KINABUKASAN ay hindi na nga ako nakapasok sa trabaho. Kasama ko sa sasakyan ngayon si Jax at patungo kami sa appointment na sinabi niya kagabi. Sinulyapan ko siya nang kunin niya ang phone niya mula sa bulsa. Nag-ring kasi iyon at mukhang ayaw siyang tigilan. Binagalan niya ang pagmamaneho pagkatapos niyang sagutin ang tawag. Bago ang suot niyang damit at tiyak kong iniwan niya ang suot niya kagabi sa silid ko. Nagising ako kanina nang may kumatok sa pinto. Naunang bumangon sa akin si Jax. Agad akong nag-iwas ng tingin nang makita ang kahubdan niya. Ngumisi lang ang loko. Maingat na tumayo saka ako pinatakan ng halik sa pisngi. Pagkatapos ay narinig ko na bumukas ang pinto. Binati at tinawag siyang Sir at sumara na ang pinto. Inabot marahil ang damit na suot niya ngayon. Bumalik pa siya

