HUMAHANGOS na bumitiw kami sa isa’t isa. Titig na titig ang mata niya sa akin na tila ba sinusuri niyang mabuti ang kabuuan ng mukha ko. Then he gently caressed the shape of my lips. Sunud-sunod naman ako napalunok. “You have the sweetest lips, babe,” bulong niya ngunit malakas na umalingawngaw sa pandinig ko. “We need to go. Baka kung ano pa ang magawa ko,” dagdag pa niya saka ngumiti habang kagat-kagat ang ibabang labi. Nag-iwas na ako ng tingin at itinuon na lang sa daan. Kahit na hindi sabihin ni Jax ang huli niyang sinabi, tiyak na iyon din ang maaari kong gawin. D**n! His lips became more addicting to me. May kung anong mahika sa tuwing tinatawag niya ako sa paborito niyang endearment. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong o nagsalita pa. Sapat na sa akin ang katahimikan na

