Noong bata pa ako ay may naririnig akong mga kwentong kakatakutan sa barangay ng aking ina.
Na kapag ginabi ka nang uwi ay may nag papakita raw na santelmo.
Kaya Isang araw bago ang pyesta ay napag pasyahan ng amin Ina na umuwi sa kanilang lugar kahit na napaka layo ang pupuntahan namin.
Dahil nga sa matagal na kaming hindi umuuwi sa barangay ay hindi namin kabisado ang daanan.
Maaga kaming nag punta sa Lugar ng amin Ina sumakay kami sa jeep ng dalawang beses at Isang tricycle at naglakad ng dalawang Oras.
Dahil nga hindi na kaya ng tricycle ang daanan ay dahil nga wala pang maayos na daan na pa punta sa barangay ng amin Ina nasa bundok kasi ang lugar ng amin Ina.
Kaya habang kami ay naglalakad ay dumidilim na nag ku kwentuhan kaming mag pamilya.
Marami kaming pumunta nasa sampu dahil nga matagal na kaming hindi dumadalaw.
Mama(pov)
Bilisan nyo na ang paglalakad nyo at gagabihin tayo sa daan mahirap na.
Kapatid Kong lalaki(pov)
Ma bakit may multo ba sa daan ...
At tumawa pa.
Mama(pov)
Huwag na kayong magsalita pa at bilisan nyo na.
Pag sesermon ni mama sa amin.
Kaya binilisan na namin ang paglalakad hanggang sa may nakita kaming basketball court at may ilaw na kaya tuwang tuwa kami dahil iyun ang palatandaan na malapit na kami sa kanila.
Habang papunta kami sa basketball court ay marami ng mga tao ay sumasayaw at nag iinuman.
May nakilala si mama isa sa mga pamilya namin at dinala kami sa bahay nila.
Kaya nagkita- kita ang buong mag - anak at mga kapatid na matagal ng di nag kita may umiiyak habang nagyayakapan.
Kaya kaming magkakapatid ay kung saan- saan nag lilibot may pumunta sa basketball court o Kaya'y isinama ng aming kamag - anak sa iba pa nilang kamag- anak.
Nag-iinuman at nag kakantahan ang mga matatanda.
Kaya sumama ako sa aking kapatid na pupunta sa bahay ng amin Lola na malayo ang bahay kesya sa tinutuluyan namin.
Dahil nga maliit pa ako ay nagkaka dapa ako sa nilalakad namin dahil nga madilim at Ang gamit lang namin ay flashlight ng lighter kaya di masyado makita ang dina daanan namin.
Ng bumaba kami sa ilog na maliit kung saan walang tubig na dumadaloy ay nag kukwentuhan ang mga pinsan ko na taga dito na noon panahon daw ng mga hapon.
Ay dito daw nila itinatapon ang mga bangkay ng kanilang pinapatay.
Kaya natakot ako sa kanilang kwento kaya mas lalu akong sumiksik sa mga kapatid ko na naglalakad din.
Kaya ng malampasan na namin ang ilog ay malapit na Pala ang bahay ng aming Lola apoy.
Ng makapasok na kami sa bahay ng amin Lola ay agad naman kaming ng Mano sa kanya at naka upo sa kanyang umba- umba.
Matanda na si Lola at mag 95 na kaya di na maka tayo at palaging nasa kanyang umba-umba. Ang Kasama ni Lola apoy ay isa sa mga anak nya ang nag - aalaga sa kanya.
Kumain kami sa kanila at nag kwentuhan ng kung anu- ano dahil nga matagal na rin kaming di naka punta sa kanila.
Marami din ang nakatira sa bahay ni Lola duon din kami natulog at ng kina bukasan ay maaga kaming nagising at may nag iihaw na ng mga baboy marami din mga taong tumutulong sa kanila dahil nga isa si Lola sa matatanda sa Lugar namin at may kaya marami silang kinuhang tagaluto.
Kaya ang iba namin mga kapatid na lalaki ay tumulong rin sa pag- hihiwa ng kung anu-ano.
Habang kaming maliliit ay nag lalaro sa mga pinsan ko rin maliliit.
Masaya ang pyesta ng amin barangay maaga palang ay meron mesa pagkatapos ay kung saan-saan na kami pumunpunta.
Marami kaming napuntahan Bahay ng aming kamag- anak at kakilala ni mama.
Ng gumabi na ay napag desisyunan namin ang pumunta sa basketball court at may disco.
Dahil masaya ang disco sa kanila.
Dahil may i pre present silang kamag-anak na maganda sa court at hahagisan ng pera at isasayaw.
Kaya excited kaming pumunta sa basketball court pero dahil nga bata palang kami ay mga plano kami na hindi na namin isinabi sa mga matatanda.
Nag si una kami sa paglakad pa punta sa basketball court kahit gabi na dahil nga may Kasama rin kaming mga pinsan namin kaya lang habang nasa daan kami at papunta sa ilog na maliit ay may bigla kaming nakita na parang lumilitaw na apoy kaya nag sitakbuhan sila kaya tumakbo din ako.
Narinig ko ang sigaw nila na santelmo kaya nataranta at natakot kami at bumalik sa bahay ng amin Lola at bigla silang nag silabasan sa bahay dahil nga sa sigaw namin.
May Isang matanda na lumapit sa amin at sinabihan na huwag daw kaming matakot at Hindi rin sila na nakit kaya lang ay natakot ako.
Kaya hindi na ako sumama sa kanila kahit na pumunta pa rin sila sa basketball ball court at nag desco pero ako ay nag pa Iwan kasama ang mga pinsan ko kung saan kanina ay Kasama ko sa paglalakad sa ilog at natulog na lamang kami.
Hanggang sa naririnig ko na ang kanilang boses na naka uwi na at kinukwento ku ano ang nanyari sa kanila sa basketball court.
Ang isa sa mga kapatid ko ang pinili at Pina punta sa harap at hinahagisan ng pera at isinasayaw ng mga kalalakihan.