KABANATA 1

1296 Words
“GOOD morning, Maam Maddie!” sundud-sunod na pagbati ng mga staff pagpasok ko pa lamang ng De Guia Corporation building. “Something’s fishy,” mahina kong sabi saka masiglang ngumiti. Ilang lalaki na pare-parehong naksuot ng puting long sleeves at itim na slacks ang pumalibot sa akin. Isa-isa ko silang tiningnan. “Good morning, mam! Kami po ang mag-a-assist sa inyo papasok ng office ni Mr. De Guia,” ani ng lalaking nasa harap ko. Siya ang pinakamatangkad sa lahat at base sa itsura niya, siya marahil ang pinakamatanda. “Okay, lead the way,” tugon ko saka matamis na ngumiti. Agad na tumango ang lalaki saka sinenyasan ang iba pa. Magalang na itinuturo sa akin ang daan at bawat makasalubong ay may pagtatakang napapatingin sa akin. Dahil sa suot kong heels ay medyo mabagal ang bawat paghakbang ko. Ganoon din ang ginawa ng mga lalaking nakapalibot sa akin. Pakiramdam ko nakaabang sila sa bawat kilos na nais kong gawin. Nagmistulang VIP ako na may nakabuntot na bodyguards. Mahina akong nagbuga ng hangin. Kahit ilang beses akong pinadalhan ni dad ng bodyguards ay agad ko ring tinatanggihan pero dahil nasa iba akong teritoryo, wala akong say. Pumasok ako sa elevator pagkatapos mauna ang dalawang lalaki. Mayroon namang nakabantay sa unahan ko na tatlong lalaki. Bagama’t lima kaming nasa loob ng elevator, they didn’t attempt to get near to me. May distansiya ang bawat isa sa kanila. Ilan pang mga staff ang sabay-sabay na bumati sa akin paglabas ng elevator. Marahil ay nagtataka sila kung bakit bantay-sarado ako ng mga tauhan ng De Guia Corporation. I still remain my composure. Hindi na bago sa akin ang makipag-meet sa mga business related meetings na sa akin ibinabato ni dad. Si Andrew, ang nakababata kong kapatid, ang dapat na nasa position ko subalit abala pa ito sa mga trainings na ibinibigay ni dad. Soon, ito na rin ang gagawa ng lahat ng mga ginagawa ko. For the meantime, I have to do it for now. Natigil ako sa paghakbang nang sumenyas ang lalaking nagpakilala sa akin kanina. “Narito na po tayo sa office ni Mr. De Guia, maam.” Tumango ako saka siya kumatok ng tatlong beses sa pinto. “Sir, kasama na po namin si Maam Madelline Medina.” “Let her in,” ani ng boses mula sa loob. Binuksan ng lalaki at iginiya ako papasok sa loob. “Maaari na po kayong pumasok, maam.” Humakbang ako ng tatlong beses. “Thank you.” “Wala pong anuman,” anito saka isinara na ang pinto. I didn’t make a move. Nanatili ako sa kinatatayuan ko dahil sa madilim na kapaligiran. Pilit kong inaaninag kung saan ko makikita ang pigura ng lalaking boses na narinig ko kanina. Malaki ang isang silid upang maging isang opisina. Sa tantiya ko, ginagawa na ring tirahan ng lalaki ang kanyang opisina. Kung iisiping mabuti, literal na pumasok ako sa isang trap. Hindi ko kilala ang lalaking kailangan kong i-meet. Ang tanging alam ko lang ay isa siyang De Guia. Well, tanyag ang apelyido nila pero hindi ang mga pisikal na anyo nila. Iilan lamang sa pamilyang De Guia ang kilala sa lipunan dahil pinangangalagaan nila ang pibadong buhay na mayroon sila. Maging sa mga pahayagan at tv ay pinanatili nila ang aspetong ganoon. Kaya hindi na ako nagulat sa ambiance na makikita ko. I am fully aware of their background. Dad even reminded me to stay calm. Kakaiba man ang pananaw nila ay kailangan kong unawain. That’s business works. Muli kong iginala ang dalawa kong mata sa madilim na paligid. Unti-unti ng nasasanay ang mata ko sa dilin at habang tumatagal ay nakikita ko na ang bawat hugis ng gamit. May dalawang mahabang sofa akong naaaninag at katabi niyon ang isang mesa. Kung ako marahil ang nagmamay-ari ng opisina, nagliliwanag ito sa sikat ng araw. Paano nagagawang makapagtrabaho ng lalaking narito sa loob kung ganito ka dilim? “Ahm – “ “Are you looking for me?” ani ng malalim na boses mula sa likuran ko. Tumaas ang balahibo ko sa leeg nang dumapo ang mainit na hininga niya sa balat ko. Malakas akong napasinghap. Awtomatiko kong naikrus ang kamay ko sa dibdib. “Do you think I will eat you?” Muling naglandas ang mainit niyang hininga kasunod niyon ay ang pagdapo ng malaki niyang kamay sa bewang ko. Bumaba ang mukha niya sa leeg ko kasabay ng pagdapo ulit ng kamay niya sa isa pang gilid ng bewang ko. He’s hugging me from behind! “Hmmn, you smell like cotton candy,“ pasinghut-singhot pa niya ang balat ko. Para akong isang robot dahil halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “I bet you’re delicious.” “How dare – “ Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla na lang ako lumutang sa ere. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat na parang isang bata. “Put me down!” Ngayon lang ako labis na naalarma para sa kapakanan ko. Did dad really know this man? Sa ginawa nito ay para akong dadalhin kung saan! “Will you put me down? Hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari sa pagkikita natin!” Bagama’t mataas ang boses ko hindi ko ipinahalata ang takot at kaba na nararamdaman ko sa dibdib. Gusto ko pang makalabas at makauwi ng buhay! Hindi siya nakinig sa akin. Nahigit ko ang paghinga ko sa bawat paghakbang niya. Balewala lang sa kanya ang bigat ko. “Where are you taking me?!” Sa gitna ng dilim ay halatang kabisado ng lalaki ang dinadaanan niya. Kulang na lang ay sumabog ang puso ko sa tindi ng takot sa dibdib ko. Isang estranghero ang lalaking halos sakupin na ang kabuuan ko! “We’re here,” aniya saka ako maingat na inilapag. Malakas akong nagbuga ng hangin nang maramdaman ko ang malambot na kama. May kama siya sa loob mismo ng kanyang opisina? “Bakit mo ako dinala rito?” lakas loob na tanong ko kahit sa kabila niyon ay abot-abot na sa langit ang takot ko. “Ano sa tingin mo ang dahilan at dinala kita rito sa munti kong kaharian?” Kaharian? Kaharian ang turing niya sa kama? What nonsense is he talking about? “Excuse me, Mr. De Guia – “ “Call me, Jax,” sabad niya. “Jax De Guia, the only man who could be your sun, star and moon in the universe.” What the heck? “I’m sorry, Mr. De Guia. I don’t understand what you’re saying – “ “Call me Jax, please?” “Jax, I mean. I am here to have a meeting with you. Can we start now?” Sunud-sunod at mariin akong napalunok. Ini-imagine ko kung ano ang sunod na mangyayari. It’s the worst scenario. “We are starting now,” bahagyang lumalim na naman ang boses niya. Pagkatapos ay bigla na lang siyang umupo sa tabi ko. Umalon-alon ang malambot na kama dahil sa bigat niya. “Mr. De Guia, I mean, Jax – let’s talk the meeting formally. Ako ang ipinadalang representative ng Medina Construction Company – “ “I know,” putol niya na naman sa nais kong sabihin. “Are you not aware of your purpose of coming here?” “I am here for a business meeting,” mabilis kong sagot. Naramdaman ko ang kamay niyang pumalibot sa bewang ko kasunod ng paglubog ng mukha niya sa leeg ko. “Business meeting huh?” He gentle sighed. “Didn’t you know about our marriage?” Marriage? Wait, what? “What did you s-say?” nauutal na tanong ko. “You’re going to be my wife. So, let’s start the ceremony.” Malakas akong napasinghap nang bigla na lang akong bumagsak sa kama na yakap-yakap ni Jax De Guia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD