bc

Ang Abundonadong Mansion

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
brave
heir/heiress
no-couple
scary
loser
campus
surrender
civilian
like
intro-logo
Blurb

Taong 1990“ Daddy!... Please maawa ka sa akin!” Umiiyak na sabi ng batang babae habang nakahiga ito sa hospital bed.“ Please!... Wag mong saktan ang baby ko!” Umiiyak ito habang tinuturakan ito ng pampatulog ng kanyang Amang Doctor.“ Please!... Dad!.. maawa ka sa apo mo!” Ang huling sa salita ng babae bago ito nakatulog sa pampatulog na itinurok ng kanyang Ama.Lumipas ang isang araw at nagising ang babae. “ Ang baby ko!.... Pin4t4y nyo ang baby ko!...” pagwawala ng dalaga.Habang hawak nito ang kanyang tyan. Nasa kwarto na ito at sumisigaw ngunit wala naman nakakarinig ng kanyang panaghoy.Dahil ang kanilang Mansion ay nasa gitna ng kagubatan.“ Mommy!... Please!.. tulungan mo ako!.... Maawa kayo sa'kin!” Umiiyak nitong sigaw sabay kalampag ng pinto.Ngunit ang mga taong nakatira ay parang musika sa kanilang tainga, ang mga kalampag at iyak ng dalaga.Taong 2022.“ Nay!... Sasama muna ako kila Boss Ramon!.. Para makabili ako ng gamot mo!” Paalam ko kay Nanay Rosie habang nakahiga ito sa kama at buto't balat na ang katawan.“ Anak, alam mo naman...Ayaw kong sumama ka sa kanila dahil masasamang tao sila!” Naiinis na pangaral ni Nanay sa'kin.“ Nay!.. may utang po ako sa kanila, dahil noon nakaraan araw ay umutang ako sa kanila para makabili ng gamot mo.“ Anak, pwede bang wag ka ng sumama sa kanila!, Ayaw kong may masamang mangyari sa'yo!.... Anak!” Pagmamakaawa ni Mama na huwag akong sumama kay Boss Ramon.Kaya lang ay may malaki akong utan kila Boss Ramon kaya kahit ayaw ko ay kailangan kung sumama sa kanya.Kaya kahit anong Paki-usap ni Nanay ay natuloy parin ako sa pagsama kila Boss Ramon.Lumipas ang ilang oras at mag- aala syiete na ng gabi ng magkita- kita kami.Nasa parking area kami ng malaking mall at may binabantayan. Ang paglabas ng mga anak ni Dr. Delos Reyes na s'yang ki-kidnaping namin. At wala pang isang oras na pagbabantay ay nakita namin ang dalawang bata na kasama ang Yaya nila.“ Ready na kayo!” Matigas na sabi ni Boss Ramon.Lumabas na nga kami sa Van at nagmamadaling naglakad patungo sa dalawang bata na masayang naghaharutan.Nang biglang tinutukan ng b4ril ni Frank ang Yaya ng mga bata.Di ito sumigaw at napayuko ito kaya nakuha kaagad namin ni Frank ang kambal.Umiiyak naman ang mga bata habang kinakaladkad namin sila patungo sa Van na s'yang sinasakyan namin.“ Please... Wag nyo po kaming saktan!.. umiiyak na sambit ng batang lalaki.“ Kuya!.… Natatakot ako!” Umiiyak naman sabi ng batang babae.“ Tumahimik kayo, kundi sasaktan ko kayo!” Sabi ni Boss Ramon sabay pakita ng kanyang baril. Kaya tumahimik ang mga bata habang nagyayakapan sa isat-Isa.Mabilis na humarorot ang sasakyan palayo sa mall.“ Mac- mac!... Ikaw na bahala sa kanila... Di naman nalalayo ang edad mo sa kanilang dalawa!” Utos na sabi ni Boss Ramon sa kin na kinatango ko.“ Boss...naman... 17 na ako..” Sabi ko na kumakamot pa ng ulo.“ Hahaha!.…. ” Natatawa na lang si Boss Ramon sa akin.Ilang oras din bumiyahe kami, ngunit di na sa lumang headquarters namin kundi nasa bundok ang papunta namin.“ Boss!... Tama ba ang pinupuntahan natin?” Tanong ni Frank na syang nag da- drive ng van. Habang tinitignan ang mapa ng ibinigay sa kanila ni Mr. Yun na s'yang pinaka Boss sa lahat.“ Oo, sabi ni Mr. Yun na papunta sa lumang mansion ang ating bagong headquarters!” Sabi ni Boss Ramon.Ngunit dalawang oras na kaming naglilibot ay di namin makita.“ Tumigil muna kayo!.. at hintayin natin ang mag- umaga tsaka natin ipagpapatuloy ang paghahanap ng lumang bahay na itinuro ni Mr. Yun.” Sabi ni Biss Ramon habang nagsisindi ng segarilyo.“ Mr!... Masama po sa kalusugan ang paninigarilyo!” Sabi ng batang lalaki. Na ikinatingin ni Boss Ramon sa batang lalaki.“ Aba'y na bata ka!... Sino ka para pagsabihan mo ako!” Naiinis na tanong ni Boss Ramon sa bata.“ Wag po kayong ganyan matatakot po ang kapatid ko!” Sabi nya at sabay harap kay Boss Ramon. At ang kapatid nya ay nagtatago nga sa likod ng batang lalaki.“ Kita nyo!... Takot na ang kapatid ko!” Galit na sabi ng bata.“ Kuya!..tama na!” Pagpipigil ng kanyang kapatid.“ Mac- mac ikaw nga ang umintindi sa kanila at umiinit ang ulo ko sa kanila.” Sabay nun ay Pagalit itong humarap sa sasakyan.“ Mga bata, tumahimik na kayo at di naman namin kayo sasaktan.. kailangan lang naman namin ng pera at kapag nagbigay na ang Papa nyo ay makakauwi kayo ng ligtas!” Mahinang bulong sa kanila na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.“ Maniwala kayo, hindi kami nananakit ng bata!..” Dagdag ko pa.Buong Gabi kaming nasa loob ng sasakyan at dahil hindi namin makita ang lumang bahay na sinasabi ni Mr. Yun.Nakatulog na nga ako sa kakahintay na mag- uumaga na. Nagising ako dahil sa batok na ginawa ni Frank sa ulo.“ Aray!....” Sigaw ko habang minamasahe ang ulo ko na binatok nya.“ Umaga na!.... Bumababa kana at maglibot- libot para madali natin.. makita ang sinasabi ni Mr. Yun na lumang bahay!” Singhal nyang sabi sa'kin na kinatango ko na lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.3K
bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook