Kapwa sila tahimik habang binabaybay nila ang daan pauwi sa bahay nito. Tiim na tiim ang kanyang mga bagang habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at ang kanyang mga mata ay kasingdilim ng paligid na kanilang dinadaanan.
She wanted to scream so loud, she wanted to cry hard dahil sa matinding irita at galit na nararamdaman. Wala pang beynte kwatro oras silang nagsasama bilang mag-asawa ay kinokontrol na nito ang buhay niya!
Ano pa kaya sa darating na mga araw?
"Umuwi na tayo!" matigas nitong sabi kanina sa bahay ng kuya William niya.
Pinilit niyang magpakahinahon dahil hindi niya gusto na makita ng kapatid ang kinasuungan niyang sitwasyon dahil baka sisihin na naman nito ang sarili. She don't want that, iyon ang kahuli-hulihang gusto niyang maramdaman nito. Blaming himself.
"I..I'll bring my car and kukunin ko muna yung gamit ko sa lo--"
"No need to do that," agad nitong putol. "Meron tayong apat na sasakyan sa mansyon, you can choose what you want to use and.. did you check our room?"
Kumunot ang kanyang noo.
"Ipinamili na kita ng mga gamit, kaya hindi mo na kailangan na dalhin ang mga gamit mo. From now on.." sandali nitong idinako ang madilim na mga mata sa kuya niya bago muling ibinalik sa kanya. "I will provide for you!"
Ikiniling niya ang ulo, hindi makapaniwala sa naririnig. Namili na ito ng mga gamit niya na hindi man lang ikinonsulta sa kanya? Na hindi man lang nagtanong kung sasang-ayon siya?
Biglang nagtagis ang mga bagang niya at dumilim ang mukha. He really know on how to pissed her until the depths of her bones!
"Napakawalang-hiya mo talaga!" Pero mas nauna pang nangalaiti ang kuya niya. "Hindi kailangan ng kapatid ko ang--"
"Kuya--" mariin niyang putol saka hinawakan ang braso ng kapatid.
Nagsenyas siya rito sa pamamagitan ng mata. Hindi ito pwedeng magpakita ng ano mang negatibong emosyon dahil naroroon ang ate Beth niya sa likod nila.
She too, tried so hard to calm herself. Nagplaster siya ng ngiti kahit na gustong-gusto ng sumabog ang dib-dib niya sa matinding iritasyon!
"I know you can buy me everything Leandro," sabi niya. "But what I want to bring is MY personal things." dugtong niya na binigyan pa ng emphasis ang huling tatlong salita.
Matapos niyang sabihin iyon ay agad siyang tumalikod. Hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon na salungatin siya. Looking at his face, parang ipipilit talaga nito ang gusto nito at hindi siya papayag na gawin nito iyon.
She will never let him take control over her!
PADASKOL siyang bumaba ng SUV ng iparada nito iyon sa harap ng mansyon saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob.
Ramdam niya rin ang mga yabag nito na nakasunod sa kanya.
"Where's your phone?"
Narinig niyang tanong nito. Pero umakto siya na hindi niya narinig iyon. Nagpatuloy siya sa paghakbang.
But his large hand stop her.
"Ayaw na ayaw ko ang tinatalikuran ako pag kinakausap ko!" He hissed darkly.
Bumaling siya rito saka sinalubong ang mga mata nito.
Kung meron man dapat magalit sa kanila ay siya iyon!
"Give me your phone--"
"It's my personal thing Mr. Montenegro, pati ba iyon i-che-check mo rin? How dare you to--"
"Your phone!" matigas nitong sabi. Inilahad nito ang kanang palad sa kanya.
Nagpalatak siya. Nababaliw na yata siya dahil gusto niyang tumawa ng mga sandaling iyon.
Ano ba itong kinasuungan niya?
Kinuha niya ang cellphone niya at padaskol na inilagay sa kamay nito. If he'll going to take her phone away from her, wala na siyang pakialam!
Isaksak nito iyon sa baga nito!
Madali nito iyon nabuksan dahil wala iyon password. Tatalikod na sana siya ng muli nito iyon inilagay sa kamay niya matapos itong may pindutin doon.
"Sa susunod kung may pupuntahan ka, magpaalam ka--"
"Nagpaalam ako kay yaya Sela." matigas niyang sabi.
"Ako ang asawa mo kaya sa akin ka dapat magpaalam!"
"Huh! Asawa?" sarkastiko niyang sabi. "Asawa lang kita sa papel at hindi sa tunay na kahulugang iyon, baka nakakalimutan mo iyon Mr. Montenegro!" taas kilay niyang dugtong.
Isang nang-uuyam na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Ngiting taliwas sa sa ibinabadya ng mga mata nito.
"So.. my wife has already grow horn and fangs huh.." sabi nito. Nagulat nalang siya ng mahigpit siya nitong hinawakan. Napa-atras siya sa impact non.
"Palalagpasin ko ang sinabi mong iyon dahil tayong dalawa lang ang nandidito ngayon but dare to say that infront of many people lalo na sa mga taga rito sa hacienda and I'm going to wring your neck!" banta nito habang tagis na tagis ang mga bagang.
Lihim siyang napalunok sa nakikita niyang apoy sa mga mata nito pero hindi siya nagpatinag. Her pride won't let her. Sinalubong niya pa rin ang mga mata nito. Kung galit ito, higit siya!
Ipapakita niya rito na hindi siya isang manikang de susi na pwede nitong kontrolin!
"Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang tulad mong tuso at walang puso?" sarkastiko niyang sabi. "You don't have to tell me that you're going to wring my neck dahil sa simula pa lang alam ko na na kaya mong gawin iyon! Do it, Mr. Montenegro.. wala akong pakialam!"
"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko Cielo, because if you do.. hindi lang ikaw ang magbabayad! You know what I mean." makahulugan na sabi nito. "Kaya kung ayaw mong masayang ang isinakripisyo mo, you better behave. Dapat mong malaman ngayon pa lang na dito sa mansyon, ako ang masusunod!"
"So you're going to control me now, ganoon ba?" sarkastiko niyang sabi.
Tumaas ang kilay nito. "I'd like to do that." sabi nito.
Nandidiri niya itong tiningnan. Hindi talaga siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito sa kanya.
Umiling-iling siya saka tinalikuran ito. Mauubusan siya ng dugo kung mananatili pa siya sa harap nito.
"Umpisa bukas," narinig niyang sabi nito. Pero hindi siya nag-abalang lumingon. Not until what she heard him say next. "Until I say so, hindi ka pupunta sa bahay ng kapatid mo!"
Gimbal siyang napabaling rito. Ikiniling niya pa ang ulo dahil baka naringgan niya lang iyon.
"That was your punishment for being hardheaded!"
Kung nakakamatay lang ang talim ng mga mata niya ay kanina pa ito nabuwal! Ah, sana nga..
Nagtiimbagang siya. "Pinatunayan mo lang na hindi lang sa anyo ka halimaw kundi pati sa kaluluwa!"
Matigas niyang sabi bago ito tuluyang tinalikuran at nagtatakbo na inakyat ang hagdan papunta sa ikalawang palapag ng mansyon.