PAG-LANDING ng chopper ay may isang babae na napapalibutan ng ilang kalalakihan ang lumapit sa akin. Marahan akong tinapik ni Tito Jose sa balikat saka tumango. “Good morning, mam! Ako po si Marissa, ang head event organizer. Sasamahan ko po kayo kung saan kayo aayusan.” Tumungo ito ay Tito Jose. “I’ll catch you later, Maddie. Ako na ang bahala sa parents at kapatid mo,” ani nin Tito Jose. Tumango ako at sinundan ang babae na nagpakilalang Marissa. Habang naglalakad kami ay para siyang tour guide na ipinapaliwanag sa akin ang mga detalye ng gagawing ayos sa akin. She even included the description of how will I look on my wedding dress. Sa boses niya, tila nakaka-excite na suotin agad ang dami-pangkasal ko kahit na naisukat ko na ‘yon. She’s very professional at hindi siya naubusan ng

