Chapter Seven

1778 Words
Hindi niya alam kung paano nagsimula ang seremonya ng kasal nila ni Leandro. She was out of herself the whole time the judge officiated their vows. She was dumbfounded and still in disbelief. She knew it will going to happen eventually, pero hindi niya inaasahan na ganoon ka agad-agad. Ang buong akala nga niya ay mamayang hapon pa iyon. She didn't knew that it was this soon. Hindi man lang siya nito binigyan ng oras para ihanda ang sarili. Not physically but emotionally. Wala talaga itong konsiderasyon. They get married with just her shirt and jeans at ganoon din ito. Just like that. Wala man lang ka effort-effort. Sarkastiko siyang nagpalatak. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang tusong tulad nito? Basta makuha lang nito ang gusto nito, wala na itong pakialam pa sa iba pa! She was blank the whole time, ni hindi niya matandaan kung um'oo ba siya o tumango lang ng magtanong ang judge kung tinatanggap niya si Leandro bilang asawa. Kahit ang pagpirma sa kanilang marriage contract ay halos anag-ag lang iyon sa kanyang balintataw. Blanko niya lang din minamasdan sina mang Nestor at yaya Sela na pumipirma din bilang witness hanggang sa matapos ang mga ito. "You may now kiss your bride.." Naguguluhan pa siyang napa-angat ng tingin sa nakangiting Judge. When Leandro pull her against him. Doon pa lang siya tuluyang mahimasmasan. Agad niyang ibinaling ang kanyang mukha kaya ang halik na dapat sa kanyang mga labi nitong igagawad ay sa pisngi niya dumapo. She shiver when his lips touch her cheeks. Biglang nanayo ang kanyang balahibo kaya agad niyang idinistansiya ang kanyang katawan. Sa gilid ng kanyang mga mata kita niya ang pagdilim ng mga mata nito at pagtagis ng mga bagang sa ginawa niya. Nadepina iyon sa marahas nitong paghila sa baywang niya para mapalapit lalo rito. "Congratulations pare," nakangiting lumapit sa kanila ni Atty. Cuevas. Pagkunwa'y bumaling din sa kanya. "Congratulations too miss Centeno, oh, Mrs. Montenegro na pala." he chuckled. Mrs. Montenegro.. Napalunok siya sa tinuran nito. Sana isa lang iyon bangungot at magigising na siya maya-maya lang. "Thank you pare." Pero ang malamig na boses na iyon ni Leandro ang nagpapatunay sa kanya sa katotohanan, katotohanan na asawa na niya ito ngayon! "Hindi na ako magtataka kung bakit ninais mong magpakasal kayo agad Leandro," ang Judge naman ang lumapit sa kanila. They are all smiling wildly. Hindi alam ng mga ito na unti-unti ng sumisiklab ang apoy sa pagitan nilang dalawa. Ang apoy ng pagkadisgusto at poot. "You're wife is very beautiful," Judge Soriante look at her with admiration. "By the way, congratulations to the both of you." "Thank you Judge." si Leandro na ang sumasagot sa lahat. Ni hindi na niya magawang ngumiti kahit pakitang tao lamang. Ewan niya kung bakit ng mga sandaling iyon ay parang napakahirap na gawin iyon. "Maraming salamat din dahil pinagbigyan mo ang paki-usap ko na ikasal kaming dalawa ngayon. I know you're busy with the Murillo case, pasensiya na talaga sa abala Judge," mas hinapit pa nito ang baywang niya. "Hindi ko na kasi kayang maghintay ng matagal, baka kasi makawala pa eh!" He chuckled. Napatawa rin ang huwes. "I know what you're feeling, ganyan din ako noon sa asawa ko. Being inlove is really a wonderful feeling right Leandro?" Tumango-tango ang katabi. "Tama po kayo!" walang emosyong sagot nito. Sana lang hindi napapansin ng mga kaharap ang animosity sa pagitan nilang dalawa. MATAPOS ang kaunting salo-salo ay umalis na rin sina Attorney Cuevas at Judge Soriante. While yaya Sela is busy with the dishes, she remain there standing in the doorway, still in disbelief while looking at the ring on her ring finger. Umalis rin sina mang Nestor at Leandro and even Lance Nagmamadali ang mga ito. Kung saan ang mga ito pupunta ay hindi na siya interesado na malaman iyon. "Sigurado ka bang hindi ka kakain iha?" Napapitlag pa siya ng marinig ang boses na iyon ni yaya Sela. "Pagpasensiyahan mo na si Leandro huh, may nasugatan daw kasing tauhan sa koprasan kaya pinuntahan muna nila at dinala sa ospital." Pinilit niyang ngumiti. "Huwag po kayong mag-alala 'ya, naiintindihan ko. Mas mabuti nga iyong wala siya rito." mahina bigkas niya sa huling kataga. She saw the old woman ceased her brows. Alam niyang hindi nito iyon narinig. Nginitian niya ito. "Since wala po si Leandro, sa inyo na lang po ako magpapaalam, uuwi po ako sa amin, pakisabi na lang po sa kanya yaya Sela." sabi niya. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. She turn her head and walk directly into door. HALOS isumpa niya si Leandro habang pawis na pawis na naglalakad sa kahabaan ng niyugang iyon. Mahigit kalahating oras na siyang naglalakad pero hindi niya pa rin matanaw ang dulo ng daang iyon. Wala man lang dumaan kahit isang tricycle o kaya kahit motorsiklo na pwede siyang umangkas hanggang b****a. Iniwan niya ang kanyang sasakyan sa kapatid kanina kaya ngayon hirap na hirap siya. She will get it back later, tutal may sariling sasakyan naman ang kuya niya. Hindi pala pwedeng wala siyang sasakyan dahil nasa dulo yata ng impyerno itong titirhan niya mula sa araw na iyon! Isang makina ng motor ang narinig niyang paparating. Tumigil siya sa paglalakad at agad na tiningnan ito. Nang makita niyang wala iyon angkas ay dali-dali niya iyon pinara kahit medyo malayo pa. Laking pasasalamat niya ng huminto iyon sa harap niya. Napahinga pa siya ng maluwag. "Ah, mama pwede po bang maki-ankas ako kahit hanggang sa b****a, kanina pa kasi akong naglalakad, wala man lang dumaan kahit tricycle man lang o motor.. ikaw pa lang ang--" "Wala ka talagang masasakyang tricycle sa ganitong oras dito miss." anang baritonong boses. Tinanggal nito ang helmet at napasinghap siya ng makita ang mukha nito. He has long and wavy hair, matangos ang ilong, deep set eyes, pangahan ang mukha at ang higit na nakakuha sa kanyang atensyon ay ang palakaibigan nitong ngiti. He was also maybe has the same age as her. "Tanghaling tapat kaya karamihan sa pumapasadang tricycle ay nagpapahinga o di kaya ay nanananghalian. Saan ka ba galing?" tanong nito. "Huh ah, may pinuntahan lang ako na malapit dito." Ewan niya kung bakit hindi niya magawang sabihin na sa mansyon ni Leandro siya galing. She's sure he knew him. Imposibleng hindi kung taga doon ito nakatira. "Saan ka ba pupunta?" tanong ulit nito. Pero naroroon na sa mukha ang tila pagdududa. "Ah, sa b..bayan sana," pagsisinungaling niya. Kung makakasakay siya rito hanggang bayan, marami ng bumabiyahe doon na jeep o kaya ay tricycle pauwi sa kanilang bahay. Hindi na siya mahihirapan. "Ganoon ba, papunta rin akong bayan kaya tamang-tama." Isinuot nito muli ang helmet nito saka umusog paharap. Giving her space at the back. Hindi na siya nagdalawang isip. Inilang hakbang niya ang pagitan nila at agad na sumakay sa likod nito. Ngayon siya nagpapasalamat na naka jeans siya, hindi niya mahihirapang sumakay sa motorsiklo nito. It takes another thirty minutes for them to reach the town proper. Inihinto nito ang motor nito sa isang convenience store kung saan sinabi niyang bababa siya. "Maraming salamat hah.." sabi niya ng makababa. She distance herself. Tinanggal nito ang helmet at tiningnan siya. He still has that same smile on his face. At ang aliwalas ng mukha nito. Aliwalas na nakakahawa. "Walang anuman iyon." Ngumiti rin siya saka napakagat-labi. "Ahm, s..sige, salamat ulit." sabi niya saka tumalikod. "Sandali!" Napatigil siya saka lumingon. "Anong pangalan mo?" Napangiti siyang muli. Sa pagkakataong iyon abot na iyon sa kanyang mga mata. "Cielo." sagot niya. "Cielo.." ulit nito as if mine-memorized nito iyon. Tumalikod siyang muli. "Marrius nga pala ang pangalan ko miss Cielo." sigaw nito. Hindi na siya lumingon muli, pero sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad papunta sa terminal ng tricycle papunta sa kanila. >>> Ilang minuto na lang ay mag-aalas siyete na ng gabi. Hindi man lang niya namalayan ang oras. Madilim na madilim na rin ang paligid at mukhang uulan pa yata. "Nilagay ko na yung dahon ng sili, ilang sandali na lang at maghahapunan na tayo," sabi ng kuya niya. Galing ito ng kusina at nagluto ng paborito niyang tinolang manok na may dahon ng sili. "Hmm.. mukhang mapaparami na naman ang kain ko nito kuya, marami ba ang sinaing mo ate Beth?" "Oo, alam kong paborito mo ang tinolang manok. Maghahain na ba ako sweetheart?" tanong nito sa asawa. "Ako na lang, huwag ka munang magkikilos at baka mapaano ka." Tumingin ito sa kanya. "Hindi ninyo pa nasasabi sa akin kung paano ninyo nakumbinsi si Leandro na iurong ang kaso. At saka bakit nag-impake ka na ng mga gamit mo Ciel? Babalik ka na ba ng maynila?" Nagkatinginan silang dalawa ng kuya niya. "Ah, kasi ate Beth--" Isang nakakangilong silbato ang nagpagulat sa kanilang tatlo. Agad siyang tumayo at sumilip sa bintana at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Leandro na bumaba mula sa driver seat ng SUV nito. "B..bakit nandito ang Leandrong iyan Will?" agad na bumakas sa mukha ng ate Beth niya ang takot at pag-aalala. "Di ba sabi mo Ciel inurong na niya ang kaso laban sa kuya mo?" baling naman nito sa kanya. "Inurong na niya ate Beth." "Kung ganoon bakit siya nandito?" Hindi na siya sumagot. Umalis siya sa bintana at akmang pupunta sa pinto pero inunahan na siya ng kuya niya. "Ang lakas naman ng loob mong pumunta ritong hayop ka!" Nagtatagis ang mga bagang na saad ng kuya William niya. Punong-puno ng pagkamuhi ang mga mata nito habang nakatingin kay Leandro Pero hindi man lang natinag ang lalake. He just equal his stare pagkunwa'y tumingin sa direksyon niya. "I just came here to get my wife!" sa matigas na boses saad nito. "W..wife?" Naguguluhang dumako sa kanya ang mga mata ng ate Beth niya. "Huh! Hindi sasama sayo ang kapatid ko!" "Kuya.." saway niya. "Nasa teritoryo niya tayo ngayon Ciel kaya hindi uubra ang kawalanghiyaan niya dito! Wala siyang magagawa kung hindi ka sasama sa kanya!" Napakagat-labi siya. Ang totoo, ayaw na ayaw niyang sumama rito, kung pwede nga lang tumakbo siya palayo doon at magtago ay gagawin niya pero nang tingnan niya si Leandro ay nanlambot ang mga tuhod niya. He still had that same expressionless face pero iba ang ibinabadya ng mga mata nito. "Nakalimutan mo yatang akin na ang lupang kinatatayuan ninyo ngayon?" Sarkastiko nitong saad bago muling idinako ang tingin sa kanya. "But I'm not here to claimed the land. I am here to claim my wife!" Matigas na nitong sabi. "Wala kang magagawa dahil nasa akin ang lahat ng karapatan. She's my wife now and I'm going to take her home!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD