007: Kwits

2674 Words
“SASAGOT KA o hahalikan kita?” tanong ni Ralph ng hindi pa rin marinig ang sagot na hinihingi mula sa babae. Huli na ng ma-realize niya kung ano ang sinabi niya dahil narinig na iyon ng babae na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya habang kitang-kita naman niya ang unti-unting pamumula ng mukha nito. Since he had already spoken nonsense, Ralph could no longer and had no plan to take it back. Inisip na lang niya na parte iyon ng kanyang misyon kaya naman tama lang na idaan niya sa ganoong babala ang babae. However, for the woman, it was more like a tease than a warning. Alam ni Jianne na namumula na ang paligid ng kanyang mukha. Halos mamaos na rin siya katitili sa isip niya, at kasisigaw ng ‘Oo, sige, halikan mo ’ko!’. She couldn’t just act like an easy girl in front of the man. Kahit pa nga mukhang iyon na nga ang first impression nito sa kanya dahil sa una nilang pagkikita. Kahit papaano nama’y gustong baguhin ni Jianne ang impression na iyon sa kanya ng lalaki. So, Jianne finally talked, evading the man’s eyes. “It didn’t mean anything. Just me, being playful,” dahilan ni Jianne. At nungkang paniniwalaan iyon ni Ralph ng gano’n-gano’n na lang. Maaaring isang beses ng naisahan si Ralph ng babae, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na makapapayag si Ralph na maka-isang ulit pa ulit ang babae. Ibinaba ni Ralph ang isa niyang kamay sa mukha ng babae at iniharap sa kanya ang mukha nito. And with a serious face, Ralph asked for the third time. “Uulitin ko sa Tagalog. Ano’ng ibig sabihin ng ginawa mo kanina? Bakit mo ’ko pinigilang sumama sa mga iyon?” Sunod-sunod na napalunok ng laway si Jianne. 'So close!'. The man was so close that it’s suffocating her in a different way. Halos maduling na siya makatingin lang sa mga mata ng lalaki na mariing nakatingin sa kanya. Kung susumahin ay ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha nila na kaunting maling kilos lang ng isa sa kanila’y muling maglalapat ang mga labi nila. At ilang beses na ring minantrahan ni Jianne ang sarili na huwag titingin sa ibaba lalo na sa mga labi ng lalaki kahit pa ramdam na ramdam niya ang kiliting hatid ng mainit na hininga na dumadaloy hindi lang sa buong mukha niya, kung ’di maging sa buong katawan niya. She didn’t know when, but there was only one thing Jianne was sure of. And that is how dangerous the man is for her. Dahil kahit kailan man ay hindi ganoon kalala ang naging epekto sa kanya ng mga lalaki. But with this man, every inhibition she had would easily break. At hindi sigurado si Jianne kung magugustuhan niya ba ang mga pakiramdam na iyon o hindi. “A-as I said, it was just me playing. Naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng truth or dare, and it happened that it was my turn. They gave me the dare, then I saw you, and the rest is history,” kabadong paliwanag ni Jianne, hindi na makatingin sa lalaki. Napansin naman iyon ni Ralph kaya naman mas lalong hindi niya kinagat ang alibi ng babae. Although he didn't want to force the woman to tell him the truth, his guts were telling him to ask for it. Not. It was not to ask them since he was curious, but what he really wanted was to have a conversation with the woman. At hindi iyon maikakaila ni Ralph maging sa sarili. Hindi niya malaman kung bakit parang lagi na lang siyang pinangungunahan ng pakiramdam niya sa tuwing kaharap niya ang babae. He’s a wise man. Sa anumang bagay, palaging ginagamitan ni Ralph ng isip ang mga ginagawa niya. He never followed his instincts kahit pa nga minsan ay tumatama ang mga iyon. Pagdating man sa misyon niya o sa pang-araw-araw niya ay palaging isip ang pinapagana niya. But when it’s about the woman, whose name he did not know, or what kind of a person she is, and the fact that it was only their second time meeting each other. Pero ilang beses na niyang nilabag ang number one rule niya. Dahil kahit ano pa yatang sitwasyon, kapag ang babaeng kaharap na ang kasangkot ay nawawala siya sa katinuan at puro pakiramdam niya lang ang gumagana. Not even once, although it was only for the second meeting, but not even once did Ralph win over his instincts when it came to the woman. And it really made Ralph become wary for the first time, at talagang sa isang babae pa. Hindi man mukhang delikado ang babae, pero alam ni Ralph na delikado para sa kanya ang malapit sa babae. “I’m not a kid, woman. I will never buy your excuse, so just tell me the truth,” the man said in a dangerous tone. At hindi mapigilan ni Jianne ang panindigan ng balahibo. Hindi dahil sa natakot siya sa nagbabantang boses ng lalaki. But because it sounded so hot and sexy and it just brought a tingling sensation in her tummy. Gustong magpalamon ni Jianne sa lupa sa sobrang hiya para sa sarili. She never thought that there would be a time where she would be like this just for a man she never knew. Unang kita pa lang nila, at pangalawa na ngayon, ni ang pangalan ng lalaki ay hindi niya pa alam, kung sino ba ito, anong trabaho niya, o kung anong klase siyang tao. Pero batay sa mga reaksyon niya ay parang kilalang-kilala na ng katawan niya ang lalaki. Dahil bawat gawin o sabihin ng lalaki ay otomatik na may reaksyon ang katawan niya. She always believes in her instincts. Dahil kailan man ay hindi siya nito binigo. Pero sa mga oras na ito, sa unang pagkakataon ay gustong lumabag ni Jianne sa sinasabi ng pakiramdam niya. It says that the man is good and he could help her. That he can be trusted. And that she would be safe if she was with him. But Jianne also knew that it was impossible. Katulad nga ng naunang sinabi niya. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa lalaki. Hindi mahirap magbigay ng tiwala si Jianne, but she’s not a naive person who can trust anyone because they look or feel trustworthy. Nasa bingit na ng kamatayan ang isang paa niya. Hindi na siya makakapayag na maging ang isang paa niyang tanging nakaapak sa lupa ay ipapahamak niya ulit. Malakas na napabuntonghininga si Jianne. “Why are you so headstrong in knowing that anyway? Kung hindi mo talaga nagustuhan ang ginawa kong pagpipigil sa’yo, then go on. Follow them. It’s your choice anyway. I was just trying to help.” Naningkit ang mga mata ni Ralph dahil hindi niya narinig ang huling sinabi nito. Wala sa sariling napalapit siya sa babae kung may ilalapit pa nga ba ang dalawa. “W-what are you d-doing?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Jianne. Agad na itinukod ang mga kamay sa dibdib ng lalaki para pigilan ang paglapit pa nito. Malakas siyang napatikhim at nagkunwaring inaayos ang damit niyang bahagyang nagusot dahil sa pagkakatulak sa kanya ng lalaki sa dingding. Dahil sa marahang tulak na iyon ay muling nagkaroon ng mahigit dalawang dipa sa pagitan nila. Medyo napaatras kasi si Ralph dahil hindi niya inaasahan na itutulak siya ng babae. Pero hindi na iyon pinansin pa ni Ralph at seryosong nakatingin lang sa babae na namumula ang mga pisngi at hindi na naman makatingin sa kanya. “What did you say? You were just what?” “Wala, walang ulitan sa bingi,” mabilis na tanggi naman ni Jianne. “No. Tell me. kung ayaw mong sabihin kung bakit mo ginawa ang ginawa mo kanina then tell me what you said in your last sentence,” pangungulit ni Ralph. “Heh. Tricky. But sorry, I won’t fall for that,” nakangising turan ni Jianne at talagang napakrus pa ng mga braso sa dibdib. “You’re more headstrong than I am.” “Guess, I really am.” “But my will is much stronger. So either you choose, or answer them both.” “Why not none of the above?” “That’s not even on the choices.” “Geez! Hindi ka lang matigas ang ulo, tuso ka rin talaga ano?” Hindi na sumagot pa si Ralph at seryosong tinitigan lang si Jianne na muling napabuntonghininga. Nakangusong inalis niya ang pagkakakrus ng mga braso niya sa dibdib. She scratches her glabella and finally gives up. Mukhang wala talaga siyang laban sa kakulitan ng lalaki. “Since napasuko mo ako sa kakulitan mo, I will answer both of your questions.” Napadiin ng tao si Jianne sa kanyang kaliwang paa, samantalang napahawak ang kaliwang kamay niya sa kaliwang baywang. “To summarize everything, and to calm you first, I mean no harm so you don’t need to be wary of me. Ginawa ko ang ginawa ko kanina para iligtas ka. Period. Just treat this as me returning the favor you did when you helped me back on our first meeting. In short, isipin mo na lang na kwits na tayo. You saved me, I saved you. Now let’s be happy.” Napataas naman ng isang kilay si Ralph. “You? Saving me? From what?” Nabura tuloy ang ngiti ni Jianne at agad na napalitan ng busangot. “Ba’t ba ang dami mo pang tanong? puwede bang um-oo ka na lang?” naiinis niyang tanong. Hindi naman nagsalita si Ralph o kaya binawi ang tanong niya at muling pinukulan ng mariin na tingin si Jianne na agad nakaramdam ng pagkailang kaya malakas muna itong napaingot bago nag-iwas ng tingin. Napatikhim muna si Jianne bago muling nagsalita. “As I said, now we’re quits kaya wala na akong utang na loob sa’yo. It’s nice to meet you, mister. But I hope that this will be our last meeting. And if ever we do encounter each other again, umakto ka lang na hindi mo ako nakilala, which totoo naman. Good bye!” Mabilis na tumalikod si Jianne para tuluyang makaalis at makatakas, pero muli na naman siyang nahablot sa mga kamay ng lalaki. Mabuti na lang at mahigpit lang siyang hinawakan nito sa kamay at hindi na katulad kanina na itinulak pa sa pader para i-corner. “Quits? Sinong nagsabing patas na tayo? Hindi pa tayo kwits, Miss,” Ralph said seriously. Bigla namang kinabahan si Jianne na hindi niya mawari. Kung kanina ay kinakabahan siya sa paraan ng pagkakatingin sa kanya ng lalaki, pero sa mga oras na iyon ay may kakaibang kaba na siyang nararamdaman para sa lalaki. Iyong kabang normal na mararamdaman mo kapag alam mong may hindi na magandang mangyayari. At katulad nga ng sinabi ni Jianne, she always trusted her instincts. And at this time, her instincts are telling her to leave. ‘But how?’ naiiyak na tanong ni Jianne sa sarili. “Ano na naman ba ‘yon?” tanong ni Jianne na kapareho ng tuno sa kaninang pagkakatanong niya sa sarili. Medyo natigilan tuloy si Ralph at hindi alam kung paano itutuloy ang sasabihin. Sa paraan ng pagkakasabi ng babae ay parang isang big bad wolf si Ralph samantalang isang puti at kaawa-awang bunny naman ang babae. Ang boses nito na parang naiiyak na dahil sa pambubully niya, ang mga namumulang mga mata na nagbabadyang umiyak, at ang nakangusong mapupulang labi na nagpapakita ng pagkaapi. Bahagyang niluwagan ni Ralph ang pagkakahawak niya sa kamay ng babae pero hindi niya iyong binitawan. Magsasalita sana siya ng sunod-sunod na nagsalita ulit ang babae. “What is it this time? Paanong hindi pa rin tayo kwits, ha? Don’t tell me you are talking about the kiss? Bakit? Gaano ba kamahal ang mga halik mo para hindi maging sapat ang ginawa kong pagligtas sa buhay mo? Aren’t you being conceited now, Mister? Maaaring guwapo ka nga, and you’re a damn good kisser, but I am not that bad either! Sapat na ang halik ko bilang bayad sa halik mo, okay?” Hindi tuloy malaman ni Ralph kung paano magre-react. Hindi naman kasi tungkol doon ang inirereklamo ni Ralph. What he was trying to say was that they were not even and that she still needed to explain to him the answers that she gave him. Gusto niyang malaman sa kung paano siya nito niligtas. What’s dangerous about those groups of people is what would happen to them. Gusto niya ring malaman kung paano nalaman ng babae ang tungkol doon. But seeing the woman's aggrieved look, Ralph wanted to tease her more. Aaminin niyang cute tingnan ang babae habang parang batang nagrereklamo. Para na tuloy talaga siyang isang predator wolf na napagkatuwaan muna ang isang kawawang bunny bago kainin. “It’s not about that, but I will agree with you on that. Kissing you really feels good, and I can say it’s enough of a payment for snatching me a kiss. Pero maliban doon, may isa ka pang kinuha sa akin. Kung wala kang balak na ibalik sa akin iyon, then why not you give me something in return? That way, I can agree that we’re finally even.” Nagugulumihanang napatingin naman si Jianne sa lalaki. She ignored the reddening of her cheeks. Hindi na niya kailangang magtanong pa dahil sa hilatsa pa lang ng kanyang mukha ay masasabi na agad na hindi niya nakuha ang sinasabi ng lalaki o hindi niya naintindihan ang pinakakahulugan nito. But it only lasted for a minute when suddenly, a memory of their unforgettable kiss flashed in her mind. pero hindi niya binigyang pokus ang halikan nila kung ‘di sa mga kamay niyang parang may sariling isip na in-unhook ang relong pambisig ng lalaki bago parang walang nangyaring ipinagsiksikan iyon sa dala-dalang pouch. And after that, she finally focused and enjoyed the exhilarating kiss. Unti-unting nanglaki ang mga mata niya habang nagkaroon ng kaunting pamumula sa mga pisngi niya dahil sa naalala. She didn’t know how the man knew it was her hands who took and snatched his wrist watch. Sa pagkakaalala ni Jianne, masyadong dalang-dala ang lalaki sa paghalik sa kanya na kaya kampante siyang hindi nito maaalalang siya ang suspek sa pagkawala ng relo nito. Pero heto nga at mukhang nagkamali siya, at sa unang pagkakataon ay may nakahuli sa modus niya. Dahil nahuli na rin naman siya’y hindi na nagkaila pa si Jianne. Medyo nahihiya man dahil sa ginawa pero kinalma ni Jianne ang sarili at tinanggal ang kahihiyan sa katawan. ‘What’s that? Hindi ko alam ang salitang ‘yan’ “Ah, iyong relo mo ba? Puwedeng remembrance mo na lang sa’kin iyon?” Napangisi naman si Ralph sa narinig. The woman’s shamelessness is rather amusing. “Then give me a remembrance too,” Ralph requested. “Okay, fine. Wala akong masyadong alahas sa akin ngayon, so tell me what you want? Kung wala ako noon ay samahan mo akong kuhanin sa kuwarto ko,” sagot naman ni Jianne, mukhang sineryoso niya talaga ang sinabi ng lalaki. “Nah, there’s no need to. Although your invitation is really interesting, I know you had what I wanted.” “And that is?” “Your name.” “Huh?” Jianne dumbfoundedly asked. Nakangiting muling pinaglapit na naman ni Ralph ang katawan nilang dalawa. “I said, I wanted your name to be my remembrance.” Duda man dahil sa kakaibang hiling ng lalaki ay sinabi pa rin ni Jianne ang pangalan. “Jianne Alcantara. Ayan, full name na 'yan ah? Pero hindi 'yan ang name ko sa face app, kaya h’wag mo na akong balaking hanapin doon. Now, we’re really quits. Ba-bye!” Mabilis na kumilos si Ralph. Bago pa man tuluyang makatalikod sa kanya si Jianne ay nahawakan niya na ito sa magkabilang balikat. Pinanatili niya sa pagkakatayo sa harap niya ang babae at seryosong tinitigan. This time, Ralph is really serious. Tapos na kasi siya sa pakikipaglaro sa babae. Oras naman na sa seryosong usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD