Magkapatid na Aswang sa Baryo

1030 Words
Maghahating gabi na nagdumating si Lara sa kanyang lugar dahil ginabi sya sa kanyang pag-uwi. Bilang nurse ay hindi pareho ang kanilang uwian kaya sa ay nag bo boarding house na lamang para malapit sa hospital na kanyang pinagtra-trabahoan. Kaya lang ay birthday ng kanyang ama bukas at may mga dala syang grocery upang ihanda sa kanilang ama. Ay hindi na sana sya uuwi dahil na rin sa napaka delikado na para umuwi sa kanila at sa bukid pa ang kanilang tahanan. Naka pagpasabi na rin sya sa kanyang ama na uuwi rin sya ng ganyang oras kaya alam nyang baka naghihintay ang kanyang ama sa pasadahan ng mga motor. Dahil sa ganyang oras ay wala ng mga tryciyle na nag papasada dahil na rin sa may kababalaghan ang nanyayari sa kanilang lugar nitong nakaraan buwan. Kaya lang ng dumating sa pasadahan ng mga tryciyle ay wala parin ang kanyang ama. Kaya naghintay sya na baka di pa dumadating ang kanyang ama at susunduin din sya nito. Habang sya ay naghihintay ay may naaninag syang imahe na papunta sa kanyang tinatambayan. Di nya makita kung sino ito. Kaya kinakabahan sya dahil mag- isa lang sya at madilim pa , walang ka tao-tao . Malayo pa ang mga kabahayan dito dahil nga malayo ang lugar sa city na kanyang pinagtrabahuan. Nan papalapit na ang imahe ay nakikita nyang Isang lalaki na papalapit sa kanya at nang malapit na ay nakilala nya ito. Ang kanyang kasintahan na si Carl. Bago pa lamang sila nito at bagong lipat sa kanilang lugar kaya lang ay gwapo ang lalaki at medyo maykaya. Kaya nag magligaw ito ay sinagot din nya ito dahil nga sa kanilang lugar ay wala ng lalaki na kasing gwapo at di magkakalayo ang kanilang edad. At approved naman ito sa mga magulang ni Lara dahil lagpas na mag 30+ na si Lara at pwede na itong mag-asawa dahil nga si Lara ang panganay sa limang magkakapatid at apat pa ang kanyang pinag-aaral kaya di sya naka pag-asawa . Kaya ng may nagligaw sa kanya ay masaya ang kanyang mga magulang dahil alam nilang mas magiging kumportable ang pamumuhay ni Lara . Lara(pov) Carl ikaw Pala Akala ko kung sino na Ang paparating dito.. kinabahan ako... Carl(pov) Hahaha!! Ikaw Talaga Lara!!.. tayo na mag ako na Ang hahatid sa inyo.. Lara(pov) Teka lang at I text ko lang si tatay na huwag na syang pupunta dito at ikaw ang kasama ko sa pag-uwi. Ng ilabas na ni Lara ang kanyang cellphone ay na low battery na pala kaya di na sya maka text sa tatay nya. Carl (pov) Tara na dala ko ang motor ko!!.. at ihahatid na kita sa inyo. Iisang daan lang ang ating madadaanan kaya sigurado ako na baka makita natin si tatay mo at doon na lamang tayo magsabi sa kanya. Kaya umangkas na lamang si Lara at Ini start ang motor habang nasa daanan sila ay biglang huminto ang motor sa mga kakahuyan at sa matataas na mga damo. Lara(pov) Carl bakit? Tanong ni Lara sa kanyang kasingtahan. Habang di kumikibo si Carl ay may naririnig si Lara na mga ungol na di nya maipaliwag kung saan galing at mas lalu syang natakot sa kanyang nasaksihan. Mag uumaga na ay maraming tao ang naghahanap kay Lara dahil hindi sya naka-uwi sa kanilang tahanan. Ang kanyang ama ay umiiyak sa kakasigaw sa kanyang pangalan. Tatay(pov) Lara!!!!.... , Lara!!!.. anak asan ka?.. Ang sigaw nang kanyang ama. Hanggang sa may sumigaw na tumatakbo pa punta sa kanila. Nakita raw si Lara sa gitna ng mga matataas na damo at wala ng buhay. Wala na daw itong mga lamang Loob at nagkalat ang mga dugo sa lugar. Kaya nag marinig ito ng kanyang ama ay nahimatay ito dahil sa nanyari sa kanyang anak. Ng araw na ililibing si Lara ay di dumalaw si Carl sa kanyang kasintahan. Marami ang nagsasabi na labis daw na dinamdam ng lalaki ang nanyari kay Lara sa kanyang pagkamatay. Kaya mailibing si Lara at wala ng tao ay may pumunta at pahandusay sa lupa ang kanyang ginawa at umiiyak. Labis syang nasaktan sa nanyari kay Lara kahit Hindi nya kagustuhan ang nanyari ito sa kanya. Pero nangingibabaw ang uhaw sa dugo at laman kaya hindi nya napigilan ang nanyari. Makalipas ang ilang linggo ay may nanyari na naman katulad kay Lara kaya napagdisisyunan na ng taong bayan na huhulihin at papatayin dahil sa marami na ang namatatay dahil sa kagagawan nito. Kaya nag buo sila ng groupo at nagsipatulis ng mga sibat at kutsilyo o magagmit sa pagpatay sa aswang. May mga bitag din sila nilagay para mas madali ang paghuli sa mga aswang. Habang papagabi na ay nagsipag handa Sila at nagkalat para hanapin ang pinapatay sa kanilang lugar. Ng may biglang sumigaw na mga tao at may itinuturo sa may ibabaw ng puno ng mangga kaya nag sipalibot sila at ang iba ay may dalang armas at pinaputukan ng baril ang iba naman ay pinagsisibat ng kanilang dalang sibat. Dalawa ang kanilang nakita at magkasama pa sa iisang sanga kaya lang ay mataas ang kanilang pinapatungan at lumipad ang dalawa na parang lumukso sa ibang mga puno kaya nagsipaktakbu sila para mahabol ang aswang. Hanggang sa may natamaan daw silang isa at may sugat daw ito. Kaya nila ito sinunod kung saan ang pupunta at Nakita nilang papunta ito sa bahay ng mga magkapatid na bagong lipat nitong taon. Kaya sinugod nila ang Loob ng bahay at nakita nilang patay na ang lalaking na ngangalan Carl at may sugat sa katawan at ang hinala nila na isa ito sa dalawang aswang na kanilang tinutugis. Kaya kinuha nila ang bangkay ni Carl at sinunog sa bakanting lupa. Habang sinusunog ang katawan ni Carl ay walang tigil ang pag-iyak ang tatay ni Lara dahil sa nalaman na isa palang aswang ang kasintahan ni Lara at ito ang pumatay sa kanya. Ng maubos na at naging abo ang katawan ni Carl ay hindi na nila makita ang isa pa nitong kasama kaya hinanap nila ito. Hanggang ngayon ay hindi na nila makita ang isa pa nyang kapatid at wala na rin namatay sa kamay ng aswang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD