Chapter 1

3887 Words
Clock's POV People love to waste time. Nakakapanghinayang kapag pinapanuod ko sila mula dito sa taas ng dalisdis na kinatatayuan ko. Nakakabagot ng gawin na ito kase paulit ulit na lang. Parang sa isang milyong tao na sakop ng mga mata ko ay isa o tatlong tao lang yung talagang nagkokonsumo ng maayos ng oras nila dito sa mundo. Napabuga ako ng hininga ko para mabawasan yung pagka- dismaya ko sa mga nasasaksihan ko. May mga tao talaga na mas pipiliin pa na mag uubos ng oras sa pag inom ng mura at mahal na alak na akala mo wala ng bukas para gawin iyon. May iba sa paggamit ng droga at yung iba ay sa s*x. Pero mas marami yung sa trabaho at bahay na umiikot ang isang buong araw nila. Sobrang dalang yung nag iisip na makabonding yung pamilyang naiwan nila sa mga tahanan nila. Kung isa-summary mo nga lahat ng pinaggagawa nila pwede na nga nilang palitan ang salitang oras sa pera. Dyan na umiikot ang mundo at kapag nawala yan sa isang tao ay pakiramdam nya tumigil na ang mundo para sa kanya. Nakakatawa lang  dahil akala mo pinagbagsakan na sila ng langit at lupa na parang paghuhukom na.Pero minsan gusto kong makasuntok dahil may pangyayare pa na may pagsisi pa silang binabanggit patungkol kay Dad kapag nangyayare ito sa kanila. Tsk! Nagpupunta nga lang sila sa bahay dasalan kapag may kailangan sa tatay namin! Mga wala silang tiwala sa kakayahan ng tatay namin at mga inip na inip na dumating na ng mas maaga yung grasya na ibig nila. Haist! may kasabihan nga di ba? Time is Patience and Time is gold! Mga atat! If I have a choice ayoko na ng ganitong trabaho dahil ibig ko ng makauwi sa piling  ni Dad at maging isang liwanag na lang sa tabi nya. Why do I need to do this? Because Dad told me so para makabalik na ko kung saan ako nararapat. At ang trabaho ko ay kailangan kong magbantay sa balanse ng oras dahil No one have the right to time travel hangga't walang permiso nya. Wala dapat makapuslit.Madami na kaseng mga baliw na maraming pera na ang nagtatangkang gumawa ng mga device para makatravel back sila sa nakaraan.Nakakatawa.Hindi nila alam yung delubyo na pwedeng mangyare kapag nagkamali sila ng galaw sa nakaraan. Gusto ko ng magretiro sa totoo lang...ewan hindi ko maintindihan bakit nakakaramdam ako na ayaw ko na.I just want to go home and turned into light sa tabi ni Dad..I just need one person to help me in my case at hindi ako pwedeng sumablay sa pagpili dahil mananatili ako sa pagiging ganito ko, sa pagiging time keeper at sobrang napapagod na ko. Ayoko na. Gusto ko na talagang bumalik kung saan ako nararapat. I'm about to teleport to my brother named Death ng may nakapukaw ng atensyon ko. Napatingin ako sa langit ng pagbigyan nya ko ng marinig ko ito ng malakas. Dad help me kaya napangiti ako ng tipid. Mabait pa din sya sakin kahit puro kapabayaan yung ginawa ko dati. Tinig ng isang babae. Napatulala ako habang pinakikinggin ko lahat ng nasa isip nya. First time kase ito kadalasan kase ay yung mga movement lang nila ang nakikita ko hindi ang nasa mga isip nila. Wow! She never believed in our Dad! At hinihiling nyang pagbigyan syang makabalik sa past at baka sakaling wala sya sa sitwasyon na iyon. She want time para maitama lahat ng maling nagawa nya. Lahat ng desisyon nya from the past ay sobrang pagsisisi nya. She want me! Isang kulog ang isinagot ni Dad sa kadiliman ng kalangitan kaya napatango ako at walang alinlangan na nagtravel ako sa kinalalagyan ng nilalang na iyon  gamit ang bilis ng liwanag. And a snap nasa harap ko na sya. Sugatan sya at wasak wasak na yung damit nya. Ang dami din nyang galos habang hilam na ng mga luha yung mga mata nya. Sobrang paghihirap yung mababanaag mo sa maganda nyang mukha.Sa may likuran nya ay may dalawang lalake ang humahabol sa kanya. Masama ito dahil dumating yung kapatid ko na si Death habang nakangisi sakin at may tinuro syang lugar na hindi kalayuan sa amin. Pagkaupo namin sa malaking bato na wari bang hinihintay namin silang humanggan dito ay inakbayan ako ni Death. "She will die here through rape and multiple stab in her neck by her ex boyfriend and her bestfriend. Sad life isn't it?" kaswal na tanong pa sa akin ng kapatid ko. Kung dati ay wala akong pakialam o maramdaman sa ganito kase naman sa ilang bilyong tao sa mundo at mga scenario na tulad nito ay sanay na ko pero hindi ko alam bakit iba ngayon? "Dad sent me here. Pabilisan daw tayo at kapag nahuli ka ay maghihintay ka ulit ng isang libong taon para magdesisyon si Daddy kung bibigyan ka nya ng chance ulit o ano. Wag kang kabahan tingnan mo nadadamay ng  bilis ng t***k ng puso mo sa bilis ng oras ng mga tao! Mamalayan na naman nila umaga na naman!" pagalit ni Death sa akin. Napabuga ako ng hangin at pilit kong pinapakalma yung kalooban ko. I'm the solid form of representation of time. Dahil sa binigay na karapatan ni Dad sa akin ay pwede din akong masunod! "They are here! Soon na mahawakan nila yung babae ay talo ka na Clock at ako ng maghahatid sa kaluluwa nya.So focus...." sabi ng kapatid ko at Napalunok ako ng heto na sila sa harap ko..... Focus Clock! Sigaw ko sa isip ko. Sorry Death! Gamit ang buong lakas ko ay pinatigil ko ang buong paligid! At nagmukha silang mga manikin na nakadisplay sa mall! Kahit yung mga dahon na nahuhulog sa mga punong kahoy ay nakahinto sa ere. Biglang nakakamatay na katahimikan yung nangyare sa paligid. Napapikit ako ng mariin ng manakit ang kanang mata ko dahil sa sobrang daming lakas yung pinakawalan ko para huminto ang buong paligid. Napalapit kami sa kanila na hindi man lang sumasayad ang mga paa namin sa lupa. Naman muntikan na! Ilang pulgada na lang yung kamay nung isang lalake sa braso ng babaeng pakay ko. "Death pahinging stick dali!" utos ko sa kapatid ko. Inabutan nya ko ng kailangan ko at ang ginawa ko ay tinulak ko yung kamay ng lalake palayo sa braso nung babae gamit yung stick ng kahoy na bigay sakin ni Death. Napatawa si Death sa ginawa ko. Why? ang dumi kaya! "Ang arte!" singhal ng kapatid Napairap ako sa kanya. "Timeless beautiful naman! Kaya di ba ako ang pinakafavorite mo sa ating magkakapatid dahil ako lang yung pinakamaganda." saad ko at lalo syang napatawa. "What? Ofcourse not! Favorite kita kase ikaw ang naghahatid sa kanila papunta sa akin bilang hantungan nila..." saad ni Death na kinairap ko. Sinipa ni Death yung dalawang lalake kaya tumirandang sila sa mga batuhan. "Una na ko, tight ng schedule ko eh." paalam ng kapatid ko nago nagdisappear mula sa kawalan. Hinubad ko yung jacket na suot ko at binalot ko ito sa katawan ng babae at pinunasan ko yung mga luha na dumaloy sa mga pisngi nya. Napasinghap ako ng yakapin ko sya para makasama sa pagteleport papuntang hospital. Never kase akong nangyakap ng iba maliban sa mga kapatid ko. Ngayon lang. Ang lalambot ng mga tao! Sobrang pag iingat ko kase feeling ko malaking marshmallow ang yakap ko at kapag napadiin ang mga braso ko sa katawan nya ay malulusak sya. "This will be the last..." anas ko at muli akong sumabay sa mabilis na liwanag. Maagap kong pinahinto ang paligid ng hospital na ito. Nataranta ako sa dapat kong gawin dahil magpapakita ako sa mga mortal. Dapat umakto ako na mahina dahil mahihina ang tingin ng tao sa katawan ng babae. Binuhat ko sya at nagpunta sa may pinakaentrada ng hospital. Saka ko sya binaba at inalalayan kuno? I'm about to snap in the air para bumalik yung takbo ng oras ng makita ko si Death ng problemado! "Not again Clock! Madedelay ako! Napakatamad mo dapat nagbiyahe na lang kayo!!!" sigaw nya sakin at mukhang nandito yung trabaho nya. Napatawa ako. "Sorry! Hindi ko alam ang gagawin ko eh!" sigaw ko pero napaikot lang sa ere yung mga mata nya. "Ayusin mo ang mga mata mo! Visible ang mga numero sa iris mo! Palit!" sabi ng kapatid ko. I'm about to change the color of my eyes ng natigilan ako at napatingin ulit kay Death na nakatunghay sa lalake na nakahiga sa strecher na kakalabas lang ng ambulansya. "Anung kulay?" takang tanong ko at napatawa ako ng napasabunot na sya sa buhok nya at namula ang mga mata nya ng literal! "Pink! Lintik ka!" sigaw nya kaya lalo akong napatawa dahil magdodoble time sya ngayon gabi dahil sa akin. "Okay..." sabi ko and I'm about to snap my fingers ng sumigaw na naman sya. "Clock ano ba!? Ipares mo sa kulay ng mga mata nila at itago mo yung mga numero sa iris mo! Nakakapikon na!"  sigaw nya at nagmadali akong sinunod sya. Napahinga ako ng kasabay ng pagbabalik ng oras sa buong paligid. Napalingon ako ng may nagsalitang nurse sa gilid kung saan naroroon si Death. Wala ng  pulso yung nilalang sa strecher  dahil nasa kamay na ni Death yung usok na bumubuhay sa nakaratay na nilalang. Dumating na yung mananabas ng damo...joke lang. Yung secretary ni Death yung dumating at dahil bawal nitong mahawakan yung inaabot ng kapatid ko sa kanya ay kinalawit nya ito at dadalhin sa dapat na kalalagyan muna nito hanggang sa dumating yung birthday ni Dad. Mga KJ yung secretary ng kapatid ko hindi kagaya ng sakin na tatlo! Di ba lalong naging tamad ako dahil tatlo ang sekretarya ko! Si Hora ang distributor ko ng hours, si Minet naman sa bawat minuto at tapos si Cordus and distributor ko ng segundo ng bawat oras sa lahat ng bagay na nilikha ni Dad.Kaya ang trabaho ko lang ay imonitor ang balanse ng oras para hindi masira ang future na nilaan ni Dad sa buong nilikha nya. Paghuhukom iyan sa mortal pero birthday ang katumbas nyan sa amin. Natauhan ako ng may nakalapit na sa amin na mga nurse at tinulungan nila ko dito sa babaeng akay ko. Kailangan nyang magamot. Habang hinihintay ko sya sa pinagdalhan sa kanyang kwarto ay may staff ng hospital yung nagtanong sa akin  ng nangyare sa kanya at wala akong pamimilian kundi haluan iyon ng kasinungalingan. Nang pinayagan akong makapasok sa silid nya ay tahimik akong naupo sa bakanteng silya malapit sa kanya. Napangiti ako dahil ewan.Nagandahan ako sa kanya eh. Mayamaya ay sumulpot yung Querubin na si Eros mula sa isang liwanag sa sulok sa pinakataas. At may hawak sya na hindi ko gusto! "A-Anong gagawin mo?" medyo kinakabahan ako sa ideyang pumapasok sa isip ko. Alam nyang hindi pwede! "Napag utusan lang ako ng kapatid mo. Na utos daw ni Sir." Cute na paliwanag nya pero napangiwi ako at hindi na ko naku-cute-an sa kanya!He's about to throw that smoke to the girl ng napatayo ako upang pigilan muna sya saglit. "A-Anong yung exactly na utos sayo ni Caritas?" tanong ko at napaikot sya sa ere habang yakap nya na parang bola sa mga bisig nya yung usok na galing sa kapatid ko. "Throw this to her....Pagsusulit mo daw ito sa Daddy nyo para payagan ka na." sabi ni Eros at walang pakundangan na binato iyon sa babae kasabay ng pagpasok nito sa butas ng ng ilong nya, sa bibig at sa tenga. "Eros naman!" nanghihinang singhal ko. Pero tawang tawa lang sya. "Uutakan mo lang ako eh..." sabi nya at biglang nawala. Yari ako nito! Hindi nya ko pwedeng makita dahil sigurado ako na gagana na yung itinanim sa kanya ni Eros. Pagpihit ko patalikod sa may pintuan para lumabas ay nagulat ako na nakasandig doon yung kapatid ko na si Caritas at nakangisi sa akin. Her dreamy eyes! Arggggh! I hate it mukhang may hindi gagawing tama! "Anong ginagawa mo dito? Kakaalis lang ng secretary mo!" naiinis kong singhal. Pero ngumiti lang sya ng matamis sa akin. "Sorry Sis... napag utusan lang..." at walang anu ano ay hinipan nya yung kakaibang usok sa kamay papunta sa akin. Wala na kumalat na ito sa buong mukha ko. Hindi ako nakailag man lang sa bilis ng pangyayare! Halos mabilaukan ako at ilang saglit akong napatigil sa paghinga dahil kumalat iyon sa sistema ko lalo na sa parteng dibdib ko! Naman! "Don't worry hindi pa sa ngayon ang epekto nyan! Masamang ma-In love huh? Bye." saad ni Claritas at naglahong parang bula. Alam naman nyang bawal yun pero bakit nya binato sakin!!!!!! "Bwiset! Nakakainis bakit ko sila naging kapatid!!" inis na impit kong sigaw! Mayamaya ay napaigtad ako dahil kumulog ng malakas. "S-Sorry po Dad..." anas ko at napangiwi ako. Napalingon ako sa babaeng nakahiga sa kama. Gising na sya. "S-Sino ka? Nasan ako?" nagstart na syang magpanic  dahil mukhang naalala nya yung nangyare sa kanya kanina. "I saved you..." sagot ko at muling naupo sa bakanteng silya. Nagdekwatro ako at pinatong ko ang mga kamay ko sa hita ko. Ang ganda ng mukha ng babaeng 'to partikular yung mga mata nya parang nangungusap. Tama lang ang tangos ng ilong nya at may maputla at manipis syang mga labi. Medyo nakakainggit din yung buhok nyang itim na itim na medyo wavy. Sobrang bagay sa kanya kahit walang pang suklay suklay ng buhok. Parang natigilan sya habang pinapasadahan nya ako ng tingin. At napatigil sya sa tatto sa braso ko papunta sa palasinsingan na daliri ko. Manipis na kadena ito na gawa sa maraming numero. Baka mahindik ito kapag nakita nya yung nasa mga mata ko. Siguro next time na lang iyon ipapakita sa kanya kapag medyo sanay na sya sa presensya ko. "P-Paano?" tanong nya dahil alam kong napakaimposibleng may makakapagligtas sa kanya sa kagubatan na iyon lalo na at babae pa yung nagligtas sa kanya sa kamay ng dalawang lalake. Hindi nya mapuhap ang mga tanong sa isip nya dahil sobrang bigla pa sya sa nangyare. Hindi ako magsisinungaling sa kanya dahil sya ang pakay ko. Lagot lang sya kay Daddy kapag pinagsabi nya ito sa mga kagaya nyang mortal. "I'm Clock. The timekeeper. God's timekeeper to be exact." pakilala ko at napataas ang kilay nya sakin. Napahilot sya sa sentido nya na wari bang nanakit na ang ulo nya sa lahat ng nangyayare sa kanya at sa mga naririnig nya sa akin. "Basagin mo iyang baso ng tubig sa gilid mo." utos ko at hindi sya makapaniwalang napatingin sakin. "Try me." dagdag ko pa. Napairap sya sakin at gamit ang isang kamay ay binagsak nya sa sahig ang basong tinuro ko at lumapat iyon sa sahig na syang dahilan para mabasag iyong baso at kumalat yung tubig at bubog nito sa sahig. Iniangat ko yung kamay ko na may tattoo. At tulad ng dati kong ginagawa ay isang pitik lang sa hangin ay ibinalik ko yung oras ng baso  na iyon bago sya mabasag. Nanlalaki ang mga mata nya sa nasaksihan nya dahil sa ginawa kong iyon ng slow motion sa mismong harap nya at kung paano ang bawat piraso ng bubog ay bumalik sa dati nitong pwesto at kung paano naghilom ang bitak nito kasama ang pagpasok ng tubig sa loob nito. Hindi sya makapaniwalang nakatitig doon ng muling nakatindig ito sa may gitna ng ibabaw ng lamesa sa gilid nya. "P-Paanong...?" hindi nya matapos tapos ang mga salita nya sa pagkabigla sa nasaksihan nya. "5minutes before you die... You never called Dad..I mean God...instead you wish to turned back the time na sana wala ka sa sitwasyon na marerape ka ng ex boyfriend mo at ng bestfriend mo.So I came for you..."lintaya ko at napatitig ako sa mga mata nya na nababalutan na ng lungkot at sakit. Napabuga ako ng hangin sa dibdib ko. "Alam mo ba na ito yung pinakakinaiinisan kong oras na mga tao?" saad ko at napatingin sya sakin. "Naiinis ako na inuubos nila ang oras ng buhay nila sa pagkimkim ng sakit at lungkot sa mga sarili nila. Medyo waste kase pinalipas ang oras sa ganyang emosyon dahil ang mundo ay tuloy tuloy lang ang ikot nito pati ang panahon at sigurado ako na maiiwan at maiiwan ka lang din sa sitwasyon na masakit habang umuusad ang oras.Be productive this time...Wag kang ganyan." saad ko at napailing sya sakin. "Madaling sabihin..." sagot nya at ako naman yung napailing sa kanya. Tao nga naman! "Okay...Oras mo naman yan pero sana.....ingatan mo yung oras na pinagkaloob sayo na pinagugugol para sa sarili  mo at hindi para ubusin sa ibang tao na hindi naman worth it pag ubusan nito." saad ko. Tumikhim ako para mag iba yung usapan namin at ipalam na sa kanya yung pakay ko. Tumayo ako at hinawakan ko yung kamay nya bago ko nilantad yung palad nya sa harap ko.Nagmostra ako ng hugis bilog doon at pinakita ko sa balintataw nya ang nakaraan na gusto nyang balikan. Napangisi ako ng rumehistro yung saya, lungkot at pangungulila sa mga mata nya. Tao nga naman. Nagulat pa sya ng tumigil ako. "Gusto mong balikan yan hindi ba?" tanong ko at binitawan ko sya. Tumango sya sakin at parang ang hopeless na nya. Medyo hindi bagay sa kanya lalo na sa mga mata nya. Ang ganda kase ng mga mata nya parang nangungusap. "I can do it for you...In one condition." alok ko. Napatitig sya sakin na at sigurado ako na interesado sya dito. "Never ever fall in love with me while I'm helping you...Simple right?" ngisi ko at napatango sya. Haist!Kung alam nya lang na nataniman na sya ng pagmamahal sa sistema nya ng kapatid ko ay ewan ko lang talaga. I-oorient ko na lang siguro sya na lahat ng iyon ay ilusyon lang at hindi kusang umusbong sa sistema nya. "If you do that mapaparusahan ako at magiging rebultong asin at kapag nahipan ng hangin ay magiging abo. Pero kapag nagawa mong hindi magkagusto sa akin sa loob ng isandaang araw ay pagbibigyan ako ng Dyos sa hiling ko sa kanya dati pa at ikaw naman ay matutupad lahat ng ibig mo. See? give and take tayo." saad ko "Okay madali lang yan...straight naman ako eh. Pero bakit mo ko tutulungan? anong kapalit?"kumpyansado at nagtatakang tanong at sagot nya na kinatawa ko. "Okay you say so..I didn't know kung anong kapalit ang hihilingin ni Dad basta sabi nya tulungan kita tapos ay tutuparin na nya yung hiling ko...basta sumunod na lang tayo sa ibig nya....Parating na yung pamilya mo. Pupuntahan kita bukas sa inyo para sa rules habang tinutulungan kita." sabi ko bago lumabas ng kwarto nya. Heto na yung pagkakataon ko! Aika's POV Buhay ba talaga ako? Nung mga oras na tumatakbo ako sa kakahuyan ay tanggap ko na sa sarili ko na katapusan ko na. Alam ko sa sarili ko na wala akong ligtas kina Jerome at Giro. Hindi ko maiwasang matakot para sa buhay ko tuwing sumasagi sa isip ko yung dalawang lalake na yun. Napatingin ako sa baso sa gilid ko, buhay talaga ako noh? Totoo yung nasaksihan ko kanina. Bakit kung anu anong imahinasyon ang napagkikita ko! Binasag ko yung baso tapos heto na sya ngayon tahimik na nakatindig sa ibabaw ng lamesa sa gilid ko. Nagbukas yung pintuan at niluwa noon si Kuya at Mommy na umiiyak na pasugod na yinakap ako. Sunud sunod ang mga tanong nila sa akin hinggil sa nangyaring pagtatangkang panre-rape at pagpatay sa akin nina Jerome. I told them na may nagligtas sa akin at kailangan ng umuwi kaya hindi na nila naabutan. Nag aya na din akong umuwi at ayoko ng magstay pa  ng matagal sa hospital na iyon. Ayaw pa ng duktor na umalis ako pero pinagamit ko na kay Kuya yung impluwensya nya para makauwi na kami dahil ayokong magpalipas ng oras dito. Nang makauwi kami sa bahay ay nagkulong lang ako sa kwarto ko ng ilang araw.Sobrang pagod na pagod ang nararamdaman ko at parang nawalan ng kulay yung mundo ko simula ng mangyare yung insidenteng yun. Sina Mommy ay nag aalala sakin pero lagi ko silang sinasabihan na ayos lang ako at magiging okay din yung pakiramdam ko. Mayamaya ay parang may malakas na hangin at liwanag na kumislap sa buong kwarto ko. I know who is it! kaya hindi na ko nag abalang bumangon mula pagkakadapa ko. Totoo sya! Gusto kong mabaliw dahil totoo sya! Naramdaman kong lumundo yung kama ko at makapal medyo yung mukha nya dahil hindi man lang sya humingi ng permiso bago tumabi sa akin.Sumandal sya sa headboard ng kama ko. "Kinda amaze! hindi ka man lang nagpanic na dumating ako." saad nya at napaharap yung mukha ko sa kanya. Napangiwi sya ng makita yung mukha ko. "You look awful, Soul!" parang nandidiri sya. Ang sama talaga ng ugali ng oras! Walang simpatya. "We can't make time travel kapag ganyan ang estado ng katawan at isip mo....mababaliw ka." saad nya at kinuha nya yung magazine sa ibabaw ng side table ko. "You are a genie?" tanong ko at nagsalubong ang mga kilay nya. "Timekeeper nga ang kulit! Dahil ba sa nababasa at napapanuod mo sa mga tv na mababait ang genie ay ililinya mo na agad sila sa amin? Mali ka....ang mga genie ay mga demonyong pinarusahan at kinulong sa isang bagay. Makakalaya lang sila kapag nakitaan nila ng pagkaganid o pagiging makasarili ng isang tao na makakapagpalaya sa kanila at pagkatapos ay gagawa na naman ng kasamaan sa lupa." lintaya nya kaya napabangon ako. Wow! "You are the time right? How about reincarnation?" takang tanong ko. Napangisi sya at parang ang bobo ko sa paningin nya. "Hindi noh! that's not true! Yung mga kaluluwa ng mga namatay ay hinahatid ng kapatid ko sa mga houses ng zodiac signs nyo hanggang sa birthday ni Dad. How come na makakaulit sila ng oras? Ah alam ko na, baka ang batayan mo eh yung feeling mo na nangyare na dati yung sitwasyon mo sa present time?  Medyo nagpanic lang sa pagsasalansan ng transition yung tatlong katulong ko sa pagpapatakbo ng oras dahil sa kapatid ko na si Light at Zam.Basta maiintindihan mo lang ako kapag nandoon na yung kaluluwa mo." saad nya. Nakakakilabot. "light and time...with speed, in physics...Theory of Relativity?" saad ko at napalakpak sya at naaliw na nakatingin sa akin. "Wow! nag aral na mabuti!" natatawang saad nya. "I was the one who told Einstein regarding that theory...alam mo yun para para may hint sila sa existence namin." kwento nya. Napabuntong hininga ako at napatingin sa kanya habang nagbabasa ng magazine. Nasa harap ko ngayon yung oras in solid form! Nakakabaliw sobra at hindi sya maabsorb ng isip ko. Great! Hindi pa man din natatanggap ng buong sistema ko yung kamuntikan na kong marape at mamatay ay nasa harap ko naman si Clock! Kapag sinabi ko ito sa nanay at kapatid ko ay malamang baka dalhin nila ko sa mental hospital. "Bakit hindi ka pwedeng ma-in love?" tanong ko. Clock is so damn pretty. Sobrang perfect ng mukha nya marahil siguro ay galing sya sa Dyos. Binaba nya yung magazine na binabasa nya sa lap nya bago napatingin sa akin. I was taken a back at parang nanginig ako sa takot ng makita ko yung mga mata nya. Kulay ube ito at gumagalaw yung mga maliliit na numero sa magkabilang iris nya. A-ang ganda.. "That's the rule na binigay sa amin dahil masisira ang balanse ng trabaho namin sa mundo kapag nakaramdam kami ng bagay na iyon....chaos will arrive to people soon na makaranas kami nyan." saad nya. Napapikit sya saglit bago napatingin muli sa akin. Muling nagbago yung mga mata nya na tulad na sa amin na mga tao. "I'm willing to help you to correct all your mistakes from past just Never fall in love with me Soul....I will vanish like dust in the air....Gusto ko lang talaga na makauwi na...." malungkot na saad nya at napatango ako bilang sagot. How come na magkakagusto ako sa kanya?  ..............................................................................................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD