umamba ng malakas na amba at kinalawit iyon ng kasama nya kasabay ng pagkawala nito at sumunod na naglaho yung kapatid ni Clock.
"That's your Dad's soul at dadalhin na sya sa house ng zodiac sign nya."kaswal na saad nya. Napabuga sya ng hangin at napatingala sa langit.
"We failed. Kailangan nating maghintay ulit ng pitong araw bago natin magawa ito ulit." seryosong saad nya.
Hindi ako makapagsalita dahil sobrang nadudurog pa din yung puso ko na makita itong kalagayan ni Daddy na duguan sa loob ng wrecked nyang kotse.
My heart beats abnormally when Clock hold my hand.
"Uwi na tayo..." saad nya at walang lakas akong napatango sa kanya.
Nahigit ko yung hininga ko ng makabalik kami sa kasalukuyan.
"I better get going....." hindi na natatapos yung sasabihin nya ng mahimatay si Clock buti na lang nasalo ko sya. Naramdaman ko na parang huminto saglit yung paligid ng mawalan ng malay si Clock.
Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko lalo na may ilang numero ang nabawas sa mga tattoo ni Clock!
"Clock...gising..." anas ko habang tinatapik ko sya sa pisngi nya. Ang lamig nya. Tinawagan ko si Kuya para tulungan ako at dahil malapit lang ito sa bahay namin ay madali syang nakasaklolo sa amin. Dinala namin sya sa kwarto ko at tinulungan ako ni Mommy sa pag aasikaso kay Clock.
Habang pinupunasan ni Mommy si Clock ng basang bimpo sa mukha at mga braso nito ay hindi mapigilan ni Mommy na purihin yung magandang balat nito.
"Parang anak mayaman..." saad ni Mommy.
"Ma-tattoo lang..." sabi ko na kinataka ng nanay ko.
"Tattoo? saan?" tanong ni Mommy habang nililigpit nya yung palanggana.
"Mommy sa braso nya woh..." turo ko na kinatawa ng nanay ko at ang tingin nya sakin ay naiiling.
"Drugs pa Aika..." saad ni Mommy bago nagpaalam na lalabas na.
Mayamaya ay may lumitaw mula sa isang mabilis na liwanag. Napalunok ako sa itsura nya. Magulo at tikwasan ang mga buhok nya na akala mo hindi magkanda ugaga sa buhay. He's cute. Para syang Grade 3 student. May maliliit din na numero sa buong katawan nya hanggang leeg. Nakalutang syang nakatunghay sa ibabaw ni Clock.
Ini-unat nya ang hintuturo nya sa ere at parang may minumostra sya sa hangin. Parang hindi pa nya ko napapansin mula sa kinatatayuan ko malapit sa kanila. Mayamaya ay may dumating ulit mula sa mabilis na liwanag. Doon kumabog ng sobrang lakas dahil sa takot ng makilala ko sya. Yung kapatid ni Clock na kumuha ng kaluluwa ni Daddy. Mayamay ay may nakasunod sa kanya na isang babae at halata sa mga kakaibang mga mata nila ang pangamba habang nakatitig kay Clock. Yung lalake ay kulay abo ang mga mata nya pero wala itong emosyon o kahit na ano. Samantalang yung babae naman parang midnight blue ang kulay ng mga mata nya. Mayamaya ay biglang umangat yung katawan ni Clock sa ere at umusod ito papalapit doon sa babae. Idinikit nung babae yung dulo ng hintuturo nya sa sa noo ni Clock na hanggang ngayon ay walang malay.
"This is bad...." anas nung babae.
"You can go now Cordus..." saad nung lalake kasabay ng paglaho sa liwanag nung bata na may mga tattoo kagaya ng kay Clock.
"Bumalik sa nakaraan si Clock para may baguhin at mukhang nagkamali sya kaya sinalo nyang lahat ng epekto nito ng makabalik sya sa panahon na 'to para walang maapektuhan ni isa sa mga oras ng taong nakapaligid sa kanya." lintaya nung babae.
"Time Travel? Zambia we can't do that. That's forbidden." saad naman nung lalake at natigilan sya at may naalala.
Mayamaya ay napatingala sila na wari bang may kausap sila sa isip nila.
Halos parang humiwalay ang kaluluwa ko ng sabay silang napatingin sa akin kasabay noon ang dahan dahan na paglapag ng katawan ni Clock sa kama ko.
Magkamalay ka na Clock please! Sigaw ng isip ko.Parang naipon lahat ng hininga ko sa lalamunan ko ng kasing bilis ng pagkurap ko ay nasa harap ko na yung babae at sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.Idinikit nya yung dulo ng hintuturo nya sa noo ko. Napalunok sya at napatingin sya doon sa kasama nya na tinaasan sya ng kilay bago muling napatingin sa akin.
"Dapat noong nakaraang linggo ay wala ng salansan ng memorya sa isip mo at dapat hindi ito nadugtungan ngayon. Dapat sa gubat palang ay nagtapos lahat ng yan sa mukha ng dalawang lalakeng pumatay sayo..."napahinto sya.
Mayamaya ay lumapit sa amin yung lalake.
"She's different Zam.....Dad gave her a chance to change things from past kapalit ng pagreretiro ni Clock....kapag sumablay sya, Clock will be vanish like a dust in the air.....At ang sabi si Aroa ang papalit kay Clock." saad nung lalake.
Napalayo ng mukha sa akin yung Zam at sinenyasan nya kong maupo sa gilid ni Clock.
"He is Death at medyo halata naman siguro kung anong trabaho nya di ba? Ako naman si Zambia. Memory....porte ko yan.Kaming magkakapatid ang sangkap ng mga kagaya nyong tao kahit ang wangis namin ay katulad nyo din pero kapag tapos na kami sa trabahong iniatang sa amin ay babalik kaming liwanag sa tatay natin." salita ni Zam. Napasingahap ako dahil mula noong isang linggo ay ang dami ko ng nalaman na higit pa sa mga bagay na natutunan ko sa school at sa church.
"Marami kami na nasa inyo....lahat....Memory, Love, Anger, Happy, Sadness, Time and as well as death basta Marami kami at ang trabaho namin ay bantayan ang balanse ng lahat ng iyon. Medyo natatalo kami kapag nagpapatalo kayo sa demonyo. Wala na kaming magawa kapag nauna na sya sa inyo. It's your choice." saad naman ni Death.
Napapikit ako.
"Time in solid form....natatanggap ko na iyon....memory and death in solid form also....magising na sana ako feeling ko mababaliw na ko!" anas ko at nagtawanan yung dalawa.
Mayamaya ay naramdaman kong naglapat ang mga palad nya sa mga mata ko at walang anu ano ay nagsibalikan lahat sa balintatanaw ko ang lahat ng masasayang ala-ala na nagtago na sa kasuluksulakan ng isip ko. Lahat ng ala-alang nalumutan ko simula ng pagkabata ko.
"Ako ang nag iipon nyan para sa lahat.....isinasalansan ko ang mga ala-alang iyan ng maigi sa bawat isip ng mga tao at dahil kay Clock kaya yung iba akala natin nakalimutan na natin pero hindi dahil napapatungan lang natin ito ng bago kaya isinasawalang bahala na natin yung dating ala-ala pero kapag dumating na si Death sa buhay ng bawat tao. May pitong minuto akong palugit kay Clock para ipakitang lahat ng magagandang ala-ala na iyon bago kunin ni Death yung kaluluwa mo para dalhin sa zodiac house mo. Pagkatapos ang mga ala-alang iyon ay itatapon ko sa kawalan." lintaya nya bago inalis na nya yung mga palad nya sa mga mata ko.
Tumulo ang luha ko dahil ang mga ala-alang iyon ay mananatiling sa akin na lamang dahil lahat ng mga naging kahati ko doon ay nasa kawalan na.
"Kaya nagmamakaawa kami sana hindi na maulit ito dahil hindi kakayanin ni Clock ang paulit ulit na pagkakamali." saad ni Death.
Mayamaya ay napalingon kami sa napagiik na si Clock habang takip ang isang mata nya at hindi sya makamulat sa liwanag. Mayamaya ay nakasampa na si Zam sa lap ni Clock habang nakahawak ito sa magkabilang balikat nito.
"You okay?" nag aalalang tanong ni Zam sa kanya at ngumiti sa kanya si Clock bago tumango.
I hate that smile. Nakakadala.
"Masama iyon Clock bakit ikaw ang tumanggap lahat ng banda ng pagkakamali...." lintaya ni Zam pero pinutol sya ni Clock. Nagi-guilty ako sa totoo lang dahil kasalanan ko kung bakit nagkaganito si Clock.
"Hindi nya kakayanin Zam.....this is my will also....napakaselfish ko naman kung hahayaan ko syang masaktan...." lintaya ni Clock na parang kinahinto ng pintig ng puso ko.
"That's bad Clock...." saad ni Death na kinalingon ko.
"Huh?" lingon ni Clock sa kanya.
"You've seen a lot of violence in this zone at kita ko na wala kang pakialam pero.....She being hurt..." hindi tinuloy ni Death yung sasabihin nya ng paniningkitan nya ng mga mata si Clock na para bang nagkaintindihan sila.
"Let's go Death....madami pa tayong trabaho.." kasabay nun ang paglaho ng dalawa sa mabilis na liwanag.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Clock bago bumangon sa kama ko.
"Pasensya na sa mga kapatid ko....mukhang madami na silang naikwento sa'yo." nakangiting saad nya na kinailang ko ulit. Ano ba 'tong nangyayare sa akin? Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"W-wala naman sila naikukwento maliban lang doon sa mga trabaho nila." sabi ko.
Mayamaya ay lumutang na si Clock at nag indian seat sa ere at waring nag iisip hanggang sa lumapit sya sakin.
"I know you are upset...let's go somewhere.." saad nya at hinawakan nya ko sa kamay at walang anu ano ay nasa lilim na kami ng isang puno sa gilid ng bangin. Jusko ko po! Napapikit ako dahil sobrang taas ng kinalalagyan namin.
"Welcome to Bluff Knoll mountain in Western Australia. Ka-time zone natin sila kaya pwede akong magpagala gala sa mga lugar na kagaya nito." kwento nya.Lalo akong nahilo ng nakalutang na naman sya sa ere at jusko po ang babagsakan nya kung sakali eh talaga naman swerte kung may magkakabit na buto nya sa katawan!
"Magkwento ka Aika..." turan nya na kinatigalgal ko sa kanya.
Napalingon ako sa paligid. Ang ganda dito! Kung ikukwento ko ito kina Mommy malamang iisipin ng mga yun na nababaliw na ko.
"Bakit gusto mong itama yung oras na nawala yung Daddy mo?" nagtatakang tanong nya.
"Gusto ko lang sya na makasama ulit."sagot ko
"Bukod pa doon?Don't try to make story...Dad is listening at alam mong alam nya lahat." pangungulit nya.
Napabuntong hininga ako bago ako napatingin sa mga mata nya. weirdest eyes I ever seen in my entire life pero heto yung pinkamaganda. Umiikot pala yung mga numero sa mga mata nya. Iba iba iyon. May Roman Numerals, may moderno at feeling ko yung iba eh pang sinaunang numero.
"K-kasalanan ko kung bakit sya naaksidente nung araw na yun Clock...hindi alam ng pamilya ko ang tungkol doon." paumpisa ko pero parang may umiipit sa lalamunan ko kaya parang nahihirapan akong magkwento sa kanya.
"I-I was high school that time....Clock hindi ko ginusto..." parang kinakapos ako ng hininga dahil nagsisibalikan lahat sa ala-ala ko yung araw bago mamatay si Daddy.
"Sobra ang galit nya sa akin noon...Kaya gusto nyang umuwi at ipaalam lahat kay Mommy at Kuya yung sama ng loob nya sakin...." and right there tumulo yung luha ko.
Ano ba 'to nagdayo pa talaga kami sa Australia para umiyak lang ako!
"Na-Heart attack habang nagmamaneho si Daddy....Kasalanan ko iyon...Ako ang may dahilan nun Clock..." Nagulat ako ng nakatayo na sya sa harap ko. Natigilan ako ng napatitig ako sa mukha nya. Her beauty is beyond perfection. Para itong nililok ng magagaling na iskulptor. Actually silang magkakapatid ay ang gaganda ng wangis. Pero iba dito kay Clock lalo na kapag ngumingiti sya.
"Stop right there...okay na. Malalaman ko din naman kapag nagta-time travel na ulit tayo." saad nya. Nagpalobo ako ng pisngi ko. Kainis ayoko talaga sa mga ngiti nya!Pinunasan ko yung luha ko gamit ang palad ko.
Mayamaya ay parang nag snap na naman yung liwanag. Nakaramdam ako ng hilo. Anak ng! Walang pasabi!
"Welcome to Taiwan!" natatawang saad nya dahil para akong nalula sa sobrang bilis na pangyayare. Parang naiwan yung hininga ko sa dalisdis sa Australia.
Napatingin ako sa mga mata nya. Para na itong kagaya ng sa mga normal na tao.
Napapatingin sa kanya ang lahat ng naglalakad kaya nagsuot sya ng shades sa mata.
"Let's go Soul!" saad nya at nagpatiuna na syang naglakad kaya sinundan ko sya.
Napansin ko na ako lang yung kumakain at ang dami nyang binibili para sa akin. Parang nalilibang syang pinapanuod ako habang kumakain ako.
Feeling ko inaaliw nya lang ako dahil sobrang sablay ng unang attempt namin ng time travel.
Habang nakaupo kami sa isang table sa may gilid ng kalsada ay hindi maalis yung ngiti nya habang pinapanuod ako.
"Hindi kayo kumakain?" tanong ko at napatawa sya ng mahina.
"Nope." sagot nya at iniusad ng daliri nya yung isang tub ng pagkain sa harap ko.
"Zam told me about the devil..." paumpisa ko at napataas yung kilay nya sakin.
"I called them pakielameros!" natatawang saad nya.
Napangiwi ako.
"May sungay sila?" tanong ko at doon sya napatawa.
"What? Stop watching tv or reading whatever you read regarding devils....Mortals can't identify devils with their own eyes especially if it is wide open. Nagagaya nila ang lahat lalo na ang mga rebulto na nasa loob ng mga simbahan. Remember...devils can wear white." saad nya.
Napatikhim sya bago seryosong napatingin sa akin.
"One day for sure they will looking for you...They will chase for your soul. Magtataka sila dahil bakit pinagbigyan ka na bumalik sa nakaraan." dugtong nya at doon ako nakaramdam ng takot.
"S-Si Death?" demonyo din kaya sya? Associate nya ang kamatayan di ba?
"What? sobra ka na huh? Death is just death. Hantungan lang sya pero hindi sya ang demonyo. Kasangkapan lang sya sa pagsalansan ng kaluluwa sa mga houses ng zodiacs hanggang sa birthday ni Dad. Yung mga kayang kunin lang ng demonyo ay yung mga nakipagkasundo sa kanila kagaya ng mangkukulam at ilang personalidad na humingi sa kanila ng 'wish' na sumikat at maging mayaman sa ibabaw ng mundong ito. Iyon ang mga 'genie' na napapanuod mo." napatawa sya sa bandang huling sinabi nya.
Natahimik ako. Balang araw guguluhin din ako ng mga iyon.
"Wag kang matakot....lagi lang ako sa tabi mo." seryosong saad nya at doon ako natahimik at yung puso ko ay nagsimula ng makaramdam na nakakakiyente lalo na sa parte ng puso at dibdib ko.
Habang kumakain ako ay ang dami kong tanong sa kanya. Lalo na yung kung saan talaga sya galing. Pero ang dami nyang pasakalye!
Mayamaya ay parang kinapos ako ng hininga ng bumigat ang paligid. Yung mga tao ay parang huminto at walang kamalayan sa nangyayare. Para akong nangingilo sa mga yabag ng ng sapatos ng nilalang na papalapit sa gawi namin. Napatingin ako kay Clock na nagtatangis at yung mga mata nya ay bumalik sa totoong anyo nito at diretso ang tingin sa may bandang likod ko. Yung kanang kamay nya na may tattoo na kadena na gawa sa mga numero ay nakaangat sa tapat ko at dumadaloy doon yung isang liwanag na kasing kapal ng lubid papunta sa akin at ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakahila nya doon.Diretso ang mga mata nyang nakatingin sa bandang likod ko at hindi ako makatayo man lang dahil parang nahahati sa pagkakahila yung ulirat ko sa harap at likod ko. Mahihimatay na ko. Clock stand up at umangat yung sulok ng labi nya sa nilalang na nasa likod ko.
"Magandang araw sa iyo...." malumanay na tinig ng isang lalake sa likod ko. Lalong bumigat ang pakiramdam ko ng magsalita sya at parang yumayanig ang paningin ko. Feeling ko anytime ay mahihimatay ako.
"Bakit mo hawak ang oras ng nilalang na iyan Clock? Dapat ay wala na sya sa mundong ito dahil nahihila ko ang kaluluwa nya? Marahil, ibig sabihin nito ay nakipagkasundo sya sa inyo kaya mukhang nakaligtas sya sa tadhana nya." natatawang turan nito na akala mo sobrang bait nya.
"Wala kang karapatan na malaman ito..Lucius. Papaalis na din kami...." hindi natatapos ang sinasabi ni Clock ng makaramdam ako ng panibagong bigat sa paligid parang hinila ng isang bagay ang kaluluwa ko paibaba. Hindi ko na kakayanin.
"Ako! Ako ang papatay sa kanya kung hindi kaya ni Death ay ako ang gagawa at magiging akin sya!!!" doon ako nawalan ng malay dahil mula sa pagiging mabait na boses ay parang nanggaling ito sa ilalim ng lupa na akala mo ay may malalaking bato na nagbabanggaan dito.
Clock's POV
Nawalan sya ng malay!
Dumudugo na din ang ilong nya dahil sa emosyon na pinakawalan ni Lucius sa paligid.
Mayamaya ay sunud sunod na pagkulog mula sa langit yung umalingawngaw!
Napatawa si Lucius at iniangat nya ang dalawang kamay nya sa ere indikasyon ng pagsuko. Kasabay ng pag gaan ulit ng awra sa paligid.
"Napakamainitin ng ulo ng tatay mo Clock!" at nawala sya na kagaya ng isang usok. Bago pa man din bumagsak si Aika ay nasalo ko na sya at mabilis na bumalik sa silid nya sa bahay nila.
Natigilan ako sa paglapag ko sa kanya sa kama nya ng mamasdan ko ang maamong mukha nya. Nilalabanan ko yung pakiramdam sa loob ko dahil mawawala sa balanse ng oras ang mundo. Ang hirap!
"Caritas bakit binigay mo sa akin ito....parang nagsisimula nang mamuo ito sa sistema ko..." anas ko.
"Hindi natin pwedeng maramdaman ito....Hindi ako papayag na pati ikaw ay maparusahan...Pipilitin ko na pareho tayong makakasalba sa sitwasyon na ito Aika..." mahinang anas ko bago ko sya tuluyang inilapag sa kama nya.
Magtatagumpay ako at makakauwi din ako sa dapat kong uwian. Pangako ko sa sarili ko at alam kong sasaya si Aika after nito.
..................................