“I will not be seeing you,” mahina ngunit malinaw na wika ni Jax. Kumunot ang noo ko sa narinig saka mariin siyang tinitigan. Pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan ng mukha niya. Wala akong makita na kahit na anong reaksiyon mula sa kanya. Patuloy lamang siya sa pagkain habang ako ay hindi pa rin natinag sa pagkakatitig sa kanya. “What’s the problem?” tanong niya na kumunot na rin ang noo. Siya naman ang tumitig sa mukha at mayamaya pa ay mahinang tumawa. “Are you mad knowing that I will not be seeing you for the meantime?” Meantime? “Are you making fun of me?” Mahigpit kong hinawakan ang tasa. Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kanya ang pagbabago ko ng mood. Maayos naman kaming nag-uusap kanina pagkatapos ay bigla lang niyang sasabihin na hindi na niya ako kikitain? O ayaw

