“HOW was your meeting with Jax, iha?” bungad na tanong ni dad pagpasok ko ng bahay. Abot tainga ang ngiti niya ngunit hindi ako tumugon. Dumiretso ako sa hagdan kung saan patungo sa silid ko. “Maddie? Anak, may problema ba?” habol nitong tanong na ikinatigil ko sa paghakbang.
“Are you serious, dad?” Nakapamaywang akong humarap sa kanya. “Anong kasunduan ang mayroon kayo ng anak ni Mr. De Guia? He said that I am going to be his wife!” makulog na sabi ko. Namilog ang mata ni dad dahil sa labis na pagkagulat. Kilala niya ako. Hindi ako basta-basta nagtataas ng boses lalo na kung hindi naman naagrabyado.
“Did he do something bad to you?” nabalot ng pag-aalala ang boses niya ngayon. “Ang sabi ko sa kanya ay kausapin ka ng maayos, anak.”
“Is it true? Kailangan ko ba talaga siyang pakasalan?” Hindi nakaligtas ang pagbalong ng luha ko sa mata. “Bakit, dad? May problema ba na kailangan kong malaman?”
Namutla ang mukha nito na hindi alam kung saan titingin. “Madelline, anak. Huwag ka sanang magagalit. Unang-una sa lahat, hindi ko intensiyon na mangyari ang napagkasunduan namin. But…I have no choice. Labis na nagtiwala sa akin si Jose, siya ang ama ni Jax. Binigyan niya ako ng pangdagdag kapital sa kompanya natin, ni hindi niya ako siningil magpasahanggang ngayon. Nag-invest pa siya sa kompanya na labis na nakatulong sa atin. Nagretiro na siya at pinaubaya na sa anak niyang si Jax ang pamamahala ng De Guia Corporation at nalaman ito ng anak niya.”
“Ano naman ang kinalaman ko sa nalaman ng Jax na ‘yon?”
“Actually, wala.”
“Wala? So, bakit niyo ako pinapunta ro’n pagkatapos sinabi sa akin ng lalaking ‘yon na ikakasal daw kami at magiging mag-asawa? Ano ba talaga ang plot twist, dad?”
Luminga muna siya sa paligid. “Can we talk privately, anak?”
I know why my dad is being careful. It’s because of my mom. Hindi basta-basta papayag sa ano mang naisin ni dad ng hindi muna siya kinukonsulta. My dad is really scared to my mom. Si mom ang limitasyon ni dad.
Nasa loob na kami ng study room ngunit hindi pa rin magawang ipagpatuloy ni dad ang sinasabi niya kanina. Inabot niya muna ang isang pitsel at saka nilagyan ng tubig ang baso na naroon. Pagkatapos ay mabilis niyang nilagok iyon. Halatang kabado ito.
“Dad, what it is this time? Don’t make me nervous. Kapag nalaman ‘to ni mom – “
“Please, Maddie. Huwag mo munang sabihin sa mommy ang tungkol sa bagay na ito. N-naghihintay lang ako ng tamang panahon pero sasabihin ko naman talaga sa kanya. It’s just that, makulit si Jax. Nang malaman niya ang tungkol sa lahat ng investments at naitulong ni Jose sa akin ay agad niya akong siningil well…atleast in a formal and proper way. He’s a businessman, that’s why.”
“Get to the point, dad.” Pakiwari ko ay hindi ko na makakaya pa ang tensiyon nan nararamdaman ko.
“Ang sabi niya kapag hindi ako nakapagbayad within this week ay dadalhin na niya sa korte ang tungkol do’n unless…ipapakasal kita sa kanya para wala ng singilan pang magaganap.”
“He told you that?!”
Tumango si dad. “Tinawagan ko na rin si Jose at humingi ng tulong subalit wala na siyang magawa dahil hawak na ng anak ang lahat ng patungkol sa De Guia Corporation. Hindi niya nais na pakialaman sa takot na bigla na lang bumaba sa posisyon si Jax. Marami sa kanyang mga pamangkin sa mga kapatid niya ang nagnanais na humawak ng kanilang kompanya kaya naman labis siyang nag-iingat sa desisyon niya pagdating sa kanyang anak.”
“At pumayag ka, dad?”
“Maddie, I have no choice!” Malalim na buntonghininga ang pinakawakan ni dad. “Paano na ang kompanya kung wala akong gagawin? Paano ang kapatid mo? Si Andrew? Kaya ko namang bayaran ang lahat – “
“Iyon naman pala, dad eh!”
“Ngunit wala ng matitira sa kompanyang binuo at itinaguyod ko ng maraming taon. Ano na ang magiging kinabukasan niyo ni Andrew? Ayaw kong ma-frustrate ang mommy ‘tapos ay sisisihin niya ako. Wala na. Wala ng mangyayari sa buhay natin kapag ginawa ko ‘yon.” Sinapo ni dad ang ulo niya saka yumuko. Mayamaya pa ay yumugyog ang balita niya kasabay ng pagbagsak ng luha niya. “I don’t want you…my family to suffer. Kung pwede lang na saluhin ko lahat nang hindi niyo nalalaman – “
“Dad,” tawag ko sa kanya saka ko siya nilapitan. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya ng napakahigpit. “I understand now. So, please, stop crying.”
“Hindi ko papayagan na mangyari sa ‘yo ang ganitong sitwasyon, anak kung hindi lang kailangan at kaya ko pang gawan ng paraan. I never wanted this to happen, Maddie. But…I love our company just how I love our family. Malaki ang naitulong sa atin ng kompanya natin. You know that, anak.” Patuloy pa rin siya sa pagluha.
Parang piniga ang puso ko dahil sa nakikita pag-iyak ni dad. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang hotel and restaurant na negosyong itinayo niya. Pawis, pagod, puyat at dugo ang naging puhunan niya upang manatiling matatag sa maraming kinakaharap na problema noon. Kung totoo ng ang sinabi ni dad, si Jax, ang lalaking nakita at nakaharap ko sa De Guia Corporation ay ang anak ni Mr. Jose De Guia at ang siyang nanggigipit kay dad ngayon.
Malinaw na sa akin kung bakit ako ang ipinadala ni dad sa lalaking ‘yon. At isa lang din ang malinaw sa isip ko. Hindi alam ni dad ang takbo ng utak ng lalaki dahil maging ang sarili nitong ama ay hindi siya napigilan sa nais nito.
Kung tutuusin, malaking tulong ang nagawa ni Mr. Jose De Guia sa aming kompanya. Malaki rin kasi ang perang investments nito sa amin. At kung hindi dahil do’n, marahil ay wala na ang Medina Hotel and Restaurant na talagang pinaglaanan ni dad ng buong buhay niya.
“Kailan ba gaganapin ang kasal, dad?”
Pupungas-pungas na nag-angat ng tingin si dad. “P-pumapayag ka na, anak?”
“Katulad niyo, wala rin naman akong ibang choice.” Sinadya kong pinalungkot ang boses ko pero kalaunan ay unti-unti akong ngumiti. “Ayaw niyo ba no’n, dad? Magiging pamilya niyo na ang matalik niyong kaibigan.”
“Maddie, anak!” Mahigpit akong niyakap ni dad na labis kong ikinagulat. “Anak, salamat! Salamat!”
“Dad, may gusto lang sana akong hilingin sa inyo,” ani ko nang magbitiw kami sa isa’t isa.
“Ano ‘yon?”
“Huwag na lang natin ipaalam kay mommy at Andrew ang tungkol sa kasunduan. Magpapanggap na lang ako na matagal ko na siyang kilala at napagkasunduan na naming magpakasal. Sa iyo yata ako nagmana, dad eh! Ayaw kong mag-alala pa sina mommy at ang kapatid ko.”
“Paano si Jax, anak? Hindi siya basta-bastang lalaki at – “
“I know, dad. Sabihin na lang natin na ako na ang bahala sa kanya. Kapag naikasal na kami, may say na rin ako sa lahat ng business niya, right? Isa na akong De Guia at I promise you, dad. Pagsisisihan niya na kinanti niya ang pamilya natin.”
“Anak – “
“Don’t worry, dad. Ako na ang bahala sa lahat.” Maluwang ko siyang nginitian saka muling niyakap.