KABANATA 18

1080 Words

MABUTI na lang at dumating ang isa sa staff namin kaya naudlot ang dapat sana ay planong gawin ni Jax. Lukot na lukot ang mukha niya habang nagpapaliwanag sa akin si Jerald na siyang naghatid ng reports bilang assistant manager. Lihim akong napangiti. Hindi na maipinta ang mukha ni Jax at bakas ang pagkadismaya dahil ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin natatapos si Jerald. Gusto ko ng matawa sa expression ng mukha niya. As in nakabusangot talaga. Nakataas ang isang kilay habang matalim na nakatingin sa gawi ni Jerald at nakakagat labi habang pinipisil-pisil ang sariling braso. Mahina niya ring niyuyugyog ang paa dahil sa pagkainip. “Mr… excuse me, what is your name?” bigla niyang sambit. Tila lumagok ng tubig ang ginawang paglunok ni Jerald saka dahan-dahang humarap kay Jax

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD