006: Task and Encounter

2899 Words
“HAH! This is so boring!” reklamo ni Xyra habang nakasalampak sa sofa ng kanilang kuwarto. Ang mga kamay at paa niya ay nakalaylay sa mga sandalan ng one seater na sofa samantalang ang ulo niya’y nakalaylay din sa likod na sandalan ng kinauupuan. Nakahiga kasi at solong-solo ni Paulo ang nag-iisang mahabang sofa ng kuwarto. Hindi tulad ni Xyra ay may hawak naman si Paulo na selpon kung saan naglalaro ito ng tetris. At dahil malapit na niyang matalo ang current high score niya, hindi binigyang pansin ni Paulo ang kaibigan at todo focus ang tingin sa screen ng phone. Nang mapansing hindi siya binigyang pansin ng kaibigan ay mabilis na napalingon si Xyra sa kinaroroonan ni Paulo. Galit niyang kinuha ang maliit na unan throw pillow ng sofang kinauupuan. Nakangising iniumang ni Xyra ang unan sa posisyon ni Paulo tsaka may pwersang ibinato ang unan na tinamaan naman ang kanyang target. Malakas na napamura ang lalaki habang nagmamadaling tiningnan kung ayos pa ba ang laro niya. At nang makitang hindi naman nasira ang ginagawa niya ay mabilis niya iyong pinause tsaka umayos ng pagkakaupo sa sofa. Masamang tiningnan niya ang kaibigan tsaka walang pag-aalangang binato pabalik kay Xyra ang unang nasalo. “T*ngina, kung bored ka lumayas ka rito. Libutin mo ang buong ship, o kaya naman tumalon ka sa labas at makipagkarera sa ship! Kita ng seryoso ’yong tao eh,” gigil na gigil na angil ni Paulo sa kaibigan. Malakas na napatawa tuloy si Xyra imbes na mainis dahil sa inasal sa kanya ni Paulo. Nakasanayan na rin niya kasi ang ganoong reaksyon mula sa kaibigang lalaki dahil sa madalas niyang pang-aasar niya rito. Sa dalawang katrabaho at kaibigan kasi ay si Paulo lang naman ang kaya niyang maasar ng ganoon. Kung maaasar niya naman ang kaibigang si Ralph ay wala naman siyang makukuhang magandang reaksyon mula rito maliban sa deadpanned face nito na ilang taon na rin niyang pinagsasawaan. Now that she had the fixed attention of her friend, Xyra proceeded with her musings. Muling humilata si Xyra sa sofa at isa-isang naglabas ng kanyang mga sama ng loob. “Palibhasa kasi mayroon ka niyang tetris mo kaya mo nasasabi ’yan! Eh ako, maliban sa walang offline game sa phone, wala rin akong ibang mapaglibangan. Sa dalawang araw na nating pananatili sa barko’y nalibot ko na rin ang lahat ng puwedeng libutin. Eh kung samahan mo kaya akong magliwaliw kapag nakaalis na si Ralph para sa task niya, Paulo?” tumataas-taas pa ang kilay na suhestyon ni Xyra sa kaibigan. Malakas na napaingos lang si Paulo at muling napatingin sa game na nilalaro. Magsasalita na ulit sana si Xyra sa pag-aakalang hindi na naman siya papansinin ni Paulo nang muli itong magsalita. “Anong klaseng pagliliwaliw naman ang nasa isip mo?” tanong ni Paulo na nasa hawak na phone pa rin ang tingin. A sly smile emerges in her pouty lips. “Ano pa ba? Eh 'di ang mang-hunting! Since narito na rin naman tayo, why not i-enjoy rin natin kahit papaano ang misyon natin? Instead of locking ourselves here, let’s go outside to hunt some girls or gals to flirt with? Yeah?” A visible scowl appeared on Paulo’s face. Hindi sigurado kung dahil ba sa sinabi ni Xyra o dahil sa biglang pagka-game over ng nilalaro. “You know, I don’t mix my personal activities into my missions, Xy. Kapag misyon, misyon lang,” Paulo seriously answered, looking straight at Xyra. And Xyra put a grimace on her face to show her opposition. “Alam kong idol mo si Ralph pero bakit pati ang motto niya sa trabaho ay ginaya mo na rin?” she mocked before standing up. Naglakad si Xyra palapit sa kaibigan at parang batang hinawakan si Paulo sa mga kamay at hinila ito patayo. “Come on now! Minsan lang ang ganitong chance, Papa P! I heard na maraming pretty boys ang hinanda ng may-ari ng cruise para sa mga guests. Samahan kitang mamili, dali na!” Xyra pleaded like a kid pleading with her father for something. “Pretty boys? Ang sabihin mo lang, gusto mong maghanap ng lalaki mo. Talagang ginamit mo pa ang kahinaan ko makuha mo lang ang gusto mo,” angil ni Paulo pero nagpahila din naman kay Xyra. Xyra ignored her in denial friend and just grinned widely. “Alam ko namang hindi mo ako matitiis, Papa P!” pagbibirong lambing pa ni Xyra, brushing her face on Paulo’s hard chest. Nakangiwing itinulak ni Paulo ang mukha ng kaibigan palayo sa dibdib niya. Halata sa mukha niya ang disgusto kaya napahagalpak tuloy sa tawa si Xyra. Iyon ang scene na nadatnan ni Ralph pagkalabas na pagkalabas niya ng bathroom. “Oh? Ralph! Hehe,” pansin sa kanya ni Xyra. Napatingin na rin sa kanya si Paulo na parehong tinanguan niya. Dahil maliit lang naman ang kuwarto nila ay paglabas sa nag-iisang bathroom ay ang saktong laki lang na living area ang bumungad sa kanya. Sa kabilang pinto naman ng banyo ay ang pintuan ng nag-iisang bedroom kung saan natutulog ang dalawa. Dahil mas komportableng matulog si Xyra na katabi si Paulo dahil nga sa alam nilang hindi si Xyra ang tipo nito ay walang choice si Ralph na matulog sa sofa sa labas. “Kain ka muna bago ka magsimula, Ralph. Kinuhanan ka na namin ng almusal mo. Sasamahan ko muna ’tong si Xyra magliwaliw,” paalala ni Paulo na itinuro ang mga pagkain na nasa adjacent dining ng kuwarto. “Okay,” tipid na tangong sagot ulit ni Ralph sabay bukas ng pinto sa kuwarto. Mayroon kasi doong closet kung saan nila nilagay ang mga damit nila. “Kitakits na lang sa labas mamaya, Ralph!” nakangising paalam naman ni Xyra, bago pa siya tuluyang hilain palabas ni Paulo. Itinaas naman ni Ralph ang kamay para kumaway sa dalawa hanggang sa tuluyang maisara ang pinto. Doon lang pumasok si Ralph sa kuwarto para mamili ng susuotin. Hawak ang sariling bath towel para tuyuin ang buhok, binuksan ni Ralph ang bag na nasa loob ng closet. Hindi na niya kasi inilabas pa ang mga damit sa bag para iwas hassle. Maliban sa ilang formal suits na kakailanganin niya, mga underwear, plain white shirts, white sando, black shorts at baggy pants lang ang laman ng damitan niya. Kumuha na lang siya ng isang white shirt at black shorts para suotin. Inilapag niya ang mga iyon sa kama tsaka hinubad ang suot na bathrobe. Diniretso niya ang tapon sa labahan na may kalayuan sa kinatatayuan niya. Parang bolang itinapon niya iyon doon na sumakto naman ang bagsak sa loob ng basket. Gamit naman ang tuwalyang pinangtutuyo sa buhok ay itinapis niya iyon sa kanyang hubad na ibaba. Ralph spotted the blower owned by Xyra and he used it to completely dry his hair. Nang tuluyan ng matuyo ang buhok niya maging ang katawan niya ay tsaka lang siya nagsimulang magdamit. Kaunting spray ng pabangong dala at tapos na rin si Ralph. Wala sa sariling napahawak si Ralph sa kanyang bisig at napatingin siya sa lamesa kung saan nakalagay ang ilang personal niyang mga gamit. Katulad ng inaasahan ay hindi niya nakita ang kanyang pambisig na relo. “F*ck,” mahinang mura niya ng maalalang nawawala nga pala ang kanyang relo. Dahil doon ay naalala na naman niya ang babaeng bigla na lang siyang hinalikan noong unang araw niya sa barko. Habang tumatagal na nananatili ang babae sa kanyang isip ay unti-unti rin niyang na-realize ang katauhan ng babae. Maliban sa isa itong p*rvert, mukhang isa ring mandurukot ang babae. Ni hindi man lang niya kasi namalayan ang pagkuha nito sa relo. To Ralph, that woman is dangerous. No. All women are dangerous. Naiiling na wika niya sa sarili ng maalala rin ang kaibigang babae. Bago pa saan maglakbay ang utak ni Ralph ay kinuha niya na lang ang kanyang wallet na naglalaman ng mga cards niya at ang sariling kopya ng room key, ang selpon para tuluyang makalabas. “It’s time to start my morning rounds,” he muttered with that straight face. He did not even glance at the food left for him by his friends. Either nakalimutan niya o kinalimutan niya ang tungkol doon. Hindi naman siya gutom, at isa pa, kakain na lang siya kapag nakaramdam na siya ng gutom. Dala ang mga nabanggit ay lumabas na rin sa kuwarto si Ralph. Dahil siguradong dala naman ng isa sa mga kaibigan ang original copy ng room key nila ay diretsong lock na ang ginawa ni Ralph sa kanilang kuwarto. Living in the common rooms, the moment Ralph left the room area, he was already in the lobby area of the second floor. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang viewing part kung saan kitang-kita niya ang nasa ibabang palapag maging ang ilang stall ng mga nasa itaas na palapag. “Now, where to start?” he asked in his mind while roaming his eyes around. HINDI ALAM ni Ralph kung swerte ba siya o sadyang minamalas ng araw na ito. Pero dahil hindi siya iyong tipo ng tao na negatibo kung mag-isip, kaya naman iisipin niya na lang na swerte nga talaga siya ng araw na iyon. Na sa sobrang swerte niya ay kalalabas niya lang ng kanilang kuwarto’y nakasalubong na niya agad ang dahilan ng kanyang trabaho. Pagdating niya kasi sa sentro ng floor na pinanggalingan niya kung saan may malaking viewing point sa gitna na katulad ng sa mga mall ay nasaksihan niya ang isang kahina-hinalang grupo ng mga tao. Mga nasa sampong bilang din kasi ng guests ang mga nag-ipon-ipon at sabay-sabay na naglalakad at nakasunod sa limang lalaki na pawang mga nakasuot ng black suits. Dahil doon ay nagmistulang mga pormal na mga tauhan ang mga ito. Unfortunately, hindi ganoon kadaling mauto si Ralph. Kung hindi niya lang kilala ang lalaking naglalakad sa unahan, baka talagang mapapaniwala nga si Ralph na isang normal na pangyayari lang ang pagsunod ng mga guests sa limang iyon. So before Ralph could analyze what or where he needed to do and go to, he already had walked towards these groups of people following his instincts. And that instincts had brought him to where he currently is. Seryoso at kalmado lang siyang naglalakad at nakasunod sa ibang guests na kasama niyang niyaya ng mga lalaking sa tingin niya ay hindi lang basta-basta mga crew ng nasabing cruise katulad ng pakilala nito. Maaaring mukha silang normal na tauhan sa mga suot nilang suits, pero sa laki ng kanilang mga katawan at sa matatalas nilang mga tingin ay sigurado si Ralph na imbes na tauhan ito ng ship, mas tama pang sabihin na tauhan ito ng isang delikadong tao katulad ng target nila sa misyon ito. Ang target nila na isang bilyonaryong businessman hindi lang sa legal types kung ’di maging iyong mga illegal business na si Demetrius Aquinas. Ayon sa impormasyon hawak nila bago simulan ang kanilang misyon, pawang mga cover lang ng bigating lalaki ang mga legal business niya para sa mga pangunahing pinagkakakitaan niya na puro mga ilegal. At hindi na gusto pang isa-isahin iyon ni Ralph dahil baka hindi lang siya makapagpigil ay wala sa oras na mailabas niya ang tunay na katauhan sa harap ng mga tauhan ng nasabing lalaki. Like he said, the man in the very front is familiar to him. Isa kasi ito sa nakilalang kamay ni Demetrius Aquinas— si Simon Gray. Katulad ng boss ay isa ring batikan sa business camouflaging si Simon. And according to their gathered data about those two, si Simon Gray ang namamahala sa ilang naglalakihang public hospital na pagmamay-ari ni Demetrius Aquinas na itinatago ang tunay nilang business. Sa likod kasi ng public hospital na iyon ay isang malaking ilegal na pagbibenta ng mga lamang-loob sa ilang mga auction houses sa buong mundo. Ilegal ang mga iyon dahil ang mga laman-loob na binibenta nila ay mula sa mga pasyente ng hospital na sinasadya nilang patayin sa gitna ng operasyon. Isang beses na ring naibalita iyon sa TV pero agad ding napatunayang mali dahil mismo sa pamilya ng biktima na tinakot ng ospital. At dahil mga sikat din sa madla ang mga ospital ay maraming supporters ang mga ito na nagsasabing malaki ang naitulong sa kanila ng ospital, etchetera. Kaya naman kahit sa mga hawak nilang ebidensya ay hindi pa rin kumilos ang ahensya ni Ralph para pabagsakin ang mga nasabing ospital. That is why, instead of targeting the hospitals themselves, mismong ang ugat na ang balak nilang bunutin. “Eh? Where are you taking us? I thought you were a crew of the casino. And the casino is on the third floor, but we’re still on the second floor!” tanong ng isang foreigner. Pasimpleng tiningnan ni Ralph ang mga guests na kasama niya. Karamihan sa kanila ay mga plus one lang na dala ng mga guests na naimbitahan sa ship na iyon. Dalawa lang na lalaki kasama nila ang sa palagay niya’y anak ng mga businessman na imbitado sa event. At ayon sa datingan at mga kilos nito ay mukhang balak lang nitong magyabang sa mga kasama nilang babae ng kanilang yaman. Napaiwas na lang si Ralph ng tingin at napatingin sa harap. Ang mga kamay niya ay nakalagay sa kanyang bulsa at parang may sariling mundo na nakatingin sa harapan. “Don’t worry, Mr. Frodger. We are taking the right route. As you had said, we are the crew,” nakangiting saad ni Simon sa lalaking nagtanong na bahagya pang nilingon ang batang Frodger bago sinagot. Hindi na rin naman sumagot pa ang lalaki at tahimik na sumunod na lang din. Pinagpatuloy na lang nito ang pakikipaglandian sa babaeng kasama. Nagpatuloy naman si Ralph sa kanyang pananahimik dahil kanina pa niya napapansin ang panaka-nakang tingin sa kanya ni Simon. Kahit pa yata mula sa pagsali niya aa grupo ng mga ito ay pinaghihinalaan na siya ng lalaki. That is why he remained silent as he is, kaysa ang magpanggap na kilala niya ang ilan sa mga kasama at makipag-usap sa mga ito. Pinagmatyagan na lang ni Ralph ang ilang importanteng impormasyon tungkol sa dinaraanan nila. Dahil katulad nga ng sinabi ni Mr. Frodger, hindi nga papuntang casino ang tinatahak nila. Imbes na umakyat kasi sila papuntang third floor ay bumaba sila papuntang first floor. And as far as they walk, mukhang pasulok din nang pasulok ang hallway na dinaraanan nila. Paunti rin nang paunti ang nga store at tao sa dinaraanan nila. It’s as if they are going to the edge of the ship with how far they have already walked. “Oh, Honey! Nandito ka lang pala!” Sabay-sabay na napahinto ang grupo at napatingin sa likod nila kung saan isang magandang babae ang nakangiting naglalakad papalapit sa kanila. Everyone was wondering to see who the lady was calling, including Ralph, who finally had a crack on his always emotionless face. Until the woman reached for Ralph as she wrapped her arms around his neck and peppered him with kisses on the cheeks. Gulat man si Ralph dahil sa ginawa ng babae pero dahil nakasanayan na niya ang ganoong stunt kung saan ilang beses niya ring kinailangang magpanggap kasama ng ibang tao, nakuha niya rin naman ang isinisenyas sa kanya nito kaya sumabay na lang siya sa trip nito. “Now, should you give me my prize? Let’s end this hide-and-seek game and return to our room, hmm?” the lady said in her sultry voice. From an expressionless face, a hunky grin appeared on Ralph’s face as his firm arm wrapped around the lady’s waist. Ang isang kamay niya’y iginiya ni Ralph sa mukha ng babae para itago sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok na tumabon sa kanyang mukha. “If that’s what my baby wants,” Ralph studly said, like a whisper to the woman’s ears, though everyone heard it. Hindi na hinintay ni Ralph ang reaksyon ng babaeng nasa bisig at napalingon sa mga kasama. Ni hindi niya napansin ang ngiting hindi na natanggal sa kanyang mukha. “I’m sorry if I can’t join you in the end. My baby wants my full attention right now. But I wish to continue this on the other days. Have a nice game, everyone.” Napangiti naman si Simon at napatango. “We understand, Mister?” “Hernandez. Dominic Hernandez,” pakilala ni Ralph gamit ang inihandang fake identity. “Mr. Hernandez, we will just invite you again when we meet each other. And maybe your wife could also come.” “Then I will remember that,” nakatangong sagot ni Ralph. Muling nagpaalam ang dalawa mula sa isa’t isa bago tuluyang umalis si Simon kasama ang grupo nito. Nanatili naman sa kinatatayuan ang dalawa at pinanood ang pag-alis ng mga ito. Hanggang sa hindi na nila nakita ang pigura ng mga ito ay tsaka lang kumilos si Ralph. From holding the woman’s waist, Ralph pinned the woman to the wall, her face facing the wall while her back facing him. Napadaing ang babae na mukhang nabigla sa ginawa ni Ralph pero hindi niya iyon pinansin at gamit ang kamay ay diniinan ni Ralph ang pagkakahawak niya sa kamay ng babae na nakataas rin sa malamig na dingding. “Now, what is the meaning of this?” Ralph dangerously asked, looking down at the woman below him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD