“MADDIE! Wake up!” malakas na boses iyon ni mommy. “Ano ka ba namang bata ka? Kasal mo na ngayon ngunit masarap pa ang tulog mo! Maddie! Bumangon ka na riyan!” Pupungas-pungas akong bumangon. Patuloy pa rin sa malakas na pagkalabog ang pinto. Tumayo ako saka tinungo ang walang tigil na ingay ng pinto. “Mom – “ “Maddie! Kanina pa kita ginigising, bakit ang tagal mong bumangon?” paasik na tanong ni mommy. “Alam mo ba kung anong oras na? Ano ba ang ginawa mo kagabi at napuyat ka? Alam mo naman na kasal mo na ngayon. Ano na lang ang sasabihin ni Jax at ng dad niya kapag na-late tayo?” “K-kasal?” Biglang lumitaw ang mukha ni Andrew na nasa likod pala ni mommy. “Ate, ano na? Kailangan na nating umalis pero kakagising mo pa lang. Sige ka, baka si Kuya Jax pa ang sumundo sa ‘yo rito.” Sh*t

