NAGISING ang isa sa kasambahay nila at agad na pinigilan sa paghuhugas ng pinagkainan si Maddie kaya bumalik na kami sa silid niya. Magkahawak-kamay naming tinalunton ang hagdan pabalik sa silid niya. Walang usapang naganap hanggang sa makapasok kami. Tila nasa isang contest kami ng katahimikan na talo ang unang babasag niyon. Sabay kaming napaupo sa gilid ng kama. Pinakikiramdam namin ang isa’t isa. Pakiwari ko isang kumunoy ang lumalamon sa akin habang lumilipas ang bawat sandali. “Ahm, gusto mo bang mag-shower muna?” she asked in a loving voice. “Ipaghahanda kita ng maisusuot mo. Ah…may nabili akong ilang t-shirt kahapon. No’ng hinatid mo ako, inaya naman ako ni Andrew na pumunta sa mall. May mga binili siya ‘tapos may nakita akong damit na sa tingin ko kasya sa ‘yo.” Akmang tatayo s

