KABANATA 8

1150 Words
NASA harap na kami ngayon nina mommy, daddy at kapatid kong si Andrew. Hindi ako makatingin ng diretso sa gawi ni mommy dahil alam kong sa oras na tingnan ko siya ay tiyak na hindi ko kakayanin. Tiyak na masasaksak ako ng matalim niyang titig sa akin. “Maam – “ panimula ni Jax. “Mrs. Medina,” pagtatama ni mommy. Tumangu-tango si Jax saka may kumpiyansang ngumiti. “I stand corrected, Mrs. Medina.” “Honey,” sabad ni daddy. “Hayaan mo na nating magsalita ang lalaking bumihag ng puso ng ating anak.” Matalim na tinitigan ni mommy si daddy. Gusto kong matawa sa naging expression ng mukha ni daddy. Para siyang naging kulay suka dahil sa takot niya kay mommy. Lumunok pa ito ng sunud-sunod. Si Andrew naman ay tila masusing pinagmamasdan si Jax. “Nagmamahalan po kami ng anak niyong si Madelline,” lakas-loob na wika ni Jax kasabay ng pagsalikop ng kamay niya sa akin. “Our apologies for not telling you right away.” Bahagya pa siyang yumuko. “Actually, we’re just waiting for the right time. Right, baby?” Sinadya niyang pinalambing ang boses niya sa ginamit niyang endearment. Kinurap-kurap ko ang dalawang mata ko saka isa-isa silang pinagmasdan. Kailangang hindi makahalata si mommy sa pagpapanggap ko kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Jax at mahigpit na yumakap sa braso niya. “Mommy, sorry na po kung hindi ko nasabi sa ‘yo agad. Patawarin mo na po ako, mommy. No more secrets from now on. Nandito na po kami ni Jax para humarap sa inyo. T-totoo pong nagmamahalan kami at napagdesisyunan po namin na ngayon sabihin sa inyo.” Nagtapang-tapangan lang ako pero nanginginig talaga ang buong katawan ko. “Buntis ka ba, Madelline?” prangkang tanong ni mommy. Ipinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib. “Bakit kailangan niyo agad magpakasal? Binuntis mo na ba ang anak ko?” baling niya kay Jax. “Well, Mrs. Medina… I hate to say this but there’s a huge possibility that Madelline – “ “Okay!” Nakapikit na itinaas ni mommy ang dalawang kamay sa ere. “Pumapayag ako na magpakasal kayo in one condition.” Lahat ay nakatutok ang mata kay mommy. “Hindi muna kayo maaaring magkita ni Madelline hangga’t hindi pa kayo kasal.” “But mommy – “ “Let me finish, Maddie.” Natameme ako. “Hayaan mo kami ng magulang mo ang mag-asikaso ng mga kakailanganin niyo sa kasal. Pagkatapos ng kasal, hahayaan na namin kayong magsama. Isa pa, gusto namin makausap ang magulang mo, Jax?” “Jax De Guia, Mrs. Medina,” abot tainga na ngiti na sambit ni Jax. “D-De Guia?” Napataas ang isang kilay ni mommy. “Pamilyar ka ba sa De Guia Corporation?” “Yes, maam,” magalang na sagot ni Jax. “Ako po ang anak nina Margareth at Jose De Guia.” Sukat sa narinig ay nanlaki ang dalawang mata ni mommy. Di nagtagal ay tinakpan niya ang bibig niya. Halatang hindi ito makapaniwala. Makahulugan din niyang tiningnan si dadd ngunit nagkibit-balikat lamang ang huli. “You mean anak ka nina Margareth at Jose De Guia?” ulit na tanong ni mommy. “Exactly, maam – I mean, Mrs. Medina.” Biglang nag-panic si mommy. Tumayo siya at mabilis na hinawi ang kurtina sa bintanang malapit sa aming kinauupuan. Sinilip niya ang buong paligid. “Where are your bodyguards, iho?” tanong nito na ikinagulat ko. “Don’t worry po, Mrs. Medina. Wala po akong kasamang bodyguards malapit dito.” Hindi pa rin ang nawawala ang confident smile ni Jax. Tila kampanteng-kampante ito sa mga nangyayari. Nilingon niya ako saka ngumiti ng ubod ng tamis. Pati ako ay tila lalanggamin na sa titig niya. “Now, if you’ll allow me po, I wanted to ask Maddeline for a date. Give us this chance to make this day special. I respect po your condition but we have an appointment today with my dad. Sasabihin ko rin po sa kanya na gusto niyo silang makausap, Mr. and Mrs. Medina. Okay lang po ba?” Malalim na bumuntonghininga si mommy kasunod ng makahulugang tingin kay daddy saka sila sabay na tumango. Si Andrew naman ay tahimik lang kaming pinagmamasdan. Nang tingnan ko siya tipid lang akong nginitian. “Are you ready, baby?” baling na tanong sa akin ni Jax. Mas lalo pa niyang pinalambing ang boses niya. “Naghihintay na si dad sa ating dalawa.” Kasunod niyon ay kinuha niya ang kamay ko saka ilang beses na hinagkan. Natigagal ako. Pakiwari ko ay dumaan sa acting workshop ang lalaking katabi ko. Hindi makakakitaan ng pagkukunwari ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya gayundin ang ikinikilos niya. Para akong nasa isang dreamland kung saan ang lahat ay panaginip lamang dahil ang makilala lang ang isang Jax De Guia ay tila panaginip lamang para sa akin. “Mom? Dad?” Hindi ko magawang sagutin ng diretso si Jax. Nakakatunaw ang titig niya sa akin na para bang kahit anong oras ay tatagos ako sa pader. Marahang tumango si dad. “Ikumusta mo ako sa daddy mo, iho,” ani ni daddy. “Bueno, hindi na namin kayo pipigilan pa. Pwede na kayong umalis just make sure, this will be your special date before the wedding.” “Yes po, Mr. Medina.” Tumayo na si Jax na hindi binibitiwan ang kamay ko. “Shall we, baby?” Bahagya siyang tumungo upang alalayan akong tumayo. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kabuuan ko. This time hindi dahil sa pinaghalong kaba at takot ko para kay mommy kung hind isa kilabot na bumalot sa akin dahil sa kakaibang gestures ni Jax. Agad na pumalibot sa bewang ko ang isa niyang kamay. “Mauna na po kami,” ani pa niya saka nilapitan sina mommy at daddy. Nagmano siya at tinapik naman sa balikat si Andrew. Am I seeing things? Totoo ba ang nakikita ko? I kissed them before we got out of the house. Naghihintay na sa amin ang sasakyang itim na dala ni Jax. Wala naman ibang sasakyan kaya totoo nga ang sinabi niyang wala siyang kasamang bodyguards. Iginiya niya ako papasok matapos niyang buksan ang pinto saka umibis at sumakay na rin. Binuhay niya ang makina. Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kaybilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay nasa higaan pa lang ako ‘tapos ngayon ay nasa loob na ako ng sasakyan niya. “Before we go – “ He gently cupped my head and kissed me in the lips. Hindi ako nakahuma sa ginawa niya. Bago pa man gumalaw ang labi ko ay tuluyan na siyang bumitiw saka nagsimula ng magmaneho. Wala sa loob na hinaplos ko ang labing hinagkan niya saka napatingin sa kanya na kagat-kagat ang labi habang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD