The lost DaughterUpdated at Jul 30, 2023, 09:38
The lost Daughter FictionFamily / Love Romance Chapter 1, Pamilya Samonte{ Mama!.... , Mama!” } Sigaw ng batang babae.{ Mama!....”} Tanging sigaw at iyak ang nagawa ng batang- babae habang nakatingin sa dalawang taong, wala ng malay na nakaupo sa loob ng kotse.{ Ma- mama!...” } Umiiyak na sigaw ng batang babae.Madilim ang paligid at umuulan.Puno ng bubug ang buong sasakyan ng may narinig ang batang babae na may sumisigaw sa labas ng sasakyan.Nakita nya ang isa pang sasakyan sa labas at umalis agad.Maya- maya ay may nakita syang lalaki na nakatingin sa kanila.{ Tu-tulungan mo ang anak ko!” } Nagising ang ina ng bata at nagmamakaawa. Kahit puno ng dugo ang mukha nito.{ Ma- mama!” } Tanging iyak lang ang nagawa ng bata, maya- maya ay nawalan na ng malay ang ina ng batang babae.Iyak ng iyak lang ang nagawa ng bata.-------------- Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko.Napatingin ako at mag- alas 4 na ng umaga.Napasapo ako dahil sa masakit ang ulo ko.Bata pa lang ako ay napapanaginipan ko na ang mga ganito.Di ko talaga naaninag ang mga mukha nila, na paulit-ulit kong pinapanaginipan. Di pa ako gumagalaw sa kama at pilit ina- alala ang bawat tagpo pero laging nasa sasakyan ang bata at umiiyak.“ Hyacinth!..... Nak, Gising kana!” Pasigaw na tanong ni Mama sa akin.“ Gising na po!” Sabi ko sa kanya.Bumangon na lamang ako sa kama, at naghanda na para pumunta sa ibaba dahil nanduon ang aming karenderya.Ang bahay namin ay may second floor kung saan dito kami natutulog at ang isa ibaba naman ay ang aming karenderya.Medyo malaki ang bahay na syang inu- upahan namin.Mga sampung taon na ng lumipat kami dito.Araw ng Lunes ngayon kaya maraming tao ang kakain sa karenderya ni Mama, kaya kailangan namin s'yang tulungan.Sina Mama at Papa ay kapwa nagluluto ng ulam sa aming karenderya.Nang bumababa na ako sa kasina ay nagluluto na sina Mama Emilia at Papa Ramon Samonte.Pumunta ako sa pinagkakainan kung saan wala pang mga tao.Nadatnan ko sina Kuya Aaron at Kaira na naghihiwa ng mga ingredients na lulutuin nila Papa at Mama.Tumulong ako sa kanila, humiwa ako ng Carrot, Repulyo, Baguio beans, para sa pancit.Sina kuya naman ay naghihiwa ng mga baboy, si kaira naman ay ang mga ahos at sibuyas.Marami- rami na ang mga pinaghihiwa namin at marami narin ang naluluto nina Mama. Kaya nagsimula na akong maglinis ng aming mga pinagkalatan.Nagpunas ako ng mga upuan at lamesa para sa mga customer na dito kakain sa karenderya.Malapit lang kami sa isang company na tinatawag nilang ASM Company.Kaya araw-araw ay marami kaming mga customer na nagtatrabaho sa company na iyun.“ Ma, tapos ko na!” Sigaw ni Kuya Aaron. Dinala na nya ang mga baboy na hiniwa nya at ibinigay kay Papa.“ Babalik na po ako sa loob!” Paalam ni Kuya.“ Oh, sige!..Sige!” Nakangiting sabi ni Papa Ramon.Babalik si Kuya sa loob ng bahay dahil maaga pa ang klase nito.Engineering ang kurso ni Kuya Aaron dahil nga sa company ng mga Villa Flores.Gustong- gusto ni Kuya ang magtrabaho doon.“ Ma, si Engineer Tsu pala!, Kahapon po ay kinausap nya ako.. na gusto nyang mag pa Catering sa bahay nya.” Sabi ni Kuya Aaron.Ito po ang menu book at tignan nyo nalang kung ano ang mga gusto n'yang ipaluto sa inyo.” Sabi ni Kuya Aaron.Meron naman Cafeteria sa loob ng kumpanya ng ASM ngunit mas gusto nila ang luto ni Papa at Mama.Lagi nilang sinasabi na lutong pangbahay ang ulam, kaya bina- balikan nila ang luto namin.Tinignan ko ang menu book at nakita ko na araw ng linggo ang nais nila.“ Ma, linggo po ito!.. Sabi ko kay Mama na kinatango nya.“ Eh, Day off na natin iyan. Ma!” “ Lumalaki na kayong magkakapatid at sa susunod na taong ay mag-aaral kana sa Koliheyo kaya kailangan magkayod kalabaw kami ng ama ninyo!” Paliwanang pa nya na kinatango-tango ko.Oo, nga naman tatlo kaming magkakapatid, at pangalawa ako.Ang panganay ay si Kuya Arron at ako si Hyacinth na pangalawa at ang bunso ay si Kaira na isang taon lang agwat sa akinNag-aaral kasi si Kuya Aaron ng Engineer, nasa Third year na. at ako naman ay malapit ng ga-graduate ng Senior highschool at si Kaira naman ay Grade 11 na. Isang taon lang ang agwat namin ni Kaira.Maya- maya ay nagliliwanag na ang paligid kaya binuksan ko na ang karenderya.Dahil marami- rami na ang gustong kumain ng almusal.Wala pang 10 minutes na nakabukas ang karenderya ay marami ng gustong kumain.Isa- isa ko ng nilagay ang mga lutong ulam sa lagayan at marami ng tumitingin at nagtatanong kung magkano ang luto namin.“ Hyacinth!... Magkano ang kare- kare? ” Tanong ni Kuya Joel na nagtatrabaho sa ASM Company bilang Guard.“ 50 pesos po ang bawat serve ng kare- kare.” Sabi ko sa kanya.“ Dalawang serve nga at tatlong kanin, ibalot mo na lang.” Sabi ni Kuya Joel.“ Yes, Kuya!” Sabi ko na lang, noon una ay tinatawag ko syang Sir ngunit mas gusto n'yang tawagin s'yang Kuya.Kaya kuya ang tawag ko sa kanya.Wala pang 30+ si Kuya Joel, meron na itong asawa at katulad