JAX NAPANGITI ako nang maalala ang mga katagang sinabi ni Val. He’s been through a lot but it doesn’t make sense. Kung ano man ang pinagdaanan niya ay hindi maaaring maulit sa isang katulad ko. We have different lives. Kung ano ang kay Pedro ay kay Pedro lang. Hindi maaaring maging si Pedro si Juan. Napailing ako. Hindi ako maaaring matulad kay dad. I promised it in my mom’s grave. Gagawin ko ang lahat upang maging masaya ang buhay ko at sa pamamagitan iyon ni Maddie. Una ko pa lang siya makita ay alam ko ng may connection kaming dalawa. I have a strong desire for her. I desire her. Iyon ang hindi ko naramdaman sa mga babae na nakilala ko. Maddie is far different from them and that’s what makes her more beautiful in my eyes. Mahina akong tumawa saka ko lang napagtanto na ibang direksiy

