JAX “BRO, you’re here,” ani ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. “I thought you’re busy.” Agad niya akong tinabihan sa upuan. “Whisky,” ani pa nito sa bartender. Paglahatid ko kay Maddie ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Val. Dumiretso ako sa bar kung saan kami magkikita. Kahit ayaw ko pang mahiwalay kay Maddie ay wala akong nagawa. Meeting Val is a business. “Balita ko, madalas kang wala sa dark office mo. Anong business naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon?” Marahan kong sinimsim ang laman ng wine glass saka siya binalingan. “I’m getting married.” Napaubo si Val. He gently tapped his chest saka ininom ang tubig na ibinigay ng bartender. Tuwing magkikita kami at mag-uusap tungkol sa business ay paborito naming puntahan ang bar na pagmamay-ari niya mismo. “Sir, tis

