Chapter 36

1345 Words

NAGDAAN ang limang buwan, tinititigan ni Oscar ang ballpen na hawak niya. Limang buwan na rin noong iniwan niya ang asawa. Walang kapatawaran ang ginawa niya para sa kanyang mag-ina. May kumatok sa pintuan ng opisina niya. "Come in." Bumukas iyon at pumasok si Nick sa loob. Tiningnan siya ng pinsan niya. "Bakit ka ganyan makatingin?" "Hindi ko alam kung paano mo natitiis na malayo sa asawa at sa magiging anak mo. Harapin mo ang asawa mo, Oscar. And be a man!" Napatayo si Oscar saka tumalikod kay Nick. Bumuntong-hininga siya. At humarap sa pinsan. "Nick, kung kaya ko ba. Ginawa ko na. Pero hangga't andiyan si mommy. Hindi kami matatahimik. Hindi magiging masaya ang pamilya ko. Lalo ko lang masasaktan ang asawa ko. Kahit ako nasasaktan. Buntis ang asawa ko!? Pero andito ako sa America!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD