PINAIKOT ni Jax ang bote. Tumigil iyon sa akin at ganoon na lang ang laki ng ngiti niya. Pinanliitan ko siya ng mata ngunit lalo lamang lumuwang ang ngiti niya. “Fire it away,” wika ko. Handa ako sa kahit na anong itanong niya sa akin. “Oh, babe. Hindi na ako makapaghintay,” aniya kasabay ng pagkiskis ng dalawa niyang kamay. Inabot niya sa akin ang isang wineglass na puno ng laman. Siya naman ay beer ang iniinom. Mariin niya akong tinitigan. “Don’t you find me attractive when we first met?” Napalunok ako. Pilit kong kinakalma ang malakas na pagdagundong ng dibdib ko. Abot taenga na yata ang ngiti niya samantalang hindi ko ‘yon magawa dahil malalim kong iniisip ang tanong niya sa akin. He suddenly licked his lips in a very slow motion that I couldn’t even blink. Tila may ritmo siyang si

