Nang manganak si Aling Marianne ay masayang masaya sya dahil narinig nya ang iyak ng kanyang anak.
Babae ang anak mo Marianne!" Habang ibinibigay ng komadrona sa kanya.
Umiiyak ang kanyang anak habang ito'y na sa kanyang dibdib ng may naramdaman lalabas sa kanyang p********e.
Ng sumigaw ang komadrona na may lalabas pang bata sa kanya.
Kaya sya ay napa eri, at ng lumabas ang kanyang anak ay hindi na ito gumagalaw at tila nangingitim na.
Kaya kainuha ng komadrona at ginawa ang CPR para mabuhay ang bata.
Naiiyak si Aking Marianne habang nakikita nya ang Isa nya'ng anak na hindi na ito gumagalaw at umiiyak.
Dahil mahirap lang si Aling Marianne ay hindi sya ng pa check up sa Doctor.
Kaya Wala syang alam na kambal Pala ang kanyang anak. At ngayong ay hindi na humihingi ang Isa pa nyang anak.
Naiiyak sya habang hawak nya ang Isa nyang anak na umiiyak at ibinigay ng komadrona ang Isa pa nyang sanggol na wala ng buhay.
"Ah!, Anak ko!, Anak gising nak!" Nandito si Nanay!" Ang hinain ni Aling Marianne sa kanyang anak na wala ng buhay.
____________
Makalipas ang Sampung taon.
Irin pov
Kadadating lang ni Nanay galing sa palengke dahil nagbebenta sya ng mga isda at ng dumating sya ay hinahanap nya ako.
Tinataguan ko si Nanay at kasama ko ang aking kaibigan na si Ilaiza.
Noong bata pa ako ay sya lagi ang aking kalaro kapag dumadating si Nanay ay umaalis si Ilaiza.
"Nak!, Irin asan ka?" May dala akong pasalubong sayo!" Wika ni Nanay sa akin.
Ngumingiti lang ako habang nakikita ko sya naglalagay ng pagkain sa mesa at pumunta sa itaas ng bahay kubo namin.
Kaya lumabas ako sa pinto na naharangan ng malaking tarpulin dahil nga ito'y kayawan kaya nilagyan ng tarpulin para Hindi makita ang nasa loob ng bahay.
Nasa likod ako ng pinto sa kusina kaya hindi ako nakita ni Nanay sa itaas at ng bumaba sya ay bigla akong nagpakita sa kanya.
"Ay, anak ng butanding!" Iyan ang lagi nyang sambit kapag sya ay nagugulat.
Kaya tumawa ako ng tumawa sa kanya
"Si Nanay talaga!" Anak daw ako ng butanding!" Hehehe!" Sabay kaming tumawa.
Ng hanapin ko na si Ilaiza ay hindi ko na sya nakita pa. Kaya baka ay umuwi na sa kanila.
Kaya kumain nalang kami ni Nanay ng dala nyang dinuguan at puto.
"Ehmm!" Ang sarap talaga ng luto ni ninang Amor diba nay?" Tanong ni Ilaiza sa kanyang Nanay.
"Oo, naman si ninang Amor mo ay magaling magluto ng pagkain." Habang sya ay ngumunguya ng dinuguan at kumuha ng puto at pinahid sa laman ng mangkok.
Nang matapos na kaming kumain ay malapit ng dumilim kaya nagsimula nang mag Rosary si Nanay.
Kaya ako ay nasa upuan at pumunta sa ibabaw ng bahay para humiga na lamang dahil matatagalan si Nanay sa kanyang pagrorosary.
Nagising ako sa iyak ng Isang sanggol kaya bumangon ako sa papag at nasa tabi ko si Nanay.
Dalawa lang kami ni Nanay sa bahay dahil ang sabi sa akin ni nanay ay matagal nang patay si tatay.
Kaya ng bumangon ako sa papag at bumaba ako habang tinitignan si Nanay na tutulog at pumunta sa labas ng bahay dahil nga naririnig ko ang iyak ng sanggol.
Ng lumabas na ako sa bahay ay nakita ko si Ilaiza na ngumingiti sa akin at may tinuturo sa ilog kaya lang ay madilim ang paligid at hindi mo maaninag kung ano ang kanyang tinuturo.
Ng pumunta na kami sa ilog ay itinuturo nya ang balsa-balsa na ginawa ni Nanay para sa akin.
"Gabi na Ilaiza at magagalit si Nanay kapag pumunta ako dito sa ilog!" Sabi ni Irin sa kaibigan.
Umiba ang mukha ni Ilaiza na parang iiyak ito at hindi nya makakayanan malungkot si Ilaiza.
Naunang sumakay si Ilaiza at sumunod naman ako at habang sumakay kami ay ngumingiti sya sa akin.
Dahil lagi kaming sumasakay sa balsa-balsa kapag wala si Nanay at bumabalik lang kung nariyan na sya galing palengke.
At ako ngayon ang sumasagwan sa balsa-balsa at ng tinatanong ko sya kung bakit gusto nyang maglaro ng balsa-balsa sa Gabi.
Ay bigla na lamang sang umiiyak at tinignan ang bahay namin na hindi pa kami nakakalayo dahil mababaw lang ang tubig at hindi makalalayo ang balsa-balsa dahil may lubid itong nakakabit.
Dahil nilalagyan ni Nanay para hindi makawala ang ginawa nyang balsa-balsa para sa akin.
"Irin gusto kong maranasan ang buhay mo na mayakap ang Nanay at ma-alagaan." Sabi nya habang umiiyak.
Ma-alagaan ka din nya kapag lagi tayong magkasama diba Ilaiza.
"Irin kailangang ko ng umalis" ito na ang ating huling pagkikita" Naiiyak nyan sabi.
"Iiwan mo na ba ako Ilaiza!" Pagtatanong ko sa kanya.
Sabi ko sa kanya dahil matagal ko nang alam na sya ang aking kakambal at sinasamahan ko sya kahit saan man ang gusto nya.
"Oo, kai-langang ko!! ng ma - makawala sa iyo! ka- kakambal ko!" Ang napipiyok nyang sambit sa akin.
At nagyakapan kaming dalawa hanggang tuluyan na syang naging Isang hangin na nawala sa harap ko.
Dahil lagi kong nakikita si Nanay na umiiyak sa picture ni Ilaiza at lagi nyang sambit.
"Anak!" Sana patawarin mo ako at hindi ka nabuhay. Mahal na mahal kita." Ang pagtatangis ni Nanay sa aking kapatid.
Araw-araw syang umiiyak at nagdususa kaya napaglakihan ko na lagi kong nakikita si Nanay na nagkakaganyan.
Kaya umiiyak na lamang ako.
*******
Maya-maya ay ginising na ako ni Nanay dahil umaga na at may pasok pa ako.
Kaya bumaba ako sa itaas ng bahay at tumingin ako sa picture sa ibabaw ng aming lamesa kung nandoon ang picture ng kakambal ko.
Niyakap ko lamang ang picture ng aking kakambal
The end.