JAX I almost laugh aloud. Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano kumaripas ng takbo si Maddie palabas ng silid niya nang lumabas akong ng banyo. Nakakatuwa ang reaksiyon niya. Hindi maalis sa isipan ko ang mukha niya nang lingunin niya ako saka dali-daling tumakbo. Kinuha ko ang isa pang t-shirt na nasa loob ng tokador niya. Napangiti ako. Binilhan niya ako ng damit na maaari kong gamitin. Ibig bang sabihin ay inaasahan na niya akong mag-overnight stay sa mismong bahay nila? I bit my lower lip. She’s sweet. Ngayon ko lang na-realize. She cares about me huh? Mahina akong natawa. Nang maisuot ko ang t-shirt ay sunod kong isinuot ang shorts na nakalaan para sa akin. Paano kaya kung mag-asawa na kami? Gagawin pa kaya niya ang ganoon sa akin? Will she care about me every day? Saglit n

