KABANATA 45

1070 Words

LIHIM akong natawa sa naging reaksiyon ng mukha ni Jax. Tumawag si daddy Jose kaya naman naudlot ang dapat sana ay plano niyang ­loving-loving. Nakabusangot ang gwapo niyang mukha habang hawak ang mobile phone na nasa taenga. Kunot na kunot ang noo niya habang kausap ang ama kaya naman iniwan ko muna siya saglit at pinuntahan ko ang duyan. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mag-ama. Dumapo sa mukha ko ang malamig at sariwang hangin. Marahan ko lang tinulak ang duyan. Ang sarap palang balikan ang pagiging bata na walang ibang iisipin kung hindi ang maging masaya. Tahimik ang buong rest house na talaga naman nakadagdag ng kagandahan ng lugar. Malayang makakapag-isip ng maayos at laking ginhawa sa katawan. Paano na lang kapag may mga paslit na naghahabulan rito? Tiyak na magiging maingay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD