“OUCH,” aniya saka ako makahulugang tiningnan. Mayamaya pa ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Kanina ka pa nakangiti riyan,” sita ko sa kanya. Kasalukyan kaming nag-iihaw ng isdang bangus na binili namin sa palengke. Pagkatapos ng namagitan sa amin sa loob ng sasakyan ay hindi na nawala ang ngiti niya sa labi kahit na umabot na yata ng isang oras kaming nag-iikot sa palengke. “You made me look like this,” sagot niya saka kumindat. Muli ko siyang kinurot sa tagiliran. “Babe, don’t do that. Hindi mo nanaisin ang gagawin ko kapag hindi ako nakapagpigil.” “Paano mo nasabi?” nakataas ang isang kilay na tanong ko. “What? You want me to do it then?” Naningkit ang mata niyang humarap sa akin. “ “Hmmp, baka masunog pa ang bangus na paborito mo ‘tapos sisihin mo pa ako,” kunwari nagtatam

