Noong kinder pa ako naalala ko ang aking ama ay palaging bumibili ng biscuits at Buco Juice tuwing papasok ako sa school namin kaya lagi akong busog.
Ganong lagi ang ginagawa nya hanggang sa matapos ko ang aking kindergarten day. At nang mag grade 1 na ako ay wala na akong baon kahit tubig o tinapay man lang.
Dahil nang mga panahon iyun ay nag si simula na mag loko ang aking ama. Palagi sila nag aaway ni Ina dahil nga pagloloko nya. Pina babayaan nya kami.
Kaya tuwing recess ay tumatumbay ako sa labas o kaya'y nag lalaro para lang di ko ma ramdaman ang gutom . Buti nalang pumunta Ang kapatid kung lalaki at binibigyan ng tinapay kahit kapiraso upang ako ay makakain.
Hanggang sa makatapos ako ng elementarya ay ganoon parin sya nawala na ang responsabling kong ama dahil lamang sa kanyang bisyo sa ibang babae Kaya kami ay Pinabayaan na lamang.
Kahit sa Bahay wala kang makain kahit kanin Kaya lagi kaming pumupunta sa bukid at tinulungan ko ang aking Ina na mag hanap ng palay para lang maka benta at maka bili ng pagkain sa Bahay.
Kung meron man kaming bigas ay dinadamihan namin ng tubig para maraming makakain dahil nga marami kaming mag kakapatid.
At ito iyun dahilang para kami ay mag sikap na mag aral upang sa huli ay magkaroon ng magandang Buhay.