“RIGHT. She’s not only despicable, wala rin siyang utang na loob,” pagsabay ni Jianne sa mamang foreigner.
Wala naman kasi siyang puwedeng sabihin kung ’di ang sumabay lang at tumango sa mga sinasabi ng lalaki. Baka kapag may mali lang na naibuka ang bibig niya ay tuluyan na siya ng mga ito.
The man suddenly scoffed. Not sure if he understand what she said or not. Pero hindi na iyon pinansin pa ni Jianne at siya na mismo ang nagbigay ng susunod niyang tanong.
“Then for why does your boss still looking for her if she’s that cunning? What’s his purpose anyway? Is he crazy? He’s already taken advantage of yet he still want her?” may panunuyang tanong ni Jianne.
Hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit gusto pa rin ng boss nila ang babae kahit na alam na nito ang totoo. Siguro, kung mismong ang boss na iyon ang nasa harapan ngayon ni Jianne ay baka hindi lang iyon ang mga naitanong niya. Baka niratrat niya na ito ng mga tanong tungkol sa kabaliwan ng lalaki.
“Or maybe he’s a real p*rvert whom despite of getting tricked, he could still let it past just because of a beauty and in exchanged of s*x. Is that nearer to the fact?” banggit ni Jianne sa pangalawang konklusyon niya.
She deducted that when remembered the man’s words. Ayon nga sa lalaki ay walang utang na loob ang babae. Para lang siyang tumikim pero hindi nagpakain. To make it clearer, according to the bulky man’s words, the woman who scammed their boss did not let the boss eat her first before running away.
Isipin pa lang ni Jianne na mukhang siya pa ang pagbabayarin sa utang na hindi naman niya pinakinabangan at ginawa ay talagang nagpasakit ng ulo niya. Wala pa mang tango mula sa mama pero ramdam na ni Jianne ang pagtibok ng mga ugat niya sa sintido sa sobrang inis.
“That’s right! Glad you did not acted dense in that moment. So now, I guess, you already know your purpose here, do you?” malaki ang pagkakangising tanong ng mama kay Jianne.
This time, it was Jianne who scoffed. Para naman kasing hahayaan lang ni Jianne na magbayad siya ng walang nakukuha. At isa pa, hindi naman siya isang pr*stitute para gamitin ang katawan pambayad. Hindi na nga siya nakinabang, tapos hahayaan pa ba niyang pakinabangan ang katawan niya ng gano’n-gano’n na lang?
She might be no longer a v*rgin, but she never used her body in her mission. Makipaghalikan ay ginagawa niya, pero iyong makipag-all-out siya ay talagang 'ekis' sa kanya.
Marunong din naman kasing mamili ng pag-aalayan ng katawan si Jianne. At dahil madalas na matatanda o kaya naman ay mga hindi pasok sa panlasa niya ang kagwapuhan ng target niya, hindi niya kailan man sinubukan ang makipag-s*x sa mga iyon kahit pa ang higaan nila ay inuulan ng lilibuhing pera.
Mas gusto niyang ibigay ang pagkabab*e niya sa lalaking mahirap basta ba pasok ang mukha at katawan nito sa kanyang standard. Pero syempre, naroon pa rin iyong katotohanan na may katiting na pagkagusto siyang nararamdaman sa lalaki. Crush ba o ano pa man.
“My purpose? Sorry mister but I still don’t get it why I am here? Are you sure you get the right woman for that 'purpose' you’re talking about?” tanong ni Jianne.
Bahagyang nabura naman ang ngisi sa mukha ng lalaki. “You’re still headstrong huh? Can’t you just stop acting innocent and act like a wh*re you are? It’s getting annoying now, you know.”
“’Cause I’m not? As I said, you got the wrong person, Mister. And it was you who are stubborn here, insisting the wrong as right,” Jianne rebuked with complacency.
“Heh. Shut it. Whatever you say will be useless. Boss will be here soon to meet you, and maybe to get the payment for what you took. So while we’re waiting, you can ask me. Anything but useless and nonsense things.”
Napakunot naman ng noo si Jianne sa narinig. Kaya siguro pinuntahan siya ng lalaki ay para ma-briefing na siya bago pa man dumating ang boss nila. Ang hindi niya lang maunawaan ay bakit kailangan pa niyang magtanong kung puwede namang isahan nang ipaliwanag sa kanya ng lalaki ang lahat?
Mukhang pinagtitripan lang siya ng mama. Sa tingin ni Jianne ay naroon talaga ito para sabihin sa kanya ang mga kailangan niyang malaman pero dahil mukhang ayaw talaga sa kanya ng lalaki ay pinahihirapan pa siya.
Hindi tuloy alam ni Jianne kung maiinis ba siya o ano. Kung hindi lang marahil sa nakatali niyang mga kamay at paa ay baka kanina niya pa nabatukan ang lalaki. Lakas kasi ng tama eh!
“So, tell me something about your boss,” Jianne inquired. Nang may pakinabang ka naman. dagdag niya sa kanyang isipan.
Since ayaw naman nilang maniwala na hindi nga si Jianne ang babaeng hinahanap nila, naisipan na lang niyang sabayan kung ano bang balak ng mga ito. Kahit papaano ay curious din naman si Jianne kung sino ba talaga ang boss nila. Sabi nga nila, know your enemy. Kaya bakit hindi na lang kilalanin ni Jianne kung sino ba ang nakabangga ng impostor niya.
The man snorted and looked at Jianne with inquiring eyes. “Why? So that you can trick boss again? Heh.”
Napairap naman si Jianne. “You think, I can still trick your boss when you all were this guarded about me? Just tell me something okay? And if you don’t want to speak then shut up and leave,” pagsusungit niya sa lalaki.
Mukha namang napikon ang lalaki sa ginawa at sinabi niya. Pero hindi nagpakita ng takot si Jianne dahil katulad sa dalawang bantay kanina ay alam niyang hindi rin siya magagawang saktan ng mama. She wasn’t sure if it was the boss’ order and why.
“There’s no need to, Daniel.”
Sabay naman silang napatingin sa pintuan kung saan nagmula ang boses. At agad na napatayo ang lalaki at bahagyang napayuko bilang paggalang.
“Boss!” masayang tawag pa nito.
Samantalang si Jianne naman ay naniningkit ang mga matang pinasadahan ng tingin ang bagong dating na lalaki mula ulo hanggang paa. At nang muling mag-angat ng tingin sa mukha ng lalaki si Jianne ay nagtama ang kanilang mga mata.
“You can now leave us, alone,” utos ng lalaki nang hindi tinatanggal ang tingin sa mukha ni Jianne.
Nakaramdam naman si Jianne ng kakaibang takot kaya napaiwas siya ng tingin. Tahimik na napatango lang ang mama at pasimpleng sinenyasan ang dalawa pang lalaki na nauna nang umalis. Hanggang sa marinig ni Jianne ang pag-sara ng pinto, senyales na naka-lock iyon ay hindi pa rin nawala ang lakas ng t ibok ng kanyang dibdib.
Jianne knew that it wasn’t the beat of being flustered, excited, or what. It was all because of nervousness that she suddenly felt after meeting eye-to-eye with the man.
Actually, hindi naman nakatatakot ang mukha ng lalaki. Honestly speaking, the man looks so handsome like those male leads describe in the stories. Iyon bang mga domineering male leads ang datingan na akala mo’y mga diyos ng underworld. Iyong isang tingin mo pa lang ay para ka ng pinapat*y, pero pagdating sa female lead ay daig pa ang mamon sa lambot.
The man has blonde curly hair, just like those princes in many fairytales. Isama pa ang upturned blue eyes na kasing linaw ng dagat pero kapag tumitig naman ay kasing lalim ng dagat na para kang nilulunod.
Then those exceptional thin and sexy lips which was currently upturned in a sly smile. Iyon pa lang ay mala-prinsipe na ang datingan ng lalaki. A philandering prince nga lang. Kung hindi lang dahil sa matikas nitong pangangatawan na bumabakat sa suot niyang puting shirt at khaki shorts, and that perfect cleft chin highlighting his square face, aakalaing bata pa lang siya.
But in these era and dangerous world, can a young gentleman really had a foothold? Alam ni Jianne kung gaano katuso ang mga matatandang mayaman, kaya sigurado siya na ang lalaki ay lagpas thirty na kahit mukhang nasa mid twenties pa lang siya. Medyo bata pa nga iyon kung tutuusin, pero dahil mukhang foreigner naman ang lalaki ay hindi na niya dinagdagan pa ang edad.
“Nice to meet you again, Jianne Alcantara,” nakangiting bati ni Deme na nagpalaki ng mga mata ni Jianne.
“W-who . . .” Agad na sumama ang mukha ni Jianne. “How did you know my name?” tanong niya.
Jianne couldn’t help but to get wary of the man. Hindi niya akalain na malalaman ng lalaki ang totoo niyang pangalan. Pinaimbestigahan ba siya nito? Pero paano kung hindi naman talaga siya ang totoong nakita ng lalaki?
Then maybe, the woman who used her face not only copied her but also used her real identity? Hindi ba’t parang mas delikado iyon para sa kanya?
Agad na nilukuban ng takot si Jianne sa naisip. Kaya naman pala kahit anong gawin niyang pagtanggi ay hindi naniniwala sa kanya ang mga ito na hindi nga siya ang nambiktima sa boss.
Mukhang magiging useless lang din ang pagtakas na babalakin ni Jianne. Ang akala niyang suwerte dahil sa walang kahirap-hirap niyang pag-dating sa paraisong cruise ship na iyon ay mauuwi pa yata sa perwisyo at wala man lang siyang kamalay-malay.
“What? So you mean, the name you put in that file is not your real name?” nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya ng lalaki.
Naghila na pala ito ng panibagong upuan na ipinalit niya sa kinauupuan ng mama kanina. Pero hindi tulad ng mama ay maayos na umupo ang lalaki paharap sa kanya. Naroon pa rin ang mga ngiti nito na lalo lang nang-inis kay Jianne.
Malakas na napabuntonghininga na lang si Jianne at hindi na nagsalita pa ng alam niyang wala namang patutunguhan kapag sinabi o itinanong niya. Brainwashed na brainwashed na ang mga ito na ang babae at siya ay iisa. Ang mabuti pa’y tanggapin na lang niya ang tungkol doon at mag-isip ng plano kung paanong makatatakas siya bago sumapit ang deadline.
“Not planning to deny it anymore?” muling tanong sa kanya ng lalaki.
Kung hindi lang siguro dahil sa sitwasyon ay baka nahumaling na rin si Jianne sa malalim at lalaking-lalaking boses nito. Speaking of boses, mas guwapo pa ring pakinggan ang boses noong lalaking nakahalikan ko, hmp!
Remembering the man a while ago, kahit papaano’y nabawasan ang pagka-bad mood ni Jianne. Kung magkakaroon lang siya ng chance ay hahanapin niya ulit ang lalaki para matikman. At least, before she got k*lled by the boss or k*dnapped somewhere, she could have a taste of his dream Mr. Right.
Jianne scoffed. “Kahit naman anong deny ko, para namang maniniwala kayo,” she commented in Tagalog.
Napapagod na rin mag-English si Jianne. Kung bakit naman kasi puro foreigner ang karamihan sa guests ng barko. Mauubusan na tuloy si Jianne ng dugo, vocabulary, at utak kai-inglis.
Nagtaka naman siya ng marinig ang malalim na tawa ng lalaki. Hindi naman ito tawang-tawa pero halatang natuwa talaga ito sa sinabi ni Jianne. Naintindihan niya ba? takang tanong ni Jianne sa isip.
Tiningnan ni Jianne ng seryoso at nanunuri ang lalaki. Hindi siya nagtanong, pero alam niyang sa tingin pa lang niya ay malalaman niya na agad kung nakakaintindi ba ng Tagalog ang lalaki o hindi.
“Yes, I can understand you. But I can’t speak Tagalog fluently. Though, I am confident I don’t sound weird when I speak,” nakangiti na namang sambit nito.
Hindi tuloy alam ni Jianne kung saan siya magugulat. Kung sa kakayahang bumasa ng isip ba o dahil nga sa naintindihan siya ng lalaki.
“And I can’t read minds. I just studied some emotional and body language reading that might be helpful to me and the growth of my business. So I can effectively intuit your thoughts by watching your expression and body language.”
Napamaang naman si Jianne. Mukhang hindi niya mauunawaan ang takbo ng utak ng lalaki. At hindi niya rin mauunawaan ang takbo ng utak ng mga mayayaman. Wala rin siyang balak na aralin pa ang mga iyon.
“But I can speak Tagalog if you want,” muling saad ng lalaki habang nakatingin pa rin kay Jianne.
Hindi naman nagsalita si Jianne ay napaiwas lang tingin. She wasn’t sure why but Jianne could tell the man’s actions. Hindi niya lang sigurado kung deliberate ba iyon o hindi.
Halata niya kasi na masyadong mabait sa kanya ang lalaki. Kung talagang balak lang nitong pagbayarin siya sa 'utang' na hindi naman niya ginawa, bakit kailangan pang tratuhin siya ng ganoon?
Jianne might be wrong but she never doubt her intincts. At sinasabi ng instincts niya sa mga oras na iyon na bad news ang lalaki. The man’s kind and gentle actions towards her is not that fake looking, but Jianne had that feeling in her guts that the man is dangerous and it couldn’t be safe to trust what the man is showing her.
So Jianne couldn’t just let her guard down. Just the fact that the man isn’t afraid of creating chaos when she brought her in that room was already pronounced how dangerous he is.
But since she couldn’t do anything just yet, might as well she just go with the flow with the man. Kikilos lang siya kapag alam niyang ikapapahamak o kaya naman ay dehado na siya.
“Wherever you’re comfortable,” maya-maya’y sambit ni Jianne at muling napatingin sa lalaki. “Who are you anyway? According to your clothes and your actions, hindi ka normal na businessman. Do you have any relationship with the ship owner? O baka naman ikaw mismo ang may-ari nitong cruise ship?” sunod-sunod na tanong ni Jianne.
Bakas ang gulat sa mukha ng lalaki na para bang hindi siya makapaniwala sa itinanong ni Jianne. Pero agad iyong nabura at napalitan ng mahinang tawa at mukhang biglang may naalala.
“Silly me, I’m sorry if I forgot. Kilala kita pero hindi mo man lang alam ang pangalan ko. Then, I will introduced first.”
Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit kay Jianne. Jianne did not react until the man started untying the ropes on her hands and feet. She did not speak as she silently watch the man slowly and gently untied the ropes.
At dahil nga pinapanood ni Jianne ang lalaki ay hindi nakatakas sa paningin niya biglang pagdidilim ng mukha ng lalaki at ang pagtalim ng mga mata niya habang nakatingin sa mahigpit na pagkakatali ng mga kamay niya. To the point that it left red marks when it were finally freed.
Wala din namang balak magsalita ang lalaki tungkol doon kaya pasimpleng hinilot na lang ni Jianne ang mga kamay habang nakatingin pa rin sa lalaking ang mga paa naman niya ang kinakalagan.
“Since you looked calm now, hindi mo na siguro babalaking tumakas, right?” with a smile, the man suddenly looked up at her with his back ramrod straight.
“With how you guarded the door, and how we’re in the middle of nowhere, sa tingin mo ba’y kaya ko pa ring makatakas?” nakataas ang kilay na tanong pabalik ni Jianne.
Muling nasilayan ni Jianne ang ngiti sa labi ng lalaki. Medyo nakaramdam si Jianne ng kaunting kaginhawaan ng makitang normal na ngiti na iyon. Sa ilang minuto ring kasama niya at kausap ang lalaki, iyon pa lang ang unang beses na hindi siya nakaramdam ng takot sa ngiti nito.
“I guess so too. So let me introduced myself now, and properly.” Inilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. “I am Demetrius Aquinas. And yes, I am the owner and the host of this voyage.”