Isang araw nabalitaan namin na namatay ang malayong kamag-anak ni mama kaya nung mga huling araw ng kanyang lamay ay pumunta kami, pero si mama ay naunang pumunta mga tatlong araw na.
Dahil nais nyang tumulong sa lamay at ng papunta kami ay napakalayo ng lugar at di pa kami nakakapunta tanging si papa lamang ang nakakaalam, dahil nong magkasingtahan sila ay nakapunta sila dito.
Kaya lang ng magkaanak na ay hindi na nkadalaw sa kamag-anakan ni mama dahil nga malayo at busy sila sa trabaho.
Kaya ng pumunta na kami ay marami ng mga taong naglalaro ng sugal at nagkukwentuhan.
Ng dumating kami ay isa-Isa kaming lumapit sa mga matatanda ay nag mano pagbibigay galang sa kanila.
Ng matapos na ang aming pagmano ay pinapunta kami ni mama sa kabaong at nagbigay ng panalangin.
Maya-maya ay tinawag si Mama para tulungan sa pagluluto ng pagkain para sa mga naglamay at tumulong din ako ng matapos na ang pagluluto ni mama.
Ay tinulungan kami ng mga bata para ipamahagi ang mga pagkain, nilalagay namin ito sa mangkok at pinamimigay sa naglalaro at sa nakilamay.
Wala kaming tulog buong gabi dahil naglalaro kami ng mga baraho, kahit anong games sa baraha ang aming ginagawa upang kami ay malibang.
Dalawang araw bago ang libing ay may naamoy kaming na mabaho ang akala nga ng iba ay baka galing sa patay.
Kaya pinagbahala na lamang nila ito at ng despiras na ng libing ay marami silang baboy na lulutuin dahil maraming dadalo sa libing.
Dahil ang namatay ay Kilala sa kanilang baryo, at marami ang pupunta para magpaalam.
Kaya tinawag ako ni mama para hiwain ang mga gulay na isasahog sa lulutuin nya.
"Beng halika ka muna at hiwain mo tong mga ingredients na aking lulutuin!" Utos ni mama sa akin.
"Opo ma." Sagot ko sa kanya.
Habang ako ay naghihiwa ng mga lulutuin ay may naamoy akong mabaho na parang nabubulok na laman at nakakasuka talaga ang amoy.
"Ma!, May manaaamoy po ba kayo ng mabaho?" Tanong ko kay mama.
"Ng dumating na ako dito ay naaamoy ko na Yan, di ko nga alam kung saan galing!" Ang pagtatakang Sabi ni mama.
Ng matapos ko ng maghiwa ng mga gulay ay pumunta ako sa naglalaro ng mga baraha sa labas.
Nalibang ako sa kanonood hanggang gumabi. Marami parin ang dumadating na mga tao para magsugal dahil huling araw na ng lamay at bukas na ang libing.
Kaya buong gabi kami ay maraming ginagawa at nag-aasikaso sa mga naglalaro kahit marami kami.
Habang naglalagay kami ng pagkain sa mesa ay dumadaan talaga ang masangsang na amoy, di ko rin alam kung saan galing dahil maraming mga bisita ay hindi ko kakilala.
Dahil dayo rin ako dito sa lugar ng aming kamag-anak, ng bumalik ako sa kusina ay may nakita akong tao na pumasok sa CR namin tinanong nga ni mama kung sino ang taong iyun.
Dahil nga bigla lang syang pumasok ng di nagpapaalam kahit na sabihin na maraming tao ang pumunta dito, pagbibigay galang lang sa mga nakatira dito.
Ng tinanong ni mama kung sino ang taong iyun ay di naman daw nila ito kakilala Sabi ng mga kamag-anak ni mama na kasama namin sa pagluluto ng pagkain.
Dahil ang kusina ay madadaanan mo kapag ikaw ay papunta sa banyo. Napakatagal nyang lumabas at may bisitang ng tanong kung pwede ba silang gumamit ng banyo at nasabi na lamang namin na may tao sa loob.
Kaya ng hintay ang bisita ng ilang minuto pero di parin nakalabas kaya kinatok na namin, kung kailan sya lalabas pero Hindi sya sumasagot sa amin.
Ng buksan ni mama ang pinto ay hindi ito naka luck kaya madali nya itong nabuksan at nakita namin na wala naman tao sa loob kaya kami ay nagtataka kung nasaan ang taong pumasok sa banyo at natakot din kami dahil kitang -kita namin na pumasok sya sa banyo.
Kaya alam namin na may tao sa loob ng banyo kaya papaano na wala ng tao ng aming buksan ang pinto.
Kaya di na pumasok ang mag ba banyo sana dahil natakot din dahil pinagdidiinan namin na nakita namin may pumasok sa banyo.
Kaya ng mag-uumaga na ay marami ng tao ang nagluluto para sa libing mamaya, dahil nga marami ang lulutuin pagkain.
Nag simula na kamimg magsiligo sa banyo na tag dadalawa dahil marami pa kaming mga kamag-anak na maliligo din ang iba ay sa ibang bahay nalang maliligo.
Nag posisyon na kami para dalhin ang bangkay sa simbahan at mabigyan ng basbas ang patay at mapunta sa langit.
Ng mailibing namin ang bangkay ay sa Isang lumang cemetery at nilibing sa lupa
Marami ang nakilamay sa libing.
Nang bumalik kami sa bahay ay mas dumami ang mga taong bumalik para kumain. Kaya di magkaugaga kami sa aming ginagawa ang iba ay naghuhugas na ng pinggan ang iba naman ay nag re refill ng pagkain kapag naubos na.
Hanggang sa matapos na ang kainan kaya lahat kami ay subrang pagod at hindi pa kami umuwi ng siyam na araw dahil sa padasal para sa patay.
Pero bago pa kami mag pa siyam ng araw sa padasal ay kamag-anak kaming humahangos sa kanyang hininga at nagsalita.
"Bilin, yung kapatid nyo pinuntahan
namin para dumalaw at mag sindi ng kandila ay may naghukay sa kanyang libingan" takot na nagsasalita sa amin.
Kaya kami ay Dali-daling pumunta sa libingan para tignan ang bangkay ng aming kamag-anak at nakita namin na wala na doon ang kanyang bangkay sa halip ay puno ng saging ang aming nakita sa kanyang kabaong.
Nagsisigaw na ang buong pamilya habang tinitignan ang kabaong.
"Abaw!, Lusing asan na ang katawan mo?, Ang sigawan ng pamilya.
Marami ang nagsasabi na baka ang bal-bal ang kumuha sa bangkay ng kamag-anak namin.
Hanggang ngayon misteryo pa sa amin ang tunay na nangyari sa bangkay ng aming kamag-anak at hanggang ngayon di pa nila ito nakikita.