MADDIE ITO na yata ang pinakamahaba kong tulog ngayong buong linggo. Sa himbing ng tulog ko ay hindi ko na namalayan ang pagpasok ng sinag ng araw sa silid ko. Nakabukas na kasi ang bintana na hindi ko naman ginagawa. Pipikit-pikit akong bumangon. Napangiti ako. I feel so alive. Nakatulong ang tulog ko sa lakas na mayroon ako ngayon. Pero parang may kulang. Si Jax! Masyado yatang mahimbing ang tulog ko at hindi ko namalayan na umalis siya. Marahil ay siya rin ang nagbukas ang bintana na matagal ko ng hindi inabalang buksan. Dahan-dahan akong bumangon saka tinungo ang bintana. Gayon na lang ang pagngiti ko nang makita si Jax na nasa pagitan ng garahe at garden. Nililinisan niya ang kanyang sasakyan. Akala ko ay umuwi na siya. Dali-dali akong pumasok ng banyo dala-dala ang tuwalya na bast

