bc

THE DOCTOR'S FAKE SISTER

book_age18+
477
FOLLOW
3.4K
READ
HE
age gap
doctor
heir/heiress
drama
bxg
bold
musclebear
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Divina ay isang disi sais na batang babae ang maysakit na leukemia. At nainlove sa kanyang doktor na halos kalahati na ang tanda ng edad sa kanya. Ano ang magiging buhay ng isang batang batang babae na katulad niya sa piling ng isang lalaking may malupit na ina?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
DAHAN DAHANG nagmulat ng kanyang mga mata si Divina. Inilinga niya ang mata sa buong paligid. Puro puti ang nakikita niya. Nasa langit na ba siya? Kinurot niya ang kanyang braso at napadaing. Nakaramdam siya ng sakit. Buhay pa siya. Pero nasaan siya? Isang pamilyar na pigura ang kanyang nasilayang nakangiting naglalakad palapit sa kanya. He is the same guy, her heart always melts every time she sees him smiling. Ang palaging nagpapabilis ng t***k ng puso niya. She is just a minor, a sixteen year old teenager. Nagmamahal ng lihim sa isang nasa thirty's na binatang doktor— si Dr. Oscar Marasigan. "Good morning, Divina. Kumusta na ang pakiramdam mo? Inaasahan ko na magigising ka na," ang masayang boses nito na ang narinig niyang nagsalita. Parang musika sa kanyang pandinig. Umangat ang tingin niya sa nakangiti sa kanyang si Dr. Marasigan. Ang ngiti nito sa labi ay parang kakaiba sa kanyang mata. Napakaguwapo nito sa suot na puting lab coat. Samantalang halos araw araw niyang nakikita ang binata sa ospital. "Umaga na pala, kuya. Okay lang ako. Masakit lang ang katawan ko at saka nauuhaw po ako. Pakiramdam ko pati matagal akong hindi kumain," sagot niya dito. Nag aalalangan siya kung ngingitian ba niya ang binatang doktor. Awkward naman na sobrang kaswal siyang makipag usap kay Dr. Oscar. "Normal lang ang mga signs na 'yan. Dahil mag iisang taon ka na ring tulog." Kumukuha ito ng tubig para sa kanya. Pagkakuha ay humakbang ito palapit. Natulala siya at napatitig sa mukha ni Oscar. Saglit na nanlabo ang kanyang paningin. Kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata saka napailing iling ng ulo. Nang magmulat ay bumungad ang basong may lamang tubig. Umangat ang tingin niya sa may hawak ng baso. "T-Talaga? Mag-iisang t-taon? Paano nangyari iyon?" mga sunod sunod na tanong niya habang kinukuha ang baso sa kamay nito. Matagal na siyang naghihirap sa sakit na cancer. Labing isang taon gulang pa lamang siya noong unang magpakita ang sintomas ng sakit na leukemia sa kanyang katawan. Magpa hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mawala wala. Pinangarap niyang mabuhay ng normal, katulad ng ibang mga kaedad niya. Pero nakulong siya sa loob nang ospital sa mahabang taon ng dahil sa malubhang karamdaman. Tumango si Oscar. "Na-coma ka at dinala kita rito sa America para ituloy ang gamutan mo. Huwag mong isipin ang gastos. Dahil sagot ng MPH ang lahat ng magagastos sa medication at pati na rin ang mga pangangailangan niyo ng lola mo habang andito kayo sa America. Sa ospital na ito gagawin ang chemo at radiation mo. Kasama mo kami nina Lola Anding mo at Dr. Nick. We will do our best na gagaling ka, Divina." Pagpapalakas ng loob nito sa kanya. Sa ganitong gesture ng binata nalulunod ang puso niya. Nakakainis lang dahil sa isang halos kuya na niya siya nagkagusto. Kaya pala parang iba ang lugar kung nasaan siya. Maigi na lamang at mabait sa kanila si Dr. Oscar. Dinala pa siya sa America. Nang maging mabilis ang kanyang paggaling. Gusto rin niyang gumaling para kay Oscar. Madugtungan ang buhay niya at makasama ng matagal ang binata. Napakalabong mangyari. Umaasa lang siya sa wala. Pagkalahad sa kanya ay kinuha ni Divina ang baso sa kamay ni Kuya Oscar. Dahan dahan siyang uminom ng tubig. "Kailan naman po tayo uuwi? Si Ate Devyn, nasaan siya?" "Hindi natin kasama ang ate mo. At kung kailan tayo uuwi, depende. Kung kailan ka fully cancer free. Kaya magpalakas ka at magpagaling," masiglang sagot nito sa kanya. Napagmasdan ni Divina ang mukha ni Dr. Oscar. Hindi niya maintindihan sa Ate Devyn niya kung bakit hindi nito nagustuhan ang binata. Dr. Oscar is a guy every girl would wished for. Mayaman at walang sabit. Dinig niya ay matagal na itong walang girlfriend. Malaya niya itong mamahalin kahit sekreto lamang. Si Oscar ang klase ng lalaki na sobrang ideal. A boyfriend and a husband material. Ang swerte ng babaeng mapipiling mahalin ng binata. Biglang bumukas ang pintuan. Sabay na napalingon sila ni Dr. Oscar sa pinto. At ang Lola Anding niya ang tumatakbong lumalapit sa kanya. "Salamat sa Diyos at gising ka na, apo," tumutulo ang luha nitong sambit. At saka mahigpit siyang niyakap. "Lola, nasasakal niyo na po ako sa higpit ng yakap niyo," natatawang reklamo ni Divina. Napabitaw bigla si Lola Anding at hinarap ang dalaga. "Namiss kita, apo. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag alala para sa 'yo. Natakot ako na baka kunin ka na sa akin. 'Wag, hindi ko kakayanin." Napangiti si Divina at pinunasan ang luha sa mga mata ng lola niya. "Binibiro ko lang po kayo, 'la. Sobrang namiss ko rin po kayo. Kumusta po kayo rito?" "Ayos lang ako. Basta makita kitang nasa maayos na kondisyon, okay ako. Kaya 'wag mo na kaming pakabahin. Ilang segundo, minuto, oras, araw at buwan kaming naghintay sa paggising mo. 'Di ako kailanman nawawalan ng pag asa na magmumulat ka ng iyong mata. At ito na nga. Mabuhay ka lang, apo. Hangga't gusto mo, pero huwag mo kaming iiwanan na hindi handa," mangiyak ngiyak pa ring litanya ni Lola Anding. "Salamat po, lola. Ipapangako ko na 'di ako mawawala sa inyo. Nagpapasalamat din po ako dahik andiyan kayo palagi sa tabi ko, sa amin ni Ate Diane." "Mahal na mahal ko kayo. Kahit walang dugong nanalaytay na nag uugnay sa atin, mahal na mahal ko pa rin kayong magkapatid," muling niyakap ng mahigpit ni Lola Anding si Divina. Gumanti naman ng yakap si Divina sa lola niya. LUMIPAS ang dalawang buwan. Inumpisahan na ang chemotheraphy ni Divina. Palaging kasama niyang nasa tabi si Lola Anding. Sina Dr. Oscar at Dr. Nick ang taga-cheer niya. Ang daming tusok ng karayom sa pulso niya. May mga nakakabit na wire ng aparato sa kanyang murang katawan. "Good job, Divina! Nalampasan mo ang unang chemo mo. I hope na magtuloy tuloy na mawala ang cancer sa dugo mo. May naramdaman ka pa bang iba bukod sa masakit ang katawan mo?" magiliw na bungad na sabi ni Dr. Nick. "Salamat po, Dr. Nick. Sana nga po magtuloy tuloy na ang paggaling ko. Masakit po ang ulo ko. Saka parang namumula ang mga balat ko." Nakangiting tumango ito sa kanya. "Normal lang ang mga side effect after ng chemotherapy mo. Hopefully 'pag nakabawi na ang katawan mo. Siguro after three weeks. Puwede na ulit simulan ang next round ng chemo mo," mahabang paliwanag ni Doc. Nick. Nang matapos ang kanyang unang chemo. Unti unti na niyang nararamdaman ang epekto nito. Hindi siya makakain ng maayos. Ayaw tanggapin ng sikmura niya ang pagkain. Kaya naisusuka niya lang ang mga kinakain niya. Masakit ang katawan at parang pagod na pagod. Kahit na maghapon lang naman siyang nakahiga. Lahat iyon ay tiniis ni Divina. Gusto na niyang gumaling at umuwi ng Pilipinas para makasama ang kapatid. Miss na miss na niya ang Ate Devyn niya. Hindi man lang siya nakapagpaalam dito. Wala rin siyang balita tungkol sa kapatid. Hindi nila sinasabi sa kanya ang mga kaganapan sa kapatid noong hindi pa nagsisimula ang gamutan niya. Ayon sa lola niya ay ayaw nilang magkaroon siya ng isipin at bigla na lamang hindi niya ituloy ang chemo. Nasa tabi niya ang lola niya habang hawak ang kamay niya nito. "Gagaling ka, apo. Ipagdadasal ko. Saka andito kaming lahat para sayo," pagpalakas ng loob ng lola niya sa kanya. Sumang ayon siya sa sinabi ng matanda. "And then, magsisimula nang maghanap ng posibleng match mo para sa bone marrow transplant. We just hope na as soon as possible ay mayroon ka ng ka-match para maoperahan ka kaagad." "Naku po. Saan po tayo kukuha ng ka-match ko?" "Don't worry, kami na ang bahala r'on. Just stay back and relax. We will do some test sa mga kapatid mo. Titingnan natin kung sino sa kanilang dalawa ang possible na ka-match mo," sagot ni Doc. Nick sa kanya. Nanlalaki ang mata na napabaling siya sa lola niya. Tama ba ang dinig niya? May kapatid pa siyang isa. Bakit wala siyang alam? "Dalawa? Anong pong ibig sabihin niyon, Dr. Nick?" Hindi na din niya natiis na hindi itanong. "Totoo iyon. May kakambal ang Ate Devyn mo. At hindi na iyon ang pangalan niya. Diane na ang pangalan ng ate mo. Mahabang kuwento pero ikukwento ko sa 'yo paunti unti. Ang isipin mo sa ngayon ay ang pagpapagamot mo," ang Lola Anding na niya ang sumagot. Seryoso siyang nakikinig sa kanyang lola habang nagsasalita ito. May panibagong karagdagan sa pamilya nila. At may kakambal ang ate niya. Hindi siya makapaniwala. Posible palang mangyari ang ganitong kalituhan sa totoong pagkatao ng mga kapatid niya. "Magkasama na po sila, lola? Puwede ko po bang makita ang mga kapatid ko?" Tumango si Lola Anding. "Kasama rin nila ang Lola Pacita mo. May dahilan ka na para magpagaling. Kumpleto na ang pamilya niyo," muling sagot nito sa kanya. "Magpapaalam na po ako, lola. Mamaya po ay pupunta si Oscar dito para dalawin si Divina. Hindi niya puwedeng pabayaan ang magandang pasyente niya," singit na sabat ni Dr. Nick. Napangiti siya sa tinuran ng doktor sa kanila. Hindi maintindihan ni Divina ang nararamdaman. Sa isiping makikita ang doktor ay parang may saya sa puso niya. Sinusundan ng mata ni Divina ang papalabas na doktor. Nang makalabas ito ay buong pananabik na hinarap ang lola niya. "'La, gusto ko na pong makausap sina ate. Puwede na po ba?" Hinaplos nito ang pisngi niya. "Apo, magpahinga ka muna. Katatapos lang ng chemo mo. Hayaan mo, mamaya lang ipapaalam ko kay Dr. Oscar na tawagan ang ate mo," nakangiting sagot nito sa kanya. Umayon na din siya sa sinabi nito. Kailangan nga niyang magpahinga. Sumasakit ang katawan niya pati na din ang ulo niya. Humiga siya. Kinintalan siya ng halik sa noo ni Lola Anding. Saka inayos ang kumot niya. At ipinikit niya ang kanyang mga mata. Gabi nang maalimpungatan si Divina. Napaupo siya sa kanyang kama. Hinanap ng mata niya ang lola niya. Pero nahagip ng mata niya ang naka-puting lab coat at nakahiga ito sa sopa. "Kuya Oscar!" malakas na tawag niya sa binata. Nagising ito saka nagmulat ng mata at bumangon. Napakamot ito ng ulo na lumalapit sa kanya. "Sorry, nakatulog ako. Hinihintay kitang magising. Tapos hindi ko namalayang nakatulog ako sa sopa," parang nahihiya itong tumingin sa kanya. "Sana ginising mo na lang ako, kuya. Saka alam ko na pagod ka rin sa trabaho. Kaya naiintindihan ko po. Nakakahiya nga po na naistorbo pa kita." Umupo ito sa upuan na nasa tabi ng kama niya. "Wala iyon. Ikaw kaya ang paborito kong pasyente. How are you, baby girl? Gusto mo bang kumain?" "Okay lang po ako. Hindi pa nga po ako kumakain. Ikaw po, kumain ka na?" sagot niya at balik na tanong kay Oscar. "Hindi pa nga. Gutom na rin ako. What do you want to eat?" "Kahit ano na lang po," sagot ni Divina. "Okay. Sabay na tayong kumain," sambit nito. Pareho silang nagulat ng biglang tumunog ang tiyan niya. Saka sabay silang tumawa ng malakas. Kagaya nga nang sinabi ng binata. Sabay silang kumakain na dal'wa. Napakamaasikaso at maalalahanin ni Dr. Oscar kay Divina. Alagang alaga siya nito. Pagkatapos nilang kumain ay hindi pa muling dinalaw ng inaantok si Divina. "Sleep now, Divina. Bibisitahin kita ulit bukas ng umaga," wika ni Oscar. Nag-aalinlangan siya kung sasabihin ba niya. "Kuya Oscar, puwede mo ba akong samahan muna? Hindi pa kasi ako inaantok," nahihiyang pakiusap niya sa binatang doktor. Tumingin ng matiim sa kanya ang binata. "Matatanggihan ba naman kita, Divina? Tapos na ang duty ko kaya rito na muna ako." Dahil sa kilig biglang nagliparan ang mga paro paro sa loob ng tiyan ni Divina. May pag aalinlangan sa kanyang nararamdaman niya. Dahil hindi pa siya sigurado kung totoong pagmamahal ba nga ang nararamdaman ng kanyang puso. Pero masaya ang puso niya kapag malamang malapit lang sa kanya ang Kuya Oscar niya. Masama man ang nararamdaman niyang ito. Wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay kung ano at sino ang gusto ng puso niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook