Kamusmusan
"Bunso gising, Meron akong dalang pagkain na nahanap ko sa basurahan." pag-alala ni Cassandra sa kapatid na natutulog sa bangkita.
Hindi pa nagigising ang kanyang bunsong kapatid na si Melay.
Nang hawakan ni Cassandra ang katawan ng kapatid ay napakalamig dala siguro sa malamig na sahig at umuulan.
Iyan ang nasa isip ni Cassandra habang hinawakan nito ang katawan ng kapatid.
Kaya tumabi na lamang sya at nilagay ang pagkain sa tabi ng kanyang kapatid.
Natulog sya at nanaginip sa nakaraan.
"Ma!, Saan tayo pupunta?" tanong ng kanyang nakababatang kapatid sa kanilang Ina na tumitingin sa bawat eskinita at tao na para bang aligaga.
Dinala sila ng kanilang Ina sa lugar na bago sa kanilang paningin at sinabi na bibili lang sila ng mga laruan at ipapasyal.
Ngunit sumakay sila ng bus at tingin nya ay napakalayo ng kanilang narating ng kanyang Ina.
Dalawa lang silang magkapatid ni Melay at ang kanilang ama ay iniwan sila.
Dahil ang kanilang Ina ay kalaguyo ng kanilang papa, at idedemanda silang dalawa kapag ng pakita pa ang kanilang Ina sa asawa nito.
Dahil ang trabaho ng kanilang ama ay Isang pulis at ang tunay nitong asawa ay Isang teacher, kaya lang ay nagkaroon ng relasyon ang kanyang asawa sa kanilang Ina na Isang GRO sa bar at nagbunga ng dalawang supling.
Kaya nang malaman ng tunay na asawa ay idedemanda nya ang kanyang asawa at ang kabit nito, pinapili sya kung ang tunay na asawa o ang kabit.
Dahil kung kabit ay idedemanda sya ng kanyang asawa at mawawalang ng trabaho kaya ng desisyun ang kanilang ama na iwanan sila.
Dahil nga Isang GRO ang kanilang Ina ay hindi sapat ang kinikita nito sa pagsayaw at mang-aliw ng mga customer.
Di nagtagal ay nalulong sa pinagbabawal na gamot ang kanilang Ina, at sinasaktan ang magkapatid.
Kaya lagi nalang silang takot kapag nakikita nilang humihithit na naman ang kanilang Ina.
Kaya napalayo na ang kanilang loob sa Ina, kaya Isang araw ay pinangakoan silang dadalhin sa Park at ipapasyal.
Bibilhan ng mga laruan kaya excited ang dalawang bata. Kaya lang ay napakalayo naman ng park na kanilang pinuntahan.
At ng dumating na sila sa kanilang pinuntahan ay sinabihan sila ng kanilang Ina na hintayin.
"Hintayin nyo lang ako dito at may pupuntahan lang ako" iyan ang huling salitang binitiwan ni mama.
Bago nya kami Iwan at huling pagkikita namin sa kanya. Hinintay namin si Mama sa lugar na kami ay kanyang iniwanan.
Kaso ilang oras na kami ay naghintay sa kanya ay di parin sya dumadating at nagugutom na kaming dalawang ng kapatid ko.
Wala parin si mama hanggang sa gumabi na.
Umiiyak na si Melay sa tabi ko at hindi ko alam kung paano umuwi.
Dahil bago lang sa aking paningin ang lugar na aming pinuntahan at pinagiwanan.
May nakita akong ibang kabataan naghahanap ng pagkain sa basura.
Kaya humanap din ako, dahil wala naman ibang tao ang magbibigay sa aking ng pagkain.
Kaya hanggang ngayon ay matagal na kaming pagala-gala sa daan, ng lilimos ng pera at pagkain kung minsan ay sa basura nalang ako ng hahanap.
Ngayon araw matagal akong naglilimos ng pera para bumili ng gamot sa tyan ng kapatid kong si Melay hanggang nakatulog sya sa subrang sakit.
Walang may nagbigay ng pera sa akin kaya humanap na lamang ako ng pagkain sa basura at biglang nalang umulan.
Nang bumalik ako sa tabi ng kapatid ko ay may dala akong pagkain galing sa basurahan at nilagay ko iyun sa tabi ng kapatid kung natutulog.
Napakalamig ng kanyang katawan ng nahawakan ko kahit nga ako ay nilalamig din. Dahil nga sa sahig kami natutulog at umuulan pa kanina ng umalis ako para maghanap ng pagkain namin dalawang.
Hanggang may dumating na mga taong dumadakip ng mga taong nasa kalye nakatira kaya ginising ko ang kapatid para tumakbo.
Kaya lang ay hindi sya magising- gising at ng kami ay nilapitan para dakpin, ay hindi parin nagigising si Melay hanggang sa nahawakan nila para gisingin at sumama sa kanila.
Maya-maya ay tumawag sila ng ambulance at dinala sa hospital ang kapatid ko at tinanong kung ano ang pangalang ng kapatid ko.
Ang sabi ng mga DSWD na humuli sa akin na matagal ng patay ang kapatid ko, dahil malamig na ang kanyang katawan.
Kaya napa-iyak ako sa aking narinig.