KABANATA 9

1115 Words
INI-ON ko ang stereo nang hindi nagpapaalam kay Jax. Hindi ko na kayang tagalan ang katahimikan na namamayani sa pagitan naming dalawa. Seryosong nakatuon ang atensiyon niya sa daan dahil nagmamaneho siya samantalang ako ay pasulyap-sulyap lamang sa bintana ang ginagawa. Dahil sa biglang pagsama ko kay Jax ay hindi ko man lang nadala ang mobile phone ko. Wala akong kahit na anong dala bukod sa sarili ko. Ni hindi nga rin ako nakapaglagay man lang kahit lipstick. Mabuti na lang at nakapagsuklay man lang ako ng buhok ko. Pagkatapos ng interogasyon na nangyari kanina, nawala na sa isip ko ang iba ko pang kailangang gawin dahil na rin kay Jax. Literal na hinila niya ako at nagpaubaya naman ako ng walang alinlangan. Muli kong itinuon ang atensiyon ko sa daan. Nakatulong ang awitin na tumutugtog upang mawala ang pagkainip ko. Mayamaya pa ay may humawak na naman sa isa kong kamay saka hinagkan iyon ng paulit-ulit. Nilingon ko si Jax na nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Pinisil-pisil pa niya ang palad ko. “You don’t have to that,” mahina kong sabi. “Wala na sina mommy at daddy sa harap natin.” “Gusto ko,” tugon niya. “You’ll be my wife anyway. Gagawin ko kung ano ang gusto ko. Imagine, after today, magkikita tayo ulit right after our wedding. Aren’t you going to miss me?” Nasa tono niya ang paglalambing. “You know very well that it’s just an acting, Jax – “ “Well, not for me. Kung para sa ‘yo ay pag-arte lang ang ginawa natin kanina, doon ka nagkakamali. Dahil… para sa akin, everything happened is real. Except the part that you’re pregnant. But don’t worry, it will happen soon.” Tumaas-baba ang kilay niya nang saglit niya akong sinulyapan. Hindi na niya binitiwan pa ang kamay ko hanggang sa makarating kami ng kanilang tahanan. Para naman akong di mapakali. Nauna siyang bumaba saka mabilis na umibis at pinagbuksan ako ng pinto. Tinanggap ko ulit ang kamay niya ngunit agad akong nagbitiw dahil bigla akong nakaramdam ng pagkabahala. “What’s wrong?” Muli niyang hinabol ang kamay ko upang ipagsalikop sa kanya. “Are you scared?” Lumitaw na naman ang nakakaloko niyang ngiti. “Ni hindi man lang ako nakapag-ayos,” iniwas ko ang tingin sa kanya. “H-hindi ba nakakahiyang humarap sa dad mo?” Mahina siya tumawa pagkatapos ay marahan niyang pinisil ang ilong ko. “There’s nothing wrong with you, baby. Everything about you is beautiful.” Pinaglandas pa niya ang daliri niya sa pisngi ko. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa mata niya. Tila may kung anong humihigop sa akin dahil sa malagkit niyang titig. “Do you want me to carry you?” masuyo niyang tanong. “No! I can walk!” Naalarma ako. Nagpatiuna pa akong humakbang ngunit sa bilis ko ay nawalan ako ng balanse. “Oh!” Bago pa ako bumagsak sa kung saan, nasa bisig na ako ni Jax. Walang babala niya akong binuhat at dinala sa loob ng kanilang malawak at malaking tahanan. “Ibaba mo na ako, Jax!” “No,” mariin niyang pagtanggi. “B-baka makita tayo sa ganitong ayos!” “So? You’re my fiancée, anyway.” Napapikit na lang ako. Ang hirap talaga hulaan ng takbo ng isip ni Jax. Pilit ko na lang na ikinukubli ang mukha ko upang hindi ko makita ang sino mang nasa paligid namin. Knowing the De Guia family, siguradong marami silang maids at iba pang tauhan. Tila nasa paligid lamang sila at lihim na pinagmamasdan kaming dalawa. Maingat niya akong ibinaba sa isang mahabang sofa. Naging alerto ako. Pinakiramdaman ko kung may ibang tao ang nasa paligid namin. “Relax, baby. There’s only the two of us here.” Agad siyang umupo sa bandang ulunan ko. Marahan niyang itinaas ang ulo ko upang ipatong sa hita niya. “You can just relax. We’ll wait for dad here.” Sino ba ako para magreklamo? Wala na akong kawala sa kandungan niya. Ang problema ko ay kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Bahagya niyang itiningala ang ulo niya saka ipinikit ang mga mata. Ilang sandali pa ay tanging mahinang pagbuga ng hangin na lang ang naririnig kong ingay mula sa kanya. Ibang-iba ang hitsura niya kapag nakapikit siya. Para siyang inosenteng lalaki na hindi makakagawa ng kahit na anong masamang bagay. Masyado siyang mabait tingnan. “What? Do I look like a good guy to you?” “What?” “Kanina mo pa ako tinitingnan. Did you discover anything about me?” Nagmulat na siya at nakangiti akong pinagmasdan. “Do you have feelings for me now?” “What are you saying?” “Don’t deny it. Alam kong kahit kaunti ay gusto mo rin ako.” Kagat na niya ang ibabang labi niya. “Am I right?” Sinapo na niya ang mukha ko. “Wala lang akong magawa. Pampalipas oras kumbaga. Wala pa naman ang dad mo kaya kinakalma ko lang muna ang sarili ko.” “By watching me?” “M-maybe.” Mahina siyang humalakhak at walang babalang bumaba ang mukha niya sa mukha ko. He’s kissing my lips like he’s possessing it. Noong una ay marahan lang na kalaunan ay naging marubdob hanggang sa hindi ko na namalayan na binuhat niya ako at dinala na naman sa kung saan. We never stop kissing. Kahit ako ay nagulat sa naging tugon ko sa kanya. While he’s exploring my full mouth, ako naman ay naging mapagpaubaya. Kahit nan ang ilapag niya ako sa malambot at malapad na kama ay hindi ko pa rin idinidilat ang mata ko. Walang tigil niya pa rin akong hinahagkan. Para akong dinadala sa ibang dimensiyon dahil sa tila may kapangyarihang dulot ng halik ng kanyang labi. “Jax…” kusang kumawala iyon sa bibig ko. Saglit siyang natigilan at saka pinagmasdan na naman ako. We’re facing eye to eye now. Maniningning ang mga mata niya na ngumiti sa akin. Huli na para ma-realize ko na naghuhubad na pala siya. And then seconds later, ako naman ang hinuhubaran niya! Paano ba kami napaunta sa ganoong sitwasyon? “Now, we will do something which doesn’t make you feel bored,” aniya saka nagsimula ng sambahin ang dibdib kong nasa mukha niya. Malakas akong napasinghap. Hindi ko inasahan na ganoon ang mangyayari. His hand is gently caressing my lower part while kissing my breasts alternately. Sh*t! I moaned na ikinangiti niya saka ibinaon ang mukha niya sa pagitan ng dalawa kong dibdib samantalang kahit suot ko pa ang pang-ibabang underwear ko ay ramdam ko na ang daliri niyang hinahagod ako ro’n. My God. What is really happening to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD