KABANATA 2

1095 Words
“YOU’RE beautiful,” mahina niyang bulong sa tainga ko. Maliit lang ang liwanag na nakikita ko kaya hindi ko alam kung paano niya nasabi ang mga salitang ‘yon. “You really meant for me,” dagdag pa niya. Nagbibigay ng kakaibang hagod sa balat ko ang mainit niyang hininga. Sa lakas ng buga ng airconditioner ay tila nabalewala na lang ‘yon dahil unti-unting pag-init ng kabuuan ko. There’s something in the man scent that I couldn’t handle…if this prolong. Tila magiging isang paghihirap iyon sa akin kalaunan. “I’m afraid of the dark!” malakas na sigaw ko. Wala na akong maisip na ibang dahilan upang pigilan ang lalaking halos nakadagan na sa akin. Did dad know that I will be meeting this kind of man? At saka anong pinagsasabi niya tungkol sa kasal? “Please, turn on the lights! Hindi ako makahinga ng maayos!” Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib habang nakapikit ang mga mata. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kahihiyan sa tanang buhay ko! Naramdaman kong bahagya siyang humiwalay sa akin kasunod niyon ang mahinang tunog na mula sa kanyang daliri saka biglang may puting nagliwanag. Marahan kong nagmulat at tumambad sa akin ang malapad na d-dibdib ng isang lalaki! “You’re even more beautiful like sunshine.” Dumapo ang daliri niya sa pisngi ko. “So, shall we start?” Malalim akong napalunok nang ngumisi siya. Namilog ang mga mata ko nang mapagmasdan ang mukha ng lalaking yakap pa rin ako hanggang ngayon! Wala siyang saplot na pang-itaas kaya damang-dama ng dalawa kong kamay ang matigas niyang dibdib! I couldn’t blink my eyes, for God’s sake! Para akong nabato-balani. “Why are you not saying anything?” Muli niyang pinaglandas ang daliri sa pisngi ko na umabot sa ibabang bahagi ng tainga ko. “I will be gentle – “ “Let’s talk!” Kumunot ang noo niya na tinitigang mabuti ang mata ko. “Seriously…” Nanuot ang titig niya sa bawat ugat ko at nang hindi siya tuminag ay kumilos na ako upang bumangon. I need to call my dad. Kailangan kong linawin ang lahat ng sinasabi ng lalaking kulang na lang ay lunukin niya ako ng buo sa pamamagitan lang ng tingin! “I will call my dad – “ “What for?” Sumilay ang nakakaloko niyang ngiti. “He instructed you to come here, right? Alam niya ang dahilan ng pagpunta mo rito. Don’t tell me – “ Tumaas ang isa niyang kilay saka muling sinipat ang kabuuan ng mukha ko. Pagkatapos ay bumangon siya at saka tumayo. Dumilim ang anyo niya. “You can leave now.” “A-are you the Mr. De Guia who should I meet now? Anong kasal ang sinasabi mo? And my dad knows about it?” Hindi ko maiwasang tingnan ang malapad niyang likod. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang damit saka isinuot. “Pinapunta niya ako rito dahil pag-uusapan natin ang tungkol sa investment ng De Guia Corporation sa aming humble company. Now – “ “Leave now, Ms. Medina,” matigas ang boses niya. “Wala ako sa mood upang magpaliwanag sa isang bata.” “Bata? You’re saying, bata ako? Iyan ba ang tingin mo sa akin habang yakap mo ako kanina? You even kissed my skin!” He slowly bit and then licked his lip. Tumayo ako upang umiwas at umalis na ngunit hinablot ang kamay ko saka ako kinabig palapit sa kanyang katawan. “Actually, I want to kiss you more now. Will you let me?” Sinuyod niyang muli ako mula ulo hanggang paa. Doon ko lang napagtanto ang height difference naming dalawa. He didn’t meet my expectation. Ang buong akala ko ay si Mr. Jose De Guia ang makakaharap ko. Hindi siya pamilyar sa akin ngunit nang titigan kong mabuti ang kabuuan ng mukha niya ay may hawig siya kay Mr. Jose De Guia na madalas kong makitang kausap noon ni dad. Ibig sabihin siya ang – “Did I pass? Are you done examining every bit of my face?” Yumukos siya at idinikit ang tungki ng ilong niya sa ilong ko. Langhap na langhap ko ang mabango at mainit niyang hininga. It suits my taste. What I am thinking? “Hell no!” “But your face says otherwise.” Mahina siyang tumikhim. “Balak ko na sanang paalisin ka because you are too naïve of your purpose of coming here but you literally seducing me.” “Seducing you?! Are you out of your mind?” Lalong humigpit ang pagyakap ng kamay niya sa bewang ko. “Maybe. So, let’s see how far we can go.” Walang babalang bumaba siya sa mukha at agad na sinakop ang labi ko. Matindi ang kapit niya sa bewang ko, kasing-diin ng labi niyang nakadikit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. I was caught off guard. Kahit gustuhin ko mang gumalaw ay wala akong lakas ng loob dahil muli na namang nanigas ang katawan ko. Muli na namang dumaloy ang kakaibang sensasyon sa mga ugat ko. Tila boltahe ng kuyente ‘yon na magbibigay buhay sa nawawala ko ng katinuan. Pero bakit baligtad yata ang nangyayari? Mayamaya pa ay bahagyang niluwagan niya ang pagyakap sa akin. Kinuha niya ang kamay ko saka isinampay sa balikat niya. Dahil sa tangkad niya ay hindi ko agad naabot ang leeg niya kaya sinapo niya ang pang-upo ko saka ako binuhat na parang isang bata na hindi pinuputol ang paghalik niya sa labi ko. Dinala niya ako sa kung saan. Ako naman ay hindi ko magawang magmulat ng mata sa takot sa maaari kong makita. Everything is new to me. Walang sino mang lalaki ang nagtangka na hagkan ako kahit pa ang ilan sa mga nanliligaw sa akin dahil sa laki ng respeto nila but with this man, hindi niya uso ‘yon sa kanya. Umupo siya na buhat-buhat pa rin ako. Nang bitiwan niya ang labi ko ay natitigan ko ang mamasa-masa niyang labi. He licked it. Halatang gusto niyang ipakita sa akin ‘yon. His eyes darkened with intense feeling. Parang nag-aapoy ‘yon sa aking paningin. “From now on, sa akin lang ang matamis mong labi, hmmn? No one has the right to kiss these,” aniya kasabay ng pagdama ng daliri niya sa labi kong nakaawang. “Magpapakasal tayo this week but before that day come, please let me savor not only you lips but also your delicious sweet tongue.” Bago pa ako makahuma ay muli na naman niyang sinakop ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD